ENJOY READING! (/>o<)/ •ווווווווו "RIA," bungad ni Faith nang malapitan si Ria sa lobby ng MMG. Mukha itong miserable at tila may malaking problema. Nag-aalalang nilapitan niya ito. Sa anyo pa lamang nito ay aakalain mong nakapatay ng tao. Mula sa pagkakayuko sa inuupuan ay agad na nagtaas ng tingin si Ria nang marinig ang boses ni Faith. "Oh Faith, I'm really really sorry." Agad na gagap nito sa kamay ng babae. "Teka nga, ano ba ang nangyari?" Naupo si Faith sa tabi nito. Tiningnan siya nito ng diretso sa mata. Ewan niya ba't nakaramdam siya ng kaba. "Faith kasi..." "H'wag ka na ngang pa-intense! Ano ba iyon?" Sa totoo ay kinakabahan na talaga siya. Tila may nangyaring hindi niya nanaising mangyari. "Kasi..." Nang-aalanganing wika ni Ria. Naghihintay na tiningnan s

