NANG makalabas si Nicolai sa library kung saan niya nakausap si Lord Marco ay agad niyang inilabas ang cellphone para tawagan si Angelo. "Ready the car, Angelo," utos niya sa kanang kamay niya. Hindi naman na niya hinintay na sumagot ito dahil pinatay na niya ang tawag. Muli niyang ibinulsa ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon at saka nagpatuloy siya sa paglalakad. Marami siyang nakasalubong na tauhan ni Lord Marco, binabati at yumuyukod sa kanya pero isa sa mga ito ay hindi niya pinansin. Blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya nang magpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng mansion. At gaya ng inutos niya kay Angelo ay nakita niyang ready na ang sasakyan. At nang makita siya nitong palapit ay agad nitong binuksan ang pinto sa gawi ng backseat. Walang imik na s

