ENJOY READING (/>o 6 YEARS AGO MAINGAY at masaya ang gabing iyon. Masayang nagkukwentuhan ang kani-kanilang mga kamag-anak at may mga panika-nika namang bumabati sa bagong kasal na Mr. And Mrs. Lorenzo Zembrano. Magkatabing nakaupo sa iisang lamesa ang mga bagong kasal kasama ang mga magulang at ilang malalapit na kakilala. "So Lorenzo, saan niyo balak tumira ni Faith?" Tanong ng isang babae na tantiya niya ay nasa mid 50's. "Sa ngayon po Tita sa Casa de Huespedes po kami maninirahan. Doon po muna kami pansamatala ni Faith habang inaayos ko pa po ang mga papeles for our new home. And also, to manage Dad's ranch." Wika ni Lorenzo at sumimsim ng wine sa baso. "Hindi naman po kami nagmanadali kaso nga lang ho ito pong si Lorenzo ay mapilit at gustong-gusto na agad akong masolo." Biro n

