NANG makaalis ang lalakimg dumukot kay Solana ay tiningnan niya ang inabot nito sa kanya na paperbag. At halos magkasalubong ang mga kilay nang makita kung anong laman niyon. It was a sexy red negligee. Iyon ba ang gusto nitong isuot niya? At sa tingin ba nito papayag siya? No f*****g way! Sa halip naman na isuot iyon ni Solana ay basta na lang niya iyong hinagis. Pagkatapos niyon ay inilibot niya ang tingin para maghanap ng pwede niyang gamitin na panlaban niya sa lalaki kapag bumalik ito. Wala siyang makitang kahit na ano na pwede niyang gamitin. Hanggang sa napatitig siya sa sofa at kama. Saglit siya doon nakatitig hanggang sa may naiisp siya. Humakbang si Solana palapit sa sofa. Pagkatapos niyon ay itinulak niya ang sofa palapit sa pinto. Naisip kasi niyang iharang iyon para h

