3. Chasing

4092 Words
"We have just landed at Ninoy Aquino International Airport... " The Flight Attendant annouced. Minulat ni Camila ang kanyang mata ng marinig niya iyon. Sinilip niya ang bintana malapit sa kanya. Napabuntong hininga si Camila sa realidad na naka uwi na pala ulit siya sa Pilipinas. If she can have the choice. Mas pipiliin ni Camila na mag stay sa Amerika kesa pa manatili pa siya dito sa Pinas. She really hates the thought of having a father who is the President of the Philippines. Alam niyang wala siyang kalayaan sa bansang to. Kung hindi lamang kailangan ay hindi siya uuwi ng Pilipinas. Nasa loob sila ng First class ng eroplano. She was surrounded by a ton of PSG that her father sent. "Ms. Camila. Pwede na po tayong bumaba ng eroplano." Aniya ng isang PSG ilang minuto matapos mag land na talaga ang eroplano. Tinanguan niya ito at sumunod na lamang dito. Sikat ng araw ang agad na sumalubong kay Camila ng lumabas siya sa eroplano. She immediately wear her eyeglass. Camila rolled her eyes when she saw how many PSG her Dad sent for her. Iba pa ang kasama niya mismo sa biyahe niya sa eroplano. Hindi siya makapaniwalang ganto ang magiging buhay niya. Ni hindi niya lubos maisip na hahantong sila sa ganto na kinakailangan pa nila ng sangkatutak na tagabantay para lamang masigurado ang sekyuridad nila. Nagsimula na siyang bumaba ng eroplano. Nang tuluyan na siyang makababa ay tinanggal niya ang suot na shade at tumapat sa isa mga PSG na naroon. Mataman na tinitigan ni Camila ang isang iyon.  Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa. And a moment later she chuckled. Goodness, How can a model typed-man is a PSG? aniya ng kanyang isip. He was tall, 6 feet she guess at kahit nakasuot ito ng shade ay alam niyang papasa to sa modelling. Napa-iling siya. Because of her curiousity, wala sa sariling kinuha niya ang ID nito na nakasabit sa suot nitong black Tuxedo. Nagulat pa si Camila na mabilis nitong nahawakan ang palapulsuhan niya para pigilan ang gagawin niya. Nanlaki ang mata ni Camila sa ginawa nito. Tila parang nabigla din ito sa nagawa nito at binitawan ang kamay niya. Hawak hawak na ni Camila ngayon ang ID nito. Hinayaan na siya nito. Nitignan niya ito "Adam Simeon Vincenzo." Malakas na basa ni Camila sa pangalan nito. Pinag palit palit niya ang tingin niya at pabalik sa ID nito. She's right. He is really a one good-looking guy. Base na din sa picture nito sa ID. Inabot ni Camila ang Id nito dito. Tinaasan niya ng kilay ito. "Can I go to the restroom first ?" Camila asked Adam. Hindi ito sumagot sa kanya. Sa imbes ay nag salita ito mula sa suot na radio sa tenga. Nararamdaman ni Camila na kahit nakasuot ito ng itim na salamin ay deretsong ang tingin nito sa kanya. Nakatitig lamang din siya dito habang nag sasalita. "Team 1. Aphrodite is requesting to go the restroom. Clear the way. Over." Seryosong sabi nito. Biglang napatawa si Camila sa narinig niyang tawag nito sa kanya. "Aphrodite?" Natatawang bigkas niya ng marinig ito mula dito. Hindi nito pinansin ang pag tawa niya. "God, hindi naman ako naorient na may pag codename codename pala. Di sana nag suggest ako. Like, Paris Hilton right? O kaya Gucci? Mas maganda. Aphrodite? Ano to greek God? Ano code name ni Liam? Let me guess? Zues? Archilles? Something like that?" Mahabang saad ni Camila ngunit tinitigan lang siya ni Adam habang nag sasalita siya. "I'll be assisting Aphrodite to the restroom. Is the way clear? Over." Halos nalaglag ang panga ni Camila dahil sa pagbabawaleng bahala nito sa sinabi niya. Maya maya pa ay sinenyasahan siya nito na sumunod dito. Kaya ganoon nga ang ginagawa niya. May iilang PSG pa ang nakasunod din sa kanila. Umikot nalang ang mata niya at napabuntong hininga. Hindi naman kalayuan ang restroom mula sa pinang galingan nila. Kaya naman ay agad silang nakarating doon. Papasok na siya ng restroom ng makita niyang mukhang papasok din ang mukhang model na PSG.  Nanlaki ang mata niya at agad siyang humarang sa pintuan ng restroom. Napaurong naman ito sa ginawa niya. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Wala naman reaksyon ang isa. "Don't tell me pati sa loob ay sasama kayong lahat?" Tanong niya dito. "Yes. We need to make sure——" Camila cutted him by raising her left hand near his face. "Hep! Hep! Can't you see? This is for girls use only!" Aniya Camila sabay turo sa sticker na nakadikit sa pintuan. Tinaasan niya ito ng kilay. "Di ba girls? Girls lang ang pwedeng pumasok. Kaya, if you don't mind I need to go inside. ALONE. Stay where you are right now. Okay? Okay!"  Wala naman itong nagawa sa sinabi niya kaya mag isa siyang pumasok ng restroom. Agad nilibot ni Camila ang mata niya. Looking for an escape plan. Halos ma frustrate siya ng makita niyang wala ni isang pwede ng labasan. May mga iilang gumagamit din ng cr. Napangiti siya ng may maisip siyang paraan. Nilapitan niya ang isang babaeng sa tingin niya halos kasing edad lamang niya. Magiliw niya itong binati. "Hello! My name is Camila. Can I ask a little favor from you?" She said. Samantala, sa labas ng Restroom ay nag hihintay si Adam at mga ilang PSG. Nakatayo siya malapit sa pintuan upang makasigurado hindi makakatakas si Camila sa pangangalaga niya. Sinabi ni Nathaniel sa kanya na madalas itong tumakas sa mga nag babantay dito and he don't want it to happen to him. He needs to make sure she will arrived in the Palace shortly after this. Maya maya pa ay may lumabas ng restroom na nabunggo siya. "I'm sorry." The woman said. Agad din naman siyang nang hingi ng paumanhin sa babaeng naka bunggo sa kanya. Kasalanan din naman niya dahil nakaharang siya sa pintuan. She was wearing a scarf on her head. Pinanood niya itong umalis. Adam compose himself at nag hintay pa muli. A couple of minutes has passed ngunit wala pa rin Camila lumalabas sa restroom. Adam became inpatient kaya naman pumasok na siya sa loob ng restroom. Ang mga babaeng nandoon ay nagulat sa presensya niya. Pinakita na lamang niya ang suot na ID. "I'm sorry, I need to check the facility." Aniya Adam. Nag simula na siyang isaisahin ang mga cubicle na naroon. Ngunit wala roon si Camila. Nakahinga ng maluwag si Adam ng makita niya ito sa bandang dulo ng sink at nag huhugas ng kamay. "Ms. Camila. We need to go now. " Aniya Adam. Habang papalapit dito. Lumingon ito sa kanya at nanlaki ang mata ni Adam. "Damn it!" Galit na sigaw niya at nahampas ang pader malapit sa kanya. Mukhang nagulat naman ang babaeng nasa harapan niya. It was not Camila. Nakasuot lamang dito ang damit nito kanina. "Nasaan ang may ari ng damit na suot mo? Anong kulay ng suot mo kanina?" Mabilis na tanong niya dito. Hindi ito nakasagot kanina. "Saguting mo ko, Nasaan ang may ari ng damit na suot mo at anong kulay ng damit mo kanina?!" Ulit niya sa tanong niya. "Sir, umalis na po siya. Ang sabi niya sa akin bibilin niya yung suot kong damit tapos ibibigay niya sa akin yung kanya. Kulay Black na tshirt, pants at naka scarf po ang damit ko kanina" Mahabang sagot nito sa kanya. Halos mapamura si Adam sa napag tanto niya. Yung babaeng nabunggo niya kanina ay si Camila. Nagmamadali na naglakad palabas ng restroom si Adam. "Team 1. Aphrodite is missing! I repeat. Aphrodite is missing! Check all the woman wearing a black tshirt and a brown scarf now!" Aniya Adam sa radio nila. Nang gigil na lumabas si Adam at agad pinakilos ang mga PSG. Adam gritted his teeth. He can't believed that Camila really did escape from him. Pumunta si Adam sa malapit ng railing ng 2nd floor ng Airport at nilibot ang mata niya sa mga taong nasa baba. "Where are you. Where are you." Paulit ulit na bigkas ni Adam habang pinapalibot ang mata sa kabuuan ng Airport. And just when Adam decided to look for somewhere else when he saw a woman wearing a black shirt and same scarf he saw earlier. Nasa labas ito ng airport at nag aabang ng taxi. Nag mamadaling pinuntahan ni Adam ito. Wala nang pakialam si Adam sa mga taong nakakabunggo niya. Sa mga oras na iyon ay tanging nasa isip niya ay makita at mahabol niya si Camila. "Excuse me excuse me." Adam habang nag mamadaling makapunta sa exit ng airport. "Team 1. Pumunta kayo sa labas ng Airport. Sa abangan ng taxi. Do you copy.?!" Nakuha pang sabihin ni Adam habang takbo lakad na ang ginagawa niya. Mula sa loob ng airport ay nakita ni Adam na tuluyan nang nakasakay ang babae nakita niyang suspentiya niya ay si Camila. Hindi pa din tumigil si Adam. Nakalabas na siya ng Airport at mabilis siyang tumakbo para mahabol ang taxi. Pero imposible sa daan na tinatahak niya kaya ang ginawa niya ay lumiko siya sa kabilang side na alam niyang lilikuan nito. Mabilis siyang tumakbo hanggang sa nasa gitna na siya ng highway at  nakita niyang papunta na sa harapan niya ang taxi. Hinihingal na nanatiling nakatayo si Adam sa highway habang hinihintay ang pag lapit ng taxi. Mabilis ang paandar nito kaya muntik na siya mabunggo nito buti ay tamang tama ang pag preno nito. Adam was out of breathe. Tinignan niya ang babae mula sa labas kung tama ba ang hinila niya at hindi nga siya nag kamali . Si Camila nga ang lulan nito at kitang kita ang gulat nito sa ginawa niya mula sa labas ng taxi dahil hindi ito tinted. Hinampas ni Adam ang harapan ng taxi sa inis. Hinihingal pa din siya. Inayos ni Adam ang suot na tuxedo pagkatapos at nag lakad siya papalapit sa passenger seat at binuksan ito. "Baba." Seryosong utos ni Adam kay Camila na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nakalaglag ang panga nito. "Baba." Ulit ni Adam dito. Mukhang maamong tutang bumaba si Camila sa taxi. Pabagsak na sinarado ni Adam ang pintuan ng taxi. Kinatok niya ang driver ng taxi. Nang binaba nito ang salamin ay inabutan ni Adam ito ng isang libo piso. Umalis ang taxi sa harapan nila at binalikan ni Adam si Camila na tahimik nakatayo sa gitna ng kalsada. Hinawakan niya ang palapulsuhan nito at hinatak papunta sa gilid ng kalsada. "Team 1. Aphrodite is here outside the Airport. Get the car ready. Come here quickly." Aniya Adam. Timpi timpi si Adam ng mga oras na iyon. He don't want to say any word to her lalo na anak siya ng Presidente at ayaw niyang makagawa ng maling hakbang  para makasira sa plano niya. "Bakit mo pa akong kailangang habulin?!" Mukhang naiinis na pahayag ni Camila. Tinignan siya ni Adam sa hindi makapaniwalang reaksyon. "Dapat ngayon ay nakalayo na ako dito!" Sinigawan siya nito. Naramdaman ni Adam na hinampas siya nito sa braso niya. Paulit nitong ginagawa iyon kaya naman hinawakan muli ni Adam ang palapulsuhan nito para tumigil ito. "Hindi mo ba talaga naiintindihan ang sitwasyon mo ngayon?" Nakuhang tanungin ni Adam ito. Binawi nito ang kamay nito mula kay Adam. "I know. I know exactly what my situation is. Hindi mo na kailangan ipaalala pa." Camila. She then crossed her arms. "Alam mo naman pala eh. You are risking your life. At hindi lang buhay mo ang nilalagay mo sa alanganin. Even the people who's trying to protect you. Kaya naman Miss Camila, we also need your cooperation. " Aniya Adam. Hindi na sumagot pa si Camila dito. Inirapan na lamang niya ito.  Ilang sandali pa ay pumarada na sa harapan nila ang sasakyan. Padabog na sumakay si Camila. "Vincenzo Speaking. Aphrodite is now on the way to the palace. Over." Narinig pa ni Camila na radio ni Adam. Umikot na naman ang mata niya. Naiinis si Camila dahil malapit na siya makatakas kung hindi lang hinabol ng isang to ang sinasakyan niyang taxi. Ayaw niya lang talagang makaharap ang Presidente ngayon dahil hindi nalang siya basta ama sa kanya dahil Ama na siya ng buong bayan. Ayaw din niyang makaharap ang mommy niya dahil aminado siyang puro disappointments lang ginawa niya sa Amerika. Kung uuwi man siya sa Pinas ang kapatid lang niyang si Liam ang gusto niyang makita sa ngayon. Malalim ang isip niya. Parang wala sa Pinas. Napabuntong hininga siya. Alam niyang malapit na siya sa Malacanang Palace. "Hey." Maya maya pa ay tawag ni Camila kay Adam. Hindi siya nito pinansin.  Deretso lang ang tingin nito sa daan kung minsan ay tumitungin sa side mirror o kaya naman ay sa rear mirror. "Hoy, Adam!" Muling tawag ni Camila dito. Mula sa rear mirror ay nakita ni Camila na kumunot ang noo nito. Samantalang mukhang nagulat naman ang driver sa pagtawag ng pangalan ni Adam. "What? Am I not allowed to call you by your name too? Nakita ko kanina sa ID mo remember?" Sabi ni Camila sa dalawa. Hindi sumagot si Adam dito. Tahimik lamang siya. "Okay okay, Can you pull over the car for a while?" Request ni Camila sa kanila. "Hindi pwede Ms. Camila. Kanina pa kayo hinihintay ni First Lady Miriam." Mabilis na sagot ni Adam dito. "Please. 5 minutes lang." Pag pupumilit ni Camila dito. Nag tinginan si Adam at ang driver. Hinihintay nito ang magiging desisyon ni Adam. "Are you trying to escape again, Miss Camila?" Tanong ni Adam. "No, I'm not. Promise!" Tinignan ni Adam si Camila mula sa rear Mirror. Nakataas pa ang isang kamay nito bilang pag sumpa sa sinabi nito. Napabuntong hininga na lamang si Adam. "Team 1. We will be stop the car for minutes. As per requested of Aphrodite.  Do you copy?" Adam. "Okay good." Tinanguan ni Adam ang driver at ginawa nga nito ang utos nito. Itinigil nga nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Malapit na sila sa Malacañang. Sa tingin ni Adam ay makakarating sila ng ilang minuto nalang. Camila rest his head to the passenger seat. Pinikit niya ang mata niya pag katapos. Hindi talaga siya handang makaharap ang Dad niya. "Adam, can we go back to the airport now?" Nakapikit pa din si Camila habang tinatanong iyon kay Adam. Tinignan naman ni Adam sa rear mirror. "Hindi na pwede, Miss Camila. Ilang minuto nalang ay nasa Palace na tayo." Sagot ni Adam dito. "But I really don't want to go there." Pag amin ni Camila sa dalawa. "Pero syempre joke lang." Ilang segundo ay binawe nito ang salita nito. Mga ilang minuto din ang nakalipas bago muling pinaandar nag sasakyan. Nasa tapat na sila ngayon ng Bahay Pag- Asa. Bumaba si Adam para pag buksan ng pinto si Camila. Bumaba ito at agad nilibot ang mata sa paligid. Hindi nakatakas sa paningin ni Adam ang pag buntong hininga nito bago mag simula mag lakad. Sinundan ng tingin ni Adam ng tingin si Camila. "Aphrodite arrive at Bahay Pag -asa" Aniya Adam. Nakapasok na sa loob ng Bahay Pag-Asa si Camila. Kaliwa't kanan ang nakikita niyang PSG. Not the home that she imagined at all. Malayong malayo sa buhay nila dati bago pa maging ihalal na Presidente ang kanyang ama. "Camila, my dear." Sinalubong agad siya ng kanyang Mommy Miriam. Niyakap siya nito. "Hi Mom, I miss you." Malumanay na bati  ni Camila sa mommy niya. Kasunod ni Camila si Adam na nasa likod nila ngayon. Nilapitan si Adam ng isa mga PSG. "Sir." Bati nito sa kanya. Tinanguan naman ni Adam ito. Pagkatapos ay nilapitan naman nito si Camila. Sinundan ng tingin ni Adam ito. "Ma'am, naghihintay po sa inyo si Mr. President Calixto sa loob ng kanyang study room." Aniya nito. Hindi naman nag tanong pa si Camila kung bakit dahil alam na niya kung bakit. Tungkol to sa ginawa niya kani-kanina lang. Nag paalam siya sa Mommy niya na pupuntahan muna niya ang Dad sa study nito. Camila knock at her Dad's study Room. May dalawang PSG na nag babantay sa pintuan nito. Pumasok siya sa loob at doon ay nakita niyang abala ang ama niya. "Dad." Tawag ni Camila dito. Nag taas ito ng noo. Her Dad didn't seem to be delighted at her presence right now. Nakatayo lamang siya sa harap nito. "What did you do?" Malumanay na tanong sa kanya nito. Hindi nakasagot si Camila. "Alam mo bang kung anong pwedeng mangyari sayo kung hindi ka nahabol ng mga sumundo sayo? There's a lot of people wants me and my family get hurt. And that includes you, Camila." Aniya Calixto sa kanyang anak. Tahimik naman nakikinig si Camila dito. "I'm sorry, Dad." Wala naman ibang masasabi pa si Camila sa ama niya. Calixto sighed. He knows that, kahit anong gawin ng mga anak niya ay kaya niya itong patawarin. "Alam mo naman na ang kaligtasan niyo lamang ang hangad ko, Camila." Aniya Calixto. Tumayo ito sa pag kakaupo nito at nilapitan ang anak niya ito. "Come here." Aniya Calixto. Camila went to her father and hugged him. This is what she missed. "Wag mo na kami pinag aalala. Alam naman na kahit malaki kana. Sa paningin naman ng Mommy mo ay baby ka pa din namin." Aniya ni Calixto. Parang batang nakayakap naman si Camila sa ama. "Na miss kita Dad." Ani Camila. "I miss you too, Kiddo." Sabay pisil sa ilong nito. Natawa naman si Camila sa ginawa nito. God, she was glad that she and her Dad was okay now.  Umalis siya sa loob ng study room nito. Adam was the standing infront of study room at kausap nito ang dalawa pang PSG na nandoon. Base sa nakita ni Camila ay may hinahabilin ito sa mga ito. Nagtama ang mata nilang dalawa. Inirapan ni Camila ito at nag simula na muli siyang nag lakad. Hindi naman ito pinansin ni Adam. Naglibot si Camile sa loob ng Bahay Pag Asa. Like what she expected. Kaliwa't Kanang PSG ang nakapaligid ng Official Resident. Nasa parteng ng backyard na siya ng makita niya ang isa sa pamilyar na pigura. Napangiti si Camila. "Liam!" Excited na tawag ni Camila sa kapatid na naglalaro sa  backyard kasama ang iilang PSG. Lumingon ito at natawa si Camila sa reaksyon nito. "Ate?" Hindi makapaniwalang sambit nito. "Ate!" Ulit nito at tiyaka tumakbong lumapit ito sa kanya. "I miss you so much, little kiddo." Aniya Habang magkayap silang dalawang mag kapatid. "Ate! You are here!" Masayang masaya sabi ni Liam. Hindi kasi niya pinasabi ni Camila sa Mommy niya na uuwi siya kaya gulat gulat ito na nandito sa siya sa Pilipinas. Nasa di kalayuan naman si Adam. Habang pinapanood ang mag kapatid na Camila at Liam. "Mukhang miss na miss nila ang isa't isa." Nadako ang tingin ni Adam sa nag salita. Si Kiko iyon. Tumabi ito sa kanya habang pinapanood ang eksena ng mag kapatid. Hindi naman umimik si Adam. Binalik nalang niya ang tingin sa dalawa. "Bakit ka nandito? Hindi ba aalis kayo kasama ang Presidente?" Pag iiba ng usapan ni Adam. "Kausap pa ni President Calixto si Sir Nathaniel." Cool na sagot nito sabay akbay sa kanya. Agad niya itong inalis. "Alam mo ba?" Maya maya ay tanong nito. Ibinalik nito ang kamay naka nakaakbay sa kanya. "Ang alin?" Balik na tanong ni Adam dito.  Matagal ito bago sumagot sa kanya. Mukhang tinatantiya  kung gaano katimbang ng kuryosidad niya sa gusto nitong sabihin. "The President is calling you to his office. Ngayon na." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Ilang minuto na silang mag kasama ngayon lamang nito sinabi ang pakay nito sa kanya. Padabog na tinganggal ni Adam ang kamay nito na naka akbay sa kanya. Tinawanan naman siya ng isa.  Nag martsa siya patungo sa opisina ng Presidente. "Pinapatawag ako ni Presidente Calixto." Seryosong saad ni Adam sa dalawang PSG na nakabantay doon. Pinadaan naman siya nito. Kumatok siya sa pintuan nito at kusa na itong bumukas. Si Nathaniel ang bumugad sa kanya. Niluwagan nito ang pag kakabukas ng pintuan at pinapasok siya ng tuluyan sa loob. Agad nilibot ng mata ni Adam ang loob ng kwartong iyon. Nakita niyang abalang naka upo ang Presidente sa upuan nito. Sabay silang lumapit ni Nathaniel papalapit dito. In Adam's mind this is best time he could kill the President. Ano mang oras ay pwedeng pwede niyang hugutin ang baril na nasa gilid niya at ipaputok ito ora mismo. "Mr. President." Sambit ni Nathaniel. Nag angat ng ulo ang Presidente at itinigil ang kung ano mang ginagawa nito. "Mr. President." Magalang na bati din Adam dito. Nakatungo ang ulo niya. Iniiwasan ang maka eye-contact ang Presidente. "Francisco, siya ba ang tinutukoy mo?" Tanong ng Presidente kay Nathaniel. Bahagyang napa kunot ang noo ni Adam dahil sa sinabi nito. Ano ang tinutukoy ni Nathaniel na sinabi niya sa presidente? "Yes, Mr. President." Agad na sagot nito dito. Nanatiling nakatungo si Adam. At ngayon ramdam niya ang pag pukaw ng tingin ng Presidente sa kanya. "Anong pangalan mo?" Tanong nito sa kanya. Nag taas ng tingin si Adam at tinitigan ang Presidente Mata sa mata. "Adam Simeon Vincenzo, Mr. President. " Sagot niya dito. "Vincenzo." Sambit nito. "Salamat sa iyong ginawa. May katigasan talaga ng ulo ang anak kong si Camila." Aniya. Nag isip ng ilang segundo si Adam sa sinabi nito. "Wala po iyon, Mr. President. Ginawa ko lamang ang trabaho kong protektahan ang Presidente at ang buong pamilya nito." Pahayag ni Adam dito ng mapagtanto niya ang sinasabi nito sa kanya. Napatango si Calixto sa naging pahayag nito. "Thank you for doing your job, effectively." Calixto to Adam. "Francisco, I want you to assign him directly to escort my Immediately Family. Most especially my daughter Camila." Calixto to Nathaniel. "Yes, Mr. President." Agad na sagot ni Nathaniel sa sinabi nito. Sabay nang lumabas ng study room ng Presidente ang dalawa pagkatapos nilang pormal na nagpaalam. Kapwa sila tahimik paglabas nila. Nag lalakad na silang parehas sa hallway ng Bahay Pag-Asa. "You heard what the President Says, Simeon. Hindi ko na kailangan ulitin pa sayo." Aniya Nathaniel habang nag lalakad sila. "Yes, malinaw kong narinig." Derestso ang tingin nilang dalawa sa daan. "The First Lady together with Miss Camila is scheduled to visit the charity First Lady Miriam is supporting. Tomorrow at 8 am."  Nathaniel. Mag tatanong pa sana si Adam dito ngunit pabilis itong nag lakad patungo sa labasan ng Bahay Pag-asa. Naiwan si Adam sa gitna ng hallway. Nag martsa siya sa lugar kung saan huli niyang nakita si Camila. Nakatayo hindi kalayuan si Adam habang nakatanaw kay Camila at sa kapatid nitong si Liam. Masaya itong nag kukuwentuhan sa ilalim ng punong naroon sa backyard. Kasama na din nila si First Lady Mirriam. Tuwang tuwa ito habang pinapanood ang magkapatid na mag kasama.  This is the scene that Adam didn't expected to. Calixto's family. Hindi niya na anticipate na ganitong pamilya ang mayroon ang isang Calixto Saavedra. Adam was just watching at them. Kinagabihan, nagkaroon ng kaunting salo salo ang Pamilya ng Presidente sa pagsalubong sa pag uwi ni Camila. Masayang nag kukuwentuhan ang mga ito. Nasa isang sulok naman si Adam nag babantay.  Pinapanood niya ang masayang pamilya ni Calixto. Hindi alam niya kung paano siya nakakapag timpi gayong nasa harapan niya si Calixto. It was already 9 in the evening. Oras na para sa pagpapalit ng PSG mag babantay sa paligid ng Bahay Pag -Asa. Papaalis na siya nang mapukaw ang atensyon niya sa mini park ng lugar na iyon. Napahinto siya sa pag lalakad dahil nakita niyang mag isang naka-upo sa isa sa mga bench naroon si Camila. Tila malalim ang iniisip habang nakahawak sa kwintas nito na suot suot. Pinapanood lamang ni Adam ang ginagawa nito. Minuto ang nakalipas ng napag pasyahan ni Adam ba umalis na roon. "Vincenzo speaking. Aphrodite is here on St. Joseph Park. Send people here. Over."  Adam radio the other PSG to let them know that Camila was there alone. Like what he's doing. Adam droved his motor and drive to his apartment. Kung saan saan lamang binagsak ni Adam ang mga gamit niya pag kapasok niya sa loob ng unit niya. Ibinagsak niya ang katawan niya sa sofa. Kinuha niya sa leeg niya ang suot niyang kwintas. It was a key pendant. Tinitigan iyon ni Adam. That pendant was given to Adam. From a girl who he had met to the bar two years ago now. And that girl is, Camila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD