ENJOY READING! (/>o Nag-iisang naka-upo si Faith sa isang round table nang may lumapit sa kanyang isang lalaki, malamang isa ito sa mga caterer dahil nakasuot ito ng uniporme ng mga ito. "Ma'am tubig, baka gusto n'yo? Mukhang malalim iniisip n'yo e." tinanggap niya ang baso at inilang lagok. "Salamat" ngiti niya at tumayo ngunit biglang nanlabo ang kanyang paningin at unti-unting nakaramdam ng panghihina. "You. What did you putㅡ" 'di na natapos pa ni Faith ang sasabihin nang tuluyan na siyang nawalan ng malay. > "Magha-hire si Mr. Tackelson ng isang journalist o kahit sinong paparazzi para mas palalain pa ang issue. Sa patagong paraan ay babayarin niya ang tao para gumawa pa ng kwento tungkol kay Faith, at sa oras na kinagat iyon ng madia ay mas malaki ang perang kikitain ni Mr. Ta

