6. Trigger

4993 Words
Adam pull the trigger countless times. It frustrates him because he keeps on missing his target. Nasa Shooting Range siya ngayon na pag mamay ari ni Gustavo. It was Sunday and his day off. His doing a gun training to let out his thoughts that he had on mind for the past few days. Pero mukhang hindi tumatalab sa kanya ang ginagawa niya. He is destructed and he hate it. He heard a chuckled coming from his side when the results of gun firing came. He missed three times. Kailangan niya ng matinding destruction from the destruction he has right now. "Missed three times eh?" Isang nakakalokong tanong ni Harry sa kanya ng makita ang target niya. Kasama niya itong nag eensayo. Napatingin si Adam sa Target nito. Nakita niyang ni hindi ito nagmintis ni isa. Nagtanggal ng earmuff si Adam at walang sabi sabing umalis. Iniwan ang isa doon. Naramdaman naman niya ang pag buntot ni Harry sa kanya agad. "Get lost." Adam told Harry. Nag lalakad na sila palabas ng shooting range. "Sabay na tayong pumunta kinala Silas." Aniya naman nito habang patuloy sa pag lalakad. Bahagyang napakunot ang noo ni Adam sa sinabi nito. Napahinto siya sa pag lalakad at hinarap ito. "Anong mayroon?" Naka-kunot noong tanong ni Adam dito. Nag tatakang napakunot din ang noo din si Harry sa tanong niya. "Birthday ni Ate Tory, Kuya. Remember?" Aniya. Nagpatango na lamang si Adam ng mapagtanto niya kung anong meron sa araw na iyon. Naglakad na silang sabay ni Harry papunta sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan ni Harry na Ford Raptor. "Bago?" Tanong ni Adam na ang tinutukoy ang sasakyan na nasa harapan niya. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Harry. Hindi ito sumagot at nag tuloy tuloy lamang sa pag sakay. Adam hopped in also. Harry began to drive his car. Naka tanaw lamang sa labas ng bintana siya habang umaandar ang sasakyan. Naririnig pa niya paminsan minsan na nag sasalita si Harry ngunit hindi na lamang niya ito pinapansin. Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala sila ng Subdivision kung saan nakatira sina Silas at nasa harap na sila ng gate ng bahay ng mga ito. Sumalubong agad sa kanila ang isa sa mga kasambahay ng mga ito. Pinagbuksan sila ng gate. Silas must expecting them. Tumuloy sila sa garden ng mga ito kung saan naabutan nila si Silas na nag aayos ng table at mga pagkain. "Simeon, Harry. Nandiyan na pala kayo." Aniya Silas. Nilapitan nila ito at ibinigay ang cake na dala dala nila na dinaanan nila kanina bago sila nag tungo sa bahay ng mga ito. "Hi Boys." Napalingon sila mula sa pinang galingan ng tinig niyon. Si Victoria iyon. Papalabas ito ng bahay at may bitbit itong ulam na kinuha naman agad ni Silas at inilagay sa lamesa na naroon. Nilapitan ito ni Adam. "Happy Birthday Tory." Aniya Adam. Maingat na niyakap niya ito. Pagkatapos naman ay lumapit si Harry dito upang batiin din. Inabot din nito ang bouquet na dala dala nila. "Happy Birthday Ate." Aniya Harry. Niyakap niya din ito at pagkatapos ay maingat na hinawakan ang maumbok na nitong tiyan. "Salamat boys." Aniya Tory. She is seven months pregnant. Nilapitan ito ng kanyang asawang si Silas at maingat na inalalayan ito. Umupo na sila sa mga upuan at sama sama na silang kumain ng mga inihandang pagkain ng mga ito. Masayang nag kukuwentuhan sina Silas, Harry at Tory. Samantalang nakikinig lamang si Adam na paminsan minsan ay nakikitawa din sa mga sinasabi ng mga ito. Natapos ang kanilang salo salo at nag tulong tulong na silang ligpitin ang mga pinag gamitan nila. Tory went inside the house while the boys left there. Nasa harapan nila ang tig iisang beer. "Kamusta naman Simeon?" Tanong ni Silas sabay tungga sa bote ng beer na hawak. Napakunot naman ang noo ni Adam sa lasa ng beer na ininom niya. "Everything is happening according to the plan."Aniya. Alam niya naman kasi na tungkol sa pagpasok niya Malacañang ang tinutukoy nito. "Narinig ko yung nang-yari kamakailan lang. Kamusta ang tama mo?" Tanong nito. "Malayo sa bituka." Sagot niya. Napailing na lamang si Silas sa sagot niya. Nag usap pa sila. Pinag yayabang ni Harry ang bagong nitong sasakyan. Napapailing na lamang si Adam dito. Mag gagabi na ng napagdesisyonan umalis nila Adam sa bahay ng mga ito. Nagpaalam na sila kay Tory at Silas at ngayon ay nasa biyahe na sila ni Harry. Nakatanggap ng tawag si Adam mula kay Nathaniel. Aniya ay kailangan niyang pumunta sa Headquarters. Hindi naman nag paligoy ligoy pa si Adam at nagpahatid siya kay Harry. Dumiretso siya meeting room kung saan naabutan niyang naghihintay sina Nathaniel at Kiko. Napatingin ito sa direksyon niya sa pagpasok niya sa loob ng meeting room. "Vincenzo, nandyan ka na pala." Aniya Nathaniel. Umupo si Adam sa isang upuan na naroon. May binigay si Nathaniel na isang folder. Kinuha niya ito. "Tignan mo ang laman ng folder na yan." Napakunot ang noo ni Adam. Nagtatakang siyang binuklat ang laman na naroon. Lalong napakunot ang noo niya sa nakita. Napahawak din siya ng mahigpit sa hawak na folder na naglalaman ng mga litrato. Litrato ng mga nakatakas na lalaking sumubok na i-ambush ang First Lady at si Camila. Kuha ito galing sa cctv kung saan kitang kita ang papasok ng mga ito sa gate na pamilyar sa kanya. Pamilyar dahil gate iyon ng Masyon ni Gustavo. "Pamilyar, Vincenzo?" Tanong ni Kiko. Alam niyang iisa lamang nasa isipan nilang tatlo. "Mansion yan ni Gustavo Lopez. Nakakapagtakang diyan pumunta ang mga nakatakas sa pag ambush sa mag ina ng Presidente. " Aniya Kiko. Ofcourse, Kiko also knew that because they both trained by Gustavo's Agency. Even Nathaniel. Napatango si Nathaniel sa sinabi nito. Samantalang, walang masabi ni Adam. "Isa lang ang sigurado dyan, may kinalaman si Gustavo sa ambush ng First Lady at Miss Camila. Vincenzo, we should investigate further. Keep your eyes close to the First Lady and Miss Camila. Sa ngayon, wala munang makakalabas sa tungkol dito. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Alam natin kung anong relasyon ng Presidente at ni Gustavo Lopez. They are closed-friends kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit." Aniya Nathaniel. Tumango si Adam sa gusto nitong mangyari. "Okay boss." Aniya Kiko. Tumango na lamang muli si Adam sa sinabi nito. Napa tiim-bagang si Adam dahil nadadawit na ang pangalan ni Gustavo. Hindi malinis ang pag-kilos ni Gustavo at baka maapektuhan nito ang plano niya. Natapos ang meeting nilang tatlo. Adam went to the parking area where he park his motorcycle. Mabilis niyang pinaandar ito. Gustavo made a wrong move when he decided to ambushed the First Lady and Camila and he was so furious. Dumaan siya sa Mansion ni Gustavo para kausapin ito. Naabutan niya sa harap ang sasakyan ni Harry na nakaparada kaya napakunot ang noo niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng mansion nito. Dumiretso siya sa study room at naabutan niyang nandoon si Harry at Gustavo. Napatingin ang dalawa sa pag pasok niya sa loob. "Kuya." Aniya Harry. Hindi niya pinansin si Harry kundi ay deretso ang atensyon niya kay Gustavo. "Simeon, anong mayroon at parehas kayong napadalaw sa akin." Natutuwang salubong ni Gustavo sa kanya. Sa imbes na batiin ito ay pabalang niyang hinagis sa lamesa nito ang folder na naglalaman ng mga litrato na hawak ngayon ng PSG. Napakunot ang noo ni Gustavo sa ginawa ni Adam. "Tignan mo kung anong laman niyan." Nagtatakang kinuha ni Gustavo ang folder at binuksan ito.Napataas ang kilay nito ng makita ang laman nito. "Ano ito?" Nagtatakang tanong ni Gustavo dahil hindi nito makuha kung anong laman ng folder na iyon. Napangiti ng nakakaloko si Adam sa tanong nito. "Galing sa Malacañang yang mga litrato na iyan. Kuha yan ng cctv kung saan kitang kita ang mga inutusang mong mga tao na iambush ang mag ina ng Presidente na papasok sa Mansyon mo. Di mo pa din ba nakukuha?" Adam said in frustration. "Kuya, anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Harry. "Ikaw ang gumawa niyan, wag kang magulat kung sisimulan kang imbestigahan ng mga tao ng Presidente nang dahil sa palpak mong plano." Aniya Adam. Natawa naman si Gustavo sa sinabi ni Adam. Nag tiim ang bagang ni Adam sa reaksyon nito. "Simeon, simeon simeon." Paulit ulit na tawag nito sa pangalan niya. "Kaya ka nga nandyan para linisin ang mga gusot ko. Tandaan mo, hindi lang ako ang nakataya dito. Nakataya din dito ang buhay mo." Adam got trigger because of what Gustavo's said. Sa sobrang galit ay naihagis niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng lamesa ni Gustavo. Napatayo si Harry. Umilangawngaw ag tunog ng mga nabasag na kagamitan. "Kuya! ano bang ginagawa mo!" Sigaw ni Harry. Hindi niya pinansin ito. Binigyan lamang niya ng masamang tingin si Gustavo na ngayon ay blanko na ang ekspresyon nito. Adam smirked to Gustavo who's intently looking at him. Wala sabing sabi umalis na siya doon. Ramdam ni Adam ang pagtulo ng dugo sa braso niya siguro ay nakuha niya sa pag tilapon ng mga kagamitan ni Gustavo kanina. Narinig pa niyang tinawag siya ni Harry pero hindi lamang niya pinag tuunan ng pansin. Mabilis siya nag tungo sa motorsiklo niya at pinaandar ito. Nag uumapaw ang galit na nararamdaman ni Adam. Hindi niya alam kung para saan ba ang nararamdaman niya. Basta ang alam lang niya ay hindi pwede masira ang mga plano niya nang dahil sa mga ginagawa ni Gustavo ng hindi niya alam. He want to let out his anger. Umaga ng Lunes ay maagang nag report si Adam sa headquarters. Naabutan niyang nasa investigation room sina Kiko at Nathaniel. Wala siya sa wisyo kaya dere-deretso lamang siyang naupo sa bakanteng upuan na naroon. Napakunot ang noo ni Nathaniel at Kiko nang makita ang benda sa braso niya. "Anong nangyari sayo?" Tanong ni Kiko sa kanya. "Just some bruise." Simpleng sagot ni Adam na pinag kibit balikat lamang ng dalawa. "Vincenzo, You have to assist Miss Camila. Mayroon siyang schedule ngayon sa St. Benild Hospital. Ikaw lang. " Ilang sandali ay pahayag ni Nathaniel sa kanya. Napa-angat ang noo ni Adam sa sinabi nito dahil wala naman nabanggit sa kanya si Nathaniel tungkol doon. "Kunin mo yung gamit doon sa likod. Miss Camila requested you to wear that." Aniya Nathaniel habang nituro ang paper bag na nasa likod. Kinuha iyon ni Kiko at pabatong inihagis sa kanya. Nasalo naman niya ito at nang makita ang laman niyo ay napa-kunot ang noo ni Adam. Isang casual na damit na pang lalaki ang naroon. "Bakit kailangan kong mag palit?" Nakuhang pang itanong ni Adam. Nagkibit balikat naman si Kiko. "Miss Camila requested it. She will be having a final interview sa St. Benild. President Calixto approved it." Si Nathaniel ang sumagot sa kanya. Walang nagawa si Adam kundi ang magpalit ng damit na naroon. Isang kulay puting long sleeves at Maong pants ang suot niya. Naka top-sider din siya. Mukha lang siyang pupunta sa mall sa ayos niya. Agad siyang pumunta sa bahay Pag-Asa kung saan nag hihintay si Miss Camila. Samantalang, maagang diñ nagising si Camila upang paghandaan ang kanyang interview sa isang hospital sa Pilipinas. Nag apply kasi siyang isang doctor bago pa man siya umuwi sa Pinas. Na refer na siya ng Senior niya sa state. Ang maganda sa profile niya dito ay hindi siya kilala bilang anak ng Presidente. She was just a young doctor who decided to work here in the Philippines. Wala naman kinalaman ang pagiging anak niya ni Calixto Saadvedra sa pag pasok niya rito. Naghihintay siya sa ngayon sa Sala kay Adam dahil ni-request iya mismo sa Dad niya na ito ang mag assist sa kanya papunta sa St. Benild Hospital. She was wearing a couple of Smart Casual Pant Suit in Beige Color. She also paired it with a High heels that fit her height. Nakaupo lamang siya ngayon sa sofa habang nag hihintay ng makita niya nag lalakad na papalapit si Adam sa kanya. Naka-Casual lamang ito katulad ng request niya sa Dad niya. Napatulala siya dahil para itong naglalakad sa ramp. Adam could pass as a ramp model. "Miss Camila." Narinig niya tawag nito sa kanya ngunit nanatili lamang siya nakatulala dito. She knew that Adam si a good-looking but she never expected that he could be more. Camila absent-mindedly shook her head. "Hi." Wala sa sariling bati ni Camila dito. Blanko naman siyang tinignan ni Adam. "Aalis na ba tayo, Miss Camila?" Tanong nito sa kanya. Camila composed herself when she realized what happened to her. Tinignan niya mula ulo hanggang paa. Napakunot ang noo ni Camila ng makita ang benda nito sa braso. "What happened to you?" Mahinang tanong ni Camila dito. Ibinaba ni Adam ang sleeves ng suot niyang long sleeves. "It was just a bruise. Are we going?" Pag iiba nito ng tanong niya. Nahihiyang nag iwas naman ng tingin si Camila dito. "Yes, lets go." Yaya niya dito. Gagamitin nila ang isang Vehicle na personal na pag mamayari ng Presidente. Nakaparada na ito sa labas ng Bahay PagAsa. Napakunot bahagya ang noo ni Adam. Pero hindi na siya nag tanong pa kung ng ano ano. Kasama nila ang isang driver at nagtungo na sila sa kanilang sadya. Adam was on the passenger seat while Camila was on the backseat. Nakatingin si Adam mula sa rear-mirror checking Camila. Tahimik lamang itong nakatingin sa labas. Hindi naman nag tagal pa ay nasa tapat na sila ng St. Benild Hospital. Nathaniel already brief him that he should keep a good distance with Camila. Act normal. Pumasok sila sa Hospital. Camila quickly came to the front desk. Si Adam naman ay naka-sunod lamang ng tingin kay Camila. "Hi, I'm here for a scheduled interview with Dr. Iñigo Serrano? I'm Dr. Camila Haven Saadvedra." Aniya Camila sa front desk. She greet her back and quickly check her logbook. She dialed the telephone. "Dr. Iñigo is already waiting for you Ma'am. 3rd floor. Room 305." Aniya. Nginitian niya ito. Dumeretso na siya sa elevator. Ilang sandali pa ay sumunod si Adam sa kanya. Nakasakay na din ito sa elevator. "Anong floor?" Simpleng tanong ni Adam dito. "3rd floor." Sagot naman ni Camila dito. Silang dalawa lamang ang nakasakay sa elevator. "You don't have to follow me." Bulong na sabi ni Camila dito habang nakatingin pa din sa pintuan ng elevator. "Don't worry, Miss Camila. I'll take distance. But I need to keep my eyes on you." Seryosong saad ni Adam. Hindi naka sagot pa si Camila dahil kasabay nito ang pag tunog ng elevator na hudyat na nasa 3rd floor na sila. Sinenyasan siya ni Adam na maunang lumabas. Sumunod na lumabas si Adam. Pumunta siya sa waiting area para doon hintayin si Camila. Sinusundan na lamang niya ito ng tingin na ngayon ay pumasok na isang opisina na naroon. Camila went to find Dr. Inigo's room. Hindi naman siya nahirapan. Nasa tapat na siya ngayon ng opisina nito. Kumatok muna siya sa pintuan bago niya narinig ang isang baritonong boses. "Come in." Aniya sa buong boses. She let out a deep sighed before she enter the room. "Good Morning." Bati niya nang tuluyan nakapasok si Camila sa loob ng opisina nito. Naabutan niya itong abala sa pag babasa sa mga medical chart na naroon. Napa-angat ang tingin nito sa kanya at agad nag tama ang mata nilang dalawa. Sinara nito ang isa sa chart na hawak nito at tumayo para lapitan siya. "Good Morning. I'm Dr. Inigo Serrano." Ani Inigo sabay lahad ng kamay nito sa kanya. Napa angat ng tingin si Camila dahil sa tangkad nito. Matipuno ang pangangatawan nito, magandang lalaki at talaga naman mukhang pang modelo ang postura nito. He could passed as a ramp model. Ngumiti si Camila. "I'm Dr. Camila Haven Saavedra." Pakilala niya rin dito. Ngumuti ito at muntik nang makalimutan ni Camila na mag kahawak pa ang kamay nila. Nahihiyang binitawan niya ito ng mapagtanto niya. "Yes. I've heard a lot about you with Eula. Have a seat first." Alok nito sa kanya. Pina-upo siya nito sa sofa na naroon para sa guest. "You want coffee? Juice? Water?" Inigo ask her habang nagpunta sa coffee corner nito. "Water will do." She politely told him. Kumuha ito ng isang basong tubig at pagkatapos maayos nitong inilapag sa kaharapan niya. Umupo din ito sa katapat niyang upuan. She was just watching his every move. Iniwas ni Camila ang tingin dito at nilibot na lamang ng kanyang paningin ang kabuuan ng opisina nito. Malinis at very organized. Inigo was the cousin of her senior/closed-friend Eula Serrano from the previous hospital she had been working before in the US. As per her researched about him, he is one of the successful neurologist in St. Benild Hospital. Napaka ganda ng medical background nito. She couldn't help but to be amaze. "So, how's your stay in the Philippines so far, Dr. Camila." Dr. Inigo started the conversation by asking her that. Uminom muna ng tubig si Camila ng tubig bago niya sagutin iyon parang kasing natuyuan siya ng laway. Mahina siyang tumikhim. "So far, maayos naman." Camila answered him in simple words. Hindi niya alam kasi kung anong isasagot niya dito lalo na sa mga nangyari nung nakaraan and the fact that Dr. Inigo doesn't aware about her family background. Mas okay na mas simple at maikling sagot niya dito. The interview started. Actually, Camila felt a little bit awkward at first. She couldn't help but to feel that. Just good thing about Inigo is that as their conversation has growing she doesn't feel any uneasy at all now. "You have an impressive qualitification, Dr. Camila. Hindi ako mahihirapan i-endorse ks sa Director. Actually, nabanggit na nga kita minsan." Napangiti si Camila sa sinabi ito. "Thank you. I'll be looking forward." Camila. "Oh, Before I forgot. Are you interested in some medical volunteer? For a start?" Tanong nito. "Yes, I'm interested." Sagot niya. "We have this new program sa hospital. Baka interested ka." Aniya Inigo. "What program?" Curious naman tanong ni Camila dito. "Baka familiar ka sa MMV?" Tanong muli nito sa kanya. Bahagyang napakunot ang noo ni Camila dahil ngayon lamang niya narinig iyon. Umiling siya dito bilang pag tugon. "MMV or Medical Mission Volunteers. Actually, Isa sa mga proyekto na tinataguyod ng bagong Presidente ngayon iyon. "Bigay Pag-Asa Project" ng adminitrasyon. Where the participating hospital public or private will send a set of Volunteer Doctors to the uncivilized place here in the Philippines. It's kinda long-stay medical mission. 3 months to be exact. If you're interested, I can ask the Director's to affiliate you, parang traning na din." Mahabang paliwanag nito sa kanya. Napaisip si Camila sa sinabi nito. Hindi siya makasagot agad dahil sa sitwasyon niya. Hindi naman siya pwedeng um-oo dito dahil kailangan niya pang ipag paalam sa Dad niya ang tungkol dito. Nakita ni Camila na mataman nag hihintay ito ng sagot niya. Ngumiti ito sa kanya. "You don't have to decide right now, Dr. Camila. I'll give you time." Aniya ng Doctor. Napahinga ng malalim si Camila sa sinabi nito. Nakita niya itong may kinuha mula sa ibabaw ng lamesa na naroon at inabot sa kanya. Kinuha niya ito at tinignan. "That's my calling card, call me if ever you decide." Pahayag ng isa sabay tingin sa orasan nito. "I'm sorry, mukhang hindi na kitang mayayang kumain ng lunch. I have an appointment with my patient." Bigay alam nito. Agad naman napa-iling si Camila. "No, it's okay. Mukhang kailangan munang umalis. Go ahead." Aniya Camila. Tumayo siya mula sa pag kakaupo. Tumayo din ito. "I'll head you to the elevator." Anyaya pa nito sa kanya. Umiling muli sa kanya. "Okay lang, I can handle. I'll call you. Thank you so much for lending me your time Dr. Inigo." Paalam ni Camila dito. Inilihad niya ang kamay niya dito para makipag shake hands. The Doctor gladly accept it. "Sure thing. I'll wait for your call." Inihatid pa siya nito hanggang pintuan palabas nito. Pagkalabas ng pintuan ni Camila ay agad sumalubong sa kanya ang nag hihintay na si Adam. He was standing just a few step from Inigo's office. Nagtama ang mga mata nila. Nakita niya pa itong napatayo ng maayos ng makita siya. "Dr. Camila." Napukaw muli ang pansin ni Camila ng marinig niyang tinawag pa muli siya ni Inigo bago niya tuluyan maisara ang pintuan ng opisina nito. Mabilis nito naiharang at kamay nito. Lumabas na din ito sa opisina nito. Napaatras ng ilang hakbang si Camila para bigyan ng pagitan silang dalawa. "You drop this." Aniya Inigo sabay abot ng calling card . Napa awang ang labi ni Camila dahil dito. "Oh, I'm sorry." Kinuha niya ito mula rito. Ngitian siya ni Inigo. "I'll wait for your call, okay?" Sabi pa nito. Tumango na lamang siya bilang pag tugon nito. Inigo still have that smile on his face before he return to his office. Camila caught offguard. Napa dako ang tingin niya sa pwesto kung saan huli niyang nakita si Adam. But he was not there anymore. Nakita na lamang ni Camila ito nag lalakad na patungo sa elevator. Tanging likod lamang nito ang nakikita niya. Nag madali siyang nag lakad para mahabol pa niya ito. Lakad takbo na ginawa niya. "Wait, wait!" Camila said while half running. Nakaabot siya bago mag sara ang pintuan ng elevator. She was running out of breath. Sumakay siya at tuluyan ng sumara ang elevator. "Adam, hindi mo ba ako nakikita pasakay na din?" Camila ask him. Good thing it was just the two of them again, they could talk. Hindi ito sumagot. Parang walang narinig. Deretso lamang ang tingin nito sa Pintuan ng elevator. Napa-buga ng hangin si Camila. "Wow, Adam I'm asking you." She said but the other one remained silence. Napa irap na lamang si Camila dahil mukhang walang balak sumagot ang isa. Mga ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. "Ms. Camila, hintayin mo ko sa lobby. I'll just get the car." Deretso sagot nito at nauna nang bumaba sa elevator. Napairap na lamang siyang muli. Bumaba na din doon at katulad ng sinabi nito ay pumunta siya sa lobby para hintayin ito. Naupo siya sa sofa na naroon. Hindi naman nag tagal ay nakita niyang muli papasok ng hospital si Adam. "Hala, ang pogi ni kuya. Tignan mo Nurse Jill."Narinig ni Camila sa di kalayuan niyang nag uusap na mga nurse na naroon. Mga kinikilig ito. Sinundan niya ang tingin ng mga ito. Pinag uusapan ng mga ito si Adam na nag lalakad papunta sa kanya. Napailing na lamang siya. Hindi din naman niya masisisi ang mga ito dahil konting bihis lang kay Adam ay mukhang na itong nag momodel ng isang kilalang brand. Nasuot pa ito ng shade na nakadagdag ng appeal pa dito. Bakit ba kasi pagiging PSG ang trip nito? Aniya ng isipan ni Camila habang pinapanood din ang paglalakad nito papalapit sa kanya. Huminto ito sa harapa nito at tinanggal ang shades na suot. Hindi nakawala sa pandinig ni Camila ang impit na hiyawan ng mga nurse sa tabi niya ng tuluyan nilang makita si Adam. "Let's go." Matipid na saad nito sa kanya. Gumihit ang ngiti sa labi ni Camila dahil sa naisip. Tumayo siya sa pag kakaupo at mabilis na kinawit ang kamay sa braso ni Adam. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya pero binalewala lamang iyon ni Camila. Hinila na niya ito palabas ng Hospital. Ramdam ni Camila na sinusundan pa sila ng tingin ng mga nurse na naroon. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga side-comment ng mga ito. Sumilay ang pilyang ngiti sa labi ni Camila. Sabay silang lumabas ni Adam para mag tungo sa kotse. Nang makalabas sila ay agad kinalas ni Camila ang kamay niya sa braso ni Adam na parang walang nang yari. Pinag buksan siya nito ng kotse at sumakay na siya. "Where are we going next?" Maya maya ay tanong ni Camila nang mapansin niyang hindi sa Palace ang tungo ng sinasakyan niya. Nakatingin siya sa rear mirror kung saan nag tama ang tingin nilang dalawa ni Adam. "Sa Palace. We are just re-routing for your safety. Hindi na pwede maulit ang nangyari nung nakaraan Ms. Camila." Sagot ni Adam sa kanya. Iniwas ni Camila ang tingin niya dito mula sa rear mirror. Napatango na lamang siya. She then check her wristwatch. Its almost noon time. Nakakaramdam na din siya ng gutom. Napadako muli ang atensyon ni Camila kay Adam. "Ah, almost noon time na, Adam. Can we pull over and grab some lunch first?" She asked and smiled. Adam check his wristwatch. Nilungon niya ito. "Where do you want to eat, Miss Camila?" He asked. Camila smile widened when she hear that. "Ah that one would do!" Sabay turo sa isang kilalang fast-food chain na may isang malaking Pulang-bee na statue na madadaan nila. Sinundan ng tingin ni Adam kung saan ito nakaturo. Napakunot ang noo ni Adam dito. "Seryoso ka ba, Miss Camila?" Paniniguradong tanong ni Adam dito. Tumango naman ito sa kanya. "Kuya driver, pull the car over there." Utos nito sa driver. Napatingin muna ang driver kay Adam bago sundin ang sinabi ni Camila. Tumango na lamang si Adam dito. Nakaparada na sila sa tapat ng Fast-food chain. Pababa na sana si Adam para pag buksan si Camila ng makita niya itong mabili na lumabas na ng kotse. Nag mamadaling lumabas naman si Adam para pigilan ito pero huli dahil naka labas na ito. Nilapitan niya ito. "Miss Camila, you need to be careful—" She cutted his word. "Hep! Pumasok nalang tayo at kumain. Kuya driver, tara na at lumabas kana dyan." Yaya nito sa driver. Nasa loob na sila ng facility ng kainan. Camila immediately go to the counter and order. Sumunod naman si Adam dito. "Miss Camila, just take your sit. Ako nang bahala dito." Mahinang bulong nito sa kanya. Hindi ito pinansin ni Camila. Binati siya ng isang crew kaya naman binati niya ito pabalik. Hindi pa naka takas sa paningin ni Camila kung paano napabalik ng tingin ang crew na babae kay Adam. Sumilay na namana ang pilyang ngiti kay Camila sa naisip niya. Ikinawit ni Camila ang kamay niya sa braso muli ni Adam. "What do you want, babe?" Malambing na tanong ni Camila dito. Napakunot ang noo ni Adam sa tawag nito sa kanya. Ngiting ngiti naman si Camila. Hindi sumagot si Adam. "Mahiyain talaga tong babe ko, miss." Natatawang sabi ni Camila at sinabi na niya ang mga order niya. Si Adam ang nag buhat ng mga inorder nila. Naupo siya sa isang bakantang lamesa malapit sa salamin. Si Kuya driver naman ay pinaupo ni Camila sa isang bakanteng lamesa na nasa tapat din niya. Inilapag ni Adam ang inorder niya sa harap niya. Aalis na dapat ito pero agad na napigilan ito ni Camila. Hinawakan niya ang kamay nito. "Where are you going?" Kunot-noong tanong ni Camila kay Adam. Napadako ang tingin ni Adam sa kamay nitong nakahawak sa kanya. "I'm going to sit there." Sagot ni Adam na ang tinutukoy ay ang upuan kung saan naka upo din si Kuyang Driver. Camila pouted. "You are not going to eat with me?" Umiling si Adam para sa sagot. Malungkot na binitawan ni Camila ang kamay niya at hinarap ang pag kain nito. Napa buga na lamang ng hininga si Adam at naupo na sa upuan kaharap nito. She smiled. Ibinigay niya kay Adam ang inorder niya para dito ganun na din kay Kuya Driver. Sabay sabay na silang kumain. Nasa gitna sila ng pagkain ng maramdaman ni Adam ang pag vibrate ng kanyang cellphone. He took it. Napakunot ang noo niya dahil sa nakita niya kung sino ang tumatawag. "What's the problem?" Agad na tanong ni Camila sa kanya dahil sa reaksyon niya. "Nothing, I just need to answer this Miss Camila." Aniya. Tumayo siya at lumabas ng fast-food chain. "Anong kailangan mo?" Bungad ni Adam sa tumawag. It was Gustavo. He heard his small laughed. "Simeon, nangangamusta lamang ako. Mukhang na sisiyahan ka naman ngayon." Aniya kabilang linya. Lalong napakunot ang noo ni Adam dahil dito. Napa tingin siya sa paligid. Narinig niya muli ang pag tawa nito. "Anak ba ni Calixto ang kasama mo?" Tanong nito. "Nasan ka?" Baliwala niya sa tanong nito. Humalakhak ito sa kabilang linya. Napatigil si Adam sa pag tingin sa paligid ng makita niya ang isang itim na sasakyan sa kabilang kalsada. Alam niyang kay Gustavo iyon at hindi siya pwedeng mag kamali. "Kasama ba sa plano mo ang kunin ang loob ng anak ni Calixto?" Tanong ni Gustavo sa kanya. Nag tiim ang bagang ni Adam sa narinig. Hindi siya nakasagot. "Simeon, wag kang masyadong kabahan. Nag tatanong lamang ako." Agad na sabi nito at pinatay ang tawag nito. Sinundan niya ng tingin ang kotse nito habang dahan dahan umandar. Umalis lamang siya sa kinatatayuan niya ng mawala na ito sa paningin niya. Bumalik siya sa lamesa kung saan iniwan niya si Camila na ngayon ay abala sa pag kain ng dessert na inorder pa nito. "Who's that? Palace?" Tanong nito sa kanya pagkaupo niya. Umiling siya. Napatingin si Adam sa wristwatch niya. "Are you finish eating?" Tanong niya dito. Umiling lamang ito sa kanya dahil may laman na icecream ang bibig nito. "Okay, you better finish it. We need to go." Aniya Adam. Tumango lamang ito. Nawalan na ng ganang kumain si Adam kaya naman pinapanood na lamang niyang kumain si Camila. Napabuntong hininga siya. Alam niyang iba ang tumatakbo sa isipan ngayon ni Gustavo. He thinks different. At baka may gawin na naman ito ng hindi niya alam na pwedeng ikapahamak ni Camila. He look at her. Camila was not part of his plan. She was never but Gustavo, he think that way. Alam niyang damay na din si Camila dito at hindi niya hahayaan mang yari iyon. He will protect her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD