The whole team of Medical Mission woke up early in the morning. Ito ang unang araw na mag bubukas ang MediTruck para sa mamamayan ng Bagumbayan. Madaming nag aabang sa labas pala lamang nito. Everybody seems so excited because this was the first time that a Medical Mission was held in their place. Kitang kita ang saya sa mga mata nila. The MedTeam started to assist and consult each patient that assigned to them. Madami sa mga to ay mga batang dumadanas ng malnutrisyon. Ang iba ay buntis at mga matatanda. There's a lot of people on Bagumbayan that needs to give focus by MedTeam. Namigay sila ng mga vitamins upang makatulong ito sa pagpapalakas ng resistensya na mga ito.
"Misis, kailangan niyo inuman tong vitamins niyo at itong gatas na ibibigay ko po sa inyo para po pag lumabas si baby ay sobrang healthy niya." Camila handed a vitamins and milk for the pregnant woman she was now assisting. Hinawakan ni Camila ang tiyan nito na malaki na. Tingin niya ay mga dalawang buwan na lamang ay manganganak na ito.
"Salamat ho, Dok. Malaking tulong po itong mga binigay niyo po sakin at sa anak ko po." Ani ng pasyente ni Camila. Nagpaalam na ito sa kanya. Inalalayan ito ng asawa nito na makatayo at habang naglalakad. Sinusundan naman ni Camila ng tingin ito. She found herself smiling for nothing. Naagaw ang pansin ni Camila ng mapatingin siya kay Diane. She was pouting her lips like she was pointing something. Sinundan niya ng tingin ang tinuturo nito. It was Adam. Nasa isang gilid ito ang tumutulong sa pag aassist ng mga taong nakapila. Now, he was talking with some older man. Camila watched Adam from her position. He was just wearing a camouflage cargo pants and a simple black tshirt with a "Reservist" word printed on it but he still manage to be look great. Napailing si Camila sa isipan niyan iyon. Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito kagabi pag iwan sa kanya mag isa. She just started to shrugged it off.
Kinalabit siya ni Diane mula sa upuan nito. Tinaasan siya nito ng kilay.
"Napatulala ka?" Pang aasar nito sa kanya.
"Loko, ano bang pinag sasabi mo diyan, D." Natatawang saad ni Camila dito.
"Aysus, ang pogi kaya ng Reservist na yan." Diane was poking her side. Napailing na lamang si Camila sa pang aalaska nito sa kanya.
"Hay naku, bumalik na tayo sa trabaho natin, Dok Diane. Maganda Umaga ho Tay." Aniya ni Camila at binati ang matandang lalaki naupo sa harapan niya para konsultahin niya. It was a busy day for everyone. May mga pasyente silang na-iadmit sa loob ng MediTruck para sa mas maiging pangangalaga nito lalo na ang mga batang nagkakasakit dahil sa kakulangan ng nutrisyon sa katawan. There's a lot of people that they had check that day. It was 3 in the afternoon when Camila went to find Adam. Kailangan niyang mag sabi dito na aalis siya para bumalik sa kubo nina Popoy para sa konsultasyon niya kay Lola Helen.
Lumabas ng tent si Camila at nilibot ng mata niya ang paligid ng camp. There he saw Adam busy checking all the supplies na kakarating lamang ulit. Huminga muna ng malalim si Camila bago magsimulang mag lakad papunta dito.
"Adam."Tawag niya dito. Agad naman itong lumingon sa kanya.
"Dok Camila, may kailangan ka?" Inabot nito ang hawak na chart sa isang PSG na naroon at humarap sa kanya. Nagpamewang ito.
"Ano kasi, nakapangako ako kay Lola Helen na babalik ako ngayon sa kanila para mas matignan ko ang lagay niya." Tinignan ni Camila ang reaksyon ni Adam. Bahagyang napakunot ang noo nito.
"Lola Helen?" Tanong nito.
"Ah yung Lola ni Popoy yung pinuntahan ko kahapon. Please, babalik din ako agad. I promise not to go anywhere." Paalam nito kay Adam. Tinignan siya ng maagi ni Adam.
"Please?" She pleaded. Napabuntong hininga na lamang si Camila ng umiwas na ito ng tingin sa kanya. Bumagsak din ang balikat niya dahil alam niyang hindi siya papayagan ni Adam na umalis.
"Manalastas, can you hear me?" Adam radio on the earpiece he was wearing.
"Yes, Sir." He heard Kiko replied on his radio.
"Aalis ako ng camp. Sasamahan ko si Dok Camila. Take in charge." He said. Nanlaki ang mata ni Camila ng marinig niya ang sinabi ni Adam dito.
"Let's go." Biglang sabi ni Adam sa kanya pagkatapos nito pakipag-usap sa radyo nito. Hindi pa nakakahulma si Camila sa sinabi nito ng nakailang hakbang na si Adam at nilagpasan siya.
"Dok Camila, hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Adam. Lumingon ito pabalik sa kanya
"Wait, Adam. You don't have to come with me." Umiiling na pahayag niya dito. Humarap ito pabalik sa kanya.
"No, I'm coming with you." Pagtutol nito agad sa kanya at tinalikuran siya. Walang nagawa si Camila kundi pumayag sa sinabi nito. Kesa naman hindi niya mapuntahan si Lola Helen. Bumalik siya sa loob ng tent para kunin ang mga gamit na kakailangan niya para mamaya. She did even bought a vitamins that suit Lola Helen with her. Nasa labas naman si Adam at nag hihintay sa kanya.
"Where are you going?" Nag tatakang tanong ni Diane sa kanya nang makita siyang inaayos niya ang mga gamit niyang dadalhin. May kausap itong pasyente.
"Ah Kinala Popoy, pupuntahan ko ang Lola Helen niya." Maagao na sagot ni Camila.
"Ah the kid from yesterday?" Tanong ulit nito. Tumango siya bilang sagot.
"I'll be back." Paalam ni Camila dito.
"Okay, take care!" Nginitan ni Camila si Diane at pagkatapos ay lumabas na siya. Naabutan naman ni Camila na kausap ni Adam si Kiko. Siguro ay hinahabilinan ito ni Adam sa pansamantala niyang pag alis ng kampo. Lumapit si Camila sa kanila.
"Manalastas, Ikaw na muna bahala dito." Narinig pa ni Camila sa sabi dito.
"Yes Sir." Umalis na ito pagkatapos siyang batiin na tinanguan naman ni Camila. Magkaharap na silang dalawa ni Adam ngayon. Nagulat pa si Camila ng lumapit ito sa kanya. Atomatikong napahakbang siya paatras. Ang akala ni Camila ay kung anong gagawin nito, kinuha lang naman nito ang hawak niyang Medical Box. Ito ang nagdala non.
"Let's go, Dok Camila para hindi tayo abutin ng dilim sa daan." Aniya ni Adam sa kanya habang mag kalapit pa din sila. Pagkatapos ay tumalikod na ito at nauna nang maglakad. Napa buga ng malalim na pag hinga si Camila dahil kanina pa pala niya iniipit ang ito. Kinabahan din siya sa galaw ni Adam.
Nag umpisa na sila sa paglalakad papunta sa kubo nina Popoy. Kahit na isang beses pa lamang nakakapunta doon si Camila ay parang nakabisado na niya agad ang daan patungo doon. Nasa likuran niya si Adam at nakasunod sa kanya. There was an awkward feeling. Hindi alam ni Camila kung siya lang ba ang nakakaramdam non pero naiilang talaga siyang malaman na kasama niyang mag isa si Adam. Ni hindi sila nag uusap. Wala din naman siyang maisip na itanong dito.
"Kamusta nga pala ang sugat mo?" Out of nowhere ay natanong ni Camila dito. She was just trying to have a conversation with him.
"Pagaling na." Simpleng sagot nito sa kanya. Ramdam niya ang pag sunod ng tingin nito sa kanya.
"That's good to know." Mahinang utal niya dito.
"It was all thanks to you." Narinig pa niyang sabi nito. Natagpuan nalamang niya ang sarili niyang may ngiti sa làbi nang dahil sa sinabi nito. She bit her lower lip so that she could supress her smile.
"I've told you. You don't have to thank me. I just did what I need to do. After all, I owe you my life." Aniya ni Camila. Patuloy pa din ang paglalakad nila.
"It's my duty to protect you." Ganting saad nito sa kanya. Napahinto sa paglalakad si Camila. Naramdaman din niyang ganoon din ito. Hinarap niya ito. Pinakatitigan ni Camila ito.
"Protect me?" Tanong ni Camila dito.
"Yes, your safety and security comes first, Miss Camila." Seryosong saad nito sa kanya.
"Even if to take bullet for me?" Seryosong tanong nito dito. She was just trying to test him. Pero nagulat siya ng walang kimi tumango ito sa kanya. Nanlaki ang mata niya.
"Even to take bullet for you." Napa awang ang bibig ni Camila sa sagot nito. Maya maya ay nakita niyang ang sarili niya natatawa sa sinabi nito.
"Sersoyoso ka ba? Sobrang dedicated mo naman sa trabaho mo, Adam." Natatawa pa din pahayag ni Camila. She was trying to break the tense in their middle. Seryosong lang itong nakatingin sa kanya.
"I meant everything I say, Miss Camila. My top priority is your welfare." Nawala ang ngiti sa labi ni Camila. Tinalikuran na niya ito at nag simulang mag lakad. Napahawak si Camila sa dibdib niya. It was drastically beating so fast. Hindi niya alam para saan ang pagbilis ng tibik ng puso niya. She was trying to calm herself. Hindi na siya nag salita pa dahil baka kung ano ano na naman ang marinig niya mula kay Adam.
Mga ilang sandali pa ng kanilang paglalakad ay natanaw na ni Camila ang kubo na tinutuluyan nina Popoy. Nakita niya si Popoy na kasama ang iba nitong kaeskwela sa ilalim pa rin ng puno kung saan sila nagbasa kahapon. Tumakbo papalit sa kanya si Popoy.
"Dok Guapa!" Masayang bati nito sa kanya. Nagulat pa si Camila ng bigla itong yumakap sa kanya ng makalapit ito sa kanya. Nanlaki din ang mata ni Adam sa ginawa ng bata. Agad lumapit si Adam dito para ilayo kay Camila na pinigilan naman nito.
"Okay lang, Adam. Bata to." Aniya Camila at natatawang binaling naman ang atensyon nito kay Popoy, ginulo ni Camila ang buhok nito. Gusto pa sana tumutol ni Adam pero wala na siyang nagawa. Hinayaan na lamang niya ito. Lumapit din ang ibang bata naroon at binati si Camila.
"Magandang Hapon po, Dok Guapa." Sabay sabay na bati nito sa kanya.
"Magandang hapon din mga bata." Bati ni Camila.
"Kamusta kayo?" Pangangamusta ni Camila sa mga ito. Nag sibalikan ang mga ito sa pag gawa ng kanilang takdang aralin sa ilalim ng puno pag katapos. Si Popoy naman ay sumama sa kanila para ihatid sila sa kubo nito kung saan nandoon si Lola Helen nito.
"Dok Guapa, ang akala ko po hindi na kayo makakabalik. Kanina ko pa po kayo hininhintay eh." Aniya ni Popoy sa kanya habang nag lalakad sila papunta sa kubo. Napangiti naman si Camila sa sinabi nito.
"Madaming tao kanina sa MediTruck, Poy. Kaya natagalan ako. Kamusta na nga pala si Lola Helen?" Tanong ni Camila dito. Nakasunod lamang si Adam sa kanila at nakikinig sa usapan nila.
"Kanina pa po siya nananabik sa pag babalik niyo. Bukang bibig na nga po niya kayo sa aming mga kapit-bahay." Magiliw na saad ni Popoy sa kanya. Napatingin naman si Popoy sa gilid ni Camila kung saan nakasunod si Adam sa kanya.
"Dok Guapa, sino po yung kasama niyo po?" Pabulong na tanong ni Popoy sa kanya habang nakatingin kay Adam. Napakunot ang noo ni Adam doon.
"Ah isa siya sa mga Reservist Volunteers sa Medical Mission." Sagot ni Camila dito. Napakunot ang noo ng bata dahil siguro hindi nito naintindihan ang sinabi niya.
"Sundalo po, Dok Guapa?" Napaisip si Camila.
"Parang ganun na nga siguro." Simpleng sabi ni Camila dahil baka mahirapan pa siyang mag paliwanag sa bata. Hindi rin naman niya pwedeng sabihin na ang totoo ay PSG si Adam.
"Gusto mo ipakilala kita?" Tanong ni Camila dito.
"Pwede po ba, Dok Guapa? Hindi po kasi siya nangiti. Natatakot ako sa kanya." Natawa si Camila sa sinabi nito. Napakunot lalo ang noo ni Adam sa pagtawa ni Camila. Hindi niya kasi marinig ang pinag uusapan nito dahil para nag bubulungan lamang ito. Nakarating sila sa tapat ng kubo nito.
"Doc Guapa, maupo po muna kayo dito. Ilalabas ko lang po si Lola Helen. Kuya Pogi, dito po upo po kayo." Aniya ni Popoy sa kanila. Natawa pa si Camila sa tinawag nito kay Adam. Tumakbo ito papasok ng kubo. Naupo naman si Camila sa upuaan na yari sa pinutol na kahoy. Samantalang nanatiling naka-tayo naman sa isang gilid sa Adam.
"Uy Adam, upo ka." Anyaya niya dito. Tinapik niya ang upuan na katabi ng kanya. Tinitigan lamang siya nito at hindi gumalaw sa pwesto nito. Napailing nalang si Camila dito. Pinaningkitan niya ito ng mata.
Naghintay na lamang si Camila doon sa pag labas ni Lola Helen. Akay akay ito ni Popoy. Camila was about to stand to help to assist Lola Helen when Adam did it.
"Bata, ako nang bahala kay Lola." Aniya ni Adam kay Popoy. Hinayaan naman nito ito. Ngumiti ang matanda kay Adam. Hinawakan pa ang mukha ni Adam na inagulat nito.
"Aba, kay gwapong binata." Aniya ng matanda. Alanganin naman ngumiti si Adam dito at nag mano siya dito.
Inalalayan na ni Adam si Lola Helen hanggang sa makaupo ito sa upuan na naroon. Tumayo si Camila.
"Mano ho, Lola Helen." Nag mano si Camila dito. Ngiting ngiti naman ang matanda dito.
"Kamusta po, Lola?" Tanong ni Camila dito. Adam handed the Medical Box that he was holding to Camila. She just gladly smile to him. Inilapag niya ito sa lamesita na naroon. Sinimulang na niyang ilabas ang mga gamit niyang naroon.
"Aba, maganda ang aking gising kaninang umaga hija." Pag mamalaki nito sa kanya.
"Talaga po La. Ayos po yon ah?" Sabi naman ni Camila dito.
"May gwapo binata kang kasama, Hija. Sino siya?" Humagikgik ang matanda. Bahagyang natawa naman si Adam sa narinig niya. Napatingin naman si Camila kay Adam. Nahuli siya nitong nakangiti. She find it amusing dahil ayun ata ang unang pagkakataon na nakita niyang ngumiti si Adam.
"Siya po si Adam, Lola." Pakilala nito kay Lola Helen.
"Nobyo mo ba siya?" Nanlaki ang mata ni Camila sa tanong sa kanya ng matanda. Narinig naman niyang nasamid si Adam sa gilid. Tatawa tawa naman sa gilid si Popoy.
"La, hindi po. Ikaw talaga." Agad na tanggi ni Camila dito. Napatingin si Camila kay Adam na nauubo pa din.
"Punta muna ako doon." Sabi nito sa kanya at nag lakad na palayo sa kanila. Sinundan lang siya ng tingin ni Camila.
"Ah hindi ba. Ang akala ko ay nobyo mo siya." Sabi pa ni Lola Helen. Umiling si Camila.
"Kasamahan ko lang po siya sa Medical Mission Lola. Kukuhaan ko na po kayo ng BP lola ah?." Sinuot na ni Camila ang sphygmomanometer dito. She conduct the consultation for Lola Helen. After that, she gave the vitamins she brought for her. Panay ang kwento ng matanda sa kanya. Natutuwa naman si Camila dito.
"Lola, lagi niyo inumin ang vitamins niyo po ah? Tapos ito po ang para kay Popoy, dinalhan ko na din po siya." Bilin ni Camila sa matanda. Hinawakan ng matanda ang kamay niya.
"Maraming Salamat, Hija. Sa tulong mo. Malaking bagay sa aming mahihirap ang ginagawa ninyo." Aniya ng matanda. Ipinatong naman ni Camila ang kamay niya sa matanda.
"Walang anuman ho Lola." Aniya Camila.
"Dok Camila." Napatingin si Camila ng tawagin siya ni Adam.
"Kailangan na natin umalis." Sabi nito sa kanya. Tumango naman si Camila dito. Ibinalik niya ang tingin sa matanda.
"Paano po Lola Helen, mauna na po kami. Kapag po may libreng oras po sa MediTruck ay pupunta po ulit ako dito para madalaw ko po kayo."
Nagpaalam na din si Camila kay Popoy. Ala singko na iyon ng gabi at malapit ng lumubog ang araw. Nag lalakad na sila ni Adam. Rinig na rinig nila ang tunog ng kuliglig. Nasa gitna na sila ng gubat. It was Adam who lead the way.
"Salamat sa pag sama mo, Adam." Saad ni Camila habang nag lalakad sila.
"Ginagawa ko lamang ang trabaho ko, Miss Camila." Sabi nito habang patuloy sa paglalakad. Camila pouted her lips.
"Kahit na, Salamat pa din. Ginabi pa tayo dito sa gubat." Aniya Camila. Hindi naman na nagsalita si Adam. Nagpatuloy na ito sa pag lalakad.
Tuluyan nang nag dilim ang paligid. Gamit ang flashlight na dala ni Adam ang nagiging ilaw nila sa daan. Nahihirapan na siyang makita ang daan lalo na ang mga palatandaan niya sa lugar. Adam was starting to get worried about their situation. Hindi lamang niya pinapahalata kay Camila iyon.
"Adam, malapit na ba tayo?" Tanong ni Camila. Natatakot na kasi siya. Masyado na kasing madilim. Hindi na niya nakikita ang daan.
"Malapit na." Aniya Adam. Napahinga siya ng malalim. He was sure that this was the way to the camp. Hindi siya pwedeng magkamali. Napatigil sa pag lalakad si Adam when he heard a footstep coming to their way. Makakasalubong nila ito. Agad niyang pinatay ang sindi ng flashlight na hawak niya. Napatigil din si Camila sa pag lalakad kaya nabunggo ang likod niya.
"Why did we stop?" Nagtatakang tanong ni Camila sa kanya. Pero sa imbes na sagutin niya ito ay tinakpan niya ang bibig nito, hinatak ito sa isang malaking puno na naroon at nag tago sila roon.
Nanlaki ang mata ni Camila sa ginawa nito. She tried to get off Adam's hand but she was failed to do that because Adam was way stronger than her. Camila could feel Adam breath because they were few inch away from each other. Nakasandal siya sa puno. She couldn't find a way out because Adam was blocking her way. She could already feel his body pressing onto her. Natatakot at naguguluhan siya sa ginagawa nito sa kanya.
Adam signed her to keep silence. Dahan dahan nito tinanggal ang kamay nito sa bibig niya. Walang lumabas sa bibig niya. Magkalapit pa din ang katawan nilang dalawa ni Adam. They practically were hiding. Mga ilang sandali pa ay may narinig si Camila na mga taong nag uusap papalapit sa kanila.
May dala dala itong sulo na nag sisilbing liwanag sa mga ito. Dahan dahan ginalaw ni Camila ang ulo niya para makita kung anong mayroon. Nanlaki ang mata niya sa nakita niya dahil mga armadong lalaki ito. Hindi ito mukhang sundalo pero kaliwa't kanan ang nga armas nito sa katawan. May nakita pa siyang hatak hatak ng isa at puro sugat at dugo ang suot. Binalik niya ang tingin kay Adam. Kahit na madilim sa pinag tataguan nila ay kita kita niya ang tingin ni Adam sa mga lalaking makakasalubong sana nila. Camila saw how Adam gritted his teeth. Ibinalik ni Camila ang tingin sa armadong lalaki pero agad na hinawakan ni Adam ang pisngi niya para mapukaw ang tingin nito sa kanya. Nag tama ang mata nila. Pagkatapos ay inilagay ni Adam ang palad nito sa mata niya para takpan ang mga ito.
"Don't look at them." Adam whispered unto her ears that gives shiver to her. Napatango na lamang siya. Kahit na hindi nakikita ni Camila ang nangyayari she could feel that the armed men stopped few steps from the place they were hiding. Nakakaramdam na ng sobrang kaba si Camila dahil baka makita sila ng mga ito at kung anong gawin sa kanila.
"Kidlat, anong gagawin natin dito?" Rinig nilang tanong ng isang lalaki sa tinatawag nitong Kidlat.
"Kidlat, maawa kayo sa akin. Parang awa mo na." Pagmamakaawa ng isang lalaki.
It was Adam was watching the whole thing. Isang lalaki ang puno na nang dugo nakaluhod at nag mamakaawa sa mga ito.
"Tarantado ka, talagang tiniktik mo talaga kami sa mga sundalo." The guy named Kidlat grabbed the guy hair. Nanlaki ang mata niya ng walang sabi sabi pinaputakan ang ulo nito ng baril.
Napatalon sa gulat si Camila sa narinig at impit na napatili siya. Alam niyang isang putok ng baril ang narinig niya. Napakapit siya sa braso ni Adam. Nanginginig na ang buong katawan niya dahil natatakot siya sa pwedeng mangyari sa kanila. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Adam. Nakatakip pa din ang palad nito sa mga mata niya habang nakayakap naman ang isang braso nito sa kanya. Adam was helding her as if he was protecting her by shielding his whole body on her. Takot na takot na siya ng mga oras na iyon.
"Kayo nang bahala diyan. Itapon niyo ang katawan niyan sa bangin." Rinig pa niyang pahayag ng isang lalaki nag salita.
Adam locked Camila on his body. Hinintay niyang makaalis ang lalaking armado doon bago niya pinakawalan ni Camila. Dahan dahan niya ito binitawan at tinanggal ang palad na nakatakip sa mata nito. Natulala ito at nanginginig ang buong katawan.
Adam held Camila's shoulder.
"Hey, look at me. Look at me." Sa mahinang tono ay sinabi ni Adam kay Camila. Tumingin ito sa kanya. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Pinanood ni Adam ang dahan dahan na pagbagsak ng luha sa mga mata ni Camila. He held her again.
"I'm here. I'm here, Camila. Don't be scared." Adam assured Camila. He held her more tightly.
God's knows how much he's willing to risk just to protect her.