Camila went back to the Meditruck as if nothing happened.
"Oh, nakabalik kana? Kamusta yung pasyente mo, Mila?" Tanong sa kanya ni Diane. Inilapag niya sa gilid ang gamit niya.
"Ah oo, Okay na siya." Sagot naman ni Camila dito. Naupo si Camila sa bakanteng upuan na naroon. Nakatulala siya at iniisip pa din niya si Adam at ang kwintas nitong suot. Sinusundan naman siya ng tingin ni Diane.
"Ayos ka lang, Mila? Tulala ka ata." Napaangat ng tingin si Camila ng marinig niyang sabi ni Diane sa kanya.
"Oo naman, D. May iniisip lang ako." Pagdadahilan niya dito.
"Ano naman yon?" Mapang asar nitong tanong nito sa kanya. Kunyaring natatawang napailing nalang si Camila dito. Their attention got caught when Nurse Lia went to them with an emergency face.
"Doc Camila, Doc Diane, may buntis na pasyente po sa labas! Mukhang manganganak na po siya!" Nurse Lia. Nagkatinginan si Diane at Camila. Mabilis silang lumabas para puntahan ito.
Nakita nilang akay akay na ito ng mga PSG papunta sa loob ng Meditruck. Dumadaing na ito ng sakit na nararamdaman nito.
"Doc, manganganak na po ata ako." Aniya ng babaeng buntis habang tinitiis nito ang sakit.
"Dito, dito niyo siya ilagay." Utos ni Camila sa mga PSG. Ni check ni Camila ito. Napailing siya sa babae.
"Hindi pa siya manganganak, hindi pa pumuputok ang panubigan niya. We just need to make her relax." Aniya Camila kinala Nurse Lia at Nurse Kylie na nag hihintay na ipapagawa niya. Nurse kylie get her vitals.
"Misis, relax lang kayo. Hinga ka ng malalim." Hinawakan ni Camila ang tiyan ng babae.
"Baby, calm down, okay? Wag mong pahirapan si Mommy. Okay?" Napangiti si Camila nang makita niyang unting unti nakikita ni Camila na humuhupa na ang pag impit sa sakit ng babae. Sa isip isip niya ay mukha narinig siya ng bata at naintindihan ang sinabi niya. Binigyan nila ng pang pakalma ito at nakatulog matapos ilang saglit.
"Nurse Lia, may kasama ba siyang guardian?" Tanong ni Camila dito pag katapos niyang icheck muli ang vitals ng babae. Kinuhuan din niya ito BP.
"Ayun nga po Doc, wala po siyang kasama kahit sino. Nakita na lamang po siya ng mga Reservist na naka dapa sa vicinity ng Meditruck." Sagot ni Nurse Lia sa kanya.
"Naku paano yan? Mukha anytime soon ay manganganak na siya." Nag aalalang sabi ni Camila habang nakatingin sa babaeng buntis na mahimbing nang natutulog. Napa buntong hininga siya.
"Di bale, hintayin na lamang natin siyang magising para matanong natin sa kanya kung saan siya nakatira. Ayon na lamang Nurse Lia. Thank You." Aniya Camila.
"Sige po, Doc." Sagot ni Nurse Lia at umalis na ito para puntahan pa ang ibang pasyente.
Lumabas si Camila ng Meditruck at nakasalubong niya si Kiko. Tinawag niya ito kaya naman napahinto ito sa paglalakad. Lumapit ito sa kanya.
"Doc Camila, may kailangan ka?" Tanong ni Kiko sa kanya.
"Tatanong ko lang sana kung kamusta na si Adam? Nagpapahinga ba siya?" Nahihiyang niyang tanong dito. Napaisip si Kiko at napakamot ng ulo.
"Ahh, mukhang okay naman siya, Doc. Parang walang namang nangyari sa kanya." Kamot kamot pa din nito ang ulo nito. Napa kunot ang noo niya habang tinitignan niya ang reaksyon nito.
"Huh? Anong ibig mong sabihin? Nasaan ba siya? Hindi dapat siya nag gagalaw dahil sariwa pa ang sugat niya. Baka mag bleeding na naman siya kung nag kikilos siya. " Naguguluhang tanong ni Camila dito.
"Ang mabuti pa Doc, e sumama ka nalang sa akin." Suhestiyon nito sa kanya. Sumama naman siya dito at ngayon ay naglakad sila sa kabilang bahagi ng Kampo. Don ay nakitang niyang may nag tutumpukang mga kalalakihan. Nagsisigaw ng mga pangalan na sinusuportahan nito. Lalong napakunot ang noo ni Camila.
"Nandiyan si Adam?" Di makapaniwalang tanong ni Camila kay Kiko habang tinuturo ang mga nagkakagulong kalalakihan. Base sa suot nito ay mga PSG ito at ang iba naman ay mga sundalon. Tanghaling tapat iyon at mukhang kakatapos lamang nitong kumain.
"Oo Doc, dumaan kasi yung Captain ng mga—" Hindi na natapos ni Kiko ang sinasabi niya dahil naglakad na papunta doon si Camila. Nakigulo na din sa mga nandoon. Tinignan kung anong pinag kakaabalahan nito.
Nanlaki ang mata niya sa nakita niya. Si Adam at ang Captain ng mga sundalo. Nag pupunong braso ang dalawa. Kapwa walang gustong magpatalo dahil sa nakikita niya sa pwesto niya ay halos lumabas na ang lahat ng ugat ng dalawa sa braso pero halos pantay lang ang level ng mga ito. Lumapit siya sa lamesa nito at tinignan ang dalawa. Sabay na napa angat ang tingin nito sa kanya. Kusang napa bitaw sa isa't isa at biglang napatayo. Natahimik ang mga PSG at sundalong nandoon ng makita siya. Sinamaan niya ng tingin ang dalawang Leader ng grupo nito. Lalo na si Adam na ngayon ay pinaningkitan niya ng mata.
"Ma'am." Aniya ng Captain ng sundalo sa kanya. Hindi niya pinansin ito dahil naiinis siya. Tinignan niya ulit si Adam na deretso lamang ang tingin nito sa kawalan at iniiwasan na magkasalubong ang mga mata nito. Camila reach for Adam's hand and dragged him out of that place. Naguguluhan namang nakasunod lang sa kanila ng tingin ang mga PSG at sundalong nandoon.
Hila hila ni Camila si Adam ngayon hanggang sa makarating sila sa parteng gubat ng vicinity ng Kampo. Puro puno doon at medyo malayo sa Camp proper. Sumalubong ang nakakunot noo ni Camila kay Adam. Nakatingin lamang ito sa kanya na parang wala lang. Wala etong reaksyon. Nakatitig lamang ito sa kanya. Humalukipkip si Camila.
"What are you think you are doing?" Masungit na tanong ni Camila dito. She was mad. She can't understand herself why. But she is really mad. Dahil siguro ang dapat ginagawa ni Adam ngayon ay magpahinga. He has a fresh wound on his body. Lalo lamang nainis si Camila ng hindi ito sumagot sa kanya nakatulala lamang itong nakatingin sa kanya.
"Adam naman! Hindi mo ba alam na may sugat ka? Pwedeng mag bleed yang kung gagamit ka ng matinding force." Pinagalitan ni Camila ito. Nakatitig lamang ito. Ni hindi niya mabasa ang espresyon nito ngayon.
"Hindi ka ba sasagot? Alam mo ba yung ginagawa mo? Pwedeng bumuka yang---" Natigilan si Camila sa pag sasalita niya ng bigla siyang hawakan ni Adam sa bewang niya at hinapit siya papalapit dito. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito. Camila tried to get Adam hands off her. Pero mas hinigpitan nito ang hawak nito sa bewang niya. Mas lalong nag lapit ang mga katawan nila. Tumaas ang balahibo niya ng ilapit ni Adam ang mukha nito sa tenga niya.
"This is your punishment for what you did." Aniya Adam sa kanya. Ramdam ni Camila ang hininga nito sa tenga niya. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Punishment? For what she did? Ano bang ginawa niya dito?
"What did I do----?" Nabitin na naman ang mga salita ni Camila ng ilapit naman ni Adam ang mukha nito sa mukha niya. Their face were just an inch away from each other and she could feel and smell Adam's manly breath. Pigil na pigil ni Camila ang pag hinga niya.
"One more word, I'll forget who you are, Camila." Nanlaki ang mata ni Camila sa sinabi nito. This is the first time that she heard Adam address her with her first name. Naguluhan naman siya sa sinabi nitong kakalimutan nitong sino siya. What does he mean? Nakatingin lamang si Camila sa mga mata nito. She can't help but to be mesmerized by his chocolate eyes. Hinawakan ni Camila ang kamay ni Adam para subukang tanggalan ito. But she couldn't.
"Say a word, and you'll see what will happen next." Banta ni Adam sa kanya. She was still trying to get off from him but he was too way stronger than her. Tumamo sa labi niya ang hininga nito. She could almost breathe his breath too.
"Let me--" She said. Nanlaki na lamang ang mata ni Camila ng dumampi ang labi ni Adam sa labi niya. Adam kissed her. Naestatwa siya sa ginawa nito. Hindi niya alam kung anong gagawin. Nabigla siya. Naguguluhan.
But then she found herself closing her eyes..
Napapikit ang mata niya sa ginawa nito. She could feel that Adam was starting to gently brushed his lips onto her and damn it, she couldn't even have the force to stop him from kissing her because she found herself drowning from his kisses. It is addicting. She just found herself doing what Adam is doing. She kissed him back.
But he stopped and she groaned because she wants more. Nakita niyang gumihit ang isang ngiti sa labi ni Adam dahil sa ginawa niya.
"That's enough and that's punishment also." Adam said and let her go. Napatulala si Camila sa nangyari.
"Let's go back to the Camp." Narinig ni Camila na sinabi ni Adam sa kanya. Nakita niya itong naunang nang naglakad pabalik sa MediTruck. Naglakad na din siya pabalik. Nararamdaman niya pang nakatingin sa kanya ang mga iilang PSG nang sabay silang nakabalik ni Adam. Parang walang nangyari sa inaasta nito. Samantalang nagmamadali nag lakad si Camila kahit nararamdaman niyang sinusundan siya ng tingin ng mga nakakasalubong niya. Hindi na lamang niya pinansin ito at nag tuloy tuloy siya kung saang kubo sila tumutuloy. Sinarado niya ang pinto nito at dumeretso siya sa kama niya. Inihiga ni Camila ang mukha niya sa unan niya at sumigaw siya.
She then realized what she did earlier. She just hold Adam's hand and grabbed him to nowhere infront of his subordinates. Ano nalang iisipin ng mga nakakita sa ginawa niya. Nababaliw na nag sisigaw si Camila habang nakaharang ang unan niya sa mukha niya. And then she remembered about what Adam did to her. He kissed her! Ang masama pa doon ay mukhang nagustuhan niya ang ginawa nito sa kanya. She even groaned for more. Naiiyak siya kahihiyan nararamdam niya. How could she ask for more of Adam's kiss! Hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap dito.
Ilang minuto nang nasa loob ng Kubo si Camila nang may marinig siyang kumatok sa pintuan. Napaupo siya sa kama niya.
"Doc Camila? Nandyan ka ba?" Rinig niya mula sa labas. Si Nurse Pam iyon.
"Yes, I'm here." Sagot niya dito pumunta siya sa pinto at binuksan iyon. Nagulat pa siya nang makita niyang madilim na sa labas.
"Doc, kakain na daw ho. Mukhang napasarap ata ang tulog niyo." Aniya ni Nurse Pam sa kanya. Tinignan niya ang paligid ng Camp. Madilim na. Doon niya na realized na hindi nalang minuto ang nilagi niya sa loob ng Kubo dahil mag didilim na. Tinignan niya ang suot niyang relo. Its quater to 6 in the evening.
"I'm sorry, nakatulog pala ako." Aniya Camila kay Nurse Pam.
"Okay lang, Doc. Wala na din naman masyadong pasyente ng mga hapon sa Meditruck. Tara na ho. Kakain na daw ho." Aniya Nurse Pam.
"Sige Nurse Pam, susunod ako. Mag papalit lang ako." Ganoon nga ang ginawa ni Camila. Mabilisan siyang nag linis ng katawan niya at nag palit ng katawan. She bit her lip when she remembered what happened earlier. Agad siyang napailing. She needs to act normal infront of Adam. Yung bang parang walang nangyari. Yes, that's what she needs to do.
Pagkatapos niyang mag palit ay pumunta si Camila sa tent kung saan sila nag sasama sama para kumain mga volunteers.
"Mila! Dito." Tawag sa kanya ni Diane sabay turo sa upuan bakante sa tabi nito. Napatingin siya sa katapat nitong upuan. Si Adam iyon kasama si Kiko. Abala ito sa pagkain. She let out a deep sighed bago niya napag desisyonan lumapit dito para umupo.
"Doc Mila, this is for you." Umupo siya sa upuan bakante doon. Katabi niya sa isang gilid si Doc Iñigo at inabutan siya nito ng pinggan na may pagkain na. Nag pasalamat siya dito. Ramdam niya ang pagtitig ni Adam sa kanya pero pinili niyang wag salubungin ang tingin nito. She started to eat. Masayang nag kwekwentuhan ang mga volunteers sa habang kumakain.
"Nurse Lia, matanong ko lang. Nagising na ba yung pasyente kanina?" Tanong ni Camila ng maalala niya.
"Ay Yes, Doc Camila. Kanina po nagising na po si Aleng Judy. Nabigyan ko na po siya ng makakain at nag papahinga na po siya ngayon." Sagot ni Nurse Lia sa kanya.
"May dumating na ba siyang guardian?" Nagulat si Camila ng maramdaman niyang may nag punas ng tissue sa gilid ng labi niya. Si Iñigo iyon.
"Para kang bata kumain, Mila. Kumain ka muna. Mamaya na ang tanong." Aniya nito. Kinuha niya ang tissue sa kamay nito. Siya ang nagpatuloy sa pag punas ng labi niya. Narinig niya ang pang aasar sa kanilang dalawa ni Iñigo dahil sa ginawa nito.
"Oy mag tigil kayo. Kumain na ngalang kayo." Saway ni Diane sa mga nang aasar sa kanila. Patuloy na lang sa pagkain si Camila kahit na ba ramdam niya ang pag titig sa kanya ni Adam kahit nasa harap pa ito ng iba. Naiilang na siya. Napag desisyonan niyang tumayo na at umalis doon.
"O tapos ka nang kumain?" Nagtatakang tanong ni Diane sa kanya.
"Oo, pupuntahan ko lang si Aleng Judy sa Meditruck para kamustahin." Paalam niya. Bitbit niya ang pinag kainan niya at dinala ito sa hugasan ng pinggan. Mag isa lamang siya doon at siya na din ang nag hugas ng sarili niyang pinag kainan. Nakaramdam si Camila na may pumulupot na kamay sa bewang niya. Tumaas ang balahibo niya sa batok niya dahil kahit hindi niya pa nakikita ito ay parang agad nakabisado ng katawan niya ang paraan ng pag hawak nito sa katawan niya.
"Tell that doctor to stop touching you, Camila. Habang nakakapagtimpi pa ko." She heard him say while he was giving her a back hug. Nakapatong ang ulo nito sa balikat niya. She could feel him snipping her scent. Napaawang ang labi niya. Ano bang ginagawa ni Adam?
Pero nag tataka siya sarili niya dahil hindi niya magawang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanya. She can. But she won't.
Kinalas ni Adam ang pagkakayakap sa kanya nito. Nakaramdam siya ng pang hihinayang because she wants more. She want them to stay that way. Dahan dahan siyang pinaharap ni Adam dito. Nag iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang pakipag titigan dito dahil naguguluhan siya sa mga kilos nito ngayon.
Naramdaman niyang hinawakan ni Adam ang baba niya. He hold it lifted it. Nagtama ang mata nila.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong niya dito. Tinitigan siya nito.
"I'm no good with words, Camila. I'd prefer actions more." Mahinang usal nito sa kanya at sa pangalawang pagkakataon ng araw na iyon ay naramdaman niya ang labi nito sa labi niya.
It was gentle and fast. But it was also so sweet and addicting.
"That is for letting that doctor touch your lips." Adam said to her and kissed her again. Dahan dahan lumayo si Adam sa kanya habang kapwa habol ang paghinga.
"Do you understand what I say?" Sa gitna ng paghinga ay mahinang usal ni Adam kay Camila. Kahit hindi naiintindihan ni Camila ang sinasabi nito ay kusang napatango na lamang siya.
Adam smirked.
Tulalang nakatingin lamang sa kawalan si Camila habang nakahiga na ssa higaan niya. Ramdam niyang tulog na ang lahat pero heto siya't dilat na dilat pa din ang mata niya. Hindi siya madalaw ng antok. Iniisip niya ang ginagawa ni Adam at ang dinudulot nito sa kanya. Napailing siya. She just couldn't believe herself that she let him kissed her. Not once but many times. Napabuntong hininga siya. Hindi niya dapat ito hinahayaan na ginagawa nito sa kanya iyon. Dapat ay pinigilan niya ito.
Naging madamot ang tulog sa kanya. Nakita na lamang niya mula sa bintana nang kubong iyon na sumikat na ang araw pero hindi man lamang siya nakatulog. Ramdam niya ang sakit ng ulo dahil sa walang tulog pero katulad ng ginagawa niya sa araw araw ay nag ayos siya para pumunta sa Meditruck.
Magkasalubong ang kilay na nakatingin si Diane kay Camila nang lumabas ito pagkatapos nitong maligo. Naupo ito sa dulo ng kama nito habang pinagmamasdan ang nakatutulalang si Camila.
"Anong nangyari sa'yo? Parang kang zombie." Natatawang at nagtatakang pahayag ni Diane sa kaibigan niya. Natauhan si Camila sa sinabi nito at napadako ang tingin niya dito.
"Wala." Walang ganang pahayag ni Camila dito at lumabas na sa kubo para pumunta sa MediTruck. May mga volunteers ang bumati sa kanya ng magandang umaga. Binati din naman niya ito. Pero alam niyang pansin nito ang pagkatamlay niya. Napatigil lamang sa pag lalakad si Camila ng makita niya mula sa pinag kakatayuan niya si Adam na naka sandal sa isa sa mga poste doon habang hawak ang isang tasa na may laman na sa tingin niya ay kape. Kinakausap nito si Kiko. Nanlaki ang mata ni Camila. Tatalikod na sana siya pabalik ng kubo nila nang madako na ang tingin ni Adam sa kinatatayuan niya. Nag tama ang mata nila. Tipid siyang nginitian nito. Hindi niya alam kung dapat bang ngitian niya din ito pero mas piniling niyang tignan lamang ito ng straight face at napag desisyonan niyang baliwalain ito. Mabilis siyag naglakad papunta sa MediTruck.
"Good Morning, Doc Camila." Bati sa kanya ni Nurse Lia na nakita niyang nag rounds sa mga pasyente na naroon.
"Good Morning, Nurse Lia." Aniya at agad napadako ang tingin niya sa isang hospital bed na naroon. Bakante iyon na labis pinag taka ni Camila dahil sa pag kakaalam niya ay nandoon yung pasyenteng buntis na inasikaso nila kahapon.
"Nasaan yung pasyente nandito Nurse Lia?" Nagtatakang tanong niya rito habang turo turo ang higaan na bakante. Tila nawala ang tamlay na nararamdaman niya ng marinig niya ang sagot nito sa kanya.
"Ah Dok, umalis po siya kani kanina lang." Sagot nito.
"Ha? Bakit? Hindi pa siya pwedeng umalis dahil maselan ang kondisyon niya. Paano kung manganak iyon ng wala sa oras? May kasama na ba siyang guardian?" Napa sapo sa noo si Camila dahil alam niya ang risk ng pag-alis nito sa MediTruck. Hindi dapat ito umalis.
"Wala po Dok, sinabihan ko nga po siyang wag umalis. Ang kaso po nag pupumilit po talaga siya. Nag mamadali po itong umalis. " Sagot ni Nurse Lia. Pumasok naman ilang saglit si Diane.
"Anong problema?" Tanong nito. Bakas ang pag tataka nito habang papalit palit ang tingin nito kay Camila at Lia. Nag aalala naman si Camila sa isipin na umalis ng walang din palang kasama ang pasyente. Iniisip niya ang kalagayan niyo iyon.
"Can you give me the patients details? Binigay ba niya ang address niya? O kaya naman ay contact number?" Sunod sunod na tanong ni Camila. Napa kagat labi si Nurse Lia dahil miski iyon ay hindi niya na nakuha dahil nagpapahinga na ito kahapon kaya naman hindi na niya naabala pang kunin ang mga detail nito.
"I'm sorry, Dok. Wala po kasing malay ang pasyente kahapon kaya hindi na nakuha ang mga details niya. Tanging pangalan lang po niya ang nasabi niya. Si Aling Judy po." Napayuko na lamang si Nurse Lia dahil nahihiya siya kay Camila. Hindi naman ito nagalit sa imbes ay napabuntong hininga na lamang siya. Nag-alala lamang siya kay Aling Judy dahil baka kung mapano ito. Maselan ang kalagayan nito dahil alam ni Camila na anumang oras ay pwede na itong manganak. Saktong pagpasok sa loob ng MediTruck si Adam at Kiko para i-check ang kalagayan at nangyayari sa loob. Napakunot ang noo ni Adam ng makita niya ang reaksyon ni Camila at balisa ang ibang MediTeam. Agad siyang lumapit sa MediTeam para tanungin kung anong nangyayari.
"Anong nangyayari? May problema ba?" A/Tanong ni Adam sa mga ito. Napatingin si Camila kay Adam kaya nag tama ang mata nila.
"May isang pasyenteng buntis na umalis na lamang." Si Diane ang sumagot sa tanong ni Adam. Tahimik naman si Camila at iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa mag-ina.
"Mayroon ba kaming pwedeng matulong? Baka hindi pa nakakalayo iyon. Pwede namin siyang hanapin?" Ani Kiko. Napailing si Diane sa sinabi ni Kiko.
"Hindi din namin nakuha ang details ng pasyente dahil wala siyang malay kahapon at wala din siyang guardian na kasama." Diane.
"Baka kung napano na iyon sa daan." Nag aalala na sambit ni Camila. Hinawakan naman ni Diane ang balikat ni Camila. Diane knows that Camila can easily attached by her patients lalo na kung alam nito na kailangan na kailangan nito ang tulong nito.
"Mila, wag kang mag alala masyado. I'm sure babalik din iyon dito. She need to be here and nothing bad will happen to her." Napatango si Camila sa sinabi ng kaibigan.
Sinabihan naman ni Diane ang iba na bumalik sa kanya kanya nilang ginagawa. Naiwan na lamang si Camila doon na nakatayo. Adam was just watching Camila.
"Sir, mauna na ako sa labas. I'll check the others." Aniya Kiko na tinanguan na lamang ni Adam. Naiwan din si Adam doon habang nakatayo siya di kalayuan kay Camila. Hindi iyon napansin ni Camila na nasa harapan lang niya si Adam at nakatingin sa kanya.
"Doc Camila." Maya maya pa ay sambit ni Adam dito. Napatingala si Camila. Napaatras siya papalayo dito dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Nanlaki ang mata niyang nakatingin dito.
"Anong kailangan mo sa akin?" Nakuha pang tanungin ni Camila kay Adam na nakatingin ng seryoso sa kanya. Humakbang ito palapit sa kanya. Umatras siya ulit palayo dito. They just continuing doing that. Hanggang sa mapaupo nalang sa hospital bed si Camila dahil wala na siyang maatrasan. Nanlaki ang mata niya ng lumapit ang mukha ni Adam sa kanya. Bumulong ito sa kanya.
"My waist is aching so bad. Can you check it?" Bulong nito sa kanya. Tinulak niya ito palayo sa kanya. Tumayo siya sa pagkakaupo. God, sobrang bilis ng t***k ng puso niya.
"I'll get my things." Camila ng hindi man nakukuhang tignan si Adam sa mata.
Sa kubo niya nilinisan ang sugat ni Adam. Nag durugo ito ulit dahil siguro sa dami ng extra-curricular activity nito kaya na pupwersa ang sugat nito.
Ramdam niya ang bawat pagtitig nito sa kanya habang nililinisan niya ang sugat nito. She couldn't concentrate on what she is doing.
"Wag mo masyadong pwersahin ang katawan mo Adam. Kundi patuloy lang magdurugo yang sugat mo kung hindi ka mag iingat." Payo niya dito habang nilalagyan muli ng benda ang sugat nito.
Natapos na siya sa pag lilinis. Tinanggal niya ang medical gloves na suot.
"We're done." Anunsyo ni Camila. Napadako na naman ang tingin niya sa suot nitong kwintas na agad naman nitong tinago sa loob ng tshirt na suot nito. Pinag kibit balikat na lamang niya ito.
Samantala, inayos ni Adam ang suot na damit at tumayo siya ng ayos. Pinapanood niya làmàng si Camila na ngayon ay abala sa pag aayos ng gamit nito sa lamesa. Nakatalikod ito sa kanya.
A smile of longing form on his lips. Kahapon, hindi na niya napigilan ang sarili niya. He kissed Camilla not knowing the consequences of his action. He couldn't even sleep last night just by thinking about her. Suddenly, his blood was starting to scream for her. Na para bang sa ginawa niyang hakbang kahapon ay may kung anong damdamin siyang matagal na niyang itinago na muling nasindihan
Lumapit siya dito.
"Makinig ka sa akin, Adam. Wag mo masyadong——" Adam wrapped his arms on her small waist. Giving her a back hugged. Natigil ito sa pag sasalita. Ramdam niyang para itong naestatwa sa ginawa niya.
He started to sniff her hair. It was good and addicting. He place his head on her shoulder. Adam felt home and at ease just by doing that.
He smirked. He's crazy for doing this. Hindi niya mapigilan ang katawan niya na para bang may sarili itong buhay.
"Adam, what do you think you're doing?" He heard her asked him. Ano nga bang ginagawa niya? Hindi niya alam. He just wanted to do this.
Siguro ay naguguluhan si Camila sa mga inaakto niya. Maski siya ay naguguluhan na din sa sarili niya. He just wanted to feel her. Her warmth. Adam needs it.
Camila tried to get him off. Pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya dito. He just want to stay this way.
Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayap niya at hinarap niya ang dalaga sa kanya. Tinitigan ni Adam ang buong mukha ni Camila. Bakas sa mukha nito ang kalituhan.
"Adam what are you doing?" She asked. Hindi siya makasagot. Wala din salitang gustong lumabas sa labi niya. Hinawakan niya ang maliit na mukha nito.
He smiled bitterly. He evidently can't control his emotions right now. Ni hindi na nga naiisip ni Adam na siya si Camila Saavedra. Anak ni Calixto ang taong kinamumuhian.
He just continue to caressed her small beautiful face. Kahit nalilito ay hinahayaan lamang siya nito. Inilapit niya ang mukha dito. Making their forehead to meet. Their nose was brushing and their lips were almost kissing. They literally breathing the same air. Napa-pikit ng marahan si Adam.
Alam niyang maling hangarin niya ang babaeng nasa harapan. He tried. He f*cking tried but emotions is eating him right now. He wants her. He wants Camila more than anything. Matagal na niyang itinago iyon but he can't help it. Maybe, Camila is his punishment. A beautiful punishment his willing to take.
Napamulat siya. Only to witnessed the beautiful scenery of Camila waiting to be kissed by him. Her eyes is closed.
Parang napasong binitawan ni Adam si Camila. Mabilis siyang lumabas ng kubo at iniwan niya doon ang dalaga. Sumakay siya sa isa sa pick-up na nakapark at pinaandar. Gusto muna makalayo doon ni Adam dahil sa samu't saring damdamin na mayroon siya ngayon.
He wanted so much to caressed Camila. He wanted her so much that it hurts him. Hindi niya matanggap na baka dahil sa nararamdaman niya para sa dalaga ay masira ang lahat ng mga planong binuo niya sa matagal na panahon.
"F*cking sh*t!" Mura niya habang mabilis na pinapaandar ang pick-up.
Ayaw niyang aminin sa sarili niya.
This would not be the reason of his defeat.
This would not be his fall.