5. Adam's Hope

3076 Words
That night after of the change shift of PSG Adam went to Gustavo's mansion. Gusto niyang komprontahin ito sa ginawa ng mga tauhan nito kanina. Atomatikong nag bukas ang gate ng mansyon ni Gustavo na para bang alam nito na dadating siya. Na hinihintay nito ang pag dating niya. Mga tauhan nito ang sumalubong sa kanya. Nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Binaliwala ito ni Adam at nag dere deretso sa kwartong madalas pag lagian ni Gustavo. Pumasok siya doon ng walang ano ano. Agad hinanap ng mata ni Adam si Gustavo na nakita niyang nakatayo sa bintana na naroon. Nakadungaw ito sa labas. Saglit siyang tinignan nito ng maigi. "Napadalaw ka." Binalik nito ang tingin sa labas ng bintana habang uminom sa basong may alak na laman. Adam tried to composed himself. Inside of him he's exploding. Hindi niya alam kung bakit. Nakatayo tayo hindi kalayuan kay Gustavo. "Your men tried to ambush the First Lady." Adam calmly said. Pinaalam niya na parang hindi ito ang nag utos nito. Ngumisi ito sa kanya. "Bakit Simeon? May problema ka ba sa ginawa ng mga tauhan ko ?" Aniya Gustavo. Adam gritted his teeth as soon he hears that words from him. Umiling siya at napa buga ng hangin. "It was not part of the plan."Ganting sagot ni Adam. Sinuri siya nito bago mag salita. "Simeon. Wala akong planong sinusunod. Kumikilos ako kung kelan tingin kong maganda kumilos. And that moment would be the best time. Kung hindi lang dahil sa ginawa mo nasa kamay ko na ang mag ina." May diin na sambit ni Gustavo dito. If Adam was exploding with anger and so as Gustavo. His plan failed because of what Adam did. Nag sukatan sila ng tingin. Mata sa mata. "Ang sabi mo pera lang ni Calixto ang gusto mo? Wala sa usapan natin ang idamay ang pamilya niya." Anunsyo ni Adam. Na naging dahilan ng pag kawala ng timpi ni Gustavo sa kanya. Na parang sa sinabi niya ay may kung anong tali siyang nahatak para mawalan ng balanse ni Gustavo para sa kanya. The sound of shattered glass field the room. Dahil pagkatapos sabihin iyon ni Adam ay hinagis ni Gustavo ang hawak nitong baso malapit sa kanya. May tumalsik na bubog malapit sa pisngi niya kaya naman nakaramdam siya ng pag hapdi nito. Tumawa ng mapakla si Gustavo at humarap sa kanya. Kalmado pa din si Adam. Hindi makapaniwalang nitignan siya ni Gustavo. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Simeon? Calixto and his family is part of this plan, Son. Wala akong pinipili. If I have to kill them all. I will." Aniya Gustavo. Hindi na sumagot pa si Adam. He clenched his fist. "Simeon, baka nakakalimot ka kung bakit ka nasa pwesto mo ngayon. Isa ka din sa tauhan ko. Hawak ko ang buhay mo. Your mission is to kill Calixto. Don't act the other way. Hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka, kasama ni Calixto." Paalala ni Gustavo kay Adam. Naglakad ito papalapit sa kanya. Nasa gilid niya ito ng huminto. Tinapik nito ang balikat niya at nilagpasan na siya. Naiwan mag isa si Adam. He let out a deep sighed. Umalis siya sa kwarto iyon at nag lalakad na siya palabas ng mansion ni Gustavo. Nakasalubong pa niya si Judas kasama ang mga alagad nito. May nakakalokong ngiti sa labi nito at sa ngiti palang nito ay alam na niya nang aasar at may hindi maganda itong sasabihin sa kanya. Agad niya itong nilagpasan at hindi pinag laanan ng pansin. "Kuya!" Nasa labas na si Adam ng mansyon at papasakay na muli sa motor niya ng marinig niya ang tawag sa kanya ni Harry. Tumatakbo ito papalapit sa kanya. Napakunot naman ang noo niya. Nasa tapat na niya ito at napatungkod ang kamay nito sa tuhod nito at hinahabol ang pag hinga. Naka upo siya sa motor niya habang pinapanood ang hahabil nito ng hininga. Base sa suot nito ay kakatapos lamang nito sa pag eensayo sa field ni Gustavo. Magulo ang buhok nito at puro alikabok ang suot nitong damit. "Nabalitaan ko ang nang yari sayo kanina. Sabi sa akin ng ibang tauhan ay may tama ka raw." Nag aalala tanong ni Harry. "Wala. Maliit lamang na sugat." Sabi naman ni Adam. Umuling siya dito para siguraduhin ditong okay naman ang kalagayan niya. "Sigurado ka ba?" Nag alalang tanong nito sa kanya. Napatawa ng bahagya si Adam sa akto nito. Napailing muli siya. Nag alala naman nakatingin sa kanya si Harry. Ginulo pa lalo ang buhok nito. "Oo, malayo sa bituka." Kompiyansang sagot ni Adam. "Yah! hindi na ako bata." Naiinis at nakasimangot na saad ni Harry habang inaayos ang nagulo nitong buhok. "Mabuti naman at umuwi kana dito. Wag ka nàng babalik sa apàrtment ko." Mapang asar na saad ni Adam. Nginusuan siya nito na parang bata. Napailing na lamang si Adam. "Asa, Nandito lang ako para sa training. Mamaya doon pa din ako uuwi." Pahayag nito sa kanya. Napailing nalang siya. "O siya, mauna na ako. Balitaan mo na lamang ako. Pagbihis kana. Ang baho mo." Aniya Adam at sinuot ang helmet niya. Pinaandar na niya ang kanyang motor. "Mag iingat ka, Kuya!" Sigaw na sabi sa kanya ni Harry. Itinaas na lamang ni Adam ang kamay niya bilang pag tugon dito. Harry was one of those people that Adam trusted. Maybe because he knows that no matter what happen, hindi siya nito ilaglag kahit na mag kamatayan na. He was to him too. Harry was like a little brother to him. Ganun din si Silas na halos kapatid na din ang turingan nila. He drove his motorcyle. Hindi alam ni Adam kung saan siya pwedeng pumunta ng mga oras na iyon. He want to let out his anger.. He greeted his teeth. He couldn't even remember of how many times he want killed Gustavo on his mind. Paulit ulit. Lalo niyang pina aandar ng mabilis ang motor niya. He was lost on his way to go but he just found himself on the cemetery were Emilia's remain place. Pabagsak siyang naupo sa damuhan na nandoon at binuksan ang isang beer-in-can na binili niya sa convinient store bago siya mapadpad doon. Tinitigan niya ang lapida nandoon kung saan naka ukit ang pangalan ni Emilia. He smiled bitterly. Earlier, he really wanted to punch Gustavo to death. Ngunit alam niyang hindi pwede dahil hindi man niya aminin sa sarili niya pero pag dating kay Gustavo ay wala siyang laban. Gustavo already hold his life. After the death of his mother at the very young age of ten. Life has been unfair for Adam. Back then, he needs to survive on his own because no will look after him. He never in his lifetime met his father. He even don't know his name or what he do for a living. Isang malaking hiwaga sa kanya kung sino ang tatay niya dahil ni minsan ay hindi ito binanggit sa kanya ng ina niya ng nabubuhay pa ito. Kaya naman doon pumasok sa buhay niya ang isang Gustavo Lopez. Nang isang araw ay nagpakikila itong bilang kaibigan ng kanyang ama. Inampon siya nito, pinakain at pinangakong ipapakilala sa ang kanya ang ama sa tamang panahon. Ngunit lumipas ang mga taon ay ni anino ng kanyang ama ay hindi niya pa nakikita. Gustavo never mention of his father again like he forget about it. Ang akala niyang mag bibigay pag asa sa kanyang musmos na isip ay siyang nag mulat sa kanya sa kung anong mundo mayroon siya ngayon. Sampung taong-gulang siya ng mamulat siya sa mundong mayroon si Gustavo. Magulo. Madilim. Higit sa lahat ay puro hirap at pasakit. Gustavo trained him like an animal. To be his apprentice. To be a monster that eventually he became. Then one day he met Emilia. Who has a bright smile. Innocent and gentle. Who become his new hope for life. The woman whom he loved. For once in his lifetime, he dreamt of getting out from Gustavo's grip. But all this changed when a tragic accident happened. When Emilia had to die right in front of his very eyes. His sweet Emilia. Lifeless. On the hospital bed where she lay down fighting for her life because of a car accident. The driver run away as soon as it happened. Ni hindi man lang ito tumawag ng tulong. Emilia died. Hit and run. The car owner was registered under to Calixto Saadvedra as per Gustavo's man. That time, Calixto was one of the Senator. Sadyang mapait lang talaga sa kanya ang tadhana kay Adam at maaga kinuha si Emilia sa buhay niya. Calixto took Emilia from him. He took Emilia's life. For that, he will also took life for the life he lost. Teeth for teeth. Eyes for Eyes. Life for Life. Hinawakan ni Adam ang lapida na nasa harapan niya. He took the last sip of his beer. He smashed the can after he finished it. The next day. Kahit na ramdam ni Adam ang pag kirot ng sugat niya ay maaga siyang pumasok para sa change-shift ng PSG. He's not good, pero katulad ng nasa isip nito ay may mas matindi pa siyang sugat na natamo dati kesa dito kaya wala lang to sa kanya. Nag lalakad siya sa pasilyo ng Palasyo malapit sa quarters ng PSG ng may biglang umakbay sa kanya. Si Kiko iyon. Napangiwi siya sa ginawa nito at napahawak sa gawi niyang may sugat. "Sh*t! Nakalimutan ko, pre."Aniya Kiko at inalis ang pagkakaakbay nito sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin. Mga ilang sandali silang nanatili sa kinakatayuan nila at pag katapos ay nagpatuloy na sila sa pag lalakad. "Nag salita na ba yung mga nadakip natin?" Tanong niya dito habang nag lalakad sila sa kahabaan ng pasilyong iyon. Umiling si Kiko. "Negative. Mistulang naging pipi ang mga iyon." Sagot ni Kiko kay Adam. Napangisi si Adam na hindi nakatakas sa paningin ni Kiko. Nag tatakang naman siya nitong nitignan. "Anong ngisi yan?" Tanong nito. Agad na asiwa si Adam dito. "Wala." Sagot na lamang niya dito. Deretso sila papunta sa headquarters ng PSG. Some of the men their greeted them. Nitanguan lamang nila ito. Bago nag simula ang duty nila ay nagkaroon pa muna sila ng meeting tungkol sa insidenteng nangyari kahapon. Dahil doon ay mas rumami silang mga PSG. They need to keep tight the security. Lalo na ngayon na maraming nag tatakang di lang sa buhay ng pamilya ng Presidente pero mas maging dito din. President Calixto was busy with his schedule, like the old times. It was Nathaniel and his team was assigned to escort the President. Nakapalibot naman ang team nina Kiko at Adam sa paligid ng Bahay Pag-Asa. The First Family except the President was having their breakfast. Parang walang buhay na pinag lalaruan lamang ni Camila ang pagkain niya. Sa totoo lang ay wala siyang ganang kumain. Liam was having his bountiful breakfast. Wala itong alam sa nangyari sa kanilang mag ina kahapon. She was more than thankful that Liam was not with them yesterday. Dahil di alam ni Camila kung anong pwedeng maging epekto non sa kapatid niya kung nasaksihan nito ang nangyari kahapon. He was too young. "Ate, why are you not eating your food?" Bumalik ang lumilipad na utak ni Camila ng marinig niyang tinanong siya ni Liam. Napatingin din siya sa Mommy niya na ngayon ay nag alalang nakatingin din sa kanya. "I'm eating Liam. See?" Camila fake a smile for the sake of his brother. She forced herself to eat. Natapos ang umagahan nila. Camila roamed the Bahay Pag-Asa to look for someone. She was looking for Adam. Dahil kailangan niyang ma check ang sugat nito. It needs to be clean up para mabilis nag pag galing nito. Lumapit siya sa isang PSG na malapit sa kanya at tinanong ito. "Excuse, can I ask you if you see Adam? I Mean Mr. Vincenzo?" She asked. "Miss Camila, ang alam ko po ay nasa headquarters po sila ngayon." Sagot nito habang deretsong nakatingin sa kawalan. Iniiwasan nitong mag salubong ang kanilang mata. Pag kasabi nito ay agad siyang pumunta sa labasan. Ngunit ilang PSG ang humarang sa daanan niya. Napa urong siya. "Miss Camila. Hindi po kayo pwedeng lumabas ng Bahay Pag-Asa for the mean time. For your security purposes lang po." Aniya ng isang PSG doon. Aangil pa sana si Camila ngunit naisip niyang hindi rin niya mapipilit ang ito dahil sumusunod lang din naman ito sa pinag uutos sa kanya kaya naman bumalik na lamang siya sa loob ng Bahay Pag Asa. Dumaan ang mag hapon. Camila kept herself busy with watching movies on her room. Wala na ata siyang ginawa mag hapon kundi ayon na lamang. It was 7 pm in the evening when she decided to go to the Bahay Pag-Asa garden to breathe some fresh air. Mayroon doon bench at naupo siya. Nag mumuni muni siya roon. Nakataas ang paa niya at yakap yakap niya ang sarili. She then started to scroll some pictures from her phone gallery. Some of the photograph was captured at state with her friends. Camila missed her life at State. She freely can do want she wants. Like joining in a medical missions, outreach program at so on. She could do it without anything to worry if someone will threat her life. But she can't do it anymore. When his Dad won to be the President, ang kapalit non ay sekyuridad ng buong pamilya nila. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kahapon. She was really scared. Nanatiling siyang nakaupo doon. While Adam was doing his round on the facility of Bahay Pag Asa. Malapit nang matapos ang shift niya kaya naman pauwi na rin siya. Napahinto lamang siya sa pag lalakad ng matanaw niya di kalayuan si Camila na naka upo sa isa sa bench sa park ng Bahay Pag asa. He watched her from where he was standing. Dahan dahan siyang lumapit dito. "Miss Camila, anong ginagawa mo dito mag isa? You should come inside." Aniya Adam ng tuluyan siyang nakalapit dito. Napatingala si Camila sa pag tawag niya. Seryosong ang tingin nito sa kanya. Maya maya pa ay bumaba ang tingin nito sa tagiliran niya. "Okay na ba ang sugat mo? Kanina pa kita hinahanap para malinisan ang sugat mo para gumaling agad." In a low-voice Camila respond to Adam. Umangat ang tingin niya sa mukha ni Adam at agad nag tama ang kanila paningin. Agad na umiwas si Adam. "Maayos naman ang lahat, Miss Camila. Nakalimutan kong sabihin sayo. Salamat sa ginawa mo." Adam habang nakatingin sa kabilang dako para maiwasan ang nangungusap na mga mata nito. Napabuga ng hangin si Camila sa sinabi nito. "You don't have to. You've risk your life for us. For me." Sabi ni Camila. Ramdam ni Adam ang pag titig nito sa kanya. "Pumasok kana sa loob, Miss Camila. It's not good for you to be here alone." Adam. Umiling si Camila. "Ayaw ko pa. Pati I'm not alone here. Nandito ka." Atomatikong napatingin si Adam dito. Sumalubong sa kanya ang munting ngiti nito. "There, tumingin ka din sa akin." Natatawang sabi nito sa kanya. Walang reaksyon si Adam. Pinapanood lamang niya ang mga reaksyon na pinapakita sa kanya ni Camila. "Upo ka." Aniya habang tinapik ang katabing bakante parte ng bench na inuupuan nito. Umiling si Adam kay Camila. She pouted her lips upon his answer. "Tss, tayong dalawa lang naman nandito. Upo ka." Camila insisted. Nag lakad siya papalapit dito. She smiled. Pero sa imbes umupo siya sa tabi nito ay tumayo siya ng gilid ng bench na iyon. Sinundan siya ng tingin nito at nawala ang ngiti sa labi matapos ng ginawa niya. "Sabi ko umupo dito sa tabi ko." Sabi pang muli nito. Hindi na sumagot pa si Adam sa kanya. Naupo na lamang si Camila paharap sa side kung nakatayo si Adam. Ilang sandaling tahimik at kapwa walang nag sasalita sa kanila dalawa. "Adam." Tawag ni Camila dito. Napatingin naman siya dito. Seryoso ito at nakatitig sa kanya. "Ilang taon kana?" Napa awang ang labi niya sa tanong nito. "Well, I just want to have a conversation. Napakatahimik. Nakakabingi." Agad na sagot nito. Ilang sandali bago pinag isipan ni Adam na sagutin ito. "32." Simpleng sagot nito. Tumango ito at tinignan siya. "Mukhang kang bata sa edad mo. I'm 29." Camila. Kahit na hindi tinatanong ni Adam ay saad niya. Natahimik muli ito at matagal na tinitigan siya na para bang sinusuri nito ang buong mukha niya. "Nabanggit ko na ba sayo na parang nagkita na tayo dati pa, you look so familiar to me? Like we've met before. But I can't remember when. Have we met before?" Aniya Camila at nakatitig pa din kay Adam. Ilang sandaling hindi nakapag reak si Adam sa tanong nito. Bahagyang nanlaki din ang mata nito na hindi naman nahalata ni Camila. "Have we met before?" Tanong nitong muli sa kanya. Umiling si Adam sa tanong ni Camila sa kanya. "Ngayon lang tayo nag kita, Miss Camila." Sagot ni Adam dito. Tumango si Camila bilang pag sang-ayon sa sinabi niya. "Ganun ba. But I really have this feeling we've met before I just can't name it when and where." Aniya. Hindi na sumagot pa si Adam dito dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya. Mahabang katahimihan muli ang namayani sa dalawa. Nakatanaw sa langit si Camila. "Muntik ko nang malimutan sabihin sayo. You look so cool yesterday." Napakunot ang noo ni Adam sa sinabi nito. "You punch so fast! Like this!" Camila punch in the air after he said those words. Napailing na lamang si Adam sa ginawa nito. Napatingin naman ito sa kanya at parang napahiyang ibinaba nito ang kamay na sinuntok sa kawalan. Tumayo sa pag kakaupo si Camila. "I better go inside." Camila at nag simula nang mag lakad. Adam just stared at Camila's back as she was walking. Adam realized that Camila didn't totally forget about him. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikabahala iyon o dapat bang maging masaya siya sinabi nito. "You won't follow me?" Aniya Camila ng lumingon muli ito pabalik sa kanya. She was now all smile to him. Natulala si Adam. "Adam?" Tawag sa kanya ni Camila. Namalikmata siya sa ginawa nito. He just couldn't believe to what he saw. Her smiling to him. Adam just saw the image of Emilia to Camila. Napa awang ang labi ni Adam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD