"Auntie! 'Wag n'yo po akong ikulong sa basement! Wala po akong ginawang masama kanina."
"Masyado kang pabibo! Ito ang mapapala mo sa ginawa mo! Gusto mo atang sa'yo mapunta ang atensyon ng Mama imbes na sa anak ko! Sutil ka! Sutil! 'Wag kang magsusumbong sa Mama mo pag-uwi n'ya. Malilintikan ka talaga sa 'kin!"
"Maawa na po kayo, Auntie! Ayoko po dito! Madilim po dito! 'Wag n'yo po akong ikulong dito! Palabasin n'yo na po ako Auntie!"
Ang muka ng taong 'yon, laging magiging laman ng bangungot ko. Naghahabol ako ng hininga na parang naulit ang pangyayaring 'yon na kinakaladkad ulit ako ni Auntie pababa sa basement para ikulong. Isinusumpa ko ang madilim na lugar na 'yon!
Napahawak pa ako sa ulo ko, ang sakit. Naparami ata ang inom ko. Si Stef kasi bakulaw, akala niya papatalo ako. Right now, I'm really pissed. Hindi ko alam kung nakailang bote kami ni Stef kagabi.
Hihiramin ko muna ang motorbike n'ya, kailangan ko kasing magpumunta sa bangko para sa pagsalba ko sa buhay namin ni Stef.
"Mag-taxi ka na lang, dude! Bangag ka pa, baka kung mapano ka sa byahe," kontra ni Stef habang hinahatak ang braso ko. Nasaan na ang pagiging manly mo, bro! Ayusin mong sarili mo d'yan at 'wag mo kong hatakin na para kang babae! "Tandaan mo kaka-birthday mo lang kahapon at malapit yun disgrasya."
Napatigil ako sa pagpalag dahil sinabi n'ya at napaisip.
"Wala na tayong pera kahit pangbili ng cup noodles, magugutom tayo. Payag ka bang mamatay kasama ako?"
Bumitiw s'ya sa paghila sa 'kin at ipinagtulakan akong lumabas ng bahay.
"Mag-ingat ka. 'Wag magpatakbo ng mabilis ah! Ingat."
Pwede manapak ng kaibigan ngayon? Kahit ngayon lang oh. Takot din palang magutom eh.
Pasaway kasi si Auntie Zera, pati allowance ko pahirapan kunin. Humanda sila pag-uwi ko. Maghihirap silang lahat sa pagbalik ko! Sasabihin nila sa sarili nilang sana naging mabait sila sa 'kin sa panahong naghihirap ako bwahahaha!
Sa byahe, pakiramdam ko lumilipad ako, lumilipad nga ko. Pumalo na sa 20 ang takbo ko, takte. Ang lamya ko magpatakbo! Mabilis pa sa 'kin ang bike! Mabilisan na nga nang makauwi ng maaga. May round two pa yung tulog ko mamaya.
50kph
90kph
110kph
Takbong pogi lang.
Kung kailan ako malapit na sa bangko doon naman may mga epal na gumitgit. Ano bang problema n'ya? Hindi n'ya ba alam na hindi dapat inaasar ang mga taong kulang sa tulog at nagbyahe ng gutom! Ang lakas ng loob walang helmet. Hindi yun astig. Mas astig yung safe, babae pa naman s'ya.
Pagdating sa tapat ng bangko nag-park din s'ya sa tabi ko at nilapitan ako. Anong problema nito? Hindi ko naman kilala pero kung nakangiti parang close kami.
"Wanna hang out with me?"
Ako ba kausap nito? Kaming dalawa lang naman ang nasa parking area. Baka modus 'to na kakaibiganin ako tapos kapag kamapante na ako bigla akong dudukutin, mahirap na magtiwala, makalayas na nga.
Hinawakan niya ang braso ko pero hinatak ko yung kamay ko palayo sa kanya, may masama talaga s'yang balak sa 'kin! Dudukutin n'ya ba 'ko!
"Totoo pala ang balita tungkol sa leader ng Zeta-Roma. Gusto mo ba 'kong iangkas mamaya? Then punta tayo sa lugar na tahimik."
Ay iba 'to. Mukang hindi pag-kidnap ang plano n'ya.
"Sa sementeryo lang alam kong tahimik na lugar. Gusto mo bang dumiretso ang bangkay mo dun mamaya?"
May mga epal pa na dumating para dagdagan ang init ng ulo ko. Ano ba! Gutom at antok pa ako! Ano bang kasalanan ko sa inyo! Gusto ko nang umuwi para makakain at makatulog!
"Anong problema, Danica?" Pagkababa ng isang maton mula sa motorbike ay lumapit yun sa haliparot. Feeling n'ya ata kasing laki n'ya si Chris Evans eh, kung naghahamon sila ng away pwes kanina pa ko nag-iinit dito, pero pwede bang kumain muna?
"Hoy bata! Bakit mo hinahawakan ang girlfriend ko? Hindi mo ba ko kilala?"
Haaay! Linya ko yun dapat. Inunahan pa ko, pambihira. Pero teka? Kelan ko hinawakan ang haliparot na yun?
"Anong ginawa n'ya sa'yo, Danica?"
"Bigla na lang n'ya 'kong hinarangan sa daan tapos sabi nya gusto n'ya daw akong iangkas sa motor ny, babes."
Gusto kong ipanguya sa kanya ang bulok n'yang motor. Magsisinungaling na lang sya ang cheap pa ng version. Kahit s'ya na lang ang babae sa mundo hinding-hindi ko s'ya iaangkas at hahawakan. Badtrip.
"Hoy. Bitbitin mo na 'tong kaladkarin mong kasama at umalis na kayo sa harap ko," napipikon kong utos sa maton na puro ata hangin ang laman ng katawan.
"Hindi ata tayo nagkakaintinihan, bata. Teritoryo ko 'to at binabastos mo ang girlfriend ko."
"I didn't quite catch that. I don't speak utter crap."
Ako ang hindi mo naiintindihan. Gutom at antok na ako pero ginugulo n'yo ako. Away ba? Mas salbaje ako kapag gutom.
"Anong sabi mo!"
"Tama na, Lance. Bata lang yan," awat ng haliparot. Nanghahamon s'ya pero ayaw naman sumugod. So sinong mag-aadjust? Ako pa rin?
"Kung wala kang balak makipag-away pwede lumayas na kayong dalawa. Nakakaistorbo kayo," pananaboy ko. Umiikot na sa tyan ko ang bituka ko at naghahanap na ng makakain kaya tigilan na nila ako!
"Hindi pa tayo tapos!"
Umalis din naman agad, pambihira naman kanina sana ako natapos sa transaction ko sa bangko kung hindi dahil sa kanilang dalawa!
***
Pagpasok ko kinabukasan nakita ko sa gate si Eunjean na mukang may hinihintay, mag-o-over the bakod sana ako papasok dahil yun ang cool gawin pero andyan s'ya eh. Magpapapansin lang ako sa kanya ng konte.
"Hinihintay mo ba yung tuko mong kaibigan?" bati ko.
"Ikaw talaga ang hinihintay ko."
Aw. Kinilig ba ako dun? Ah hindi baka masama lang pakiramdam ko ngayon. Binibigla n'ya naman ako sa mga pinagsasabi n'ya. Hinihintay n'ya ko? Bakit? Magtatapat na ba s'ya sa 'kin ngayon? Handa ba ako para dito? Paano ako sasagot? Pag-iisipan ko muna ng mabuti kung s'ya ba ang nararapat para sa—
"Absent ka kahapon."
Iyon na ‘yon? Mino-monitor n'ya lang ba ang attendance ko?
May dinukot sya sa bulsa, yung cellphone na ibinigay ko. Inaabot n'ya sa'kin, so kaya n'ya ako hinintay ngayon para ibalik lang sa 'kin ang binigay kong cellphone?
"A-ayaw mo ba n'yan?" dapat hindi ko ipahalata sa tono ng boses ko na affected ako. Akala n'ya ba s'ya lang ang binigyan ko ng cellphone? Namimigay talaga ako ng cellphone, kawang-gawa ko 'yon.
Umiling s'ya na nakangiti. Nagpapacute ba 'to? O pinapakita n'ya lang sa'kin na kumpleto pa ang ipin n'ya?
"Gustong-gusto ko kaya. Maninigurado lang ako na wala nang bawian. Salamat dito ah! Ngayong hindi na de-antenna ang cellphone ko baka pwede mo nang ipasa yung picture ng kasunduan natin dito para may kopya ako."
Gusto kong ihilamos ang palad ko sa muka n'ya pero dahil nag-thank you s'ya plus nagpa-cute pa s'ya gagantihan ko s'ya ng natitira ko pang baon na kabutihan.
"Aba, sigurista. Baka gusto mo rin ipasa ko sa'yo yung scandal natin?"
Bigla na naman s'yang namula. Ang sarap asarin. Itinago nya ulit yung cellphone, mukang nagbago na ang isip. Okay na sana ang namumuong closeness namin nang may bigla na lang yumakap sa braso ko.
"Do you miss me? " Takte! anong ginagawa n'ya dito at bakit hinawakan n'ya ako! Kulang na naman sa tela ang suot n'ya.
"Ikaw kasi hindi mo agad ako isinama, dumating tuloy yung asungot, ano? Gusto mo ngayon na lang? Libre ako ng buong araw."
Inalis ko ang pagkakayap n'ya sa braso ko pero ang weird, bakit biglang tumalikod si Eunjean. Nagseselos kaya s'ya? SELOS? Sa dami ba naman ng babae, sa katulad pa nitong low class s'ya nagselos? Hinabol ko nga s'ya at hinawakan ko ang kamay para hindi makatakas, hindi ko pa naipapasa yung scandal namin este picture namin eh.
"Lalayasan mo na naman ako? Bilis, ipapasa ko na sa'yo yung picture natin."
"P-pero yung kasama mo."
"Hindi ko kilala yun," teka bakit nauutal ako na parang may ginawa akong masama! Hindi ko naman kilala talaga 'yon! Kaso yun tingin ni Eunjean sa 'kin parang may ginawa ako! Ano ba! Hindi ko talaga s'ya kilala, promise!
Bago pa 'ko makapag-explain bigla na lang nagalit yung haliparot.
"Hey! Are you ignoring me?"
"Hindi kami nakikipag-usap sa mga strangers," bara ko sa babaeng haliparot na 'yon. Eh totoo naman hindi namin s'ya kilala.
"May oras ka pang kausapin yang babae na 'yan kesa sa 'kin!" dinuro n'ya pa si Eunjean, buti na lang matapang 'tong si President ko, tinabing n'ya yung kamay ng haliparot at tinarayan.
"Walang pwedeng manduro sa'kin."
Very Good! Natututo na s'ya. I'm so proud!
"Tatawag kami ng guard kapag nanggulo ka pa dito," pananakot ni Eunjean kaya lalong nanggalaiti yung babaeng haliparot.
"Magbabayad ka dito Zeta-Roma," makapagbanta s'ya sa'kin parang may atraso ako sa kanya e hindi ko nga s'ya kilala! Sumakay na s'ya ng motor n'ya at lumayas. Mabuti naman at nang matahimik na ang umaga ko.
"Kaano-ano mo?" nahihiya pa s'yang ituloy ang tanong n'ya.
"Bakit mo naitanong?" Malapit ko na s'yang mahuli. Aw totoo na 'to kinikilig na talaga ako.
"W-wala. Hindi ko pala gustong malaman."
"Sa tingin mo talaga papatol ako sa ganung babae?"
"Hindi ko nga—"
"Single ako, okay? Walang anak, walang asawa. Ano pa ba? Walang soon-to-be-wife dahil hindi uso sa'kin ang arranged marriage, may gusto ka pang malaman?"
"Wala nga sabi akong interes malaman yan," pagdi-deny n'ya pero nakatutok s'ya kanina sa mga sinabi ko, palusot pa eh.
"May interes ka nararamdaman ko," pag-insist ko kasi totoo naman, tsaka para hindi na s'ya mahirap alamin yung mga bagay-bagay tungkol sa 'kin, napa-gentleman ko talaga oh! Ako na talaga.
Lalo s'yang namula, kaya kong gawin 'to buong araw, yung asarin s'ya at maghapon lang titigan ang namumula n'yang muka.
"Magtanong ka lang kapag may gusto kang malaman ah," asar ko pa bago ko s'ya layasan. Ang hirap paaminin kahit huling-huli na. Sige lang, taguan ng feelings pala ah.
***
Eunjean's POV :
Sa classroom namin tulala ako kahit dapat nakikinig ako sa mga lecture, dahil ba naaalala ko pa rin yung babae kanina. Ang sexy n'ya at ang ganda, ganun kaya ang mga type ng mga lalake? Si Lavi kaya? Kahit sinabi n'ya kanina na hindi n'ya girlfriend yun bakit affected pa rin ako?
"Baduday. Why frowning? Nakakapangit yan, sige ka ikaw din. Smile ka na d'yan," pag-cheer up sa 'kin ni Dom sabay abot ng cookies at patagong kinain.
Oo nga naman. Bakit ba 'ko napapaisip ng ganito!
"Hey Vargas, may suklay ako, subukan mo kayang magsuklay. Sabog na yang buhok mo."
Kahit mukang concern sa'kin si Elisha bigla akong nainis, bakit bigla akong naging concious sa itsura ko? Hindi naman ako ganito dati eh. Naubusan na ata ako ng confidence sa sarili ko. Insecure ba 'ko sa ganda ng babae kanina?
Uwian.
Nakita ko na nag-aabang na naman yung sexy na babaeng kausap ni Lavi kanina. Hindi ko na sana papansinin pero hinarangan n'ya 'ko. Late na kasi akong lumabas kaya wala na masyadong nadaang estudyante ngayon.
"Si Lavi ba? Hindi ko alam kung nasaan s’ya."
"Ikaw talaga ang gusto kong makausap."
May dumating na lang na mga lalakeng malalaki ang katawan. Gusto ba nila akong kuyugin? Hindi na natapos ang kapalaran ko sa mga ganitong sitwasyon. Gusto ko po ng normal na buhay estudyante, utang na loob!
"Magagantihan ko na rin ang Zeta-Roma."
Lumapit ang lalake sa'kin at sinikmuraan ako. Sa sobrang sakit ay napaluhod ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari matapos mandilim ang paningin ko.
***
Lavi's POV :
Hindi ko nakita buong maghapon si Eunjean pati noong uwian. Saan na naman kaya nagsuot ang taong 'yon?
"Stef! Nakita mo ba si Pres kanina?" tanong ko sa kaibigan ko na busy sa panonood ng TV.
"Hindi. Bakit? Nawawala ba s'ya?" pinatay ni Stef ang TV, ang seryoso siguro ng pagkakataong ko pero baka nasa bahay na 'yong engot na 'yon at nagpapahinga na.
Tinatawagan ko s'ya pero hindi sumasagot kaya lumabas na ako ng bahay para puntahan s'ya sa kanila nang sa makailan kong tawag ay sumagot na din s'ya.
"Hoy! Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag—"
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa at nakaramdam akong iba itong kausap ko.
"Sino ka?" huminto ako sa paglalakad at pinakiramdamang mabuti itong kausap ko.
"Sa Alpha Tower, 9pm. Kung ako sa'yo hindi ko na s'ya pupuntahan."
Pinutol na n'ya ang tawag. Bwisit talaga! papatayin ko s'ya kapag may nangyari kay Eunjean!
***
Eunjean's POV :
Nagising ako sa isang kwartong may pulang ilaw, masakit pa rin ang sikmura ko. May kung sino na lang ang magbuhos sa'kin ng malamig na tubig at nang tingnan ko nga ay yung babae kanina.
"Good last evening for you darling," bati n'ya sa'kin.
"Nasa'n ako?" kahit nakakapanghina pa rin ang sakit ng sikmura ko pinilit kong tumayo pero nakatali ako.
"Magpakabait ka na lang habang hinihintay namin ang boyfriend mo."
"Ano bang kasalanan n'ya sa'yo!"
Lumapit sa'kin ng babae at sinampal ako ng malakas. Gangster sila. Akala ko cool sila tulad ng nababasa ko pero hindi pala, nananakit sila ng walang dahilan. Gusto kong sumigaw para may makarinig sa aking mabuting tao at makawala sa kanila dahil alam ko namang hindi pupunta si Lavi dito. Kailan kong iligtas ang sarili ko pero paano ako tatakas? May mga nakabantay sa pintuan at may mga b***l sila.
"H-hindi ko s'ya boyfriend kaya itigilan n'yo na 'to. Hindi n'ya ako pupuntahan!" sigaw ko dahil totoo naman. Hindi mag-aabala si Lavi na puntahan ako dito. Sino ba ako?
Hindi ako nakapalag nang lagyan ako ng duct tape sa bibig. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sa'kin ang babaeng 'to, natatakot na 'ko. Gusto ko nang makaalis dito. Hindi ako matapang tulad ng tingin ng iba sa'kin.
May hawak s'yang gunting. Sasaksakin n'ya ba 'ko? Mamamatay na ba 'ko ngayon? Sa ganitong paraan ata ako mamamatay at hindi dahil sa ini-imagine kong sasapitin ko.
"Sorry, sobrang bored ako ngayon,"
Sinabunutan n'ya 'ko at ginupit-gupit nang bara-bara ang buhok ko. Gusto ko mang kumawala ay tinutukan nila ako ng b***l. Ayoko na dito. Ayokong umiyak pero tumutulo ang luha ko sa takot. Takot na baka ito na ang huling araw ko sa mundo. Hindi ko na ba makikita ang Mama at Papa ko? Alam ko namang mamamatay rin ako pero hindi sa ganitong paraan. Ayokong mamatay sa lugar na 'to! Hindi ko na ba s'ya makikita?
"Tingnan mo ngayon ang itsura mo. Ang pangit mo na. Tingnan ko na lang kung pansinin ka pa ng leader ng Zeta-Roma."
Hindi pa s'ya nakuntento at sinuntok n'ya pa 'ko sa muka. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararanasan pero alam kong matatapos din 'to.
***
Lavi's POV :
Mag-isa lang ako na pumunta sa lugar na sinabi ng haliparot. Wala akong balak magtagal dito. Kailangan mahanap ko si Eunjean. Pagpasok ko nakaabang na pala ang grupo ng mga panget. Ang tindi ng effort nila para sa 'kin ah.
"Kapag natalo mo ko bata, ibabalik ko sa'yo ang babae. Mano-mano."
"Kung naghahanap ka lang ng g**o hindi mo na sana dinamay yung iba. Sana nagsabi ka na lang na gusto mong magpabugbog."
"'Wag kang magpatawa bata, hindi kami ang nasa alanganing sitwasyon. Tandaan mong hawak namin ang babae."
Hindi pa 'ko handa nang sumugod s'ya kaya nasikmuraan n'ya 'ko agad at napatumba sa suntok sa muka. Hindi 'to basta away-bata lang. p*****n ata 'to. Hindi nila pwedeng saktan si Eunjean kaya kailangan kong lumaban.
Kailangan ako ni Eunjean.
Hinihintay n'ya 'ko.
Muli akong bumangon.
Nakalimutan ba nila na ako ang leader ng Zeta-Roma?
Akala ba nila leader lang ako ng mga bully sa school? Pwes mali sila.
Sumugod s'ya. Akala n'ya mapapatumba n'ya 'ko ulit pero pagsisisihan n'ya ang panghahamon n'ya sa'kin. Galit na 'ko ngayon. Galit na galit. Paglapit n'ya sinunggaban 'ko agad ang muka n'ya at hinampas ang batok nang mawalan s'ya ng malay.
"One down, ten to go. Lapit mga pangit."
***
Eunjean's POV :
Nakahandusay na 'ako sa sahig. Wala na kong lakas para tumakas o lumaban man lang. Gusto kong patigilin ang pag-agos ng mga luha ko pero hindi ko magawa.
Nakaganti rin ako sa babaeng 'to, akala n'ya ba palalagpasin ko ang ginawa n'ya sa buhok ko! Gumanti ako kanina kahit takot ako pero pareho na kaming walang lakas sa kaka-wrestling. Buti pa 'ko at may malay pa eh s'ya nakatulog sa sobrang pagod.
May maliit akong liwanag na nakikita, sana mayroon din akong ganung pag-asang natitira. Gusto ko pang makawala dito at gamitin pa ang natitirang oras ko sa mas makabuluhang bagay.
"Eunjean..."
May naririnig akong boses, sana totoo yun. Sana hindi guni-guni. Gusto ko sanang gumawa ng ingay para makita n'ya 'ko dito pero ni hindi na 'ko makatayo o makasigaw dahil sa mga bugbog sa'kin ng babae kanina.
Napapikit ako nang makita kong nagiba ang pinto at tumba na ang mga bantay ko sa labas.
"Eunjean!"
Dumating s’ya! Bakit ba 'ko umiiyak? Eh ligtas na nga 'ko. Hindi ko talaga mapigilan eh. Nagulat s'ya nang makita ako siguro dahil sa pangit ng itsura ko ngayon. Ayokong maawa sa sarili ko pero ito yung nararamdaman ko eh.
"Bakit ka umiiyak? Andito na 'ko. Tahan na," hinawakan pa n'ya ang likod ko para i-comfort ako.
"Sinira mo kasi yung pinto..wala tayong pambayad," palusot ko para pagtakpan 'tong pag-iyak ko sa kanya.
"Engot ka talaga, " malambing n'yang pagkakasabi sabay niyakap n'ya 'ko nang sobrang higpit.
Hindi ko alam pero biglang nawala lahat ng takot ko kanina. Pakiramdam ko ngayon safe na 'ko, kahit dati naman eh s'ya ang dahilan ng mga takot ko.
"Makakalabas tayo dito, kaya 'wag ka nang matakot," tinitigan n'ya ako na parang lumipad ang diwa ko sa pagtama ng mga mata namin sa isa't isa.
"'Wag mo kong tingnan, ang pangit ko," pag-iyak ko sa kanya ulet.
"Sino bang nagsabi sa'yo ng mga yan?"
Gusto kong takpan ang pangit kong itsura para hindi nila makita lalo na sa harap n'ya.
"Hoy! A-anong ginagawa mo! Bakit mo hinuhubad ang t-shirt ko! Ano ka ba! H-Hindi ako handa—"
Ano bang pinagsasabi n'ya? Kailangan ko lang ng pantakip sa ulo para matago ang muka ko.
"So lalabas tayo sa lugar na 'to na wala akong pantaas? Teka? Ikaw ang may gawa niyan sa kanya? Wow. Napatumba mo s'ya, astig!" tukoy n'ya sa babaeng ni-wresling ko kanina.
Binuhat ako ni Lavi para dalhin sa pinakamalapit na ospital nang makalabas kami. Noon natatakot ako kapag isinusugod sa ospital nang halos linggo-linggo pero iba na ngayon eh, s'ya ang kasama ko, nawala lahat ng kaba ko.
Habang ginagamot ako ng mga nurse hindi s'ya mapakali, palakad-lakad s'ya at hindi nya mapigilan ang pagkagat sa kuko, mukang tense na tense.
May lumapit sa kanyang nurse.
"Kayo po ba yung asawa ng manganganak sa delivery room?"
"Po?"
Gusto kong pigilan ang pagtawa ko kaso hindi ako nagtagumpay eh, kung kumilos kasi s'ya parang magli-labor ako. Hay adik ka Eunjean, matindi ba ang tama ng ulo mo kanina? Eh wala naman akong head injury diba?
Nakita ko rin na binigyan s'ya ng nurse ng masusuot dahil ginaw na ginaw na s'ya nang dahil sa akin. Sorry, wala talaga akong lakas na ipakita ang itsura ko ngayon sa mga tao.
Natatawa ako sa reaksyon ng muka n'ya nang lumapit si Lavi sa'kin.
"Tawagan natin sina Mama. Anong number nila, ako na ang tatawag?"
"'Wag. Nasa Palawan sila ngayon. Mag-aalala lang sila kapag nalaman nila 'to."
Hinaplos ni Lavi ang ulo ko at napabuntong-hininga, "ako ang bahalang magpaliwanag sa kanila pag-uwi nila, okay?"
Tumango lang ako pero wala rin akong planong sabihin 'to kina mama. Mag-alala lang talaga sila at baka i-boycot na talaga nila ang pagpasok ko sa school.
"Ano na nga pala ang nangyari kanina? Pa'no mo sila nalusutan?"
"Anong nilusutan? Ginulpi ko sila lahat, pinahuli ko na sila sa pulis nang madala."
May pasa sya sa may gilid ng bibig at mga galos pero ayaw n'yang ipagalaw sa mga nurse ang muka n'ya dahil hindi daw yun cool, pasaway na bata talaga oh.
***
Pagpasok namin sa subdivision nakasakay ako sa likod n'ya. Iba pala ang pakiramdam kapag nasa likuran ka ni Lavi Cervantes, kung noon lagi nya lang akong binu-bully, ngayon buhat na n'ya ko at inaalalayan, mukang wala s'yang balak na ibaba ako sa tapat ng bahay namin.
"Pwede mo na kong ibaba dito."
Hindi pa rin n'ya ko kinikibo kaya pinilit kong bumaba kaya nahulog tuloy ako, aruy! Ibalik mo ko sa ospital na-dislocate ata ang spinal cord ko!
"Ano ba! Doon ka muna sa bahay ko matulog! Wala kang kasama diba? Pa'no kung balikan ka ng mga kasama nila! Minsan gamitin mo nga yang utak mo," nasermunan pa ako sa lagay kong 'to, pambihira.
"S-Sa bahay mo?"
Matutulog sa bahay n'ya? Katabi s'ya? Gigising ako sa tabi nya? Umupo s'ya na parang niyaya akong sumakay ulit sa likuran n'ya.
"Habang wala ang parents mo, sa tabi lang muna kita, okay?..."
***
Pagpasok sa bahay nila nakita namin si Stefan na nanonood ng TV at nang makita kaming dumating ay agad s'yang lumapit sa aming dalawa. "Anong nangyari?"
Nahihiya akong makita n'ya ang itsura ko kaya nagtago ako sa likod ni Lavi.
"Bukas na ang paliwanag. Magpapahinga na muna s'ya."
Tumakbo 'ko sa isang kwarto at tinggal ang damit ni Lavi sa ulo ko. Tumingin ako sa salamin. Nakakapanlumo ang itsura ko. Mukang mag-qu-quit na ko sa school dahil dito o kakailanganin kong mag-wig.
Pagpasok ni Lavi nakita n'ya siguro ang reaksyon ng muka ko. Muli s'yang lumabas at naiwan ako sa kwarto. Ano kayang gagawin ko para mabura 'tong mga pasa ko, yung buhok ko? Pa'no ko ipapaliwanag na pinagtripan ako ng mga gangster.
Pumasok s'ya sa kwarto na may dalang toothpaste at cup noodles, umupo s'ya sa tabi ko at hinawakan n'ya ang baba ko para mapaharap sa kanya. Nilagyan n'ya ng toothpaste ang mga pasa ko. Teka? Effective ba 'to? Ano bang tingin n'ya sa mga pasa ko, beke?
Tahimik lang ako habang ginagawa n'ya yun pero nag-iingay ang puso ko na hindi mapalagay. Ni hindi nga ako makatingin sa kanya dahil sa hiya.
"Nadamay ka dahil sa'kin, sorry.."
Biglang tumalon ang puso ko sa mga narinig, "Marunong ka pala mag sorry."
Dahil sa mga sinabi ko nilakihan nya ko ng mata at pinitik ang noo, s*****a talaga! Dinadagdagan n'ya ang pasa sa muka ko.
"Kumain ka na, kung kulang pa sa'yo tawagin mo lang ako."
Tumayo s'ya na nakasimanggot at lumapit sa pinto.
"I-lock mo 'tong pinto. D'yan ka na matulog, kumuha ka na lang ng pamalit sa mga damit ko d'yan."
Sabay labas. Kailangan n'ya ba talagang lagi magdabog?
Pagkatapos kong ubusin ang noodles na ibinigay nya nagtingin-tingin ako sa kwarto. May picture sa mesa, Mama nya siguro. Ang ganda. Alam ko na kung saan s'ya nagmana. May picture din s'ya dito na naka-smile. Nice. Kinikilabutan ako sa nakikita ko. Nasaan bang cellphone ko?
Pagbukas ko sa closet n'ya naghanap ako ng maliit na damit na baka magkasya sa'kin. Yung sando n'ya lang ang nakita ko, okay na yun kesa wala. Hinubad ko yung Sira kong uniform. Lagot ako nito kay Mama kapag nakita nya 'to.
Nahiga ako sa kama nang makapaglinis ako ng katawan, ang sarap humiga dito. Kama ni Lavi 'to diba? Hindi ko maintindihan pero ang sarap magpagulong-gulong dito at amoy-amuyin ang mga unan n'ya—
"Aruy! Yung mga sugat ko!"
May isang stuff toy dun na pusa, si Gumball. Akala ko ba takot s'ya sa mga pusa eh bakit may ganito dito? Kinuha ko yun at ni-wrestling ang laki-laki kasi ang sarap pagulungin sa kama.
Nag-ring ang cellphone ko at s'ya ang tumatawag.
"Okay ka ba dyan?" pabulong n'yang tanong sa kabilang linya.
"O-Okay naman. Magpahinga ka na, okay na 'ko dito, promise."
"'Wag kang maingay, Lavi. Hindi ako makatulog," boses yun Stefan, siguro magkatabi sila ngayon.
"Matulog ka na. Good night," pinutol ko na ang tawag n'ya. Kailangan na rin n'yang magpahinga at 'wag nang istorbuhin si Stefan.
Pagtingin ko sa wallclock 2am na, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Buhay na buhay pa rin ang diwa ko kakaisip sa kanya.
May picture s'ya sa wall na naka-smile, bihira ang ganitong expression nya. Kukunan ko ng picture kasi baka in time tumaas ang value nito at mapagkakitaan haha.
Parang kailangan ko ng tubig pero ayokong lumabas ng kwartong 'to at magpagala-gala sa bahay nila para maghanap ng tubig.
Eh paano kung sa dehydration ako mamatay dahil 'di ako nakainom ng tubig.
***
Lavi's POV :
"Ano ba Stef, 'wag mo 'kong tandayan!"
"Kung gusto mo kasi s'yang puntahan 'wag ka nang magpakipot. Dito ka pa nagmumukmok sa kwarto ko. I-entertain mo ang bisita mo."
"Sinong may sabing gusto ko syang puntahan!"
Tatawagan ko na lang just to check kung buhay pa s'ya.
"Okay ka ba dyan?" pabulong kong tanong sa kabilang linya para hindi marinig ni Stef ang pag-uusap naming dalawa.
"O-Okay naman. Magpahinga ka na, okay na 'ko dito, promise."
"'Wag kang maingay, Lavi. Hindi ako makatulog," saway ni Stef sa 'kin at tinutulak na akong umalis ng kama.
"Matulog ka na. Good night," naputol ang tawag, baka inaantok na rin s'ya.
Okay pupunta na ko dun para silipin s'ya. Hindi 'wag. Hindi ako kaladkarin. Hihiga na lang ulit ako. Bangon. Bahay ko 'to kaya lahat ng gusto ko pwede kong gawin.
"Puntahan mo na kasi nang makatulog na ko," biglang pagsingit ni Stef sa away sa pagitan ko at ng sarili kong konsensya.
"Nauuhaw ako, okay? Hindi ko s'ya pupuntahan. Wala pa five minutes babalik na ako dito meaning hindi ko s'ya pinuntahan."
"Ay nag-explain pa."
Nilayasan ko si Stef, nauuhaw naman talaga ako. Eto nga pupunta na ko sa kusina at iinom ng sobrang lamig na tubig. Ubos ko na nga yung laman ng baso ko at babalik na sa kwarto n'ya, wala pa five minutes.
Okay sige na. Sisilip lang ng konte. Wala pa namang five minutes. Aalis din agad ako kapag nakita kong tulog na s'ya.
Nilock ko nga pala! Pero bago ako umalis para bumalik sa kwarto ni Stef ay bumukas ang pintuan at nagkatinginan kami. Anong palusot ang sasabihin ko?
"Iinom sana ako ng tubig," sabi n'ya.
"Ah! Andun sa, andun sa kusina. I just checked kung naka-lock yung pinto minsan kasi nagloloko 'to."
Ako na talaga ang hari ng palusot at hindi ako nahalata. Sinamahan ko s'ya sa kusina. Baka maligaw, alam ko naman na engot at may poor sense of direction ang babaeng 'to at baka sa ibang kusina kumuha ng tubig, mahirap na. Teka? Suot n'ya ba yung sando ko? Maluwag sa kanya— Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Pagkaubos n'ya ng malamig na tubig, "H-hindi ka ba nagagalit sa'kin?"
Tulad dati, hindi na naman s'ya mapalagay. Wala ata akong matandaan na nakausap ko s'ya ng matino. Ang simple lang naman ng tanong ko.
Umiling lang s'ya.
"Hindi ako galit sa'yo. Hindi mo naman ginusto yun diba?"
Good answer. Pwede na. Ang problema guilty ako kaya nga hindi ako makatulog.
"Matulog ka na," wala na 'kong maisip sabihin, okay na siguro 'to at least nakausap ko naman s'ya kahit saglit.
"Hindi pa ko makatulog, magpapaantok lang muna siguro ako."
Inaya ko s'ya sa sala para doon magpaantok, binuksan ko ang TV kaso wrong timing, wala nang palabas nang ganitong oras.
"Gusto mo movie na lang?"
Kinuha n'ya yung cellphone na bigay ko sa kanya at napataas ang kilay ko nang mahagip ko kung sino ang wallpaper. Gusto ko sanang ihagis eh. Sana pinabayaan ko na lang na de-antenna ang cellphone n'ya kung ang taong yun din naman pala ang gagawin nyang wallpaper.
"WALLPAPER MO YAN!" pa-obvious naman na galit ako sa mga ganitong oras.
"S'ya ang inspirasyon ko para mabuhay noon noh. Magiging asawa ko s'ya in future."
"Magiging future husband mo ang taong hindi mo pa nakikilala?" pangbabara ko at dahil alam kong sasagot pa s'ya, ginatungan ko pa, "at kahit makilala mo pa s'ya ng personal hindi ka nun magugustuhan."
Nakasimangot s'ya sa mga sinabi ko. Panalo ako hahaha hindi na s'ya gumanti, alam naman n'yang totoo ang sinabi ko.
Binuksan ko ang laptop ko para i-check ang email ng fund manager ko, kailangan kong makita ang financial statement for this month at gusto kong makita kung anong mga ganap kanina sa stockmarket.
"Bakit puro numbers 'yang nandyan? Naiintindihan mo talaga 'yan?" tanong n'ya habang nakakunot ang noo. Lumapit pa nga s'ya at tinitigan ang monitor ng laptop ko, habang ako, napatitig sa muka n'ya. "Wala akong naiintindihan," huli n'yang reklamo bago tumingin sa 'kin at nahuli akong nakatitig sa kanya.
"Stockmarket. Mutual fund," tipid kong sagot sabay iwas ng tingin sa kanya.
Naupo s'ya sa carpet habang naghihintay pa ng explanation ko. Tamad ako mag-explain pero ngayon, ganado akong magpaliwanag sa harap n'ya.
"Para s'yang tindahan ng mga portion ng iba't ibang company. Kunwari, bumili ako ng stock ng company na 'to, magiging part owner na ako. Pwede akong kumita thru dividend or capital appreciation. Pero up and down ang stockmarket at walang kasiguraduhan ang investment mo dito kaya dapat aralin talaga para hindi ka talo. You should learn when to buy and when to sell stocks."
"Hindi ko masyado ma-absorb pero ang galing ng paliwanag mo," nakangiti n'yang papuri sa 'kin sabay thumbs up. Namumungay na ang mata n'ya, dahil ata sa mga sinabi ko kaya inantok na s'ya.
"Inantok ka lang ata sa mga sinabi ko," asar ko.
Naging abala ang mata ko sa pagtingin ng email kaya hindi ko na naiintindi ang kasama ko hanggang mapansin kong nakahiga na ang ulo n'ya sa center table sa tabi ng laptop ko.
Wala pa nga ako sa parte na may math nakatulog na s'ya.
"Totoo po? Para sa akin po ang pusa na 'yan, Papa?"
"Oo, anak. Regalo ko para sa 'yo."
"Mama! May pusa na 'ko. May kaibigan na 'ko!"
"Ang anak ko talaga. Halika nga rito at nang mayakap ka ni Mama."
Matagal na panahon na mula nang huli kong napanaginipan si Mama. Ngayon lang ulit ata ako gigising na hindi namamaga ang mata dahil sa pag-iyak. Walang basang unan kundi ngiti ang sasalubong sa 'kin sa umagang 'to.
Minsan may silbi rin pala ang mga binibigay sa'kin ni Stef, ang sarap yakapin nitong Gumball na binigay n'ya. Ang bango-bango rin. Lalo ko tuloy mas gustong yakapin. Ang amoy na parang nakakapagtaboy ng lahat ng stress sa buhay ko. Mamaya na siguro ako didilat kapag maliwanag na, tanghali naman ang schedule ng panggugulo ko sa school ng tatay ko.
Teka? Gumagalaw si Gumball? May sapi ata 'tong stuff toy na regalo ni Stef ah. Pagdilat ng mata ko halos mabuhay ang diwa ko sa nakita ko.
Magkatabi kami dito sa sofa na nakahiga at yakap s'ya? Hindi si Gumball. Kundi si Eunjean.
Mahimbing pa rin ang tulog habang nakayakap sa bewang ko. Napagkamalan n'ya ba 'kong unan? Kung makaakap pa naman ako sa inaakala kong stuff toy kanina oh! Yapos na yapos pa naman ako! Siguradong magsisigaw 'to at mari-wrestling ako kapag nagising s'ya na katabi ako.
Hayaan ko na nga, maaga pa naman. Pikit ulit. Savor the moment. Mamaya ko na poproblemahin kung magulpi n'ya ako dahil dito.
"Five minutes pala ah."
Pagdilat ko pinapanood pala ako ni Stef, caught in the act na 'ko! Wala na 'kong ibang palusot kaya oras na para bigyan s'ya ng orasyong magpapatahimik sa kanya.
Dahan-dahan akong umalis sa pwesto ko para habulin si Stef na nagtago sa kwarto n'ya na pinipigil na tumawa.
***
Eunjean's POV:
Ang weird ng panaginip ko, dito pala ako nakatulog sa sofa. Papasok ba 'ko sa ganitong itsura? Sigurado akong pagtatawanan nila akong lahat o kaya baka ipatawag ako sa faculty para itanong kung anong nangyari. Baka makarating kina Mama at mag-alala lang sila.
Ang bango ng naaamoy ko, mukang may nagluluto ng masarap na pagkain! Sakto gutom na gutom na ako! Sa sobrang pagod ko ata kahapon nakalimutan na ng katawan kong magutom.
"Good Morning," bati sa'kin ni Stefan paglapit ko sa kusina. May iba sa tingin n'ya sa 'kin, siguro dahil sa itsura ko ngayon.
"G-good morning din," maghahanap sana ako ng pang-cover sa ulo ko pero wala naman daw akong dapat ikahiya sa kanya kaya hinayaan ko na lang.
Pareho kaming naupo nang dumating si Lavi na naka-apron at may malaking plato. Nagulat ako sa nakahain.
"Bibitayin ba 'ko?" biro ko sa kanila.
Punong-puno kasi yung malaking plato ko, may bacon, may sunny side up, may sausages, may sliced bread na toasted, may kakaibang itim na bilog na hindi ko alam ang tawag, may beans pa at may grilled sliced tomato.
"We call it a Full English Breakfast," paliwanag ni Stefan sa 'kin na hindi ko naman din na-gets.
Yung mga kubyertos nila sa bahay na 'to parang nasa lumang fairytale ako. Ang sosyal ng inuman nila ng kape samantalang 'yong sa bahay namin mug lang na may logo ng mga bangko. Kapag humihigop ako ng kape gamit 'to napapapilantik tuloy ang tatlo kong daliri.
Pagkatapos n'yang maghain ay umupo na rin s'ya at sabay-sabay na kaming nag-almusal.
"Sana araw-araw ganito para hindi ako napupurga sa cup noodles," nakangiting sabi ni Stefan pero tiningnan lang s'ya ng masama, "Si Lavi ang nagluto, nagustuhan mo ba Eunjean? 'Yong niluto n'ya punong-puno ng pagmamahal—"
"Punong-puno ng ano?" pagtatanong ni Lavi sabay tiningnan n'ya ng matalim si Stef.
"Punong-puno ng dedikasyon sa pagluluto. That's what I'm going to say, silly."
Marunong s'yang magluto? 'Yon ang tunay na cool. Ako nga sinaing na nga lang, sunog na hilaw pa. Pagtikim ko sa luto n'ya hindi na masama para sa luto ng isang bully.
"Sorry but could you pass the tomato, please."
"Bakit ganun sabihin ni Stefan ang tomato? Parang binabasa n'ya ng tagalog. Hindi ba to-mey-to?"
"That's how British pips pronounce it."
Matapos naming mag-almusal hinila ako ni Lavi papunta sa likod-bahay at pinaupo sa monoblock. May dala s'yang gunting.
"Aayusin ko ang buhok mo," sabi n'ya sabay hawak sa balikat ko.
"Marunong ka ba?"
"Sa tingin mo may masiSira pa 'ko sa buhok mo na 'yan?"
Oo nga naman. Sumunod na lang ako pero kahit ganun kinakabahan pa rin ako baka lalong mawala ang pag-asa kapag nakita ko ang kakahinatnan ng buhok ko mamaya.
Ilang sandali pa humarap s'ya sa'kin na nakakunot ang noo siguro para tingnan kung pantay ang gupit n'ya pero sa palagay ko disaster 'to.
Matapos ang session namin inabutan n'ya ko ng salamin, ang ikli ng buhok ko. Hindi na masama ang gupit n'ya para sa isang tulad n'yang bully.
Nagpaalam na akong uuwi muna sa bahay para makaligo at magbihis ng uniform, pinahiram ako ni Lavi ng jacket. Ayaw pa nga sana akong palabasin ni Lavi kaso sinabi ko naman na lang na umaga na naman at hindi naman ako papasukin sa loob ng bahay namin nang ganito kaliwanag.
Bago pa 'ko makalabas ng bahay may iniabot s'ya.
"Ano yan?" pagtataka ko at nagpapalitan ang tingin ko sa inaabot n'ya at sa maamo n'yang muka.
"Tanghalian mo mamaya. 'Wag nang maraming tanong, naparami ang luto ko at walang kakain n'yan dito. Sige na, layas."
"Salamat."
Kahit masama ang nangyari sa'kin kagabi kailangan mo pa ring maniwala sa goodness ng ibang tao. Ang ganda ng bago kong buhok. Tapos may tirang pagkain kanina kaya may tanghalian na ko mamaya. Masarap rin ang tulog ko kagabi dahil napanaginipan kong ako raw si Gumball, ang kulit lang, diba?