Maaga pa lang ay umalis na ng bahay si Rica. Kailangan niyang magmadali kung gusto niyang maiayos pa ang pagsasama nilang mag-asawa. Hindi siya puwedeng pakupad-kupad lang kung may goal siyang dapat marating. Naniniwala si Rica sa sinabi ni Nita dahil ni minsan ay hindi ito nagsinungaling. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa salitang 'Annulment'. Sagrado sa kaniya ang kasal kaya ayaw niya itong masira ng ganoon lang. Pagkapasok niya sa opisina ay pumunta agad siya sa mesa ng kaniyang ate. Nasa iisang silid lang sila kaya bantay sarado siya ng ate, maliban lang kung may gagawin siyang bilang doktor sa ibabang palapag doon ang isa niyang opisina. Ito ang dahilan kung bakit hindi magawang bumisita ni Gab sa kaniya. Takot kasi ito sa ate niya na mataray pero alam ni Rica na palabas l

