4. Protect Aphrodite

3778 Words
Pinag laruan ni Adam sa kamay niya ang pendant na hawak niya. Nasa apartment siya ngayon, naka upo sa terrace ng unit niya kung saan hawak hawak niya ang isang bote ng alak. Pinaka titigan niya ang pendant na hawak ng isang kamay niya. Ito ang nag sisilbing alaala niya sa nangyari ng gabing iyon. The night where he first met Camila. The night as if it happened yesterday. He woke up in the morning alone. Parang panaginip lahat ng nangyari. Ang tanging naging alala lamang ni Adam ng gabing iyon ay ang pendant na naiwan sa ibabaw ng kama. Hindi niya alam kung naiwan ba doon yon o sadyang iniwan para sa kanya. Iniisip na lamang niyang sadyang iniwan iyon ni Camila para kanya. He remembered how he tried to look for the girl named Camila. Only to find out the Camila he was looking is the daughter of Calixto Saavedra. Hindi niya alam kung nanadya ba ang tadhana na dinami dami ng tao sa mundong. Ang Camila na anak pa ng taong kinamumuhian niya ang makikila niya ng gabing iyon. Pagkatapos ng dalawang taon, nagkita silang muli. Camila looks like she doesn't recognize him. Pero hindi ganoon ang kaso para kay Adam. He could clearly remembered that night like it was yesterday. Her scent, touch and kisses. Everything. If there's one thing that made Adam pulling back to kill the President is Camila. Inisang tungga niya ang beer na iniinom niya pagkatapos alalahanin ang nakaraan nilang dalawa ni Camila na siya na lamang ata ang nakakaalala. "Ang lalim ata ng iniisip mo dyan?" Agad napa angat ang ulo ni Adam sumalubong sa kanya si Harry. PInanood niya itong umupo sa kaharap niyang upuan. Inilapag nito sa lamesita na naroon ang dala dala nitong alak. Napakunot ang noo ni Adam. "Nandito ka pa din?" Nagtatakang tanong ni Adam. Hindi pa din kasi ito umuuwi sa Mansyon ni Gustavo kung saan tumutuloy ito. "Hindi mo alam? I'm staying here." Kampanteng naman sagot nito. "Ano? At sino nag sabi pwede kang mag stay dito?" Ani Adam. "Ang boring don kapag wala ka, Kuya. Kaya dito lang ako." Para batang mutawi nito kay Adam. Napa iling na lamang si Adam sa asal nito. Wala naman na siyang magagawa dahil sabihin niya ditong umalis ito ay hindi rin ito susunod sa kanya. "Maiba tayo, kamusta ang pagiging PSG mo? kamusta na mga plano mo?" Seryosong tanong nito sa kanya. Binuksan nito ang bote ng alak at tinungga nito ito. "Everything is happening just the way I plan." Simple sagot nito. "Kuya, ako natatakot para sayo. Kung tutuusin hindi mo na dapat sundin yung pinapagawa sayo ni Boss Gustavo." Bakas sa boses nito ang pag alaala para sa kanya. Adam took the last shot of his beer. Tumayo na siya sa pag kakaupo at nilapitan ito. Naka angat ang tingin nito sa kanya. Seryoso ang mukha nito. "Wag kang mag alala sa akin. Alalahanin mo ang sarili mo." Aniya Adam sabay gulo ng buhok nito. "Yah!" Inis na sigaw nito sa kanya. Tinawanan lamang ito ni Adam at pumasok na sa loob ng apartment. Kinabukasan, katulad ng habilin ni Nathaniel kay Adam ay kasama silang PSG sa isang charity na sinusuportohan ng First Lady. Camila was with her Mom. Maaga siyang nag tungo sa Palace para habilinan ang team niya sa gagawin nila para sa araw na iyon. "All PSG. Check the Facility." Aniya Adam pagkarating nila sa Sikap-Kapatid Charity. Bahay ampunan ito. Hindi pa muna pinababa ang First Lady at Camila hangga't hindi nasisigurado ang paligid. Kumilos ang PSG at ilang minuto lang natapos nila ito. Adam open the door for the two. Sinalubong sila ng mga madreng namamahala doon. "Ma'am Miriam. Magandang Umaga ho." Ani ng Senior Sister na naroon na si Sister Teresita. "Maganda Umaga naman po, Sister." Magalang na bati naman ni Miriam dito. "Good Morning po." Bati naman ni Camila dito. Nasa gilid naman si Adam at abala sa pag guguardiya sa mag-ina. Pinapanood lamang niya ang bawat kilos ng mga ito. "Aba, siya na ba si Camila?" Tanong ng Madre kay Miriam. Bakas naman ang pagtataka kay Camila dahil hindi pa naman niya nakilala ito. "Yes, Sister Teresita. Siya na po ang panganay kong si Camila." Agad naman na sagot ni Miriam dito. "Ang laki na niya. Bueno, pasok kayo." Pumasok sila sa loob ng Bahay Ampunan. Sumalubong sa kanila ang batang nakapila ng maayos at magiliw silang sinalubong ng mga ito. "Magandang umaga po." Sabay sabay na bati nito. Sumilay ang ngiti sa labi ni Camila dito na hindi nakatakas sa paningin ni Adam. Napatingin si Camila sa kanya at nakita siyang nakatingin dito. Nawala ang ngiti sa labi nito sabay inirapan si Adam. Pinag kibit balikat lamang si Adam. "Mga bata, siya Si Ma'am Miriam Saavedra ang asawa ng Pangulo ng ating bansa. Ito naman ang inyong Ate Camila Saavedra ang anak nila." Pakilala ni Mother Teresita dito. Nagkaroon ng kaunting programa sa loob ng bahay ampunan na iyon. Ang ibang PSG ay naging abala sa pag baba ng mga ipapamigay sa mga bata na inihanda ni Firts lady Miriam para sa mga ito. Pinapanood naman ni Camila ang kanyang ina habang tuwang tuwa ito sa pag kukuwento ng storya sa mga bata. Nasa isang gilid siya at nakikinig din dito. She was amaze by how her Mom do what she loves. Kwento sa kanya ng Mommy Miriam niya ay dalaga palang ito ay active na ito sa charity works. Kaya naman isa ito sa hinahangan niya sa kanya Mommy. Natawag ang pansin ni Camila ng may isang batang babae ang lumapit sa kanya. May lumapit na PSG sa kanila para ilayo ang bata pero sinenyasan ni Camila ito na hayaan lamang ito. "Yes?" Magiliw na tanong ni Camila dito. "Aye Cameya?" Bulol na tawag nito sa pangalan niya. Hindi napigilan ni Camila pisilin ang mag kabilang pisngi nito. Napakacute na bata. Aniya ng isip nito. May inabot ito sa kanya. Kinuha niya ito. Tinignan ni Camila ang binigay nito at isa itong papel na may drawing na stick na tao. Umalis ito sa harapan nito matapos maibigay sa kanya ang papel. Itinago naman niya ito sa hip bag na dala niya. Hindi naman pa nag tagal sina Camila sa bahay ampunan na iyon dahil may kailangan din nilang makabalik sa Palasyo dahil sa Official Family Portrait ng Presidente. Kailangan pa nila mag Ayos. Adam was the one who escorted the First Lady and Camila on the way to the Palace. Kasama nila ang isang PSG na siyang nag dadrive. Nasa unahan nila ang ibang kotse ng PSG at mayroon din sa likod nila para masigurado nag sekyuridad ng dalawa. Nasa kalagitnaan sila ng biyahe pabalik sa Palasyo ng huminto ang kotse na nasa harapan nila. Napakunot ang noo ni Adam dahil dito. "Manalo, anong sitwasyon dyan? Bakit kayo bigla huminto?" Agad na radyo ni Adam sa kotse na nasa harapan nila. "Sir, mayroon pong nag aayos ng kalsada. Kailangan po ata nating umikot. " Sagot naman nito sa kabalang radyo. "Huh? Wala naman yan kanina ah?" Nag tatakang tanong ni Adam dito. "What's going on?" Napatingin si Adam sa rear mirror ng marinig niyang nag salita si Camila. Nagtama ang mata nila dahil doon. "There's nothing to worry about, Madam. Just stay in the Car." Aniya ni Adam dito. "Baltazar, get out of the Car. Paligiran niyo ang kotse ng First Lady. The others stand by. Baba ako ng kotse to check the situation. Do you copy?" Bumaba si Adam sa kotse. Sinundan ni Camila si Adam ng tingin. Samantalang, lumapit si Adam sa mga taong doon na gumagawa ng kalsada. "Boss, magandang araw." Bati ni Adam sa mga ito. Napatigil ang mga ito sa ginagawa ng mga ito at napunta sa kanya ang atensyon ng mga ito. "Boss, hindi ba kami pwedeng dumaan dito kahit saglit lang?" Tanong ni Adam sa isa mga nandoon. "Bakit sino kaba? Hindi pwede, nakita niyong ginagawa namin ang kalsada." Maangas na sagot ng isa mga ito kay Adam. Base sa tindig nang katawan nitong mga to ay hindi simpleng mga taga gawa ng kalsada ang mga ito. Maya maya pa ay nakita ni Adam na sumilay na dito ang nakakalokong ngiti. "Sino ba nasa kotse huh? Bakit para napaka dami niyo naman nag babantay?" Tanong nito habang nasa labi nito ang nakakalokong ngiti. Mga ilang saglit pa ay nag silabasan na ito ng mga armas. Napailing si Adam. Nalintikan na. "Baltazar, tell the boys to be on the position. Keep the VIP safe. We are on the ambush. I repeat we are on the ambush!" Adam shouted. Bumaba ang ilang PSG. Sinugod si Adam ng isa mga armadong lalaki. Agad niyang sinuntok ito sa tiyan at napangiwi ito sa sakit. Nag kakagulo na. Camila was watching the scene outside. She was so afraid. So as Her Mom. Inabot ni Miriam ang kamay ng anak. "Mom what's happening?" Natatakot na tanong ni Camila sa ina kahit na alam naman niya ang nangyayari. "Everything is going to be fine." Aniya Miriam kahit na ba kabang kaba at takot na takot na din ito ng mga oras na iyon. The PSG were protecting them. Kitang kita niya mula sa loob ng kotse ang mga kaguluhan na nang yayari sa labas. Camila saw Adam. Agad hinampas nito ng kahoy na nadampot sa kung saan ang mga lalaking sumubok lumapit sa kotseng kinalalagyan nilang mag ina. Napasigaw siya dahil lumipad ito sa salamin kung saan siya nakapwesto. It was tinted kaya hindi sila nakikita sa loob. Camila saw everything Adam did that moment. Camila saw a man holding a knife who is standing on Adam's back. Nanlaki na lamang ang mata ni Camila ng makita niyang papasugod ito kay Adam. She knew he was not aware that man is coming. The next thing she knew. Adam got stabbed. Her eyes grew bigger when she saw he got stabbed at the right side of his back. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Camilla sa kaba sa pwedeng mang yari dito. Samantalang, ramdam ni Adam ang pag kirot ng likod niya ngunit hindi niya ito ininda. Hinugot niya ang kutsilyo naka baon sa tagiliran niya at itinapon ito sa kung saan. Nanlaki ang mata ng lalaking sumasaksak sa kanya. Isa lang ang mahalaga ngayon. Adam needs to protect the two. He needs to Protect Aprhodite. "Baltazar, get the First Lady and Aprhrodite out of here now!" Nagawa pang iradyo ni Adam iyon. What he need to do now is to make sure that First Lady Miriam and Camila is safe. Nakita ni Adam na pinaandar na nang PSG ang kotse lulan kung saan nakasakay si Camilla. Mabilis ito. Kasama din nito ang isang kosteng naka convoy sa kanila kanina. Naiwan si Adam at ang ilang PSG para pigilin ang mga lalaking armadong itong nag tatangka kidnapin ang mag ina. Tinali nila ang mga nahuli nila ang iba naman ay nakatakas. Malamang sa malamang ay natiktikan ng mga ito ang ruta ng pamilya ng Presidente at hindi na ligtas para dito ang dumaan pa sa lugar na iyon. "Sir, nakatakas po yung iba." Aniya ng isang PSG doon. Tumango siya bilang pag tugon dito. Napatingin ito sa tagiliran niyang puno ng dugo. "May tama ka, Sir." Aniya. "Wala ito. Call the other unit. We need back up here para madampot ang mga ito." Utos ni Adam dito. Napangiwi siya ng maramdaman niyang humapdi ang sugat niya. Tumunog ang cellphone ni Adam na nasa bulsa ng coat na suot niya. Kinuha niya ito. "Sir." Bati ni Adam dito. "Vincenzo, how's the situatuon there? Kamusta kayo? May nasaktan ba?" It was Nathaniel. "We're good here. The First Lady and Miss Camila is safe." Bigay alam ni Camila " I know. Kakarating lamang nila dito. Takot na takot ang First Lady at si Miss Camila sa nangyari. Mukhang na trauma ang dalawa. Galit na galit ang Presidente sa nangyari." Aniya. Nag paalam na ito sa kanya. Mga ilang saglit lang ay dumating ang isang unit upang damputin ang nagtangka sa buhay ng First Family kanina. Sumakay si Adam sa PSG vehicle doon. Napapikit siya. Hawak hawak niya ang tagiliran niyang may tama. Punong puno na nang dugo ang kamay niya at ang suot niyang coat. Nakarating sila sa palasyo. Samantalang dinala sa headquarter ang mga nahuli nila para sa imbestigasyon na gagawin nila. Nakasalubong ni Adam si Nathaniel habang papasok siya ng Palasyo. Napakunot ang noo nito habang tinignan siya. "Walanghiya ka, Simeon! May tama ka!" Gulat na gulat saad nito sa kanya. Cool na cool naman tinapik lang ni Adam ang balikat ng visor niya. "Malayo sa bituka to, Nathan." Aniya ni Adam habang nakatingin sa kanya. Sinamaan lamang siya nito ng tingin. Nilagpasan niya ito para pumunta sa infirmary sa loob ng Palasyo para kumuha ng gamot para sa sugat niya. Nakarating siya doon at laking gulat ni Adam kung sino ang naabutan niya nandoon. Nakaupo ito sa hallway at mukhang may hinihintay. Napatingin ito sa gawi niya at bigla nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Bigla din itong napatayo sa pag kakaupo at lumapit ito sa kanya. Tinignan nito ang parte ng katawan niyang may sugat. "Are you alright?" Nag alala tanong nito sa kanya. "God, mukhang malalim ang sugat mo!" Sigaw nito sa kanya. Na estatwa lamang si Adam habang pinapanood ito. Si Camila iyon. Halos maluha luha itong nakatingin sa sugat niya. Nanginginig din ang kamay nito. Hindi alam ni Adam ang magiging reaksyon niya. Parang bigla bigla din ay hindi na niya maramdaman ang hapding kanina lang ay nararamdaman niya. "Anong ginagawa niyo dito, Miss Camila? Hindi ka dapat nandito." Aniya Adam dito. Napatingin ito sa mga mata niya. "My God! You are bleeding!" Pag babalewala nito sa sinabi niya. Nanlaki ang mata niya ng hatakin nito ang kamay niya at ipinasok siya sa loob ng infirmary. Nagulat ang mga taong nandoon. Napatayo ang mga ito dahil hindi inaasahan ang pag sulpot ng anak ng Presidente sa harap ng mga ito. "Ma'am Camila. Anong pong kailangan niyo?" Tanong ng isang company nurse na nandoon. Hindi sumagot si Camila. Sa halip ay hinalungkat nito ang mga gamit na nandoon at kumuha ng mga pang linis na gamot. Lahat ng kinakailangan niya para sa pag lilinis ng sugat ni Adam ang kinuha niya. Nang makuha niya iyon ay binalikan niya si Adam at hinatak ang isang kamay nito paupo sa isang hospital bed ng infirmary. Pinapanood lamang ni Adam ang bawat galaw ni Camila ganoon din ang mga taong nandoon. Labis ang pag tataka ng mga ito sa ginagawa ni Camila. "Ma'am Camila, kami na po ang gagawa niyan." Aniya ng isang nurse na naroon. "No, I need anesthesia. Can you get me one?" Saad ni Camila. Binalikan nito si Adam na nakatingin lamang sa kanya. Hinawakan ni Camila ang laylayan ng suot na polo ni Adam pero mabilis nitong pinigilan ang kamay niya. "I need to cut it. Para makita ko nang maigi ang sugat mo. You already lost a lots of blood." Aniya Camila. "Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Adam dito. "Mr. Vincenzo, I'm a doctor. I know what I'm doing." Aniya Camila. Alam naman ni Adam na Doctor siya. Ang tinatanong nito ang ginagawa nito. Alam ni Adam nag nag tataka ang mga taong naroon kung bakit nandito ngayon si Camila. "Adam, Let go." Aniya Camila. Unti-unti naman tinanggal ni Adam ang kamay niya sa polo niya at hinayaan na ito. She cutted the polo where the part he was stabbed. Sinuri nito ang sugat niya. Napahinga ito ng malalim pag katapos. "I'm glad, it was not that deep." Aniya. Tiyaka tumingin muli kay Adam. Inabot ng nurse na naroon ang hinihingi niyang anesthesia "I need to clean this up. I'm sorry, I also need an anti-tetanus shot. Do we have that here?" Baling ni Camila sa nurse. Tumango naman ito sa kanya. "Can you lay down?" Tanong ni Camila kay Adam. Napingiwi si Adam sa sakit nang subukan niyang humiga. Inalalayan siya nito sa pagsandal niya sa headboard ng hospital bed. "Okay, this will be a little hurt. You can scream if you want. I won't mind. Okay?" Tumango nalang si Adam dito dahil hindi niya alam kung anong pang pwedeng isagot dito. Kung siya ang tatanungin wala walang ang sugat na nakuha niyang ito sa mga naranasan niya dati. There's more worst than this. Napangiwi siya nang magsimula na itong galawin ang sugat niya. Napatingin si Camila sa kanya. "I've told you. You can scream." Aniya ulit nito habang nakatutok ang mata sa pag linis ng sugat niya. Nakatitig lamang si Adam dito habang ginagawa nito iyon. That moment Adam couldn't believe it was actually happening. He couldn't even think this day would come. "I will now start to stitch you. Okay?" Tumango siya bilang pag tugon dito. Adam could not feel the pain because of the anethesia Camila gave him. But he could feel a little stink but it was bearable. Natapos si Camila sa pag lilinis at pagtahi ng sugat na natamo si Adam sa ambush kanina. Nag angat ng tingin si Camila dito at nahuli niyang itong nakatitig sa kanya. Agad siyang tumayo sa pag kakaupo niya at lumayo siya ng bahagya dito. "Tapos na. Ibibigay ko sa Nurse yung gamot na pwede mong inumin. You need to take it so you can recover immediately." Aniya Camila at tinalikuran na niya ito at lumabas sa loob ng infirmary. Agad sumalubong sa labas ang ibang PSG. Wala naman itong sinabi sa kanya. Pumunta siya sa upaan sa hallway at nanghihinang napaupo na lamang siya. Nakakaramdam ng konsensya si Camila sa nangyari sa mga nagbabantay sa kanila. She saw everything what happened and she couldn't help but to feel conscience. Alam naman niyang hindi lang ito ang unang pagkakataon na pwedeng mangyari ang bagay na nangyari kanina. It could still happen in the future. Alam din niyang hindi lahat ng masasaktan sa pagbibigay ng proteksyon sa kanila ay magagamot niya tulad ng ginawa niya para kay Adam. But she was feeling oblige. Tumayo siya at umalis doon. Nakasunod agad sa kanya ang mga PSG na naka assign para sa kanya. Nakarating si Camila sa Bahay Pag Asa. Nandoon ang Mommy niya at kausap ng kanyang Dad. There were busy tracking the people tried to ambush them. Balita niya ay may nakahuli ang PSG na iilan. Dinaluhan siya na isang sa tingin niya ay Official Doctor ng Malacañang para tignan ang kalagayan niya. "I'm fine." Aniya ni Camila dito. Napatingin ito sa damit niyang may dugo. "It's not mine." Agad na sabi niya dito na parang alam na niya ang susunod na katanungan nito. Nag paalam siyang pupunta na sa kwarto niya para doon na makapag pahinga. Hindi man aminin ni Camila pero sobra ang takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. She was not scared because of herself, but because of her Mom. There's a lot of things bothering her, like what if the PSG didn't stop the men who wants to hurt them and hurt her Mom. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya kung mang yari man yon. Nakarating siya sa kwarto niya at agad nag palit nang damit. Puro dugo na ni Adam ang damit niya. She took a quick bath. Samantalang, abala ang PSG sa pag imbestiga ng mga nahuli nilang mga nag tangka sa buhay ng First Lady at ang anak nito. Tatlong lalaking maskulado ang pangangatawan. Their were on the interrogation room. Kanina pa sila nag tatanong sa mga ito. Ngunit tikom ang mga bibig nito. Pumasok si Adam sa loob niyon at nagulat si Nathaniel sa presensya niya. Deretso ang tingin nito sa screen kung saan nakikita nila ang nagaganap sa loob mismo ng interrogation room. Nakapag palit na si Adam ng bagong damit. Nag tataka naman siyang tinignan ni Nathaniel. "Anong ginagawa mo dito, Vincenzo? Di ba may tama ka? Bakit hindi ka mag pagamot." Nagtatakang tanong ni Nathaniel sa kanya. "Tapos na kong gamutin." Cool na sagot ni Adam dito. "Tss, bahala ka sa buhay mo." Wala na itong nagawa. Sabay silang nanonood ng nangyayari sa loob. "Ayaw magsalita ng mga iyan. Kanina pa sila nitatanong ni Kiko pero wala ding makuhang sagot." Pag bibigay alam ni Nathaniel kay Adam. Tahimik naman si Adam habang nanonood sa mga ito. "Papasok ako." Aniya ni Adam kay Nathaniel. Hindi na hinintay ni Adam ang sagot nito. Niradyohan naman ni Nathaniel si Kiko tungkol sa pagpasok sa loob ni Adam. Pumasok sa loob ng interrogation Room Si Adam napatingin sa kanya ang mga nandoon. Tinanguan ni Kiko si Adam. Tumayo ito at iniwan si Adam kasama ang mga ito. Masama titig agad ang pinukaw ng mga ito sa kanya. Nakaposas ang mga kamay nito kaya hirap ito sa pag galaw. Sumilay ang ngisi sa labi ni Adam. Sinumulan na niya ang pag tatanong dito. Katulad ng kay Kiko ay ganoon lang din ang ginawa ng mga ito. Pinanood naman sila nina Nathaniel at Kiko mula sa one-way mirror. Maya-maya pa ay hindi na napigilan ni Adam ang sarili niya at kinalampag niya lamesa mistulang naging harang nito sa kanya. Napahawak siya sa parte ng katawan niyang may tama dahil sa naramdaman niyang kirot. "Matitigas talaga ang mukha niyo?" Galit na sambit ni Adam dito. Tumayo siya para lumapit dito. Sinabutan niya ang buhok ng isa doon. Pumiglas ito sa kanya. Ngumisi muli siya. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga nito upang bumulong. Hinigpitan niya ang pag hawak sa buhok nito. "Alam niyo ng gagawin niyo. Wala lalabas ni isang salita sa inyo. Subukan niyo I will make sure to kill each of you." Bulong ni Adam sa mga ito. Napakunot naman ang noo ni Nathaniel at Kiko habang pinapanood ang nangyayari sa loob ng kwartong iyon. They can't here whatever Adam is saying. Binitawan ni Adam ang buhok ng isa sa mga nandoon at muling bumalik sa kinauupuan niya. Nakatanggap siya ng Radyo mula kay Nathaniel. "Vincenzo, anong nangyayari dyan? We can't hear you from here." Aniya Nathaniel. "Sorry, sir. Di ko sinasadyang mapindot ang switch off ng speaker." Dahilan ni Adam. In-on muli ni Adam ang button ng speaker na naroon na kanina ay pasimpleng niyang ini-off. Tinignan niya ng masama ang mga tauhan ni Gustavo. Alam ni Adam na tauhan ni Gustavo ang mga nasa harapan niya. Alam niyang kagagawan nito ang nangyari kanina sa First Lady. Pero ang di alam ni Adam ay ang pag damay ni Gustavo sa pamilya ni Calixto. He greeted his teeth. Gustavo is moving without him knowing. Sa kaalamanan na iyo ay kumukulo ang dugo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD