ENJOY READING! (/>o<)/ •ווווווווו Valadares | Belo Horizonte TANGAN ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga laruan, ay inilapag ni Ria ang bitbit sa isang upuan. Hinilot niya ang nananakit na balakang at bahagyang hinimas ang batok. Nangangalay na ang katawan niya sa walang tigil na pagbubuhat ng mga mabibigat na kahon. Nilingon niya ang truck sa entrada ng gate. Marami-rami pa ang ibababa. Dahil kulang sa tao ay tumulong na rin ang mga magulang ng mga bata, habang si Faith ang nag-aasikaso sa mga ito. Muli na niya sanang bubuhatin ang kahon nang mahagip ng kanyang tingin ang isang lalaki sa gilid ng truck. Sa matipuno nitong pangangatawan ay halos bumabatak na sa katawan nito ang suot nitong white shirt na basa sa pawis. Bumabakat ang hulmado nitong pangangatawan.

