Chapter 57

1309 Words

MASAKIT ang ulo ni Solana nang magising siya. Para iyong binibiyak, hindi lang iyon, nakaramdam din siya ng pagkahilo Tumaas nga din ang isang kamay para sapuhin ang kumikirot na ulo niya, hindi nga din niya napigilan na mapaungol habang minamasahe niya ang ulo. At mayamaya ay nagmulat si Solana ng mga mata at sa kabila ng kirot ng ulo na nararamdaman ay hindi niya napigilan ang mapakunot nang noo nang makita ang hindi pamilyar na bubong. Inilibot nga din niya ang tingin sa paligid at ganoon na lang ang pagbalikwas niya ng bangon nang makitang nasa hindi pamilyar siyang silid. At do'n din niya na-realize na nakahiga siya sa malamig at matigas na semento. Kaya pala hindi lang ulo ang nananakit, pati na din ang katawan niya. Hindi naman napigilan ni Solana ang mapaisip kung nasaan siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD