ENJOY READING! (/>o> Kasama ni Lorenzo ang ilang tauhan sa hacienda at rancho sa kubo upang i-detalye dito ang mga gagawin sa susunod na mga araw. Hawak ang isang clip board at ballpen, itinatala niya ang mga gawain at oras ng trabaho. "Lorenzo," lapit ni Faith sa kanya hawak ang isang bagong pitas na tumpon ng mga bulaklak. "Love," itinigil niya ang ginagawa at bumaling dito. "H-hindi ka ba busy?" Nahihiyang turan nito sa mahinang tinig. "Not really. Do you need anything?" Lapit niya dito at inipit sa likod ng tenga nito ang ilang kumuwalang buhok na tinatangay ng hangin sa mukha nito. "A-ano kasi..." Lumingon ito sa gawi ng mga manggagawa. "Mamaya na lang siguro." Anito at aalis na sana nang kabigin niya ito sa baywang palapit sa kanya. "L-lorenzo!" Gulat at pamumula na saway

