Nang matapos ang paglilinis kay Rica at nailipat ito sa private room, doon lang nakapasok si Nita at kaniyang nasamahan ang amo. Ayaw kasi talaga siya g papasukin ninyo man kaya wala siyang magawa. Hinanda na rin niya ang lahat na kailangan ng amo hanggang sa magising ito. Noong una ay tulala pa ito kaya hindi alam ni Nita kung paano ito lalapitan. "Ate, kumain po muna kayo." Aya niya sa ako habang hinahanda ang pagkain nito. Ngunit wala man lang siyang may nakuhang sagot. Napabuga na lang ng malalim na paghinga ang dalaga dahil hindi niya alam ang gagawin. Walang imik na hinanda niya ang pagkain at sinubukan itong subuan. Hindi naman ito nagsalita at tinanggap kang ang pagkain na inaabot ni Nita. Si Nita na ang nagpakain sa amo para masiguradong makakain ito. Iyon kasi ang habilin n

