ENJOY READING! (/>o<)/ •ווווווווו KANINA pa nakaalis si Lorenzo ngunit heto si Faith at nananatiling nakatunghay sa tapat ng kanyang dressing room. Sobrang bilis pa rin nang pagrigodon ng kanyang puso at animo pinananayuan siya ng mga buhok sa katawan. 'Mrs... Zembrano...' Ang minsan nang naging titulo sa kanya nang matali rito. Tila naninikip ang kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga. Ano ang ibig nitong sabihin sa isinatinig? Kinakabahan siya sa kung ano ang binabalak nito ngunit kalakip niyon ang excitement, sa kung anong dahilan ay hindi niya mawari. "Mommy?" Nabalik siya sa reyalidad nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Guil. Nilingon niya ito at agad na nilapitan. "Guil baby," lumuhod siya sa harapan nito at hinawakan ang dalawang kamay. "W-why did you c

