12. The Operation

3814 Words
Naiwan mag-isa si Camila sa loob ng kubo. She was left hanging. Napa awang ang labi niya. She was trying to digest what Adam is doing to her. He confused her. Nagpatuloy siya sa pag aayos ng mga gamit niya at bumalik sa MediTruck. "Mila." Sumalubong sa kanya si Diane. Nakatulala siyang pumasok sa MediTruck kaya naman hindi niya napansin ang pagtawag ng kaibigan. Naupo siya sa isang silya na naroon. Nakasunod naman si Diane sa kanya. Natauhan lamang siya ng may pumutik na daliri sa harapan niya. "Uy, Mila. Okay ka lang?" Bumungad sa kanyang ang mukha ni Diane. Tumango siya. "Yes. I was just thinking something. " Dahilan niya. "Ano bang iniisip mo at natutulala ka dyan?" Nag aalala tanong nito. She was thinking of Adam. Pero hindi niya masabi dito ang tungkol doon. "Nothing, Let's just go back to our work." Hindi naman na nangulit ito sa kanya. Inabala na lamang niya ang sarili niya sa pag aayos ng mga gamit na naroon. She even inventor the Medicines at medical supplies. Napa buntong hininga siya ng maisip na naman si Adam. Hindi niya maintindihan ito at ang mga ginagawa nito sa kanya. Lalong hindi din niya maintindihan ang sarili niya dahil hindi niya magawa pigilan si Adam. She can't just understand him and herslf. Samantala, Itinigil ni Adam ang pick-up na dala niya sa gilid ng isang bangin. Kanina pa siya nag mamaneho pero hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang sa makakita siya ng overlooking kung saan makikita mo ang karagatan. Bumaba siya ng sasakyan at nag tungo sa harapan ng pick-up. Isinandal niya ang likod niya sa wood ng sasakyan. He lit up the cigarette he had on his pocket. A bitter smile curve on his lips. Baliw na nga talaga siya. Sa isang iglap lang ay para siyang nakawala sa hawla niya. Parang lahat ng emosyon na itinatago niya bigla nalang nag silabasan. He explodes. His body and mind doesn't cooperate at him. Sa palagay niya, kung makikita niya si Camila ngayon ay hindi na niya talaga mapipigilan ang damdamin niya. Ibinuga niya ang usok pagkatapos niya hithitin ang sigarilyo na hawak niya. Kung malalaman lamang ni Gustavo ang nasa looban niya ngayon ay baka mapatay na siya nito. His emotions is eating him. Gusto niyang paulit ulit na ipaalala sa sarili niya na si Camila ay anak ni Calixto. He must be hating her as much as he hates her father. Pero hindi niya magawa. Makita niya lamang ito ay parang nalilimutan niya ang bagay na iyon at ang natitira lang ay ang kagustuhan niyang angkinin ang dalaga. To touch her. To feel her. Just the way he did the first they met each other. Itinapon niya ang sigarilyo na hawak niya. He's completely insane for wanting her. Camila is driving him crazy. Kapag tinititigan siya nito ay parang nahihipnotiso siya dito. Sa tuwing dumadampi ang balat nito sa kanya ay may kung anong nararamdaman siya. Kapag tinatawag nito ang pangalan niya ay parang ang sarap ulit ulitin. Kailangan niyang gisingin ang sarili niya sa mga iniisip niya. Hindi pwede maging dahilan si Camila para matalo siya sa laban na to. "Saan ka galing?" Salubong ni Kiko sa kanya matapos niyang bumalik sa Camp. Mag gagabihan na iyon. Pumunta siya sa kubo. Sinundan naman siya ni Kiko. "Pumunta ako sa bayan." Simpleng sagot niya sa tanong nito. Hindi naman na nito tinanong pa kung para saan ang pag punta niya sa bayan. "Nga pala, Tumawag si Nathaniel kanina. He was looking for you." Kumuha siya ng baso ng tubig at tinungga ito. Napatingin siya kay Kiko. "Anong sabi?" "Wala naman siyang sinabi. Maybe, He was just looking for you." Tumango siya. Nagpaalam ito sa kanya at lumabas na. Naiwan siya don mag isa. Umupo siya sa swivel chair na naroon. Isinandal niya ang ulo niya at napapikit. Hind nalang niya namalayan na naka tulog siya sa ganon posisyon. Kinabukasan, alas otso na ng magising si Camila. Late na iyon kung tutuusin kaya naman dali dali siyang nag palit at nagbihis ng damit para tumulong sa MediTruck. Binati niya ang mga natitirang pasyente nila doon. Patuloy lang sa pag aasikaso ng mga pasyente sina Camila at buong Medical Team. She keeping herself busy para hindi na niya maisip pa muna ang epekto sa kanya ni Adam. Hindi pa sila nag kakausap simula kahapon hindi din niya ito nakita kaninang umaga nang maagahan sila. Ayon sa ibang Reservist ay pumunta si Adam sa kampo ng mga militar. Hindi naman sinabi ng mga ito ang buong detalye ng lakad nito. "Nurse Kyle, kamusta na pala si Tatay Jose?" Ang tinutukoy ay isa sa mga pasyente nila naka admit. Hina-highblood ito kaya naman kailangan ang madalas na pag check dito. Nag papahinga ito ngayon sa loob ng MediTruck. "Natutulog na po siya, Doc Mila. Kanina ay chineck ko na din po yung BP niya. Umuokay naman na po siya." Tumango siya. Chineck niya pa ang ilan sa mga chart na naroon. She just keep herself occupied. Sa Kampo ng Militar ay nag uusap sina Captain Harold at Adam. "Vincenzo, darating ang anak ng Mayor bukas dito para kamustahin ang Medical Mission." Nasa office siya ngayon ng Kapitan. "Si Councelor Miguel Dela Torre." Pag papatuloy nito. Nakikinig lamang si Adam sa sinasabi nito. "Bukas ito darating kaya naman, abisuhan mo ang buong Kampo mo na mag handa para sa pagdating niya." Aniya. Maaga siyang nag punta dahil maagap din ang pagtawag nito. Aniya ay masasabihin itong mahalagang bagay. Ito ay tungkol sa pag bisita ng anak ng Mayor ng Bagumbayan. "Makaka-asa ka, Captain Harold." "Nga pala, tungkol sa insidente nung nakaraan. Wala pang balita tungkol sa mga rebelde. We're still trying to locate them." Bigay alam nito sa kanya. Lumabas sila ng opisina nito. "Balitaan mo nalang ako, Cap. Kapag may nakuha na kayong lead sa mga rebelde." "I will. Aalis kana ba? Mabuti pa ay dito kanalang muna mananghalian." "Salamat, cap. but I need to go back. Para makapaghanda din ang buong medical team para bukas. Mauna na ko, Cap." Paalam niya dito. Sumakay siya sa pick-up na dala niya at sinumulan na niya itong paandarin. Mabilis lang naman ang biyahe pabalik sa Camp. Pagbaba niya ng pick-up ay nakita niyang nag hahanda na para sa pananghalian. Maigi na din yon para masabi din niya ang tungkol sa pagbisita ng batang Councelor bukas sa kampo nila. "Sir Adam! Kain tayo!" Anyaya sa kanya ni Diane. Tinanguan niya ito. Katabi nito si Camila napatingin siya dito ngunit nag iwas agad ito sa kanya. Lumapit siya sa kumpulan ng Reservist kung saan si Kiko. Tinapik niya ang braso nito. "o Sir, Nakabalik kana pala." Sabi nito. "Yes, I need talk to the Medical team later after lunch. May sasabihin akong mahalagang bagay." Sabi niya lang at tinalikuran na niya ito para mag punta sa opisina niya. Naupo siya at napahilamos ng mukha gamit ang palad niya. "Doc Camila. Doc Diane. Kailangan kayong buong medical team makausap ni Sir Adam after lunch. May sasabihin itong mahalagang bagay." Nilapitan ni Kiko ang dalawa para sabihin iyon. Afterlunch, nag tipon ang lahat sa tent na nandoon. Mainit dahil tirik ang araw. Mabuti na lamang ay napapaligiran sila ng puno kaya naman ramdam mo pa din ang simoy ng hangin. Nag hihintay ang Medical Team at iilan mga Reservist kay Adam para sa anunsyo nito. Hindi naman nag tagal ay lumabas na ito mula sa kubo at nag martsa papunta sa kanila. "Magandang tanghali sa inyo lahat." Pagbati ni Adam. Natuon ang atensyon ng lahat kay Adam at naghihintay sa sasabihin niya. Nasa gilid naman si Camila at tahimik na nag hihintay. She was looking at Adam. Hinuhuli niya ang tingin nito ngunit mukhang iniiwasan nitong magtama ang mga mata nila. "Bukas, ay kailangan natin mag handa para sa pagdating ng isang bisita. Darating sa Medical Camp si Councelor Miguel Dela Torre. The youngest son of Mr. Maximo Dela Torre, ang Mayor ng Bagumbayan. We need to be ready for tomorrow." Anunsyo ni Adam. "Is he going to stay here?" Tanong ni Doc. Iñigo. Umiling si Adam. "No, Just for a visit." Agaran sagot niya. Adam dismissed the meeting. Katulad ng habilin ni Adam sa kanila ay nag handa ang buong medical team. Nag handa ng kaunting programa para sa pagdating nito. Nurse Kylie and Nurse Josef will be the Emcee for tomorrow. They even ask for the help of women's group of the Bagumbayan. They are all set for tomorrow. Early in the morning of that day, the Medical Team and Reservist were all busy for the preparation. Naghanda sila ng mga silya at nag tayo din sila ng isa pang tent. Pumunta naman si Adam sa daungan ng Bagumbayan para sunduin ang Councelor. Kasama din niya si Captain Harold. Mga ala siete ng umaga ng makita nilang pababa na ito ng barko na sinakyan nito. May mga kasama itong bodyguard. Sinalubong nina Adam ang Councelor. "Magandang Umaga, Councelor Miguel Dela Torre." Bati ni Captain Harold at nakipag kamay dito na tinanggap naman ng isa. "Magandang Umaga din..." Miguel habang nag hihintay na sabihin ng Kapitan ang pangalan nito. "Captain Harold Panganiban, Sir." Pakilala nito. "Maganda Umaga Captain Harold." Ulit nito. Nadako ang tingin nito kay Adam. Angad naman siyang nag pakilala dito. "Maganda umaga, Councelor. I'm Simeon Adam Vincenzo, security head of this Medical Mission." Pakilala niya. Inilahad niya ang kamay niya. "Magandang umaga din saiyo, Sir Vincenzo." Adam escort the VIP sa pick up na dala niya. Si Kiko ang nag drive. Nasa passenger seat naman si Adam. Sa likod nito ay sakay si Captain Harold at Councelor Miguel. May mga military vehicle ang naka escort sa kanila. Mula sa harapan hanggang sa likod. Ang kasama naman nitong bodyguard ay lulan na din ng isang Military Vehicle. "Matagal tagal na din ng huling beses akong nadalaw sa Bagumbayan. Nung huli ay nagkaroon ng bagyo at nag abot kami ng tulong sa mga mamamayan." Kwento ng Councelor. "Maigi naman, Councelor at nakadalaw ka ulit. " Si Captain Harold ang kausap nito. "Yes, I've told that to my Dad. Hindi ko naman pwede palagpasin ang pagkakataon na madalaw ang Medical Mission na ito." Miguel politely said. Simple lamang manamit ito. He's just wearing a Plain black polo Shirt and maong pants. Halos kasing Tangkad din ito ni Adam at hindi mo maitatago na maganda lalaki din ang Batang Councelor. "The Medical team had prepared a simple program for your visit, Sir." Sabat ni Adam. Napangiti ang isa. "Nag abala pa kayo." Aniya. Hindi naman nag tagal ang biyahe ng mga ito. Nakarating sila camp. Nakalinya ang bawat miyembro ng Medical Mission para salubungin ang Councelor. They also prepared some written banner to welcome him. Bumaba sina Adam sa pick-up. He opened the car door for the Councelor. "Good morning, Councelor Miguel." Pangunahin bati ni Iñigo na siyang kumatawan sa buong medical team. "Good Morning." Pumasok sa loob ng Kampo ang binata. "Dr. Iñigo Serrano from St. Benild Hospital." Pakilala nito sa sarili. Sumunod na nag pakilala si Diane, Sarah at Jacky. "Good Afternoon, Sir. Dr. Camila Saavedra" Nakipagkamay si Camila sa konsehal. Masayang binati ng buong Team ang Konsehal ganoon na din ang mamamayanan ng Bagumbayan. Nilibot nito ang buong pasilidad. Kinamusta nito ang mga pasyenteng naka admit. Nagkaroon din ng konting programma at salo salo para dito. Magiliw naman ang konsehal sa mga nakakasalamuha nitong bata. He even played with them. "Ang pogi palang ng anak ng Mayor no." Bulong ni Diane kay Camila habang pinapanood tong nakikilag laro sa mga batang nandoon. Kinikilig ito habang sinasabi niya iyon. Maging sina Nurse Lia, Kylie at Pam ay mukhang pinag papantasyahan ang Konsehal. "Ewan ko sayo, Diane." Komento nalang niya. Tama naman ito. May likas naman na kagwapuhan talaga ang konsehal. Mukhang mabait at magalang pa ito. Kung titignan niya ito ay parang hindi din nagkakalayo ang mga edad nila. "Single pa kaya si Konsi?" Na sambit ni Diane habang naglalakad sila papunta sa loob ng MediTruck upang i-check ang mga pasyente nila. Napa-iling na lamang si Camila. Hindi na siya nag komento pa. Nagpatuloy sila sa pag konsulta ng mga dumadating na tao sa MediTruck. Samantala ang konsehal naman ay namimigay ng mga dalang nitong goods. "Pogi na, mabait pa." Puring puri ni Diane ang konsehal habang pinapanood nila itong nakikipag usap sa mga taong nakapila para sa konsultasyon. Maybe Diane is right, pero hindi sa konsehal naka poon ang atensyon ni Camila. Kundi kay Adam na ngayon ay abala naman sa pag tulong na maibaba ang medical supplies at iba pang supplies na dala ng konsehal. She was trying to get his attention. Pero mukhang iniiwasan talaga siya nito. Napabuntong hininga siya dahil naguguluhan siya kay Adam at sa mga kilos nito. Ala singko ng hapon ng magpaalam ang konsehal sa kanila, nasa entrance sila ng kampo upang pormal na ihatid ito. "Maraming Salamat sa pag bisita, Councelor Miguel." Aniya Adam. Nakipag kamay ito sa konsehal. Si Captain Harold na lamang ang maghahatid dito papunta sa daungan kung saan nag hihintay ang barkong sasakyan nito pabalik sa syudad. Nagpaalam din ang buong Medical team. "Maraming Salamat sa mainit na pag tanggap." Aniya Miguel. Sumakay ito sa Military Vehicle. Kasama ang mga bodyguard nito at si Captain Harold. Tanaw nila ang unti unti pagkawala ng sasakya lulan ito habang nagpapaalam sila. They went back to their station after that. Umuwi na din ang ibang mamamayan sa kani-kanilang bahay. Nasa loob sila ng MediTruck at mukhang bibig ng mga nurses at ni Diane ang konsehal. Kinikilig pa ito habang nag kukwentuhan. Si Camila naman ay tahimik na nakikinig sa kanila habang chinicheck ang ilang chart na naroon. "Hindi pa din sila tapos?" Napatalon sa gulat si Camila ng marinig niyang nag salita si Iñigo sa gilid niya. Napahawak siya sa dibdib niya. Bigla bigla nalang kasi itong sumusulpot. "Sorry." Aniya. "Malapit na kong mag selos mga girls." Sigaw nito kinala Diane at sa mga nurses habang patuloy ito sa pag kukwento kung gaano nila hinahangaan ang Konsehal. "Doc. Iñigo, syempre, Ikaw pa din pipiliin namin." Biro ni Nurse Pam. Natawa nalang siya. Dahil kinindatan pa ito ni Iñigo ng sabihin nito iyon. Mag gagabi, isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanila. Siguro dahil halos lahat ng pasyente nila kasi ay naka uwi na. Halos iilan nalang ang natira. Maski tunog ng kuliglig ay rinig na nila. Tipikal na senyales na gabi na. Camila was busy checking one of her patients when she heard a commotion outside the MediTruck. Halos lahat na nasa loob ng MediTruck ay natawag ang pansin. Lumabas siya at halos nanlaki ang mata niya sa sumalubong sa kanya. Nakitang niyang akay akay ni Captain Harold si Counselor Miguel. Duguan ito at walang malay. Nakita niyang patakbong lumapit si Adam sa kanila at tinulungan si Captain Harold na buhatin ang Konsehal. Naestatwa sa kinatatayuan niya si Camila. "We need help." Halos nahihirapan sambit ni Captain Harold ng makalapit ito sa entrance ng Meditruck. Mula sa likuran naman ng mga ito ay dumating ang iilan sa bodyguard nito. Natauhan si Camila sa sitwasyon. Mabilis nilang kinuha ang hospital bed na naroon upang ihiga ang Konsehal. "What happened?" Mabilis na tanong niya habang hinihila nila papasok ang hospital bed kung saannnakasakay ang konsehal. He was unconcious. "Inambush kami ng mga rebelde. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng bigla kami paulanan ng mga bala." Si Captain Harold iyon. Nanlaki ang mata ni Camila sa narinig. Hindi napansin ni Camila na si Adam pala ang nasa gilid niya. Nagtama ang paningin nila. Nasa loob na sila ng Meditruck. Si Nurse Kylie at Nurse Lia ang nag assist sa kanya. Doc Iñigo was on her side also. He was checking the patient. Si Diane naman ay papasok palang ng Meditruck at nagulat sa sitwasyon sa loob. Nilapitan nito ang walang malay na si Miguel. Nasa loob din ang ibang reservist at nasa likod ni Adam. Kiko was also there even Miguel's Bodyguard na nakabantay pa din dito. Camila checked his pulse. "He's loosing too much blood." Aniya Camila. "Doc Camila, anong gagawin natin?" Tanong ni Nurse Lia sa kanya. Naguguluhan si Camila. Kung ano bang dapat na mauna. For pete sake! Nasa Medical Mission sila. Kulang kulang ang mga gamit nila sa loob ng MediTruck kung ganitong sitwasyon ang kakaharapin nila. "We need blood transfusion." Deklara niya. "Doc. We don't have any available blood here. Isa pa. Hindi natin alam ang Medical Chart ng pasyente." Sabi naman ni Nurse Kylie. Tama sila. Hindi sila pwedeng mag sagawa ng blood transfusion ng hindi nalalaman ang Medical History ng pasyente. Wala din silang sapat na gamit dito. Nalilito din siya dahil sa sobrang daming taong nandoon. Lumapit sa kanila ang isa sa bodyguard at binigay sa kanya ang cellphone nito. Nag lalaman ito ng Medical History ni Councelor Miguel. Agad na chineck iyon ni Camila pagkatapos ay inabot nito kay Iñigo. "Doc. anong desisyon niyo po? Madami nang nawawalang dugo sa pasyente. Madami din siyang tama ng bala. Kung hindi pa natin tatanggalin ay baka lalong makasama sa kanya." Nurse Lia. Nag hihintay lamang sila ng signal na mula kay Camila. "Adam, we need to have an operation to take the bullet—" "Hindi niyo siya pwedeng operahan." Madiin na sabi ng Bodyguard nito. He cutted her words. Tutol na tutol ito. "He's loosing too much blood, sir. Kung hindi namin siya ooperasyon baka mamatay siya!" Camila curse out in frustration. "Padating na helicoptor na magsusundo sa amin para dalhin siya sa Hospital na malapit dito. Sabi ni Mayor Dela Torre. Hindi niyo pwede pakialamanan ang katawan ng anak niya. Ang mga doctor lang nila." Sabi ng bodyguard nito. Bumaling si Camila kay Adam. Tumataas ang tensyon sa loob ng MediTruck. Hindi nila kung sino ba ang dapat masunod. "Mila, we need to do an operation now!" Sabi ni Iñigo sa gilid niya. "Ang sabi ko, Hindi pwede pakialaman ang katawan niya." Tutol muli ng bodyguard. Hindi iyon pinansin ni Camila. Kundi ay tumingin siya kay Adam. "Adam, kung hindi ko pa siya ooperahan baka ikamatay niya ito!" She shout. Captain Harold was on the side. Tinapik niya ang balikat ng Bodyguard. "Kailangan nilang operahan ang Counselor." Simpleng at maotoridad na sabi ng Kapitan. "Hindi, subukan ninyo galawin ang katawan ni Boss Miguel. Malalagot kayo sa Mayor. Lalo na kung may mangyari masama sa kanya." Banta nito. "Doc Mila." Tawag sa kanya ni Nurse Pam na bakas na ang kaba dahil sa pag babanta ng bodyguard nito. Hindi sila makakilos. Nagulat na lamang si Camila ng hawakan ni Adam ang dalawang balikat niya. Making her to face him. "Sabihin mo, maililigtas mo ba siya? Oo o Hindi?" Tanong nito sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Sa oras na iyon, ay sobra sobra ang kabang nararamdaman ni Camila. Hindi niya masagot ang tanong nito. Ang totoo hindi niya alam. May chance na mailigtas niya ito at may chance din na baka bawian ito ng buhay habang nasa gitna sila ng operasyon. Camila can't think rationaly. Naramdaman niyan niyugyog ni Adam ang balikat niya dahil nanatili lamang siyang nakatulala. "Tell me, kaya mo ba?" May diin na tanong nitong muli. Tinignan niya ang mga matang nakatingin sa kanya ng mga oras na iyon. They were all looking at waiting for her answer. Binalik niya ang tingin kay Adam. Tumango siya. "I can." Halos mabulong niyang sagot. "That's all I want to hear." Aniya Adam at binitawan na siya at tinalikuran. Kaharap na nito ang bodyguard ni Miguel. "Uulitin ko ang tanong ko sayo, Doc Camila. Kaya mo ba siyang iligtas?" Tanong muli ni Adam sa kanya habang nakatingin lamang sa bodyguard ni Miguel. Sinenyasan ni Adam si Kiko at iba pang reservist. And by that signal they know what's on Adam's mind. "Yes, I can." Narinig ni Adam na sagot ni Camila. "Then, do it." Sabay hugot nina Adam at ng ibang reservist na nasa loob ang baril nilang hawak. Itinutok nito ang baril sa mga bodyguard. Mabilis din naman nailabas ng mga ito ang baril sa tigiliran at tinutukan din sila. There were guns everywhere. Halos mapatalon sa gulat ang lahat ng Medical Stafg dahil sa nangyayari. "Vincenzo!! What are you think you are doing?! Put your guns down!" Sigaw ni Captain Harold. Inilabas din nito ang baril na hawak at itutok kay Adam. "Do it, Camila. Save him." Sabi pa ni Adam at binalewala si Captain Harold. Napatango si Camila sa sinabi nito at sinimulan na nilang itulak ang hospital bed papasok sa loob ng operating room ang pasyente nilang si Counselor Miguel. Sa bawat pag galaw ng Medical team ay siyang pag hakbang din nina Adam upang protektahan silang medical staff. "Pag sisihan mo ang ginawa mo sa oras na may mangyari masama kay Boss Miguel." Banta ng leader ng mga Bodyguard nito. "Vincenzo, ibaba muna ang baril mo!" Ni Hindi kumurap si Adam kahit na para ramdam niya ang pag tutok ng baril Captain Harol sa kanya. He smirked. "Just let them be. Hayaan mong gawin ng mga Doctor ang trabaho nila." Matapang na sabi naman ni Adam dito habang nakatutok pa din ang baril ng mga ito. Walang kumukurap sa kanila. Sa loob naman ng operating room, ay sinimulan na nila ang operasyon. Halong halong kaba ang nararamdaman ng lahat ng Medical Staff na naroon. Kahit naman si Camila ay kinakabahan dahil buhay nila ang nakataya dito. Gagawin nilang lahat ang makakaya nila para maisalba ang Counselor if hindi man, Camila is ready to face the consequences. They could still feel the tension. Sa loob man ng operating room o sa labas. Hindi na nalamang pinag tuuman ng Medical staff. They focus to save Miguel's life. Natapos ang operasyon nila. Halos makahinga ng maluwag sina Camila ng matapos nila ito ng maayos. Stable ang kalagayan ng Counselor. Lumabas siya ng Operating Room. Adam, his men, Captain Harold and Miguel's bodyguard was on the same position. Nakatutok pa din ang baril ng mga ito sa isa't isa na parang bang konting pagkakamali lamang ng Medical staff ay handang ang mga itong iputok ang hawak ng mga ito. Hinubad ni Camila ang suot na Medical Mask. Nadako ang tingin ni Adam sa kanya at ng leader ng bodyguard. Hindi pa din nito binaba ang baril na hawak nito. Hinihintay nito ang sasabihin niya. Nagpakawala muna siya ng buntong hininga bago sabihin ang balita. Napakunot ang noo ni Adam sa reaksyon na nakita niya kay Camila. Mukhang hapong hapo ito. "We're done. He's safe." Halos mabulong na anunsyo niya sa mga ito. Bigla bigla ay nakaramdam siya ng panlalambot ng mga buto kaya naman muntik na siya mabuwal. Mabuti na lamang ay maagap na may sumalo sa kanya. Inangat niya ang tingin niya dito. Si Adam. Napa-pikit siya. "He's safe." Aniya Camila bago siya mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD