Dalawang linggo ring namalagi sa hospital si Rica para masiguradong maayos ang kan'yang kalagayan. Sa mga oras na iyo ay si Nita at si Ella lang ang palagi niyang kasama na halos ayaw na siyang iwan. Masaya siya sa kunting bagay na iyon. Nitong huli lang din nalaman ni Nita kung ano ang nangyari sa amo, na buntis ito kaya gulat na gulat talaga siya. Lalo na nakakapagtaka para sa kaniya na nag-aaway ang mag-asawa tungkol sa bata kung buntis naman ang kaniyang among babae. Isa lang ang naisip niyang dahilan, at iyon ay ayaw sabihin ng kaniyang among si Rica sa sir niya ang kaniyang kondisyon. Ngayon nga ay bumibiyahe ulit sila pauwi ng malaking bahay. Walang kaalam-alam si Gab sa nangyari sa asawa dahil tinago nila ito ng napakahusay. Ang alam lang nito ay maraming pasyente ang asawa kaya

