10. The Pendant

5000 Words
Naramdaman ni Camila na hindi siya nag iisa ng mga oras na iyon. Adam was with her and that makes her think that she's safe whatever may happened. She tried to calm herself. Hindi pa sila umaalis ni Adam sa punong pinagtataguan nila. Sinisigurado pa muna ni Adam na tuluyan na itong nakalayo sa kanila. She wipe off the tears fell down on her face. She just couldn't believed that someone died through a gunshot. "I'm gonna get you out of here." Sinigurado si Adam iyon sa kanya. Tumango siya dito. It was so dark there but she can manage to see Adam's face. Naniniwala siya dito. "Let's go." Adam held her hand as he was guiding her way. Napapamura na lamang sa isipan si Adam. He needs to keep Camila safe. Madilim ang dinadaan nila at hindi niya pwedeng buksan ang flashlight dahil masyadong mapanganib. Baka makita sila ng mga armadong lalaki kanina at hindi pa ito nakakalayo sa lugar nila ngayon. Adam's need to be sure and be careful to every moves he will do. Alam niyang malapit na sila sa kampo. They continue to walk to the woods. It was dark. Ang liwanag lamang na nang gagaling sa buwan ang nagsisilbi ilaw nila. Adam held Camila's hand. He needs to be sure that she is there that's why he can't let her go. She is shaking. Atomatikong napa upo si Adam at Camila ng makita niyang may paparating ulit na mga tao dahil sa ilaw ng flashlight. Napamura si Adam. This is what Nathaniel tell them about. Napapaligiran talaga ng mga rebelde ang bayan na ito. Nagtago sila sa mga d**o na nandoon. Nararamdaman ni Adam na papalapit ito sa kanila. He can heard the footsteps. "Dok Camila! Simeon! Nandyan ba kayo?" Rinig ni Adam. Nanlaki ang mata niya dahil boses ni Kiko iyon. "Simeon! Dok Camila!" Ulit nito. Napatayo si Adam. Inalalayan niyang tumayo si Camila. Naglakad sila papalapit kay Kiko na patuloy sa pag sigaw ng pangalan nila. May mga kasama din itong ibang pang PSG. Naaninag sila ni Kiko. Tinapat sa kanila ang flashlight na hawak nito. Hinarang ni Adam ang kamay niya sa mata niya dahil nakakasilaw ang ilaw nito. Ganoon din ang ginawa ni Camila. Nag tungo ito sa kanila. Kiko called out the other PSG telling them that he already found them. "Sir! Miss Camila. Buti naman at maayos lang kayo." Ani Kiko. Hinihingal ito sa pagtakbong ginawa nito sa pag lapit sa kanila. "Wala bang nasaktan sa inyo? We've heard a gunshot from the camp. Nan-galing dito àng pag putok niyon kaya nag madali kaming hanapin kayo." Mahabang pahayag nito sa kanilang dalawa. Nakahinga ng malalim si Adam. Hindi siya nag salita. Tinapik niya lang ang balikat ni Kiko. Adam secured Camila. Nag umpisa na silang mag lakad pabalik ng camp kasama ang iba pang PSG. "Kiko, we have a meeting." Bigay alam ni Adam kay Kiko pagkarating nila sa Camp. Tahimik naman si Camila. Agad itong nilapitan ni Diane at ibang Medical team. Inalalayan nila si Camila at binigyan ng maiinom. Lumapit si Adam sa mga ito. Tinignan niya si Camila na ngayon ay nakatulala pa din at tahimik. Binaling niya ang tingin niya kay Diane. "Miss Diane, I need to ask you a favor. Kailangan nang magpahinga ni Miss Camila sa loob ng kubo. Ganun na din ang lahat ng Medical Team." "Sir, may nangyari ba sa gubat? Narinig namin kanina dito yung putok ng baril." Tanong ni Doctor Inigo. Tinignan ito ni Adam. Nasa tabi ito ngayon ni Camila. "Wala kayo dapat ipangamba. I need all of you to go to your rooms now and rest." Adam. Bago siya umalis ay sinulyapan pa niya si Camila. Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa barracks ng mga PSG. "Andito na ba ang lahat?" Adam immediately asked when he entered the barracks. Nilapitan siya ni Kiko. "I received a call from the Palace, Sir." Kiko whispered to him. Tinanguan niya ito. "I'll call them later." Tugon niya dito. Inilibot ni Adam ang mata niya sa loob ng barracks to see if all of the PSG was there. Tinanggal niya ang earpiece na suot niya at tinungkod ang dalawang kamay nito sa lamesa na naroon. "Makinig kayong maigi." Matiim siyang na nakatingin sa mga PSG naroon. "May mga armadong lalaki kaming nakasalubong ni Miss Camila sa gubat kanina. Pinatay ng sa tingin kong Leader nila ang isa sa kanila." Pahayag ni Adam sa mga ito. Agad nag bulong bulungan ang mga PSG sa narinig. "Mabuti na lamang ay nakapag tago kaagad kami ni Miss Camila. Katulad nga ng sinabi ni Sir Nathaniel napapaligiran ng mga rebelde ang lugar na ito. Ipagbibigay alam ko din ito sa mga Militar. Right now, we need to secure the whole camp. Lalo na ang Medical Team. Most especially, Aphrodite. Naiintindihan niyo ba?" Adam. "Sir Yes Sir!" Sagot ng mga PSG. The meeting got dismissed. Tumawag si Adam sa Palasyo at nakausap niya si Nathaniel tungkol sa nangyari. "Simeon, just make sure Aphrodite is always safe." Napabuntong hininga si Nathaniel pagkatapos niyang marinig ang nangyari kanina. This is one of the reason why he was worried about this Medical Mission. Adam ended the call. Kinabukasan, Adam call out the Medical Team before they start to accomodate the patient. Nasa tent sila. Hinanap agad ng kanyang mata si Camila. Nakita niya itong kasama si Diane. Naupo sa bakanteng upuan. Nag tama ang mata nila ni Camila. "Magandang Umaga sa inyong lahat." Bati ni Adam sa mga ito ng masigurado niyang kumpleto na ang Medical Team. "I know every one of you is worried about what happened last night but I am assuring you all that every thing is fine." Pahayag ni Adam dahil iniiwasan niyang matakot ang mga Medical Team sa pananatili nito sa Bagumbayan. "But sir, we've just heard a gunshot coming from the woods and with all due respect, this is something that we should be worry about." Si Doc Sarah. Nag tanguan ang mga ibang medical team doon.. "I know Doc. I understand you. Alam ko, wala ako sa posisyon para sabihin sa inyo to pero kailangan tayo, kayo ng mga taong nandito. The President send us here to give them hope. But If you want to leave, malaya kayong gawin iyon. Just tell me. I'll tell the Palace." Adam told them. Nilibot niya ang tingin sa mga ito. Alam niyang marami sa mga ito ay nag dadalawang isip na ipag patuloy pa ang Medical Mission. "I'll stay here." Maya maya ay narinig ni Adam na pahayag ni Camila. Napatingin siya rito. "Tama si Sir Adam, the people here need us. They need our help and as a doctor as a nurse it is our job to help them. Alam ko natatakot kayo, even me. Hindi ako mag sisinungaling sa inyo pero kailangan natin manatili dito para tulungan sila sa kahit anong paraan kaya natin." Sabat ni Camila. "I agree with Doc Camila. Mag sstay din ako." Ani Diane. Some of the Medical Team agreed of what Camila said. Nag salubong ang tingin nila. Tumango si Adam kay Camila like he was saying what she said to the team is helpful. Natapos ang pag titipon nila at nag umpisa na ang pag assist ng mga medical team sa MediTruck. May mga volunteers pa din na nag dadalawang isip kung aalis o mananatili pa sila sa Bagumbayan but Adam was hoping that no one will go. Nasa opisina sina Adam at Kiko, gumagawa sila ng report tungkol sa nangyari kagabi. They already heads up the Military Camp about what happened last night and they said that they will send people to guard up the MediTruck Camp. Kanina lamang ay dumating ito at pinaligiran ang buong kampo. Adam heard a knock from the office. Pinapasok niya ito. Nag angat siya ng tingin at nakita niyang si Camila ang lulan nito. Napatingin din si Kiko. "Doc Camila, may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Kiko dito. "Ah, pwede ba kitang makausap, Adam?." Bahagyang napakunot ang noo ni Adam ng marinig niya ang sinabi nito. "Ah sige, Doc Camila. Labas na muna ako." Kiko at tumayo para lumabas. Naiwan silang dalawa sa loob. "Ano gusto mong sabihin, Doc Camila?" Isinara niya ang laptop na gamit niya para makausap nang maayos si Camila. "Ah, tungkol sa nangyari kagabi." Mataman nakikinig si Adam dito. "Nahanap niyo ba yung lalaking binaril?" Tanong ni Camila. She was really curious about what happened to the man that got shot. "Hinahanap pa ng mga militar. Why?" Balik na tanong ni Adam dito. "I was just worried of what happened to him. I can't sleep last night knowing that there's someone got shot. And I was there." Camila. "You don't have to worry about him, Doc Camila. Worry to the people that you can help. Alam mong armadong ang mga kasama ng isang yon. We were lucky we're still alive now. Isipin mo kung tulungan mo siya baka ikaw pa ang napahamak." Aniya Adam. "I just can't help it. I'm sorry." Napatungo na lamang si Camila. What Adam just said is true. "Ayon lang ba ang sasabihin mo, Doc Camila? You can leave baka hinahanap kana sa labas." "No, hindi lang yon. Nandito din ako para mag pasalamat sayo. Sa ginawa mong pag protekta sa akin. Salamat. Kung wala ka, I can only imagine of what might happen to me." Camila said to Adam. She meant what she just said to him. Mataman pa din nakatingin at nakikinig si Adam kay Camila. "Katulad ng lagi kong sinasabi sayo. Hindi mo kailangan mag pasalamat sa akin. Ginagawa ko lamang ang trabaho ko."Malamig na saad ni Adam dito. "Thank you, Adam. Mauna na ako." Camila told Adam at lumabas na siya nang kubo kung saan ang office nito. Huminga nang malalim si Adam ng makalabas si Camila. Pumunta naman si Camila sa loob ng MediTruck para puntahan ang ibang pasyente na naka admit dito. "Kamusta po, Nay? Kamusta pakiramdam niyo po?" She asked an old lady who just got admitted earlier because of fever. Pinainom na nila ito ng gamot para sa lagnat. Kinuhaan niya ito ng temperature. "Maayos naman na ang pakiramdam ko, Hija. Salamat sa'yo Doc at gwapong doctor na iyon." Sabay turo kay Doc Iñigo. Napatingin siya sa gawi nito. Nakatingin ito sa kanila. Sumilay ang ngiti nito sa labi nito. Iniwas ni Camila ang tingin niya dito at binalik ang tingin sa matanda na parang kinikilig. "Bumaba na ang temperature niyo, Nay. Mag pahinga ka lang muna po kayo jan at baka bukas pwede na kayong ma discharge. Make sure lang po na susunod kayo sa payo namin ah?" Aniya Camila. Nag pasalamat muli ito. Pinuntahan naman ni Camila ang iba pang pasyente na naroon para tignan din ang mga ito. Nilapitan siya ni Doc Iñigo. Nakasilay ang ngiti nito sa kanya. "Yes Doc Iñigo, you need something?" Tanong niya rito. Sumabay ito sa pag labas niya ng MediTruck. Naglalakad na sila ngayon pupunta sa tent para tignan ang ibang pang pasyenteng nag hihintay. "I just want to ask if okay kana? I was just worried about you last night. I saw you coming back from the woods with Sir Adam, mukhang na trauma ka. Are you sure you okay now?" Nag aalala tanong nito sa kanya. "Thank you for your concern, Doc Iñigo. But I am completely fine now." She said with assurance. "Mabuti naman kung ganoon. Some of the doctors here was talking about leaving this place. They got scared." Pahayag nito. "What about you?" Curious na tanong niya rito. Umiling ito sa kanya. Sumilay na naman ang ngiti nito. "Uh-uh, I've decided to stay. I agreed of what you say. The people here need us here. Pati iba pa din ang pakiramdam ng isang Volunteer Doctor." Napangiti si Camila sa narinig niya dito. She was glad that there's someone like Doc Iñigo who has a heart to help the people in need. She was all smile as she was having a conversation with him. Adam was just watching from a far while Camila and Iñigo talking and smiling to each other. He is obviously hitting on her. Nasa loob siya ng isang tent na naroon. Napatigil siya sa ginagawa niya at nakakunot noo niyang sinusundan ng tingin ito. Napailing siya at bumalik sa ginagawa niya. "Simeon, magpapadala ang Presidente ng mga bagong Medical Supplies at iba pang supplies na kailangan niyo diyan sa Bagumbayan. Darating iyon ng bukas ng madaling araw." Bigay alam ni Nathaniel kay Adam. Mahigit isang linggo na din sila sa Bagumbayan. Naging mapayapa naman at nawala na din kahit papano ang pangamba ng mga Medical Volunteers sa nangyari nung nakaraan. Walang umalis sa mga ito kahit na ramdam ni Adam ang mga agam agam nito sa lugar na ito. Nakibalita din si Adam sa mga Militar tungkol sa lalaking binaril nang araw na yon sa gubat. Ayon sa mga ito ay may nakita itong katawan ng isang lalaki malapit sa bangin at may tama sa ulo. Patuloy pa din ang paghahanap ng mga ito sa kung saan nag kukuta ang mga rebelde iyong dahil ayon sa balita ay mahilig itong mang agrabyado ng mga magsasakay at kinukuha nito ang ma inaani nito. Malaking perwisiyo ito sa mga mamamayan ng Bagumbayan. "Sige, Sir. I'll be sending men to pick it up." Natapos ang tawag na iyon. Lumabas si Adam. Gabi iyon at abala ang mga tao sa labas sa paghahanda ng hapunan. Nag tipon tipon ang mga ito sa labas ng Meditruck. Gumawa pa ito ng bonfire. Naabutan ni Adam na nagkakantahan ang mga volunteers habang nag gigitara ang isa sa mga PSG na nadoon. Ang iba naman ay abala sa pag iihaw. Tumayo siya sa isang gilid doon at humalukipkip. Nilapitan siya ni Kiko at inabutan siya ng isang plastic cup. Kinuha niya ito at inamoy. "Tarantado ka, Kiko. Hindi tayo pwede nito!" Agad na sigaw niya dito. Tinawanan lamang siya ng isa. "Parang isang baso lang. Lambanog yan galing sa isang pasyente kanina binigay kay Doc Iñigo." Aniya. Napakunot ang noo niya. Napatingin siya sa gawi nito at nakitang niyang naka aligid na naman ito kay Camila. "Bantayan mo yang Doctor na yan. Mukhang dinidiskartehan si Miss Camila." Aniya Kiko habang ipanatong nito ang braso sa balikat niya. Kapwa na silang nakatingin dito. Winarigwig naman niya ito at ibinigay niya muli ang binigay nitong baso. "Umayos ka, Kiko. Itabi mo na yang iniinom niyo. Alam niyong hindi natin pwedeng gawin yan. We are in posting." Seryosong pahayag ni Adam dito. Kiko thumbs up to him. Umalis ito sa harapan niya para kunin ang ibang inumin na hawak ng mga PSG. Napabalik naman ang tingin ni Adam sa gawi nina Camila. Nakikipagtawanan ito kasama nina Diane at ang Iñigo na iyon. Napailing na lamang si Adam. Naupo siya sa isang sulok doon na may upuan habang pinapanood lamang ang mga pinag kakaabalahan ng bawat isa. Napangiti mag isa si Adam na mapagtanto niyang na halos makalimutan na niya ang mga plano niya nang dahil sa pagpunta niya sa Bagumbayan. Napailing siya sa isipan na iyon. Halos hindi na din niya naiisip. Hindi niya alam kung maganda bagay ba iyon dahil alam niyang hindi gugustuhin ni Gustavo na malaman na ganito nang yayari sa kanya. "Marunong ka palang ngumiti, Adam." Napa angat ang tingin ni Adam at nakita niya si Camila na nasa harapan niya. Nakangiti ito sa kanya. May hawak hawak itong dalawang plato sa kamay nito at inabot nito sa kanya. Tinitigan lang ni Adam iyon. "Here, that's for you. Kunin mo na." Aniya Camila sa kanya habang nasa harapan niya ang platong may laman na pagkain. He cleared his throat and took the plate from her. Ang akala ni Adam ay aalis na muli ito ngunit nakita niyang naupo ito sa katabi niyang upuan. "Let me sit here." Aniya at nag simula na itong kumain. Nakatingin lamang si Adam sa ginagawa nito. "Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong nito sa kanya habang may pagkain itong nginunguya. "Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Adam dito. "Ano pa? Kumakain." Sagot naman ni Camila sa kanya. Hindi na nagtanong pa si Adam dito at hinayaan na lamang niya ito sa tabi niya. Sinimulan na din niyang kainin ang pagkain na dala nito. Napangiti naman si Camila ng makita niyang kinain na ni Adam ang pagkain na binigay niya. "Bakit nandito ka nag iisa? Bakit hindi ka makihalubilo sa kanila?" Tanong ni Camila pagkatapos ng mahabang katahimikan. Napatingin si Adam sa kanya. Hinintay niya ang sagot nito ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa kanya. Nauna nang nag iwas ng tingin si Camila "Bakit ka ba ganyan makatingin?" Naiilang na tanong ni Camila dito. Iniiwasan niyang mag tama ang mga mata nila ngunit ramdam niya ang patuloy na pagtitig nito sa kanya. Ngayon nag sisi na siya bakit niya pa nilapitan si Adam. Gusto lang naman niyang makihalubilo din ito sa iba hindi yung nandito lang ito sa gilid at nag iisa. Natawa nalang si Adam sa reaksyon ni Camila. Namumula kasi to. Tinakpan nito ang mukha nito gamit ang dalawa nitong kamay. Nahihiyang nakatakip pa din ang kamay ni Camila sa mukha niya. She couldn't believe that Adam could make her feel this way. Narinig niya ang pagtawa nito kaya naman tinignan niya ito habang nakatakip pa din ang ilang daliri niya sa mukha niya. Dahan dahan niyang tinanggal sa mukha niya ang kamay niya at pinanood ang pagtawa ni Adam. Camila realized this was the first time he ever saw Adam laughing. He was always had this serious face. Now that she was seeing him laughing like this makes her stunt. Naging seryoso lang to ulit nang marealized nito na nakatitig na siya ng maigi sa kanya. "Mila!" Napalingon parehas sina Adam at Camila ng marinig niyang may tumawag sa kanila. Si Iñigo ito na nasa kumpulan ng mga doctor at nag yaya mag picture ang lahat ng mga volunteer na Medical Team. Tumango si Camila at tumayo para lumapit sa mga ito. Pinanood nalang ni Adam na mag lakad ito palayo sa kanya. Umalis na din siya sa lugar na iyon para pumasok na sa kubo dahil kailangan pa pala niyang asikasuhin ang tungkol sa mga supplies na dadating bukas. Camila looked back where he left Adam. Nakita niyang tumayo na din ito mula sa pagkaka upo nito at naglakad patungo sa kubo kung saan nag lalagi ito. She only watch his back. It was 4 in the morning when Adam and some of the PSG prepare to get the supplies. Sa daungan ito ng Bagumbayan kaya naman kinakailangan pa nilang sumakay ng Military Vehicle na galing sa kampo ng Militar. Mayroon din silang iilang escort na sundalo. "Manalastas, take charge. I'll be back in an hour." Habilin ni Adam. Dahil sa nangyari sa gubat, Nathaniel ordered them to be armed at all times. Isinabit ni Adam sa tagiliran niya ang isang 9mm Pistol. He can say that he's good at handling guns. Ganoon din ang ibang PSG Reservist na naroon. "Okay na ba ang lahat?!" Tanong ni Adam bago siya sumakay sa passenger seat ng Military Truck. Madilim pa ang paligid dahil madaling araw pa lamang iyon. Nag simula na sila sa biyahe. Dalawang truck ang dala nila. Halos kalahating oras ang tinagal ng binayahe nila para makarating sa daungan ng Bagumbayan kung saan nag hihintay ang mga tao ng President dala dala ang mga Medical Supplies at iba pa supplies na kinakailangan ng mga Volunteers. Adam salute to the Military Officer who is in charge. Si Captain Harold Panganiban. "Sir."Pagbati nito sa Captain. Tinanguan siya nito. Sabay silang nag lakad papunta sa barko kung saan nakalagay ang mga supplies. Nag umpisa naman nang ikarga ng ibang PSG ang mga supplies. "Kamusta ang Medical Mission?" Tanong nito sa kanya. "Everything is good, Sir." Simpleng sagot niya. Tumango sa kanya nito. "I've heard about what happened. Kamusta ang anak ng Presidente?" Tanong nitong muli huminto sila sa pag lalakad at hinarap siya ni Adam. Seryoso niya itong tinignan. "Katulad ng plano, Her profile will remain unknown to the other Volunteers, Sir. Wala din naman nag sususpetiya." Ani Adam. "I hope so. Mag iingat kayo. Madami nakapaligid na mga rebelde sa lugar na ito." Payo nito sa kanya. Nagpasalamat at nagpaalam na si Adam dito. Nagsimula na din siyang tumulong sa pag karga ng mga gamit. Mga ilang sandali lang ay natapos na din sila. Pabalik na sina Adam sa kampo. Maliwanag na ang daan at nagsisimula nang mag pakita ang araw. "Sir, kailangan po nating tumigil." Anunsyo nang driver nila. Napatingin si Adam sa daanan at nakita nilang may nakaharang na isang kalabaw sa daan. Napakunot ang noo niya sa nakita. "Itigil niyo ang sasakyan." Niradyo ni Adam ang kabilang truck. Bumaba siya para itabi ang kalabaw. Lumapit siya doon at itatabi niya na sana ito nang biglang may mga armadong lalaki ang biglang sumulpot galing sa talahiban. Mga pito ito kung hindi nag kakamali si Adam. Agad na sinuri ni Adam ang mga ito. "Boss, kalabaw ko ata yang hawak hawak mo. "Sigaw ng isa sa mga ito. Napakunot ang noo ni Adam habang tinititigan niya ito. Hindi siya pwedeng mag kamali dahil ito ang isa sa mga armadong lalaki nakita niya sa gubat. Siya ang lalaking nagpaputok ng baril at pumatay sa isa nitong kasama. "Itatabi ko lang sana, Boss. Paharang harang kasi sa daan." Aniya Adam dito. Gumihit ang isang tipid na ngiti dito. "Pasensya na kung paharang harang ang alaga ko." Aniya at naglalaro pa din ang nakakalokong ngiti nito sa labi. Sinenyasahan niya ang iba nitong kasama na pumunta sa truck na dala dala nila. Naglakad ito papalapit sa kanya. Hinawakan ni Adam ang balikat ng isa sa mga ito kaya naman napatigil ang mga ito. "Anong gagawin niyo? Isang hakbang pa. Mag kakagulo tayo dito." Bantang pahayag ni Adam. Malakas na tinanggal ng lalaki ang kamay ni Adam. Tumingin ito sa kanya. Nakita ni Adam ang pilat sa mukha nito. Nang tagisan silang dalawa ng tingin hanggang sa mabilis na nilabas nito ang baril. Mabilis din naman nailabas ni Adam ang baril niya at naitutok agad din dito. Adam was not afraid with this kind of thing. He was trained for this. Na-alarma ang ibang PSG at bumaba ang mga ito sa truck na iyon. Ganoon din ang mga sundalong kasama nila. Kung sa tao lang ay kulang na kulang na ang mga ito. Humalakhak ang tingin ni Adam na leader ng mga to. "Kidlat, umatras muna tayo. Madami pala tong mga to." Aniya ng isa sa mga ito na katabi ng tinatawag niyang Kidlat. Binalewala nito ang sinabi ng katabi. "Matapang ang isang to. Javier, easyhan mo lang." Aniya Kidlat. Nanatiling magkatuktok ang mga baril ni Adam at isa mga sa tauhan nito na sa tingin ni Adam ay natinawag nitong Javier. "Kidlat, alam mong hindi uso sa akin yan." Aniya nito habang nakatingin kay Adam ng nakakaloko. May nilabas itong kutsilyo sa gilid niya. Napatingin si Adam dito. Tinapon nito ang baril na hawak nito. Adam chuckled. Dahan dahan din niyang binaba ang baril na hawak niya. He get his knife too. Nag sukatan sila ng tingin. "Kidlat, akong bahala dito." Aniya. Nakita pa ni Adam sa gilid ng mata niya na humalukipkip ito at mataman na nanonood sa kanilang dalawa. Halos kasing tanggad ni Adam ang lalaking nasa harapan niya. Malaki rin ang pangangatawan nito. "Walang mangingialam." Adam ordered the PSG. Nag umpisa ng umatake ang kalaban ni Adam. And so he did. Knife was one of Adam's bestfriend. He attacked his enemy and right away Adam slit his right arm and right waist. Napahawak ito sa braso niyang may tama. Nagpatuloy sila sa pag atake. Walang sumubok na umaawat. Patuloy lang sila sa atake sa isa't isa. Nakaramdam si Adam ng kirot sa kaliwang bahagi ng bewang niya. Pinagsawalang bahala lamang niya ito at patuloy lamang siya sa pag sugod hanggang sa makahanap siya ng daan para matutok niya sa leeg nito ang hawak niyang kutsilyo. Napatigil ito sa pag atake. "One move and I'll slit your throat." Banta ni Adam and he chuckled. Diniinan niya ang pagkakatuktok sa leeg nito. "Itigil niyo na yan!" Rinig niyang anunsyo ni Kidlat. Hindi nakinig si Adam. Patuloy sila sa pag sukatan ng tingin. Masyadong nagkakainitan ang dalawa. Susugod na dapat ang mga kasamahan ng kalaban ni Adam ngunit pinigilan ito ng Leader nilang si Kidlat. "Sir, awat na." Aniya ng isang sundalo kay Adam. Nag tiim bagang si Adam at pabalang na binitawan niya ito. Pinagpagan ni Adam ang damit niya. "Sa ibang araw." Pagbabanta nito kay Adam. Humakbang na ito papalayo sa kanila habang nakatingin pa din kay Adam ng masama. Mataman din naman nakatingin at nakasunod ng tingin si Adam dito. Nagpatuloy sa biyahe ng masigurado niyang nakalayo na ang mga ito. "Sir, anong nangyari?" Salubong ni Kiko nang makarating na sila ng Kampo. Nakatingin ito sa bewang niyang punong puno ng dugo. Mabilis na nag lakad si Adam papunta sa loob ng kubo at sumunod si Kiko sa kanya. Mabuti na lamang ay walang nakakita sa kanyang mga Medical Volunteers kundi ay baka mag resulta na naman iyon ng pangamba sa lahat. "May mga nakasalubong kami kaninang mga rebelde. Mukhang balak nilang iambush kami kanina. Mabuti na lamang ay mas madami kami sa kanila. May isa akong naka engkwentro." Paliwanag ni Adam dito. Naupo siya sa upuan naroon at tinitiis ang hapdi sa katawan. "F*ck. You are bleeding."Hindi maiwasan na mapamura ni Kiko. Natawag ang pansin nilang dalawa nang may kumatok sa kubo kung nasaan sila at binuksan ang pintuan. Kiko was about to close the door but it was already too late. Nabuksan na iyon ng taong kumatok. Si Camila. "Adam." Camila called out. She was looking for Adam. Binuksan niya lamang ang pintuan dahil naiwan lamang ito naka-awang. Hinanap ng mata niya si Adam. Nanlaki ang mata niya sa sumalubong sa kanya. "Oh my god!" Mabilis na hinaltak siya ni Kiko at sinara ang pintuan. Nilapitan niya si Adam. "Adam, Anong nangyari sayo?!" Camila exclaimed. Napailing si Adam. She shouldn't be here. Pero wala na siyang magagawa dahil nandito na ito. "May mga rebeldeng silang nakaengkwentro sa daan papunta dito sa kampo, Miss Camila" Si Kiko ang sumagot sa tanong nito. "Adam, let me see." Camila look at Adam eyes while she was saying those words. Tumango si Adam dito at hinayaan ito na tignan nito ang sugat niya. Adam just watch her expression while she was checking her wounds. Napabuntong hininga ito. "It's a knife wound again. Medyo malalim ang sugat mo. " Nag aalala nitong sabi sa kanya. "Kailangan kitang dalhin sa MediTruck para magamot kita doon." Anunsyo ni Camila kay Adam. Tumayo ito pero agad na hinawakan nito ang kamay niya para pigilan siya. "Hindi pwede, malalaman nilang kagagawan ito ng mga rebelde. It will create fear to the others." Aniya Adam dito. "Adam, kailangan na natin gamutin ang sugat mo!" Pag di sang ayon nito. "Then do it here." Utos ni Adam dito. Napailing na lamang si Camila sa gusto nitong mangyari. "Okay, Kiko please help me get my things." Aniya Camila. Lumabas sila ng Kubo para kunin ang mga kailangan niya sa panggagamot. "Mila, nandyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap." Nakasalubong pa ni Camila si Diane. May inaasikaso itong isang pasyente. Binati nito si Kiko. "Hi Sir Kiko." Bati ni Diane dito. Ngitian siya ni Kiko bilang pag bati. Camila collected the things that she needed. Ibigay niya kay Kiko iyon. Nakakunot noo naman nakatingin si Diane sa kanila. Nagtataka ito. "Where are you going?" Tanong nito sa kanila. "May patient lang ako kailangan gamutin. Una na muna ako." Mabilis na lumabas si Camila sa MediTruck. Nakabalik na sila sa kubo. Sinarado ni Kiko ang pintuan. "Adam, I need you to took off your shirt." Utos ni Camila dito. Adam did what Camila ask him to do. Tinanggal niya ang suot niyang damit. Agad na napalunok si Camila nang mapag tanto niya ang pinagawa niya dito. Ilang segundo itong nakatitig lamang kay Adam. "Okay, I'll start." Aniya at nag simula na siyang gamutin ito. "Miss Camila, Simeon. Lalabas na muna ako. I'll check the supplies." Sabi ni Kiko. Tinanguan nalang siya ni Adam. Naiwan silang dalawa ni Adam sa loob ng kubo na iyon at ramdam ni Camila ang pag titig sa kanya ni Adam. Ayaw niyang mag taas ng tingin dahil alam niyang sa oras na gawin niya iyon ay mag sasalubong ang mga mata nila. Kaya pinili nalang niyang mag focus sa pag gamot ng sugat nito. "Bakit ba ang hilig hilig mong mag patama sa bewang mo." Sabi ni Camila dito. She remembered the day when she and her mom was tried to ambush. Adam got a wound on the back of his right waist. "Hindi ko alam. Doon ata ang favorite part ng mga nakakaenkwentro ko." Nakuhang pang biro ni Adam. Bahagyang napangiti naman si Camila doon. "Loko." Aniya. Nilagyan niya na ng benda ang sugat nito. Malapit na siya matapos. "Tapos na." Anunsiyo niya dito at nag angat na siya nang tingin. Agad nagtama ang mata nilang dalawa ni Adam. Camila couldn't hold up the way Adam look at her. Para kasing sa tuwing titingin ito sa kanya ay may gusto itong sabihin ngunit hindi nito masabi sa kanya. Nag baba siya ng tingin at nadako ang tingin niya sa dibdib nito. Hindi nakaligtas kay Camila ang suot nitong kwintas. Lalo na sa mismong pendant na suot nito. Pamilyar sa paningin niya dahil kahawig nito ang nawawala niyang pendant. "You should go back. The people might need you there." Adam. Napatango naman si Camila sa sinabi nito at isa isa na niyang inayos ang mga gamit niya. Lumabas siya ng Kubo na iyon pero nasa isipan pa din niya ang kwintas na suot nito. Camila shook her head. There is no way that Adam was the man whom she was looking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD