Chapter 2

1770 Words
SOLANA Chua puffed her cheeks as she read her friend’s text message--Andrea. Pasimple nga din niyang tiningnan ang nasa harap. Ang driver at ang bodyguard bago niya ibinalik ang atensiyon sa harap sa cellphone na hawak. Of course, Andrea. Matatakasan ko ang bodyguard ko. I'm not Solana Chua for nothing. Nang ma-itype niya ang kanyang reply ay agad niyang senend iyon kay Andrea. Ngiting-ngiti naman siya habang hinihintay niya ang reply ng kaibigan. At mayamaya ay nakatanggap siya ng reply dito. Dapat lang, Solana. Dahil kung hindi mo matatakasan ang mga bantay mo ay hindi mo makikilala ang poging ipapakilala ko. Napangisi si Solana nang mabasa niya ang reply na iyon ni Andrea. Ako ang bahala. Matatakasan ko ang mga bantay ko. Hindi na hinintay ni Solana ang reply sa kanya ni Andrea dahil ipinasok na niya ang cellphone sa loob ng bag. Pagkatapos niyon ay kinagat-kagat niya ang kuko sa daliri habang nag-iisip kung paano niya tatakasan ang bantay niya. She was Solana Chua, the hidden daughter of a powerful business tycoon in China. Sa totoo lang ay hindi alam ni Solana kung sino ang totoong magulang niya dahil bata pa lang siya ay ipinadala na siya ng ama sa Pilipinas, kasama ang Nanny niya para itago mula sa kamay ng kalaban ng ama sa negosyo. It seemed her father’s power had earned him many enemies, and that was why they kept Solana hidden from the world. At ang pagkakaalam din ni Solana na hindi talaga Chua ang apilyido niya. Dahil kung totoong apilyido ang gagamitin ay sigurado siyang mahahanap siya ng mga kalaban ng ama. Tinanong nga din niya ang Nanny niya kung sino ang tunay na magulang, pero tikom ang bibig nito at sinabing huwag na lang niyang alamin para sa kaligtasan niya. At ang tandaan lang daw niya ay ginawa iyon ng magulang para sa kaligtasan at para maging normal ang buhay. Since then, she never asked again—she knew he would never give her an answer. Sa totoo lang noong una ay nakaramdam siya ng hinanakit para sa mga magulang, pero sa bandang huli ay natanggap na din niya. Ang importante ay naibibigay ng mga ito ang mga pangangailangan niya. Sobra-sobra pa. At kahit na hindi niya kilala o hindi pa niya nakikita ang magulang ay na-i-spoiled na siya. Tawag nga sa kanya ni Andrea at ang mga taong nakapaligid sa kanya ay spoiled brat princess. Well, I'm not a princess. I am queen. At hindi niya itatangging spoiled brat siya. Mayamaya ay napangisi si Solana nang makaisip siya kung paano niya tatakasan ang bantay para makasama siya sa lakad ni Andrea. Sa totoo lang ay malaya naman siyang nakakalabas noon, kahit na driver lang ang kasama niya. But in the past few months, her nanny had spoken to her, telling her that her father had assigned her a bodyguard. Tumutol siya pero igiit ng Nanny niya ang kagustuhan ng ama kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag. At sa totoo lang ay naiirita siya sa tuwing sumusunod ang bodyguard sa kanya. Dahil pakiramdam ni Solana ay lahat ng kilos niya ay binabantayan nito. "Hmm...Manong, daan muna ako sa Mall. May nakalimutan akong bilhin," wika niya dito. "Ma'am, bilin po nila na ideretso na kayo sa mansion," sagot ng driver sa kanya. Ang tinutukoy nitong 'nila' ay ang ama. "Saglit lang ako don, Manong," giit niya. "Pero, Ma'am-- "Anong gusto niyo? Idaan niyo ako sa mall o takasan ko kayo?" putol niya sa sasabihin nito. Nakita naman ni Solana ang pagsulyap ng driver sa katabi nito. At lihim siyang napangiti nang makita niya ang pagtango nito sa kasama. Wala naman ng nagawa ang driver kundi idaan siya sa Mall. Nang makarating ay pinagbuksan siya ng bodyguard ng pinto sa backseat pagka-park nito ng kotse. Taas noo namang naglakad siya papasok sa loob ng Mall. Mabilis namang sumunod ang bodyguard sa kanya. Hinayaan lang naman niya ito para hindi ito makahalata. Dumiretso naman siya sa bookstore para bilhin ang kunwari na nakalimutan niya. Siyempre, nakasunod pa din sa kanya ang lalaki. Nang matapos mamili ay lumabas na siya. At sa halip na umalis na ay dumiretso siya sa restroom. Doon kasi niya gagawin ang pagtakas niya. Pinaningkitan naman niya ito ng mga mata nang akmang papasok din ito sa loob. "What are you doing?" tanong niya dito sa mariin na boses. "You're not allowed to go inside," wika ni Solana dito. Hindi na nga din niya ito hinintay na magsalita dahil pumasok na siya sa loob. Naghanap naman siya ng babaeng kasingtangkad niya sa loob ng banyo. Hanggang sa may na-spot-an siya. Perfect din ang suot nito. Jacket at may suot din itong sobrero. Lumapit siya dito. Pero bago ang lahat ay pasimple muna niya itong inamot, mahirap na baka may amoy pa ito. Napangisi naman siya ng mabango ito. "Hey," tawag niya sa atensiyon nito. "I need your help. Give me all your clothes--now," wika ni Solana sa pakay niya. Akmang magsasalita ito ng mapatigil ito ng ilabas niya ang wallet at inabutan niya ito ng sampung libong piso. "Ten thousand for your clothes," wika niya dito. "And take my dress, too," dagdag pa niya. At dahil malaking halaga iyon ay agad na pumayag ang babae. Niyaya naman niya ito sa cubicle at saka sila nagpalit ng damit, sinabihan din niya ito na huwag na muna itong lumabas. Inayos naman niya ang sarili, pati na din ang sombrero na suot. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago siya lumabas ng restroom. Kunwari ay nakatingin siya sa cellphone ng madaanan ang bodyguard niyang nasa labas. Napangisi si Solana nang malagpasan niya ito ng hindi siya nito nakikita. Binilisan naman niya ang paglalakad para makalabas siya agad ng Mall, baka kasi makahalata na ang bodyguard na hindi pa siya lumalabas ng restroom. Nang makalabas ay agad siyang pumara mg taxi. At agad niyang sinabi ang pupuntahan sa driver Inilabas nga niya ang cellphone para i-text si Andrea. Mission accomplished. Nakatutok ang atensiyon ni Solana sa cellphone dahil nagpapalitan sila ng text message ni Andrea nang mapatili siya ng biglang nag-preno ang driver. "What happened-- Hindi na natapos ni Solana ang ibang sasabihin nang makita niya ang isang kotseng humarang sa sinasakyang taxi. Inakala ni Solana na ang driver at ang bodyguard niya iyon pero hindi. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata at ang kaba na naramdaman ng puso nang may lumabas na dalawang armadong lalaki na mula sa kotse. At tinutukan sila ng baril. "Buksan mo," utos ng isang lalaki sa driver. "Kuya, huwag," wika naman niya. At nang hindi pa sumusunod ang driver ay tinutukan ito ng baril kaya wala itong nagawa kundi buksan ang pinto. Nahindik siya nang bumukas ang pinto sa gawi niya. "Baba!" wika ng lalaki sa kanya. Sa halip na sundin ay inabot niya dito ang bag. "Sa inyo na po lahat ng pera ko," sagot niya dito, pero sa halip na kunin nito ang bag ay hinablot siya nito at kinaladkad palabas ng sasakyan. "Aw," daing niya ng mauntog pa siya sa kotse. Pakiramdam nga niya ay umikot ang ulo niya. Akmang sisigaw siya para humingi ng tulong nang mapatigil siya nang tutukan siya ng armadong lalaki ng baril sa kanyang tagiliran. "Sigaw at mabubutas ang tagiliran mo," wika nito sa kanya dahilan para maitikom ang bibig. "Lakad," wika nito sa kanya sabay tulak. Ipinasok nga siya nito ng sapilitan sa kotse. "Anong gagawin niyo? Gusto niyo ng pera? Bibigyan ko kayo? Kahit ilang halaga, pakawalan niyo lang ako," wika niya dito. Hindi siya tumigil sa kakasalita hanggang sa hindi niya nalalaman ang gusto ng mga ito. At mayamaya ay nagulat na lang siya ng busalan siya ng isang lalaki para hindi siya makapagsalita. Mayamaya ay napatili siya ng sumubsob ang mukha niya ng bigla na namang nag-preno ang driver. "s**t!" Narinig niyang mura ng isa nang makita nito ang itim na kotse na humarang sa kanila. Bumaba naman ang isang armadong lalaking nakaupo sa passenger seat. At ganoon na lang ang panlalaki ng mata ng bigla itong natumba ng bumaba din ang sakay ng itim na kotse na humarang sa kanila. Naalarma naman ang kasama niya sa loob, bumaba ang mga ito. At napasigaw na lang si Solana nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril. At ang paghandusay ng mga lalaking armado. Tinakpan naman niya ang tainga niya habang sinisiksik ang sarili sa ilalim ng kotse. Sunod-sunod nga din ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. At taimtim na nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa kanya. Hindi nga din niya napigilan ang makaramdam ng pagsisisi kung bakit tinakasan pa niya ang driver niya. Mayamaya ay tumigil ang putukan at naramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa gawi niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang malapad na katawan ng isang lalaki, nakasuot ito ng itim na long-sleeved na hapit sa katawan nito, matangkad ito dahil hindi niya makita ang mukha nito. Mayamaya ay nakita niya ang paglahad nito ng kamay. It seemed the man was her protector--the one who had saved her from her abductors. Sa nangining na kamay ay inabot niya ang kamay nitong nakalahad. And the moment Solana held his hand, she felt a surge of electricity course through her entire body. Inalalayan siya nitong bumaba. At muntik na siyang matumba pagkaapak ng mga paa sa semento dahil naramdaman niya ang panlalambot niyon. At kung hindi lang naging mabilis ang reflexes ng lalaki ay baka natumba na siya. The man towered over her, forcing Solana to tilt her head back just to meet his gaze. She gasped the moment their eyes locked. Black, devilish eyes that sent a chill down her spine. They were frightening, yet impossible to look away from. Solana found herself trapped in the gaze of the man who had saved her from her abductors. His face was all sharp grace, a chiseled jaw, and eyes that held both danger and coldness. Mayamaya ay tinanggal ng lalaki ay nakalagay sa bibig niya. Doon naman siya nakahingi ng maluwag. "T-thank you for saving me," pasasalamat niya dito. At hindi niya napigilan ang mapaawang ang labi nang makita niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito. "Don't thank me," wika nito sa kanya sa buong-buong boses. "W-what?" "Because I'm not your protector, sweetheart. I'm your prison." Kumabog ang dibdib niya. "What do you mean-- Hindi na natapos ni Solana ang ibang sasabihin ng takpan ng lalaki ang ilong niya na may panyo. And in the next moment, she lost consciousness. The last thing she remembered was being caught by a strong, steady arm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD