Dumating ang umagang nakabusangot si Nita. Hindi niya pinapansin si Rica na sinusuyo na siya. Halos magluhod na nga ito pero hindi pa rin umobra. Sa nangyari kahapon, nainis si Nita sa babae. Hindi iyon nawala hanggang sa kaniyang paggising. Nakabusangot lang ito na hindi maatim ni Rica na makita. "Pansinin mo na ako." Kanina pa si Rica paulit-ulit pero ni minsan ay hindi man lang siya nilingon ng babae. Parang hangin lang siya rito na hindi nakikita. Ngayon ay nakaupo ito sa kubo habang nakatingin sa swimming pool. Si Rica ay nakaupo sa kaniyang tabi ngunit parang wala lang itong katabi kung umasta. "Sorry na." Hindi alam ni Rica kung bakit siya nagso-sorry, but she felt that she needs to say sorry. And she made Nita cried last night. "Bibilhan kita ng kahit anong gusto mo. Chocola

