WARNING: SOFT SPG AHEAD! ENJOY READING! (/>o<)/ •ווווווווו NILILIGPIT ni Faith ang mga gamit ng mga bata matapos maglaro ang mga ito. Dadamputin niya na sana ang isang krayola nang gumulong ito sa ilalim ng lamesa. Yumuko siya at pumailalim upang sanay kunin ito nang may mapansing isang kapirasong papel na may naka-drawing gamit ang iba't ibang pangkulay. Inabot niya ito at umayos ng tayo. Nakaguhit mula roon ang stick man na mga bata at isang matangkad na babae. Nakarehistro ang kanyang pangalan sa itaas ng matangkad na stick man hawak ang mga kamay ng mga bata. Wala sa sariling napangiti siya nang mabasa ang mensahe mula sa ibaba ng drawing. Não seja triste mamãe Faith, estamos aqui embora não tivéssemos a chance de brincar com com o seu filho. (Don't be sad mommy

