ILANG oras pa silang nanatili ni Nicolai sa shooting range kung saan siya nito tinuruan bumaril nang magyaya na itong umuwi. Sinabi sa kanya ni Nicolai na tinuturuan siya nito na bumaril para sa mga kalaban niya. At hindi naman niya alam kung sinong kalaban ang tinutukoy nito dahil wala naman siyang kaaway. Ang laging umaaway lang naman sa kanya ay si Eva. Gusto ba nitong barilin niya si Eva? Eh, hindi ba ay pino-proteksiyonan nito ang babae. At gusto din ba nito na barilin niya ito? Eh, kalaban din niya ito dahil sa pagkidnap din nito sa kanya. Gusto ba ni Nicolai na barilin niya ito kapag natuto siyang humawak ng baril? Pero hindi naman natuto si Solana dahil hindi niya matamaan ang target niya, puro sablay. Hindi kasi siya makapag-concentrate ng maayos. Paano naman kasi niya makakap

