"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Nita sa kasintahan habang nakaupo sa gilid ng swimming pool. Medyo hapon na at hindi na mainit kaya naisipan ni Ricang maligo sa swimming pool habang si Nita ay naupo sa gilid habang nakasawsaw ang paa sa tubig. Nakasandal na si Rica sa gilid dahil napagod na siya kalalangoy at nakipag-usap na lang sa kasintahan habang nakababad. "Wala naman. Bakit mo na itanong?" Tanong ni Rica at tiningnan pa ang kasintahan. Humarap siya rito at humawak sa expose nitong hita. Nakabestida ito at nabasa na nga ang ibabang bahagi ng damit nito pero wala siyang pakialam doon. Pinatong ni Rica ang baba sa hita ng babae at tiningnan ito. "Puwede ba tayong manood ng movie?" Nakangiting sabi ni Nita at hinaplos na ang pisngi hanggang ulo ng kasintahan. "Sure. Ano ba ang

