Medyo tanghali na nang magising ang dalawang babae. Dahil sa antok ay medyo napatagal din ang kanilang pagtulog. Hindi pa naman nakakauwi ang mga magulang ni Nita kaya naisipan niyang magluto ng pananghalian. Alam niyang gutom na kapag umuwi ang mga ito. May natira pang pang-agahan na siyang kaniyang ininit at kinain nila ni Honey. Wala namang reklamo ang babae at nagustuhan pa nito ang tuyo na nakahain. Sarap na sarap ito kaya natatawa si Nita at pinipisil minsan ang pisngi ng babae. Bumubusangot na lang ito dahil hindi niya naman masaway ang buntis. Lalo na't laging may pangontra ni Nita. "Hindi puwedeng hindian ang buntis." 'Yan ang palagi niyang sinabi, simula pa kagabi, kaya wala siyang magawa kundi ang pagbigyan ito. Pagkatapos nilang kumain ay nagluto ulit si Nita para mamay

