"Popoy, malapit lang naman ang bahay niyo dito di ba?" Tanong ni Camila sa batang si Popoy habang hawak hawak nito ang isang niyang kamay at inalalayan siya papunta sa bahay nito. Ibinalik ni Camila ang tingin niya kung saan sila nang galing. Mukhang nakakalayo na sila sa MediTruck. Nakakaramdam na ng pangamba si Camila dahil alam niyang baka sa mga oras na ito ay hinahanap na siya ng mga PSG. Nina Adam. Napakagat ng labi ni Camila ng pag tanto niyang wala siyang alam sa lugar na pinupuntahan nila ni Popoy. Puro puno lamang ang natatanaw niya.
"Dok, malapit na po tayo." Aniya ni Popoy. Nginitian niya ito ng makita niyang mukhang masayang masaya ang bata sa pag sama niya dito. Camila felt the happiness this kid infront of her. Kitang kita ito sa mata nito. Mga ilang sadali lamang ay nakarating sila sa iilang maliliit na kubo na naroon. Isang may edad na babae ang sumalubong sa kanila.
"Popoy, kanina ka pa hinahanap ng Lola Helen mo. Saan ka ba nag susuot kang bata ka?" Aniya nito. Napadako ang tingin nito sa kanya. Nanlaki ang mata nito.
"Ssino ang iyong kasama, Popoy?" Nauutal na tanong nito sa bata.
"Si Dok Guapa ho. Galing ho siya doon!" Sabay turo sa pinag galingan nila. Pinag palit palit nito ang tingin kay Camila at Popoy.
"Ako po si Dr. Camila Haven Saadvedra." Pakilala ni Camila sa sarili. Inilahad nito ang kamay niya. Dahan dahan naman inabot nito ang kamay niya.
"Melinda ho. Tiyahin po ako ni Popoy. Tuloy ho kayo Doktora." Pumasok si Camila sa loob ng isang kubo doon. Pinaupo siya ni Popoy sa isang bangko na naroon.
"Dok Guapa, dito lang po kayo ah? Pupuntahan ko lang po si Lola Helen." Sabi ni Popoy sa kanya. Naiwan mag isa si Camila samantalang pumunta naman si Popoy sa isang kwarto na naroon sa kubo na iyon.
"Dok, kain ka po muna. Pasensya kana ayan lamang ang aking maalok sa inyo." Ani Aling Melinda na nanggaling sa labas ng kubo at may dalang nilagang saba at inilagay sa lamesa na nandoon.
"Naku, Aling Melinda. Nag abala pa po kayo. Salamat po." Aniya Camila.
"Magtatagal po ba kayo dito sa Bagumbayan, Dok?" Ilang sandali pa ay tanong sa kanya nito. Nakatayo ito sa gilid.
"Mag lalagi po kami dito ng mga tatlong buwan po. Sisiguraduhin po namin na matulungan po ang bayan ng Bagumbayan sa abot ng aming makakaya." Tuwang tuwa naman si Aling Melinda sa narinig. Nakita pa ni Camila na mangiyak ngiyak ito sa tuwa.
"Maraming Salamat Dok Camila." Sabi ni Aling Melinda. Tuwang tuwa ito sa balitang magkakaroon ng Medical Mission sa bayan nila dahil madaming mamamayan nila ang nagkakasakit at kulang sa atensyon pagdating sa kalusugan. Nilapitan ni Camila eto at hinawakan ang kamay nito.
"Gagawin ko po ang makakaya ko para matulungan po kayo, Aling Melinda." Aniya. Napalingon si Camila ng marinig niyang tinawag siya ni Popoy na lumabas galing kwartong pinasukan nito kanina at inaalalayan ang isang matandang babae. Ang lola ni Popoy.
"Dok Guapa!" Tuwang tuwa tawag nito sa kanya habang hawak hawak ang kamay ng lola nito. Lumapit si Camila dito para tulungan ito sa pag alalay dito.
"Lola Helen, siya po si Doktora Camila."Pagpapakilala ni Popoy sa kanya.
"Dok Guapa, siya ang lola Helen ko po." Pakilala ni Popoy sa kanila. Nag mano si Camila dito.
"Kagandang dalaga." Aniya ni Lola Helen kay Camila. Napangiti naman si Camila dito. Sinumulan na ni Camila konsultahin si Lola Helen. Dahil wala siyang mga gamit ay mas minabuti na lamang kausapin si Lola Helen sa mga iniinda nito.
"Lola Helen, pangako babalik ako bukas dito para mas matignan ko ang kalagayan niyo po."Natawa na lamang si Camila at si Lola Helen na napagtanto niyang pumunta siya doon na wala man lang kahit anong dalang gamit.
"Okay lang sayo, Hija. Baka nalalayuan ka patungo dito. Pwede naman na ako nalang ang mag tungo doon para hindi kana maabala pa." Umiling si Camila sa sinabi ng matanda.
"Okay lang po sa akin, Lola Helen. Malakas ata sa akin si Popoy." Aniya ni Camila. Nagpaalam na si Camila kay Lola Helen dahil kailangan na nitong magpahinga. Naglalakad na ngayon pabalik ng MediTruck sina Camila nang may makasalubong silang mga batang nasa ilalim ng puno. Lumapit doon si Popoy kaya naman sumunod din siya.
"Nandito pala kayo. May pakilala ako sa inyo." Aniya Popoy. Binalikan siya nito at hinatak siya papalapit sa mga ito.
" Siya nga pala si Dok Camila. O Dok Guapa."Pagpapakilala ni Popoy sa kanya. Napangiti na lamang si Camila dahil pinapanindagan na talaga ni Popoy ang pagtawag sa kanya ng Dok Guapa.
"Magandang Tanghali po, Dok Guapa." Sabay sabay na bati nito sa kanya.
"Magandang Tanghali din mga bata." Tinignan ni Camila ang ginagawa ng mga to. They were studying at nag hahati ang mga ito sa iisang libro.
"Anong ginagawa ninyo?" Tanong niya sa mga ito.
"Binabasa po namin itong librong ito para po sa aming eskwela bukas. Takdang aralin po kasi namin." Sagot sa kanya ng isa sa mga bata.
"Pwede tignan yung libro?" Camila. Inabot naman sa kanya ito. Binasa niya ang unahan bahagi nito at tungkol ito sa kwento ng kuneho at pagong.
"Gusto niyo ako na ang magbasa nito para sa inyo?" Tuwang tuwang ang mga bata sa sinabi niya. Naupo siya sa malaking bato na naroon. Nagpakilala muna isa isa sa kanyang ang mga bata. Mga kaklase pala ito ni Popoy. Nag titipon sila para sama sama na silang gumagawa ng takdang aralin nila sa eskwela dahil iisang libro lang ang mayroon ang mga ito. Nag umpisa na basahin ni Camila ang librong hawak niya.
"Pagong, hinahamon kita sa isang paligsahan." Camila mimic her voice as she was reading the lines of the Character on the book that she is reading. Tuwang tuwa ang mga bata sa ginagawa niya at ganoon din naman siya. She was happy that she could help these kids on this little things. Rinig na rinig sa kinalulugaran nina Camila ang tawanan ng mga bata.
"Sa tingin niyo mga bata, sino ang nanalo sa paligsahan sa pagtakbo ng kuneho at pagong?" Camila asked them.
"Yung pagong po Dok Guapa." Sagot ni Nene.
"Sa akin po, yung Kuneho Dok Guapa kasi mabilis tunakbo yung mga yun eh." Sagot naman ni Buboy.
"Ang nanalo ay si...." Nag isip kunwari si Camila. Abang na abang naman ang bata sagot niya.
Samantalang, patuloy pa din sa pag hahanap si Adam. He was frustrated dahil hindi niya kung saan siya mag sisimulang hanapin si Camila. He couldn't think straight.
"Camila, where are you.." Ulit ulit na sambit ni Adam. Maya maya ay natawag ang pansin ni Adam sa mga batang nag tipon tipon sa ilalim ng isang malaking punong naroon. Nag sisihagikgikan ito at mukhang tuwang tuwa ang mga ito. Lumapit doon si Adam.
And there, he saw Camila talking to the kids who's listening to her. She was all smile. Nakahinga ng maluwag si Adam after he saw Camila. Knowing she was safe. Kinuha ni Adam sa bulsa niya ang handheld transceiver na binigay sa kanya ni Kiko.
"Manalastas, do you hear me." Aniya ni Adam sa kabilang radyo habang nakatingin pa din kay Camila na para bang ayaw na niya mawaglit ang tingin niya dito.
"Sir, Negative." Agad na sagot nito sa kanya.
"I've found Aphrodite." Simpleng pahayag ni Adam dito. Nag angat ng tingin si Camila at agad nagtama ang kanilang mga mata. Napa awang ang labi ni Camila. Mataman naman nakatingin si Adam dito.
Napatigil si Camila sa pagsasalita ng makita niya si Adam at mataman na nakatingin sa kanya. She couldn't read his mind.
"Dok Guapa, sino po yung nanalo?" Nabalik ang tingin niya sa mga batang nag aabang pa din sa anunsyo niya kung sino ang nanalo sa binabasa niyang libro. Ngitian niya muli ang mga ito.
"Ang nanalo sa paligsahan ay si Pagong." Aniya Camila. Nagtaka ang mga bata sa sinabi niya.
"Dok Guapa, bakit po yung Pagong yung nanalo. Di ba po di hamak na mas mabilis si Kuneho kesa kay Pagong?" Tanong ni Buboy sa kanya.
"Hmm, Masyado kasing minaliit ni Kuneho ang kakayanan ni Pagong kaya siya natalo. Di ba nagawa pa niyang matulog sa gitnang ng paligsahan nila kasi iniisip niya kahit matulog pa siya ay hinding hindi makakahabol sa kanya si Pagong. Hindi niya alam habang natutulog siya ay pursigido naman si Pagong na matapos ang kanilang paligsahan. Kaya siya ang nanalo. Nakuha niyo ba mga bata?" Paliwanag ni Camila sa mga ito. Ibinalik ni Camila ang tingin niya kay Adam na nakatayo sa di kalayuan at mataman pa din nakatitig sa kanya.
Natapos ang pagbabasa ni Camila sa mga bata ng libro. Nag uumpisa na din ang mga ito sa pag gawa ng salaysay tungkol sa natutunan ng mga ito sa kwentong binasa nila. Nagpaalam na siya sa mga ito. Dapat ay sasama pa sa kanya si Popoy upang ihatid siya sa MediTruck ngunit alam ni Camila na hindi na nito kailangan gawin. Bukod sa kailangan pa nitong gawin ang takdang aralin ng mga ito ay nandiyan na si Adam at nag hihintay na sa pag alis nila para makabalik sa MediTruck.
"Dok Guapa, Maraming Salamat po sa pag sama niyo po sa akin dito at pagtingin sa aking Lola Helen. Tinuruan niyo pa po kami ng mga kaklase ko sa aming takdang aralin." Sabi ni Popoy sa kanya nang mag paalam na siya dito.
"Walang anuman iyon, Popoy. Bukas pangako, Pupuntahan ko si Lola Helen para mabigyan ko din siya ng tamang gamot na dapat inuman. Ayos ba?" Ginulo ni Camila ang buhok nito.
"O siya, Mauuna na ako. Mga bata, mag aral kayong maiigi." Paalam ni Camila sa mga ito.
"Salamat po, Dok Guapa!" Sabay sabay na sigaw nito sa kanya. Kinawayan niya ang mga ito. Nag simula na silang mag lakad pabalik sa MediTruck. Nasa likuran niya si Adam. Ramdam ni Camila sa pag sunod ng tingin nito sa kanya. Tahimik lamang ito at hindi siya pinapansin. Camila bit her lips. Alam niyang mali ang ginawa niyang hindi siya nag paalam dito na aalis siya lalo pa't si Adam ang inatasan sa pag babantay sa kanya dito sa Medical Mission na ito. Tumigil siya sa pag lalakad at liningon ito. Deretso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Walang bakas na kahit anong reaksyon. Napabuntong hininga siya.
"Don't... I mean, wag mong sabihin kay Dad ang tungkol dito. Please." Camila told Adam. His face was still blank as he was looking at her.
"Di ba? You won't tell him right?" Hinintay niya itong sumagot ngunit wala talaga.
"Please, Adam. Just don't tell him. Okay?" Pangungulit niya dito.
"Start walking again, Miss Camila." Sa imbes na sang ayunan siya nito ay ayon ang sinabi nito sa kanya. Hinihintay nito na maglakad siyang muli.
"Please?" She insisted. Mataman tinitigan ni Adam siya sa mga mata niya.
"Hindi mo talaga alam kung anong sinusugal mo sa lugar na ito?" Tanong sa kanya ni Adam. Ramdam ni Camila ang pag kainis sa tono ni Adam sa mga salita nito.
"You are risking yourself and the people who's trying to protect you." Napalunok si Camila sa sinabi nito. Wala siyang masabi dahil alam niyang totoo ang sinasabi nito sa kanya. Napaiwas siya ng tingin.
"If you want to continue this Medical Mission so badly, you will do what I say. You will listen to me. Because I am the one who's liable of your security in this place. Naiintindihan mo? Know the cost of your actions." Napatango na lamang si Camila sa sinabi nito. She couldn't even disagreed to what he says because she knows that Adam is right.
"Now, start walking Miss Camila." She did what he says. Nakabalik sila sa MediTruck. Sinalubong si Camila ni Diane. Samantalang kausap na ngayon ni Adam si Kiko. Napatingin pa muli si Camila dito. Bagsak ang balikat niyang pumasok sa kubo kung saan sila tutuloy kasama ang iba pang babaeng doctor at nurse na volunteers. Sasapit na ang gabi ng mga oras na iyon.
"Nilagay ko na diyan sa ilalim ang mga gamit mo." Sabi ni Diane sa kanya. Nakita niyang nasa lower deck ang gamit siya sa double deck bed na naroon.
"Dito naman ako sa tapat mo. Nurse Lia and Nurse Pam naman sa taas. Doon si Doc Jacky at Nurse Kylie naman sa taas. Doc Sarah will be there." They were 3 double deck bed which they got occupied, there's only one single bed that Doc Sarah occupied. Naupo siya sa dulo ng kama niya pagkatapos niyang maligo. Nakita niyang nakahiga ng prente si Diane sa kama nito at sinusundan siya ng tingin.
"What's with the look, D?" Nagtatakang tanong ni Camila dito habang pinupunasan niya ng tuwalya ang buhok niya. Napakunot na ang noo ni Camila dito dahil nakatitig lamang ito sa kanya at may kakaiba sa ngiti nito sa kanya. Nawiwirduhan na siya dito.
"Well, I just found out that two hot looking guy was looking for you earlier." Kinikilig kilig na pahayag nito sa kanya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito dahil hindi ito makuha ni Camila.
"Mila, the two hot Reservist just looking for you earlier. The leader and the assisstant, I think." Maarteng sabi nito. Nanlaki ang mata ni Camila nang mapagtanto niya kung sino ang tinutukoy nito.
"Bakit? Bakit ka nila hinahanap at mukhang kilala ka nila Dra. Camila Haven Saavedra?" Tanong ni Diane sa kanya. Nag kibit balikat siya dito bilang pag sagot.
"Bakit nga?" Mukhang curious na curious na tanong nito sa kanya. Kinulit kulit pa siya nito buti na lamang ay may isang Reservist ang kumatok sa pintuan nila. Sinabi nitong oras na para sa hapunan. Tumigil na sa pangungulit si Diane sa kanila.
"Di pa tayo tapos, Mila. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Sabi ni Diane sa kanila. Tinawan na lamang iyon ni Camila. Sabay na silang lumabas nito. Nasa labas sila ng MediTruck at may mga lamesa at upuan doon na naka-ayos. The MediTruck was ready for tomorrow. Bukas mag sisimula ang medical mission nila at bukas ang MediTruck para sa mga mamamayan na kailangan mag pagamot o di kaya naman ay gustong mag pa konsulta sa doctor.
Naupo siya sa isang bakanteng upuan na naroon. Katabi niya sa isang side si Diane.
Tumabi naman niya kabilang gilid niya si Iñigo kasama nito si Doc. Kevin at Nurse Kian na kasama ni Diane galing sa San Lazaruz Doctor. Nurse Josef was with them also.
"Where were you earlier?" Nagtayuan ang buhok ni Camila nang maramdaman niya ang pag bulong ni Iñigo sa tenga niya. Nagulat siya kaya naman napatalon din siya. Dumistansya siya dito ng bahagya dahil ang lapit nila sa isa't isa.
"Sorry, I didn't mean to surprise you." Aniya Iñigo sa maliit na tinig. Ngitian na lamang siya ni Camila.
"So where were you? They were looking for you everywhere." Ulit nito sa tanong nito.
"I just grab some air. You know, jet-lagged. Hindi lang ako nakapag sabi ng maaga." Pag dadahilan niya dito. Tumango naman ito.
"Ganun ba, I got worried. Maybe next time, If you need accompany, I can." Presinta nito. Natango na lamang si Camila sa sinabi nito.
They had a festive dinner that night. Za kalagitnaan ng kainan ay hinanap ng mata ni Camila si Adam sa mga taong naroon. Wala ito sa kumpulan ng mga PSG nag kakainan din sa lamesa ng mga ito.
Nilibot niya pang muli ang mata niya at nakita niya itong nakatanaw sa bintana ng kubo naroon. Nagtama ang mga mata nila. Alam ni Camila na nakatingin na ito sa kanya bago pa madako ang mga mata niya dito. Blanko ang expresyon nito.
"Mila, try this." Napadako ang atensyon ni Camila ng marinig niya sa gilid niya si Iñigo at binigay sa kanya isang baso ng buko juice. He smiled.
"Sorry, Can I just call you Mila?" Napatango nalang siya dito. Siguro ay naririnig niyang tawag ni Diane sa kanya kaya naman natawag nadin siya nito sa nickname niya. Tinignan niyang muli ang huling lugar kung saan niya nakita si Adam. Wala na ito doon. She searched for him and saw him intently looking at her. Kasama niya ang ilang mga PSG. He was looking at her that gave her shivers from her spine. Napahawak siya sa magkabilang braso niya.
"You cold?" Narinig niyang tanong ni Iñigo sa gilid niya. Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla nalang nito hinubad ang suot na jacket at ipinatong sa balikat niya.
"You don't have to——" He cutted her words.
"It's okay, you can have it." Aniya at tuluyan na nitong nailagay sa balikat niya ang jacket na suot nito. Ibinalik niya ang tingin niya kay Adam na ngayon ay may kakaibang tingin na pinupukaw sa katabi niyang si Iñigo. She doesn't want to put anything with it. But Adam was looking to Iñigo as if he wants to punch him right a way.
Pinanood ni Camila tumayo sa pag kakaupo si Adam at pumasok sa loob ng kubo nito.
The dinner finished. The Reservist made some bonfire. Naupo sila sa gilid niyon. Nag kukuwentuhan at mga ilang saglit pa ay napag desisyonan na nilang magpahinga na para sa araw ng bukas.
Camila was now on her bed. Nakatingin lamang siya sa itaas ng kama niya. Madamot ang tulog sa kanya. Siguro ay dahil ito ang unang gabi nila sa Bagumbayan at hindi pa sanay ang katawan niya. Napag desisyonan niyang lumabas saglit sa kubo para magpahangin. Naglalakad siya ng makita niya si Adam na naka upo sa gilid ng bonfire. He was about to lit a cigarette. Nilapitan niya ito.
"Naninigarilyo ka pala." Saad niya ng makalapit dito. Napatingin ito sa kanya. Napakunot ang noo. Umiwas ng tingin at tinapon nito ang sigarilyo na hawak sa lapag at tinapakan.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa nag papahinga? Maaga pa kayo bukas." Sunod sunod na sabi nito sa kanya habang hindi nakatingin sa kanya. Umupo ito sa isang bakanteng upuan na katabi ni Adam.
"I couldn't sleep." Simpleng sagot niya dito habang nakatingin sa bonfire.
"You should try to sleep." Payo ni Adam sa kanya. She chuckled.
"Already tried." Camila told him.
"Then try harder." Adam insisted. Nakatingin na ito sa kanya ngayon. Napadako ang tingin nito sa jacket na suot niya ngayon.
"Wala ka bang ibang jacket na dala?" Out of nowhere na tanong nito sa kanya.
"Mayroon. Bakit?" Camila asked. Napatingin muli ito sa jacket na suot niya. It was Iñigo's Jacket.
"Hindi bagay sayo." Nanlaki ang mata ni Camila sa sinabi nito.
Tumayo na ito sa pagkakaupo nito. Aalis na dapat ito at iiwan siya pero binalikan siyang muli nito
"Pumasok kana at matulog." Sabi at nag lakad na muling papasok sa kubo.
Naiwan si Camila doon mag isa. Napa awang nalang ang labi niya.