KALALABAS lang ni Solana ng banyo ng saktong makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng kwarto niya. At sigurado siyang hindi si Nicolai ang nasa labas dahil hindi naman ito kumatok. Bigla-bigla na lang kasi itong pumapasok sa kwarto niya. At minsan ay nagugulat na lang siya kapag nakikita niya ito sa loob ng kwarto niya. May dalawang tao naman ang nasa isip niyang nasa labas. Kung hindi si Angelo ay ang kasambahay ni Nicolai na madalas na nagpupunta doon para ipatawag siya. At pagbukas niya ng pinto ay ang pamilyar na mukha ng kasambahay ni Nicolai ang nakita niya. "Good morning, Ma'am Solana," bati nito sa kanya nang magtama ang mga mata nila. “Ma’am, Sir Nicolai is calling for you,” wika nito sa kanya. "Ngayon na?" Tumango naman ito bilang sagot. “You’re being

