Chapter 19: Sorrow of a Mother

2312 Words

Napahilamos na lang ng kaniyang mukha si Rica dahil sa inis sa asawa. Bigla lang naman ito umalis at alam niya na kung saan na naman ito pupunta. At ang masama, wala naman siyang masabi rito.  Halos pag-iyak na ang kaniyang ginagawa at naubos na ang kaniyang mga luha. Halos hindi na nga siya sinasaktan pisikal ng asawa pero sama naman ng loob ngayon ang ibinibigay sa kaniya. Kaya halos inis na ang kaniyang nararamdaman at kasama pa ang galit na unti-unting bumabalot sa kaniyang puso. Ayaw niya man ito maramdaman pero ito na nga ang unti-unting gumagapang sa kaniyang puso.  Napabuntonghininga na lang siya at napatingala sa kisame. Inaalala ang mga nakalipas na taon, mga taon kung saan siya ay umasa na magkakaanak sila. Naiiyak siya sa mga alaalang ito ngunit sadyang alaala na lang talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD