Isa na namang nakakarinding sigawan agad ang nabungaran ng dalaga na kapapasok pa lang sa malaking pintuan. Galing kasi siya sa mini-mart na namili ng kakailanganin niya sa kusina sa loob ng ilang araw. Siya na ang may hawak ng budget ng mag-asawa at binibigyan lang siya ni Rica ng pera kada linggo. Sobra ito minsan kaya binibili niya na lang ng kahit ano na maaaring magamit kung kailangan. Payapa pa noong umalis siya kanina peto ngayon, ito na ang bumugad sa kaniya. Nag-aaway na naman sila. Yeah, sna naman dahil hindi namannito bago. Kaya napailing ang dalaga dahil sa pagkadisgusto. Ang pamilya niya ay hindi ganito kaya hindi siya sanay na nag-aaway ang mag-asawang amo. Alam niya noong una na nasasaktan ng among lalaki ang asawa nito, pero nagbago naman na ito nitong nakalipas na mga bu

