NAG-ANGAT ng tingin si Solana patungo sa pinto nang makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas niyon. May kumatok, ibig sabihin ay hindi si Nicolai ang nasa labas ng kwartong tinutuluyan. At nang sandaling iyon ay alam niyang si Angelo ang nasa labas. Dalawang tao lang naman ang nagpupunta sa kwarto niya. Kung hindi si Nicolai ay ang kanang kamay nitong si Angelo. Tumayo naman si Solana mula sa pagkakaupo niya. Pagkatapos niyon ay humakbang siya palapit sa pinto para pagbuksan ito. At pagbukas nga ni Solana ay hindi nga siya nagkamali nang makita niya si Nicolai. Pero nakita niyang hindi ito nag-iisa. May mga kasama itong mga babae. Napansin nga din niya na may kanya-kanyang bitbit ang mga ito. At hindi naman niya alam kung ano ang mga iyon dahil naka-box. "Lady Sola

