"Rica, p*t*ng*na mo. Ano itong pinadala ng korte sa akin, ha? Hanggang ngayon gagawan mo pa talaga ako ng kahihiyan!" Sigaw ni Gab sa labas ng kanilang bahay na may hawak na papel. Hindi na kasi ito nakakapasok sa hospital nila kaya sa bahay niya na ito nambubulabog ngayon. "It's a restraining order. Lumayo ka sa akin kung ayaw mong makulong." Walang takot na sabat ni Rica. Ang ate niya ang may gawa nito. Natakot silang lumapit pa ito lalo na sa ginawa nito sa kailang lolo at lola. Walang alam ang mag-asawa na walang bisa na ang kanilang kasal noong una tapos malalaman nilang gusto pa sanang kutungan ang dalawang matanda. "Wala akong ginawa para bigyan mo ako nito?" Sigaw niya na nakakabulahaw na sa mga kapitbahay. Hindi na lang sila nangingialam dahil wala namang sakitang nagaganap. N

