Tatlong araw na ang nakakalipas pagkatapos nilang mag-usap na mag-ama. Naging magaan ang loob ni Nita pagkatapos lalo na't wala na siyang dinadala pa na bigat ng loob. Masaya ang araw ni Nita at lalo na nang naisipan nilang mag-anak na maligo sa sapa. May sapa kasi sa hacienda na hindi masyado pinupuntahan ng mga tao lalo na kung palagi silang abala tapos medyo malayo sa sentro kaya hindi dinarayo. Mabuti na lang at kayang pumasok doon ng traysikel kahit maliit lang ang daanan. Lumiban muna ang mga-asawa sa trabaho para makasama ang anak kahit isang araw lang. Alam nilang hindi doon magtatagal si Nita kaya gusto nila itong sulitin. Honey also felt excited when she knew the plan. Gusto niyang dalhin ang sasakyan pero hindi ito kaya makapasok doon. Hindi na siya nakipag-away pa at suma

