HINDI napigilan ni Solana ang mapakuyom ng mga kamao nang makita niya ang pag-ngisi ni Nicolai nang makita nito na suot na niya ang maid uniform na gusto nitong isuot niya bilang pagta-trabaho niya sa napakalaking mansion nito. Napansin nga din ni Solana ang pagpasada nito mula ulo hanggang paa hanggang sa tumigil ang tingin nito sa mukha niya. A smile of satisfaction lingered on his face. “I was right, Solana. It really suits you," wika sa kanya ni Nicolai. Pagkatapos niyon ay kinuha nito ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng mesa at saka nito iyon itinutok sa kanya. Huli na para takpan ang mukha nang kuhanan siya nito ng litraro gamit ang cellphone nito. "I'll send this to your father," wika nito sa kanya. I want him to see that the child he has always protected is now in my hands

