Camila heard a sound of a gunshot. Nakaramdam siya ng takot habang hinahanap ng mga mata niya ang pinag galingan niyon. The place was so chaotic. It was dark and only thing that light the place is the light coming from the moon.
Nadapa siya. Nakakabinging sunod sunod na pag putok ng baril ang naririnig niya. Tinakpan niya ng palad ang tenga niya dahil nabibingi siya sa tunog nito.
She was still searching where it came from until she saw a figure of man who's laying on the ground. He was laying on his own blood. Wala na siyang naririnig na putok ng baril kaya naman dahan dahan niyang nilapitan ang lalaking nakahandusay at nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang si Adam ang lalaki nakahiga sa sahig. Sa nanginginig na tuhod at paunti unti niya itong nilapitan.
"Adam..." Mahinang usal niya.
Wala itong respond sa kanya. Hinawakan niya ang balikat nito.
"Adam..." Muling tawag niya. Dahan dahan niyang binuhat ang katawan nito at ipinatong sa kanyang binti. Nakapikit na ang mga talukap ng mga mata nito.
"Adam..." Mahinang usal niyang muli. Nanginginig ang buo niyang katawan. Nakita niya itong nag mulat at napa ubo kabasay ng pag bulwak ng dugo mula sa labi nito.
"Stay with me... please." Nagmamakaawa siyang sambit dito habang nag aagaw buhay na ito. Atomatikong nag bagsakan ang mga luha sa mga mata niya habang pinapanood niyang nag aagaw buhay. Wala siyang magawa dahil sarado ang utak niya.
Adam tried to reach for her face. Kinuha niya ito at inilagay sa kanyang pisngi. She was crying. Even his palm was full of his own blood. May gustong itong sabihin sa kanya pero ramdam niyang nilalabanan na nito ang sakit na iniinda at ang kamatayan...
"Adam... Adam... stay with me!" Paulit ulit na sigaw niya sa pangalan nito habang nakikita niyang unti unti na ulit nitong pinipikit ang mata. Niyugyog niya ang pisngi nito. Adam vomit a blood again. Nahihirapan na ito. She saw so much pain on his face.
"No, Adam. please! Stay with me! Please! Please!!!! " Ulit niyang sigaw ngunit nakita niyang unti unti na nitong ibinaba ang kamay nito at bumagsak na sa sahig tanda na wala na itong hininga. She cried out in pain...
"Camila! Camila! Wake up!" Camila opened her eyes when she felt that someone is shaking her body. Hinihingal na napadilat siya. Para siyang tumakbo ng napalayo ngunit ramdam niyang kakagising lamang niya. She saw Adam on her side. He's the one who wakes her up.
Napabalikwas siya ng bangon. Shen then remembered about the guns, blood and... Adam. Who's laying on his own blood. Tumingin siya sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay nito. Pagkatapos ang mukha nito. She was checking if he was real. Mainit at malambot kamay nito. She could feel warmth on his face also.
Bakas ang pag aalala at pagkalito kay Adam dahil ginawa niya. She sighed in relief when she realized it was just a dream. A bad dream. Nakahinga siya ng maluwag dahil nandito si Adam. He is real. He's alive.
"You're having a bad dream." Aniya Adam. Tumango siya kahit na hindi naman siya tinatanong nito. Tinanggal niya ang kamay niyang nakahawak sa mukha nito.
"Okay ka lang ba?" Adam asked her worriedly. She looked at him again. God, she sighed in relief again. Adam's alive. Paulit ulit niyang sambit sa utak niya.
Sinubukan niyang tumayo mag isa pero muntik na siyang mabuwal dahil binigla niya ang sarili niya at nakaramdam siya ng pag ikot ng mundo niya. Mabuti na lamang ay maagap siyang napakapit sa braso ni Adam. Mabilis din nitong nahawakan ang bewang niya.
"Take it easy." He says. Pina upo siya nito sa edge ng hospital bed. Inalalayan siya nito. Umalis ito saglit at pag balik nito ay may dala na itong baso ng tubig. Ibinigay nito sa kanya. Ininom niya ito. Inayos niya ang nakawalang buhok niya.
"Thanks." Camila said to him. She was still catching her own breath.
"What happened?" She asked. Nalilito siya kung bakit nasa hospital bed siya. The last time she remembered she was having an operation.
"Nawalan ka ng malay pagkatapos ng operasyon niyo kay Councelor Miguel." Sagot nito. Napatingin siya sa wristwatch na suot niya. Mag aalas nueve na ng gabi. Halos isang oras din siyang nawalan ng malay. Napabuntong hininga siya.
"How is he?" Tinutukoy ay si Councelor Miguel.
"He's fine. Dumating kani-kanilang ang family Doctor nila. They check him and he's fine. Nag hihintay nalang na magising siya para mailipat siya sa pinaka-malapit na hospital." Sagot ni Adam. Hindi na siya nag salita. Nasa harapan niya si Adam. Nakatayo ito at tinititigan niya. As if he was checking her if she's fine.
"You did a great job, Doc Camila." Adam patted her head. Nagulat siya sa ginawa nito. Adam had this soft aura that made her feel at ease at the same time.
"Thank you, thank you for believing in me." She said. Adam was the one who gave her strength while they were doing the operation earlier. Natatandaan pa niya kung paano sila nito pinorotektahan sa mga bodyguard ng Konsehal. Life and death.
"Let's go. Everyone is waiting outside." Sabi ni Adam. Sabay silang lumabas ni Adam ng MediTruck. Inaalalayan pa rin siya nitong mag lakad dahil ramdam pa din niya ang pag ikot ng paningin niya.
Pumunta sila ng tent kung saan nag tipon ang lahat. Nilapitan siya ni Diane ng makita siya nito at inalalayan siyang umupo sa tabi nito.
Nilibot niya ang paningin niya. Tahimik na nakatayo sa isang tabi ang mga bodyguard ni Councelor Miguel. Si Captain Harold ay naka masid lang din. They were all silent.
Si Adam ang bumasag ng katahimikan nila.
"Councelor Miguel is now stable. As per his Doctor. Kailangan nalang nating hintayin na mag kamalay siya." Adam said. Nakatoon sa kanya ang atensyon ng lahat.
"He will fine." Kumpiyansang sagot ni Iñigo sa tabi niya. Tumingin ito sa kanya at binigyang siya ng assurance na magiging okay ang lahat.
"Wag kayong pakakasiguro, hangga't hindi nagkakamalay si Boss Miguel. Tandaan niyo lahat, kapag may nangyari hindi maganda sa kanya dahil sa operasyon ginawa ninyo ay malalagot kayong lahat." Banta ng leader ng mga bodyguard. Tumingin ito sa pwesto ni Camila na para bang sinasabi nito na siya ang pinakang mananagot sa lahat ng nangyari.
"The operation went well. I'm pretty much sure that he will wake up anytime soon." Kontra ni Iñigo sa sinabi ng bodyguard nito.
"Siguraduhin niyo lang." Yung bodyguard pagkatapos ay umalis na ito kasama ang iba pang bodyguards para pumunta sa loob ng MediTruck.
Si Captain Harold naman ay sinenyasan sina Kiko at Adam sumunod dito. Nag paalam ito sa kanila. Pumunta naman ang mga ito sa loob ng kubo para magkausap.
Sabay sabay na nagpakawala ng hininga ang Medical Staff ng sila sila nalang ang naiwan sa tent. Para bang kanina pa nito pinipigilan ang pag hinga. Dahil na rin sa pressure na naramdaman ng bawat isa.
"Di ko akalain na makakaranas tayo ng gantong pressure. Akala ko mamamatay na tayong lahat kanina." Nang hihinang sabi ni Nurse Pam. Napa upo ito sa upuan na malapit sa kanya.
"Kaya nga, akala ko e sa pelikula lang nangyayari yung mga ganun. Nag tutukan ng mga baril. Nangyayari pa din pala sa totoong buhay." Ani Nurse Lia habang nag palumbaba sa lamesa. Parang hinang hina ang mga ito.
"Nararamdaman ko pa din ang panginginig ng mga buto ko."Dagdag pa ni Nurse Pam.
"Itigil niyo yan, ang mahalaga ay nasa ligtas nang kalagayan na si Councelor Miguel." Awat ni Diane sa mga ito. Tahimik naman sa isang sulok sina Nurse Kevin at Josef. Si Doc Sarah at Jacky naman ay nakatulala sa isang gilid. Hindi pa din siguro nakakamove on sa nangyari kanina.
Iñigo patted her shoulder.
"Wag na kayong mag alala. Doc Camila did a great job on operation. I can assure you all of that. Kaya wag na kayong mangamba. We're alive." Encourage ni Iñigo sa lahat. She mouthed thanks to him for giving an encouragement to all. Kailangan nilang lahat. Nagpapasalamat din siya na nandito si Doc Iñigo, dahil hindi siya nito pinabayaan sa loob ng operating room. He was there to assist her. Even Diane and the Nurses.
"Doc Diane, natanggal ba natin yung mga bulak na ginamit natin kay Councelor Miguel?" Biglang sambit ni Nurse Kylie. Napatingin sa kanya lahat.
"Yung scalpel? Nalinis ba natin yon bago natin gamitin kay Konsi?" Napapraning nitong sabi. Napahawak ito sa tenga niya.
"Yung isang hikaw ko! Nawawala! Baka nalaglag kay—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil naawat na siya ni Nurse Lia.
"Tumigil ka dyan, Nurse Kylie! Natanggal natin yung mga bulak na ginamit natin. At nakasteralize ang mga scalpel bago gamitin yon! Yung hikaw mo baka sa iba mo lang nalaglag yon." Aniya. Napapailing nalang na pinapanood ni Camila ang mga ito.
Even her, hindi din siya makapaniwala na mararanasan niya ang nangyari kanina. They lives were literally at stake.
They need to work and be pressed under pressure. Malaking pasalamat niya dahil ligtas ang konsehal
Samantalang, sa kubo naman ay nandoon sina Adam, Kiko at Captain Harold.
Si Adam at Kiko ay nakaupo sa sofa na yari sa kawayan. Si Captain Harold naman ay panay ang lakad sa loob ng kubo. Pabalik-balik lang ito. Halos nahihilo na si Kiko dahil sinusundan niya ang galaw nito. Hindi ito mapakali.
Bigla itong tumigil sa kakalakad at huminto sa tapat ni Adam.
"Vincenzo, what are you even thinking! Paano mo nagawa gamitin yang baril mo para itutok sa bodyguard ni Councelor Miguel! Pati mga subordinates mo ay dinamay mo sa kahibangan mo!" Galit na sigaw nito.
"Cap, ginawa ko lang tingin ko ay dapat gawin. Councelor Miguel needs to be operated. He's loosing so much time kung hindi pa siya tutulungan ng mga Medical Team. Ano, papanoodin lang natin bawian siya ng buhay?" Paliwanag ni Adam. Pero lalo lamang na trigger ang kapitan sa sinabi niya.
"Tarantado ka! Hindi yon ibig kong sabihin! We could just give him the operation ng hindi mo ginagawà yon. We could have just talk to them!" Captain Harold curst out in frustration.
Hindi na nagsalita pa si Adam. Hinayaan na lamang niya itong pag sabihan siya na para ito ang magulang niya.
"Now, tell me. Kung may nangyari masama sa Councelor ano nalang mangyayari sa ating lahat? Pati hindi mo ba naisip na kasama lang naman ang anak ng Presidente sa Medical Staff na sinasabi mo!" Hasik nito. Hindi na siya nag salita.
Isang katahimikan ang namayani sa kanila. Napoon ang kanilang atensyon ng tumunog ang telepono. Tumayo si Adam para sagutin ito. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay isang malutong na mura ang narinig mula doon.
"Tarantado ka, Vincenzo! Anong pinag gagawa mo!" Rinig niyang galit na galit na si Nathaniel sa kabilang linya. Kung sa personal ito ay baka nabigyan na siya nito ng isang malakas na suntok.
"Sir." Bati niya pa din dito.
"T*ng-*na ka! Hindi ka ba nag iisip! You've risked all the Medical Team Life! You've risked Miss Camila's life! Paano nalang kung binawian ng buhay yang pasyente na yan! Anong mukhang ihihirap natin sa Presidente?!" Hasik ulit nito.
"Sir, I will take full responsibility of my action." Kalmadong saad ni Adam dito. Narinig niya ang paghugot na malalim na hininga nito. Siguro ay kinakalma nito ang sarili.
"You better ready yourself, Simeon!" Nathaniel and cutted the line. Ibinaba niya na din ang telepono. Nang lumingon siya sa dalawa ay nakitang niyang nakatingin ito sa kanya na para bang kanina pa siya pinapanood ng mga ito.
Nilapitan siya ni Captain Harold.
"Give me your gun." Aniya. Inilahad nito ang kamay nito. Ibinigay naman niya ito wala nang kung ano pang sinasabi.
"You'll sleep on the storage room tonight." He commanded.
"Ikaw." Sabay turo kay Kiko. Napatayo naman ito sa kinauupuan nito.
"Wag mong bibigyan ng pagkain ngayon gabi si Vincenzo. You lock him on the storage room. Naiintindihan mo?" Utos nito kay Kiko. Tumango si Kiko at umalis na ang Kapitan sa kubo ng walang sabi sabi at dala dala ang baril niya.
Tulad ng habilin ni Captain Harold. Kiko locked him on the storage room. Kung saan nakalagay ang mga medical supplies. Malamok at mainit ang lugar. Walang space para mahigaan niya para makatulog. Makakatulog ka lang kung uupo ka sa sahig. Naupo siya sa gilid ng pintuan dahil yun na lamang ang space na mayroon doon.
"Kiko, you should have lock me on the other storage room." Sabi niya kay Kiko habang naririnig niyang kinakadena ang pintuan. Ibig niyang sabihin dito ay dapat sa storage room siya ng mga pagkain kinulong. So he could eat. Wala pang laman ang tiyan niya simula tanghalian at sa mga nangyari kanina ngayon lamang siya nakaramdam ng gutom at uhaw.
"Tarantado, edi parehas tayong nalintikan." Kiko laughed. Adam smirked.
"Bakit? Wala naman siyang sinabi kung saan storage. He only said storage." Patuloy ni Adam.
"O siya, magpahinga kana dyan. Malamang sa malamang si Nathaniel naman ang haharapin mo bukas." Sabi ni Kiko sa kanya. Naramdaman niya ang paglalakad nito palayo. Isinandal ni Adam ang ulo niya sa dingding ng kubo na iyon. Napapikit siya.
Wala siyang pinag sisisihan sa naging desisyon niya. He will take the blame. Pero hindi mababago non na wala siyang pinag sisihan. Ginawa niya iyon dahil alam niyang ng mga oras na iyon ay yun lang solusyon. Isa pa, he believe that Camila could save him.
"Adam..." Napadilat siya ng mata ng marinig niya ang tinig ni Camila mula sa labas.
"Adam? Okay ka lang ba diyan?" Rinig niyang muli.
"Camila? What are you doing here? Gabi na dapat ay nag papahinga kana sa kubo niyo." Sabi niya dito.
"Narinig ko kasing pinakulong ka dito ng Kapitan ng sundalo. Okay ka lang ba dyan?" Gumihit ang isang ngiti sa labi niya dahil sa narinig niya mula dito.
"I'm okay. Isa pa, isang gabi lang naman ako dito. You should go back now." Adam assured her. Hindi na ito nagsalita. He could only hear her breathing. Mga ilang saglit pa ay nakarinig na lamang siya ng mumunting paghikbi. Napakunot ang noo niya.
"Camila, are you still there? Umiiyak ka ba?" Nag aalalang tanong ni Adam dito.
"Kasalanan ko kung bakit ka nandyan." Narinig niyang sinabi nito matapos ang katahimikan namayani sa kanila. She is almost whispering.
"No, hindi mo kasalanan. It's my decision. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo." He assured her.
"Bakit mo ba kasi ginawa yon. You really don't have to do that." Sabi nito naparang sinisisi pa siya dahil sa naging desisyon niya.
"I did it, because I believe you can." Hindi ito nag salita pero naririnig niyà pa din ang paghikbi nito tanda na patuloy lang ito sa pag iyak.
"Now, stop crying, Camila. Kung hindi ka titigil. I'll break this door." Banta niya dito. But Adam mean it. He could really break this door.
"Okay..." He heard her saying almost whispering again.
"Here, I thought you could have this." Sabi ni Camila habang may kung anong pilit na pinapasok ito sa awang ng pinto. Kinuha iyon ni Adam.
"I'll go ahead." Ayun ang huling narinig ni Adam mula dito bago niya narinig ang paghakbang nito paalis. Tinignan niya ang binigay nito. He found himself smiling for nothing. Its a biscuit.
"Better than nothing." He said to himself.
Kinabukasan, nagising si Adam dahil sa sinag ng araw mula sa labas. Itinakip niya ang palad niya. His eyes is still close.
"Wake up, sleepy head." Boses ni Kiko ang narinig niya. Napabalikwas siya ng bangon kaya naman tumama ang ulo niya sa kung ano man yung nasa taas niya. Napahawak siya ulo niya dahil sa sakit na naramdaman niya. Tuluyan nang nagising ang diwa niya.
Tinignan niya muna ang relos na soot.
Its 7am in the morning.
Lumabas na sila ng storage room.
"Kamusta si Konsehal?" Tanong niya agad kay Kiko habang naglalakad sila papunta sa kubo nila.
"He's fine. Hindi pa din siya nagigising pero stable naman siya." Ani Kiko. Iniwan na siya nito.
Mabilis siyang nag tungo sa kubo niya para maglinis ng katawan at mag palit ng damit. Kakalabas pala lamang niya ng palikuran ng kubo na tinutuluyan niya ng makita niyang prenteng naka upo sa sofa si Captain Harold. Hinihintay siya. Naka topless pa siya at basa pa ang buhok niya. Nilapitan niya ito habang nag papatuyo siya ng buhok gamit ang tuwalya.
"Magandang umaga, Cap." Bati niya dito. Inismiran siya nito. Masama pa din ata ang loob sa ginawa niya kahapon.
"Walang maganda sa umaga ko ngayon, Vincenzo." Masungit na bati nito sa kanya. May inihagis itong envelope sa lamesita na naroon. Nagbihis muna siya ng damit bago niya ito kinuha.
Kunot-noo niyang tinignan ang laman non. Mga litrato iyon ng mga rebeldeng nakuha mula sa dashcam.
"Ayan ang mga rebeldeng nan-ambush sa Councelor." Sambit Captain Harold sa kanya. Naka-kunot pa din ang kanyang noo dahil pamilya siya sa mga ito. Si Kidlat iyon at mga tauhan nito.
"We're tracing them. Kapag nakita na namin ang kuta nila ay susugurin namin namin sila." Sabi nito. Napatingin si Adam dito at mukhang seryoso ito.
"I need you to come with me. Isama mo din si Kiko. " Aniya.
"Here." Patuloy nito sabay lapag sa lamesita ng baril niya na kinuha nito.
"Hihintayin kita sa labas." Nauna na itong lumabas sa kanya at naiwan siya sa loob ng kubo. Kinuha niya ang baril niya sa lamesita at isinukbit sa gilid niya kung saan nakalagay ang lalagyanan ng baril niya.
Nag martsa na siya palabas ng kubo at pumunta sa tapat ng Military Vehicle kung nag hihintay si Captain Harold. Pasakay na sana siya ng may marinig siya tumawag sa pangalan niya.
"Adam!" Napalingon siya. He knew that voice. It was Camila. Pinanood niya itong
patakbong lumapit sa kanya at nang makalapit ay nanlaki ang mata sa ginawa nito. Camila hugged him.
Sa sobrang gulat niya ay para siyang na estatwa sa kinatatayuan niya.