Chapter 37: Almost Busted

2060 Words

Maaga pa lang ay naghanda na ang dalawa. Isasama ni Rica si Nita para matingnan ito sa hospital at makapa-ultrasound na rin. Alaga niya nga ito pero mas mainam na lahat ay namo-monitor.  "Are you ready?" Tanong ni Rica na kababa lang ng hagdan. Ang kaninang ngiti niya ay biglang naglaho nang makita niya ang ayos ni Nita. "Bakit hindi ka pa nakapag-ayos?" Nakakunot pa ang kaniyang noo.  "Nakapag-ayos na kaya ako." Nakatihaya sa sofang sagot ni Nita. Nakasuot ito ng large size t-shirt at leggings na akala mo sa bahay lang at walang lakad.  "Iyan na ba ang maayos sayo?" Napalatak si Rica. "Mag-ayos ka roon, 'yong maayos. Magpapa-check ka po hindi matutulog."  "Maayos-" hindi na naituloy ni Nita ang kaniyang sasabihin nang biglang may pumutol sa pagtatalo nila.  "Sino ang ipapa-check up?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD