Lumipas ang mga araw na maayos ang pagsasama ng dalawa. Palagi pa ring abala si Rica sa trabaho pero ngayon ay palagi niya nang tinatawagan ang kasintahan kahit isang minuto lang. Masaya sila lalo na ngayon na lumalaking malusog ang bata sa sinapupunan ni Nita. Wala naman silang nakitang komplikasyon o ano sa mag-ina kaya masaya silang lahat lalo na ang mga magiging lolo at lola na palagi silang kinukumusta. Ilang linggo pa lang sila nakakauwi at alam na rin sa mga kaibigan nila na buntis siya. Halos lahat ng tao na kilala sila ay alam na nilang buntis ito dahil hindi naman nagtatago ang dalawa. Minsan ay makikita mo silang nasa park at namamasyal, kumakain sa lagoon, o hindi kaya ay nanonood ng palabas sa plaza. Ang mga kaibigan ni Nita ay alam na rin ito dahil hindi na nga tinago

