"SIR NICOLAI."
Tumigil si Nicolai sa paglalakad nang makarating siya sa harap ng pinto ng torture room sa Headquarters ng Velvuto sa Italy.
Velvuto is a secret criminal organization group na pinamumunuan ng Mafia Boss na si Marcus Russo. Nicolai Valente stands as the underboss of Velvuto, the man right beneath the boss, and the second most powerful figure in the syndicate.
At kahit na Underboss lang siya ay kinatatakutan din siya ng lahat. No one’s foolish enough to mess with him or the Boss himself. Dahil talagang pinaparusahan niya ang lahat ng nang bumabangga at kumakalaban sa kanya. Parusang kahit na sa kamatayan ay dala-dala pa din ang sakit.
He was Nicolai “The Devil” Valente, after all. Ruthless, feared, and dangerously close to being the devil himself. Even as the second-in-command, he remained one of the wealthiest men in Italy. May sarili din siyang mga negosyong pinapatakbo. Idagdag pa ang negosyo ng Velvuto na mga illegal na negosyo. Gaya na lang ng money laundering, Arm Dealing, Prostitution and Human Trafficking.
"Open the door," utos niya sa malamig na boses sa gwardiya na nagbabantay sa labas ng torture room. Agad namang sinunod ng lalaki ang inutos niya.
Walang emosyon na pumasok siya sa loob. Pagpasok ay agad na tumuon ang tingin ni Nicolai sa lalaking bihag na nakatayo habang ang dalawang kamay ay nakataas at nakakadena. Nakatalakbong din ang ulo nito ng sako.
Sinulyapan naman niya ang tauhan na nasa loob ng kwarto. Agad naman nitong nakuha ang ibig sabihin ng tinging ipinupukol niya dahil yumuko ito bago humakbang palapit sa lalaking bihag.
Inalis nito ang nakatukbong sa ulo nito at binuhusan ito ng malamig na tubig para magising.
Humakbang naman si Nicolai palapit sa torture equipment para maghanap ng gagamitin niya para dito. At umangat ang dulo ng labi niya nang makita niya ang isang punyal.
Hinaplos nga niya ang talim niyon. Pagkatapos ay lumapit siya sa bihag. Bugbog sarado na ito pero gayunman ay sarado pa din ang bibig nito.
Malaki kasi ang atraso sa kanya ng boss nito. At ang lalaking bihag ay ang kanang kamay ng may atraso sa kanya.
His boss was a Chinese syndicate leader whom he worked with in arms dealing. But his boss messed with him and that was a mistake. Hindi si Nicolai ang personal na nakipag-transcact dito ng i-diniliver na ang nga in-order nitong mga armas dahil busy siya ng araw na iyon. Kaya ang kanang kamay na pinagkakatiwalaan din niya ang inutusan niya para makipag-transact kay Zhao Ming. Pero hindi na nakabalik ang kanang kamay niya at ang mga tauhang kasama nito. At doon nalaman ni Nicolai ang nangyari sa tauhan. Galit na galit nga si Marcus Russo nang malaman nito ang tungkol do'n dahil hindi lang sila nabawasan ng mga tauhan, kundi milyon-milyon din ang nawala sa kanila dahil sa kagagawan ni Zhao Ming pero hindi matatawaran ang galit ni Nicolai dahil sa ginawa nito sa isa sa mga pinagkakatiwalaang niyang tauhan.
Zhao Ming dared to cross him, so Nicolai gave him a game he knew only one man could win: himself.
Nahihirapan siyang makalapit kay Zhao Ming dahil sa dami ng tauhan nitong nakadikit dito. Kaya nag-isip siya ng paraan para makapaghiganti. An eye for an eye. Hindi sapat na patayin din niya ang kanang kamay nito, gusto niya iyong mararamdaman nito ang sakit. Kaya sa pag-i-imbestiga niya dito ay nalaman ni Nicolai na may itinatago itong anak, tagapagmana ng lahat ng ari-arian nito. Pero ang problema ay hindi niya alam kung sino at kung saan nito itinatago ang tagapagmana nito. At kahit na anong gawin niyang pag-i-imbestiga ay hindi niya matukoy kung sino ang tinatago nitong anak.
At si Zhao Ming at ang kanang kamay lang nito ang nakakaalam kung sino at kung nasaan ang hinahanap. At dahil hindi siya makalapit kay Zhao Ming ay ang kanang kamay nito ang kinuha niya.
“No matter what you do to me, you won’t get any information.” wika nito, kahit na nanghihina na ay matapang pa din ang boses nito.
Nicolai smirked. "Really?" wika niya, hinahaplos ang talim na hawak niyang punyal. “Let’s see if I really can’t get any information out of you.” dagdag pa na wika niya. Pagkatapos niyon ay pinaglandas niya ang punyal sa leeg nito.
“What if I put this blade to your throat? Think you’ll still stay silent?” wika niya, itinutok nga niya ang talim ng punyal sa leeg nito. Bahagya niya iyong idiniin, napangiti siya nant makita ang pag-agos ng dugo sa leeg nito. “Too blunt. That’s not torture, that’s a clean kill. Torture is supposed to make you suffer.”
Pinaglandas niya ang talim ng punyal sa mukha nito hanggang sa itutok niya iyon sa mga mata nito. “What if I gouge your eyes out with this?” dagdag pa na wika niya.
Hinawakan niya ito sa ulo ng ilayo nito ang mukha sa kanya. “Who said you should move your head away?”
Nawala ang ngisi ni Nicolai dahil sa ginawa nito. Dumiin nga ang hawak niyang patalim sa ibaba ng mga mata nito.
Sumigaw ang lalaki dahil sa sakit pero wala siyang nararamdaman na awa para sa lalaki. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang awa.
Hindi pa nga na-kontento si Nicolai dahil sinugatan niya ang mukha nito.
Ginawa nga niyang canvas ang mukha nito. At ang brush niya ay ang talim ng punyal ay ang paint niya ay ang sariling dugo nito.
Sumisigaw sa sakit ang lalaki pero hindi niya ito pinakinggan, patuloy lang siya sa ginawa.
Tumigil lang siya ng halos hindi na niya makita ang mulha nito dahil sa dugo.
"What next?" wika niya ulit, gamit ang hawak na punyal ay pinunit niya ang damit nito. Puno ng pasa ang katawan dahil sa pambubgbog dito ng mga tauhan pero hindi iyon hadlang para hindi niya gawin ang mga ginagawa. Gaya ng ginawa niya sa mukha nito ay ganoon din ang ginawa niya sa buong katawan nito.
“If you already talked, you wouldn’t be suffering anymore, would you? You could die peacefully,” he said to him.
“Just kill me.”
“Kill you? That’ll come later, after I get what I want,” wika niya.
Nicolai kept torturing the man, showing no hint of mercy in his cold, steady eyes. Isang klase ng torture na talagang mapapasigaw ito sa sakit at hilingin na patayin na lang ito. Pero gaya ng sinabi niya kapag pinatay niya ito ay hindi niya malalaman ang gustong makuha.
"Please...kill me now," halos nagmamakaawa na wika nito ng lagyan niya ng alcohol ang lahat ng sugat na natamo nito sa kanya.
“I’ll put you out of your misery, after you tell me who and where the one I want is," wika niya. At nang hindi pa ito sumasagot ay isinaksak niya ang punyal sa tagiliran nito. "You still won’t talk?”
Hinugot niya ang punyal na isinaksak niya sa tagiliran nito at itinutok niya iyon sa groin area nito. “I’ll count to three. If you still don’t answer, I’ll cut it off and feed it to you,” banta niya.
"One," nagsimula na siyang magbilang. "Two" Idiniin na niya ang hawak sa groin area. At bago pa siya matapos sa pagbibilang ay nagsalita na ito.
“All right… I’ll talk. I’ll tell you," wika nito.
Ngumisi naman siya.
"But promise me first. Kill me afterwards," wika nito.
"You’re really going to die anyway," sagot niya. "Now, speak."
"S-solana Chua," sagot nito sa nanghihinang boses. "My boss is hiding his daughter in the Philippines," dagdag pa nito.
At nang malaman niya dito ang kailangan niya ay ibinigay niya ang punyal sa tauhan niya.
“Do as he requested. After that, box up his body and send it to Zhao Ming’s address. Consider it my gift to him.”
Nang sabihin iyon ni Nicolai ay lumabas na siya sa torture room. Naghugas muna siya ng kamay na puno ng dugo bago niya kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng suot na pantalon.
At saka niya tinawagan ang Mafia Boss para magpaalam na pupunta siya ng Pilipinas para hanapin ang anak ni Zhao Ming.
At nang makuha niya ang abiso nito ay tinawagan niya ang tauhan nito.
“Ready my private plane. We’re going to the Philippines," wika niya sa kausap.
"Get ready, Solana Chua. You’re going to meet the devil, in human form,” Nicolai murmured to himself.