Pagkabasa ni Rica kung ano ang inabot na papel ng dalaga, nagmadali agad siyang bumababa ng sasakyan upang mahabol ito. Hindi siya papayag dito at napakalaki talaga ng kaniyang pagtutol. Habang si Nita na nasa front desk at gamit ang papel na binigay ni Ella ay binigyan siya ng susi. Nakapasok siya sa hotel ng walang kahirap-hirap at wala ni ano mang aberya. Hindi na siya kumuha ng bellboy na maghahatid sa kanila. Maliit lang ang bag o bagahe nila, kaya niya na itong buhatin o hilahin. Hinintay ni Nita ang amo na papalapit na sa kaniya nang makita niyang papalapit na ito. Masama na ang templa ng mukha nito na halatang gusto ng sumabog. May delikadesa pa naman si Rica kaya hindi siya gumawa ng bagay na alam niyang ikakapahiya niya, at alam ito ni Nita kaya hindi na muna siya umimik. K

