Kailangan kong makausap ang babaeng 'yon. Kailangan kong makumbinse ang sarili kong hindi totoo 'yung mga sinabi ni Stef.
Nakita ko s'ya sa gate ng school at may hawak na arnis. Pinapanood ko s'ya mula rito sa malayo at napagtanto kong wala naman talaga akong—teka! May lalakeng lumapit sa kanya!
"Lampayatot!"
"Maki!"
Tuwang-tuwa s'ya nang makita ang lalakeng 'yon na mukang tuko kung makadikit sa engot na 'yon. Nakakayamot. Aba kung makalapit sa lalakeng yun PDA na naman sila. Gusto nya atang kaladkarin ko ulit s'ya sa guidance office.
"May kukunin ka ulit sa school?"
"Wala naman. Ikaw talaga ang ipinunta ko dito."
Asar, makadiskarte lang oh. Heto namang babaeng 'to 'di makahalata na may gusto sa kanya yung tuko na yun. Kailangan kong umeksena, ako kaya ang dakilang astig dito.
"May nilabag ka na namang rules dito sa school," pagsingit ko sa dalawang yun. Ano, Eunjean? Tulala ka na naman?
Kinuha ko ang kamay ni Eunjean para kaladkarin pero tinggal yun ng tuko. Hindi n'ya siguro alam kung sino ang binabangga n'ya ngayon.
"'Wag mong hawakan ang kamay n'ya," pagsita sa 'kin ng tukong 'to. "Sino ka para utusan ako? 'Wag mo rin hawakan si Eunjean. Isasama ko s'ya kahit kailan ko gust—"
"Bitawan mo s'ya."
"Did the middle of my sentence interrupt the beginning of yours?"
I can't stand being interrupted. I swear down I will punch him if he interrupt me again. Hawak n'ya sa kaliwang kamay si Eunjean at ako naman sa kanan.
"Wow, eksena sa meteor garden," Nagagawa n'ya pang tumawa kahit nag-aamoy digmaan na dito. Magseryoso kaya s'ya minsan lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
"Igalang mo 'ko, bata. I'm 19 years old," pagmamalaki n'ya. Hindi talaga ako nito kilala. Si Eunjean naman senyas nang senyas sa tuko n'yang kaibigan na 'wag nang makipagtalo sa 'kin kaso hindi ata marunong umintindi.
"Pwede n'yo ba 'kong bitawan? Ngalay na kili-kili ko eh," reklamo nitong nasa gitna namin ng tukong 'to.
"Bitawan mo na s'ya," mando sa 'kin ni tuko pero sino s'ya para utusan ako?
"Ikaw ang bumitaw."
Kung hindi pumalag si Eunjean hindi kami matatapos dito kakahintayan kung sino ang unang bibitaw, ako pa ba papatalo? Hindi n'ya ba alam na competitive akong tao?
"Walang susunod sa 'kin ah! Mga baliw! Dinamay n'yo pa 'ko dyan!" nanggagalaiting sigaw ng engot na 'yon sa amin. Panira kasi 'tong tuko na 'to dumating-dating pa. Parehas kaming nagkatitigan at kapag pumalag 'to babanatan ko agad.
***
Alisson's POV :
Bakit ba ang ingay dito sa klaseng 'to! Nag-iinit na nga ang ulo ko dahil hindi ko ma-hunting si Lavi tapos ganito pa papasukan kong klase.
"Manahimik nga kayo! Pumasok lang ba kayo sa school para magdaldalan! Hindi kayo magsipag-aral!" dakdak ko sa kanila at nasindak naman kahit pa'no.
May pingkakaguluhan sila sa isang sulok, may pinapanood sila sa cellphone, kumpiskahin ko kaya? Inagaw ko yung cellphone para itapon sana kaso, "Ano 'to?"
Si Lavi ang nasa video? At halos umakyat sa ulo ang dugo ko sa napapanood ko.
Magbabayad ka, Eunjean! Inunahan mo pa 'ko kay Lavi! Hindi ko agad nahalatang meron ka ding hidden agenda sa kanya!
Pagkatapos ng klase ko, inabangan ko s'ya para hilahin at makausap. Takang-taka s'ya, na parang walang muwang. Nagpapakainosente s'ya pero ang totoo pala wild, nagawa nga n'yang nakawan ng halik si Lavi.
"Bakit Alisson?"
"Pwede ba, 'wag ka ngang painosente dyan na parang walang alam. Nakita ko rin ang ginawa mo. How dare you to kiss my Lavi?"
Nanlaki ang mata n'ya na gulat na gulat, para namang maniniwala ako dyan sa reaksyon n'yang yan.
"H-hindi ko s'ya hinalikan nun, sinisilip ko lang ang mata n'ya nun tsaka hindi ko kailangng magpaliwang sa'yo, bitiwan mo nga ko! Nasasaktan na ako ah!"
Palaban ka talaga pero mali yang inaasal mo sa'kin eh, hinatak ko s'ya nang mas malakas para mapasandal s'ya sa pader at makilala n'ya kung sino itong binabangga n'ya.
"Tumigil ka na, Alisson! Nasasaktan na 'ko!"
"Matapos kong magsabi ng mga secrets ko sa'yo ganito pa ginawa mo!"
"Ikaw ang kusang nagkwento, nakinig lang ako. Kaya 'wag mo 'kong sumbatan!"
Lumalaban s'ya at pinipilit kumawala sa pagkakahawak ko pero kahit isang kamay lang ang nagagamit ko hindi ko pa rin s'ya papakawalan.
"Malakas talaga ang loob mo—"
"—Ano ba! Kung hindi ka naniniwala sa 'kin wala na 'kong magagawa. Hindi rin ako nakikipagkumpitensya sa 'yo para sa taong 'yon!"
Bumitaw ako at kahit nangigigil ako pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Sana nga totoo ang sinabi n'ya kundi talagang makakatikim s'ya sa 'kin.
"Tigilan mo na si Lavi, kung hindi mo pa alam may nine months na lang s'ya dito then uuwi na s'ya sa London. Kaya kung hindi ka interested sa kanya, pwede bang wag kang paharang-harang. Mauubusan na ako ng oras nang dahil sa 'yo," sinadya kong ipaalam sa kanya ang bagay na 'yon just in case may tinatago s'ya sa 'kin.
Nanlaki ang mata n'ya sa nalaman sa 'kin, well good for me.
***
Eunjean's POV :
Ano bang problema ni Alisson? Ang dami n'yang sinabi akala n'ya siguro masisindak n'ya 'ko. Sumakit tuloy ang likod at balikat ko sa pinaggagawa n'ya. Para namang nakikipagagawan ako ng laruan sa kanya.
Pero totoo kaya na babalik sa London si Lavi at nine months na lang s'ya dito? Kung galing kay Alisson medyo duda ako.
Tamang-tama restday ni Mama ngayon at wala ring pasok si Papa, kaya masaya mamayang hapunan. Pagdating sa gate namin nagtaka ako, may bisita siguro sila kasi may ibang sapatos sa labas.
Pagpasok ko, napanganga lang ako. Andun s’ya. Nasa sala namin si Lavi Cervantes!
"Anong ginagawa mo dito!" sigaw ko pero binato lang ako ni Papa ng throw pillow.
"'Wag mong sigawan ang bisita namin anak."
Kung titingnan mo s'ya ngayon akala mo kung sinong mabait. May balak ba s'yang masama sa parents ko? Lumabas si Mama galing sa kusina na may bitbit na juice, tamang-tama nauuhaw na ko pero nang kukunin ko na yung para sa'kin pinalo ni Mama ang kamay ko.
"Kumuha ka na lang ng sa'yo sa ref."
Hala! Hindi na ata nila ako mahal! Anong pinakain n'ya sa mga magulang ko! Nanood sila ng basketball ni Papa at mukang iisang team lang ang gusto nila kaya bigla silang nagkasundo, si Mama naman walang malalim na dahilan, alam kong type na type n'ya ang pagmumuka ni Lavi eh kaya todo asikaso. Whhhhoooooah Minamasahe pa n'ya ang Papa ko, sipsip! Trabaho ko yan! Gumitna ako sa Papa ko at ni Lavi, ako ang legal na anak at bawal ang sampid dito!
"Anong ginagawa mo dito!" muli kong tanong pero itinaboy ako ng papa ko huhuhu mag-iimpake na kaya ako at magpapakalayo-layo.
Nagpunta ako sa kusina para kunin ang juice na itinabi ni mama—hindi n'ya talaga itinabi 'to eh! Tira-tira lang nila kanina 'tong nasa ref eh! Bigla s'yang pumasok sa kusina kaya napa-defense mode ako.
"Anong ginagawa mo dito!" pangatlo o pang-apat ko na atang taong 'to, utang na loob naman oh sagutin n'yo naman ako!
"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito noh. Dinadalaw ko lang parents mo at hindi ka kasali sa sadya ko dito," pagsusuplado n'ya at ang sarap n'yang itapon palabas ng bahay. Kakagigil!
Ngayon ang sungit n'ya samantalang kanina sa sala muka s'yang anghel. Mapagpanggap!
"Anong balak mo? Sabi ko na nga ba eh, gusto mo 'kong palitan sa pamilya ko."
"Pa'no mo nahulaan?" ang lakas n'yang mang-asar kasi napipikon ako.
Kumuha sya ng pizza—PIZZA? Sa kanya kaya yun nanggaling? Sumunod ako, laman tyan din yun. Pinanood ko s'ya habang nakikipagkwentuhan sa Mama at papa ko, ang weird panoorin na ngumingiti ng ganyan ang pinakamasungit na lalakeng nakilala ko. Akala mo kung sinong imahe ng kabutihan pero ang cute din naman tingnan, hay, nakakabuntong-hininga ang kapogian n'ya. Gutom na ata talaga ako kaya kung ano-ano na ang pinapantasya ki ngayon.
"Pasensya na po kung ngayon lang po ako napadalaw, naging busy po kasi sa school, namimiss ko na nga po yung luto ni Mama."
Nagugulat ako sa mga sinasabi n'ya, busy sa school? Busy mang-bully. Teka? Tama ba ang narinig ko? Tinawag n'yang Mama ang Mama ko? Tuwang-tuwa naman si Mama at napuri ang luto n'ya na sa totoo naman ay masarap.
"Salamat hijo, 'wag kang mahihiyang dumalaw dito ah, nakita ko s'ya papa sa bookstore namin bumili sya ng libro, masipag talaga ang batang to, s'ya sapat ang tularan ni Eunjean."
Tularan? Tularang mang-bully at mag-cutting classes?
"Basta pumasyal ka lang kung kailan mo gusto, bukas ang bahay namin para sa'yo hijo," sabi pa ni papa. Ila-lock ko ang bahay para hindi na s'ya welcome dito bwahahaha.
Kadudaduda na talaga eh, may gayuma ata 'tong pizza na dala n'ya. Bakit nagoyo n'ya ang parents ko!
Buti naisipan na rin n'yang umuwi, gabi na kaya at syempre ako na naman ang inutusan ni papa para ihatid s'ya sa labasan tapos ako ang paghuhugasin ng pinagkainan kanina. Hay!
"Nakita ko yung pusa kanina. Bakit mo ba inalagaan yun?" tanong n'ya na ang seryoso-seryoso na parang ang bigdeal ng pinag-uusapan namin.
"Walang mag-aalaga sa kanya kapag pinabayaan ko lang."
"Pusa 'yon. Kaya n'ya ang sarili n'ya," pakikipagtalo naman n'ya ngayon. Inuubos n'ya ang energy ko sa pakikipagtalo, bitin pa nga ako sa pagkain kaya wala pa akong lakas eh.
"Hindi porque kaya eh pababayaan na. Kailangan n'ya ng mag-aalaga at willing akong alagaan ka—este yung pusa," napatingin ako sa kanya, para kasing hindi pusa ang pinupunto ko kundi s'ya—hay naku naman!
"Itapon mo na 'yon. Kakalmutin ka lang nun at kakagatin, bahala ka."
"Parte 'yon ng pag-aalaga, yung nasasaktan—" ano na naman 'tong pinagsasabi ko? Pusa lang ba talaga ang iniisip kong topic namin?
Kinunutan lang ako ng noo ng taong 'to at itinaboy, pumasok na daw ako sa loob.
Naglalakad na palayo si Lavi pero masaya ako lagi na pinapanood s'ya kahit ganito lang. Pwede ba kitang alagaan kahit sandali lang? Kahit nine months lang o mas maikli. Hindi na 'ko magrereklamo basta maalagaan lang kita.
"Ikaw ang ligaw na pusa at sana ako ang mabait na bata, mamahalin kita at aalagaan hanggang balikan ka ng papa mo at magkasama ulit kayong dalawa."
***
Lavi's POV :
Masarap sa pakiramdam. Mukang maganda ang tulog ko mamaya. Pagdating ko sa bahay naabutan kong nakapatay ang ilaw sa sala at mukang nanonood si Stef ng pelikula.
"Umiiyak ka ba Stef? Nanonod ka ng love story? Kakadiri."
"Naiiyak ako sa mga dialogue nila. Parang totoo eh. Tara nga dito sa tabi ko," sabay senyas na lapitan ko s'ya.
"At bakit?"
"Kailangan ko ng hug."
Pinatay ko ang TV kaya humiyaw s'ya sa galit kulang na lang gulpihin ako.
Pumasok ako sa kwarto ko at wala akong balak makinood ngayon kay Stef.
Paghiga ko sa kama napabuntong-hininga ako. Malapit na palang matapos ang kontrata namin ni Grand Ma, pa'no ko uubusin yung mga natitirang-araw ko dito? Bigla kong naalala ang pamilya ni Eunjean. Nakakainggit. Gusto ko rin ng ganun pero malabo na ata.
'Wag na kaya akong bumalik sa London? Kapag sinira ko ang kontrara siguradong ipaliligpit ako ng lola kong pinaglihi sa giyera. Lahat nga pala ng meron ako hawak n'ya. Sa sobrang galit ko noon sa tatay ko pumayag ako sa kasunduang 'yon, siguradong parang impyerno rin ang sasapitin ko sa pagbalik ko doon. Ano bang ginawa ko? Bakit ako pumayag? Magagalit ang buong Cervantes sa 'kin sa pinaplano ng lola ko.
***
Eunjean's POV:
May group project ako kasama sina Elisha at Dom, kanina pa kami paikot-ikot dito sa lugar namin, ewan ko sa dalawang 'to kung ano ang hinahanap nila parang naghahanap tuloy kami ng kayaman dito.
"Nagugutom na 'ko baduday hindi pa rin natin nakikita yung address nila," busy ang dalawa sa pag-uusap at sobrang seryoso nila, kayamanan nga ata ang hinahanap namin.
"May baon akong fish fillet..t-teka? Diba may group project tayo? Ano yung address na hinahanap n'yo?"
"Marami pa tayong time, kailangan muna nating hanapin yung bahay ni St—"
May humintong motorbike sa harap naming tatlo at pag-angat nga ng helmet ay naghugis puso ang mata ni Elisha.
"Anong meron? Bakit magkakasama kayong tatlo?"
Wala na. Napipi na si Elisha.
"Bumili lang ako ng almusal, kayo? Sabado ngayon ah. Saan lakad n'yo?" follow up question ni Stefan.
"May gagawin kaming project," sagot ko kasi tulala na si Elisha at si Dom naman ngiting tagumpay eh.
"Aayayain ko sana kayong pumunta sa bahay kaso baka busy kayo," depende kung may pagkain sa bahay nila pwede kami sumaglit.
Kinalabit ako ni Dom at itinuro si Elisha na lagpas-bangs ang ngiti.
"Pa'no 'ko baduday? S'ya nakita n'ya na ang hinahanap e pa'no ako?" bulong sa 'kin ni Dom na hindi ko naman nagets kung anong pinagsasabi.
"M-marami pa namang oras pwede pa kaming sumama sa'yo, diba Vargas, Ryan?" ay sa wakas napagsalita na rin ulit si Elisha.
Sasaglit lang kami dito tapos gagawa na kami ng project.
Paghinto namin kina Stefan napahinto ako, matagal ko nang nakikita 'tong malaking bahay dito sa loob ng subdivision namin eh pero hindi ko alam na si Stefan pala ang nakatira dito. Halos limang kanto lang ang layo mula sa bahay namin. Akala ko dati haunted house yan kasi wala nang tumira pagkaalis ng isang pamilya dyan.
"Ang laki ng mansyon nila kaso mukang walang nagaalaga sa garden, patay na ata lahat ng halaman," tapos nakita namin ni Dom na magkaholding hands sina Stefan at Elisha, "Totoo nga ang tsismis baduday."
"Kaya pala madalas kitang makita pagnauwi ako, dito ka lang pala nakatira," usisa ko kay Stefan habang naghuhubad ako ng sapatos at sinuot ang pinahiram n'yang slippers.
"Nakikitira lang talaga ako sa totoong may-ari ng bahay," paglilinaw n'ya. So tenant s'ya dito?
Sumunod lang kami ni Dom kina Stefan at Elisha pagpasok sa loob, malaki ang sala nila at malinis. Feel at home kami ni Dom, lumundag kami sa malaking sofa tapos nagwrestling pa kami. Nakakatawa talaga s'yang kasama tapos puro patawa pa.
"I'm here. We have visitors," sigaw ni Stefan. English speaking talaga kapag nasa bahay? Bakit british accent! Hindi kaya i-absorb ng tenga ko ang accent na 'yon. Binigyan kami ni Stefan ng juice, haaay grabe kakauhaw.
Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto kaya pakiramdam kami ni Dom.
"Umiikot na paningin ko sa gutom. Nasaan na yang walang buhay na cup noodles," boses yun ng isang lalake na kalalabas lang mula sa isang kwarto.
Naibuga namin ni Dom ang juice nang may makita kaming lalakeng nakaboxer shorts lang. Nagtakip ako ng mata samantalang si Dom lumuwa ang mata sa pagtitig sa katawan ng lalakeng yun.
"Wow pandesal," gusto kong takpan ang mga mata ni Dom dahil sa nakakasilaw naming nakita.
"Ano ba Lavi may mga babae akong kasama, magsuot ka nga ng damit," saway naman ng kaibigan n'ya sa kanya.
"H-hindi okay lang sa'min," rinig na rinig ang malakas na boses ni Dom.
"Hindi ka babae," pagkontra ni Elisha kaya muntik na 'kong matawa.
Parang poker face lang si Lavi na mukang walang pakielam kung pinagnanasaan na s'ya ni Dom. Kung hindi pa s'ya sinipa ni Stefan para magbihis mukang ibabalandra n'ya pa ang katawan nya sa'min. Kung magkasama sila sa bahay edi ibig sabihin n'yan itong bahay na 'to kina Lavi?
Bumalik s'ya na may damit na at umupo sa sahig para maglaro ng play station, walang kibo, hindi kami pinapansin, mabuti naman. Abala s'ya sa paglalaro. Kahit niyaya na s'ya ni Stefan hindi nya pa rin pinapansin.
Habang sweet na sweet ang lovers dito sa sala nakatulala naman si Dom kay Lavi. Napapanisan na ko ng laway, wala akong kausap dito. Pa'no na ang project namin? Nga-nga ba kami sa Monday? 'Wag naman sana.
"Baduday, malapit na ang concert ni GD baby mo. If you want, pwede kita ulit ibili ng—" hala nahiya naman ako kay Dom, kahit anong bait n'ya ayoko naman abusuhin.
"Hala! Hindi na. Nakakahiya na, okay lang talaga. Bibili na lang ako ng pirated cd ng concert n'ya haha," palusot ko pero syempre walang pirated na ganun hahaha.
Bigla namang may humalakhak, pang-asar yung tawa na yun, nakakainsulto talaga.
"Hey! Come here," inihagis ni Lavi ang wireless joystick n'ya sa'kin na tumama sa noo ko. Salbaje! Ang s*****a ay s*****a talaga, "Laban tayo. Ang matalo may pitik sa noo," kinabahan ako ah. Baka wala na akong ulo paglabas ko ng bahay na 'to.
Naglaro kami—ay mali pala, pinaglalaruan n'ya 'ko. Anong malay ko sa mga laro na 'to eh expert lang ako sa brickgame at space impact 2. Nakakarami na s'ya ng pitik sa noo ko!
"Dinadaya mo ba ko! Hoy! 'Wag mong harangan ang TV hindi ko makita!" Na-carried away na lang ako sa laro namin.
"Galingan mo naman. Ang boring mo kalaro eh!" pang-aasar ni Lavi.
"Ginagalingan ko nga dinadaya mo naman ako!" sinipa ko s'ya sa braso at nag-wrestling na kami sa sahig, ibang game na 'tong nilalaro namin, buwis-buhay na.
"Ahem, may kasama kayong dalawa," ay nag-enjoy ata ako sa pakikipag-away sa taong 'to.
Nadala na naman ako sa pagganti kay Lavi nawala na sa isip ko na may kasama kami sa sala, umayos ako ng upo habang s'ya may huli pang hirit sa'kin, sinakal n'ya 'ko gamit ang braso n'ya tapos tumakbo palayo sa 'kin nang kurutin ko s'ya.
"Sinong gutom na? May baon ako," nagtaas silang lahat ng kamay at makakaganti ako na rin ako sa wakas.
"Ihahain ko lang," tumayo ako para pumunta sa kusina nila pero tinitisod ako ni Lavi, lakas ng topak n'ya ngayon para pagtripan ako.
Pagdating ko sa kusina nila may napansin agad ako, yung baunan ko. Naalala ko bigla ang alagang pusa ni Stefan pero diba takot si Lavi? Pa'no nangyari na magkakaroon ng pusa dito?
"Anong dala mong pagkain para sa'kin?" sinundan n'ya pala ako pero nginitian ko s'ya, oras na para gumanti.
"Para sa'yo? Wala," bara ko pero bigla na lang nya kong pinitik sa noo. Umupo s'ya at biglang lumungkot ang muka. Hala nakakaawa naman, parang baby na gutom na gutom.
"Alam mo bang may malaki akong problema ngayon," Whooooa! Totoo ba 'tong naririnig ko? Nag-o-open up na naman sya sa'kin.
"Tulad naman ng ano?"
"Sabihin mo munang tutulungan mo ko," natutulala ako kapag nagpapa-cute s'ya. Mahirap kapag ganyan s'ya baka mapagbigyan ko agad kahit hindi pa s'ya nagsasalita. Ano kaya ang problema n'ya? Malaki kaya? Family problem?
"Wala kaming labandera."
Binato ko s'ya ng basahan, nagoyo n'ya ko do'n ah!
"Labhan mo naman mga damit ko," nagpapa-cute pa rin s'ya. hindi mo na 'ko mauuto!
Tumayo s'ya at tinitigan ako. Bakit ba n'ya laging ginagawa sa'kin 'to?
"Dito ka na lang tumira kasama ko. Papalayasin ko na si Stef."
Ilang seconds din akong speechless at natulala sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung pa'no magre-react sa sinabi ng lalakeng to. Badtrip ang lakas n'ya mang-trip!
"Paniwalang-paniwala naman," halos maglupasay na s'ya sa sahig kakatawa. Pang-asar ka talaga! Nilayasan ko nga s'ya sa kusina!
Habang kumakain kami ng tanghalian tahimik ako para kunwari seryoso ako at hindi na n'ya ako pagtripan.
"Teka bakit cup noodles lang ang nasa harap ko!" lakas n'yang magreklamo matapos n'ya kong pagtripan kanina.
"Si President ang sponsor eh. Ginalit mo ba s'ya kanina?" oo Stefan, kung alam mo lang pinagsasabi n'ya kanina!
"Gusto mo bang sa'yo na lang ang ulam ko—" alok ni Dom kay Lavi pero sinipa ko ang paa ng kaibigan ko para awatin.
"—a-aray. Bakit may sumisipa—"
"Hoy babae, nasaan ang ulam ko?" manigas ka d'yan. Ano :ko katulong mo? Matapos mo kong asarin at i-wrestling kanina?
"Kung nagpakabait ka kanina baka may kasama pang pagmamahal 'yang kinakain mo," anong pagmamahal ang sinasabi ni Elisha? Pagkasuklam pwede pa.
"Manahimik ka na lang, palaka!"
"Sinong tinatawag mong palaka!" si Elisha naman ngayon ang inaaway n'ya. Ano ba 'tong pinuntahan namin, sabungan ba 'to?
"Stop fighting, kumakain tayo," saway ni Stefan sa dalawa na malapit nang magbugbugan.
Kahit sinisipa na ko ni Lavi sa ilalim ng mesa wala akong pakielam, kunwari hindi ko nararamdaman. Natapos nang matiwasay ang tanghalian namin na hindi nakatikim ng baon ko ang lalakeng yun.
***
Isang magandang umaga ang sumalubong sa akin ngayong araw. Mapayapa ang lahat at wala ako nakikitang pasaway—may umagaw ng atensyon ko habang nasa taas ako sa stage! Nasa halera ng mga seniors, pa'nong hindi ko mapapansin, kulay blonde ang buhok n'ya.
Matapos ang flag ceremony kumaripas ako ng takbo para abutan ang lalakeng may blonde na buhok. Hindi n'ya ba alam na labag yan sa school regulation?
"Hoy Blonde," tawag ko sa estudyanteng kulay mais.
Hinatak ko ang kwelyo n'ya mula sa likuran kaya paglingon n'ya sa 'kin nakasimangot na muka ang sumalubong sa 'kin, panira ng umaga 'tong nakikita ko.
"Aray! Ano bang prob— uy Pres, may kaso ba 'ko? Kakausapin ko muna ang abugado ko bago tayo magkita sa opisina mo," matapang pa n'yang sabi sa 'kin. Nanggigil ako sa batang 'to at may gana pa s'yang lokohin ako.
"Yang kulay mais mong buhok paitiman mo 'yan. Huling warning mo na to. Anong section mo?" tanong ko with matching pamewang pa para masindak kaso matapang 'tong batang 'to, di nagpapasindak.
"Hindi mo siguro ako kilala. Ako lang naman ang—"
"Wala akong pakielam. Kapag hindi mo binago ang kulay ng buhok mo kakalbuhin kita bukas. Lakad, balik sa klase," pananaboy ko dahil ayokong tuluyang maSira ang umaga ko pero hindi na ako tinantanan ng batang mais na 'to.
"Mag-usap na lang kayo ng abugado ko," pangungulit niya pero wala akong pakielam kung sino man ang ihaharap n'ya sa 'kin. Para namang may maglalakas loob akong kalabanin dito.
***
Lunch break.
Pumunta si batang mais sa room namin para lang dalhin ako sa abugado n'ya. Sarap kutusan ng batang to, abugado talaga? Pwes hindi yan uubra sa'kin.
"Brace yourself, you have two choices, first you can run and save yourself or face this and die," pinagbantaan pa 'ko ng batang mais na 'to, akala n'ya ba matatakot ako? Para namang may ikakatakot pa 'ko eh napalitan na nga ako ng puso at sooner malapit na talaga akong kunin ng langit—hopefully langit nga.
"Siguraduhin mo lang na matatakot ako," paghahamon ko kay batang mais. Kapag ako talaga hindi nasindak kukutusan ko ulo n'ya hanggang malagas lahat ng mais n'yang buhok eh.
Nakakapagtaka dahil dinala n'ya ko sa may hide out ng Zeta-Roma, hindi naman siguro—tama nga ang kutob ko.
Si Lavi nga ang ihaharap sa'kin ng kolokoy na 'to. Kahit si Lavi ay nagtaka na makita ako sa hide out nila kasama si batang mais.
"Kuya s'ya yung sinasabi kong amazona. Pinipilit n'ya 'kong magpaitim ng buhok. Daragin na natin sya ngayon, dali."
Naningkit ang mata kong nakatingin kay Lavi na nakangiti na akala mo nangaasar. Teka? Amasona ba ang itinawag sa'kin ng kolokoy na 'to? Hindi pa nga pala tapos ang pagtutuos namin dahil sa hindi ko pagbibigay sa kanya ng ulam ko. Mukang ito na ang pagkakataon n'ya para gantihan naman ako.
"S'ya ba yun? Tama ang description mo ah, mukang amasona, hindi sexy at higit sa lahat flat ches—"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lavi dahil alam ko na ang karugtong nun. Hinayupak na batang 'to—sorry for the word. Sinakal ko ang kolokoy ng braso ko at hinila ang tenga.
"Aray! Teka kakasuhan na kita ng harassment! Kuya tulungan mo naman ako!"
"Ms. President, sigurado ka bang gusto mong ituloy 'yan? S'ya kasi si L.Joe."
"G.I Joe?"
"L.Joe, hindi G.I joe! 'wag mo ngang babuyin ang pangalan ko!"
"Pamangkin lang naman s'ya ng tatay ko, meaning, magpinsan kami. Saktan mo pa s'ya nang matuluyan kang ma-kick out."
Mukang lahat ng pasaway na estudyante dito related sa kanya. Binitiwan ko si kolokoy, wala sa wishlist ko na makick-out. Itinulak ko si batang mais papunta kay Lavi at umalis na ako. Wala ulit ako sa mood Sirain ang araw ko dahil sa kanilang dalawa. Makalabas na nga nang masilayan ko ulit ang sikat ng araw.
"Hoy! Aalis ka na lang nang ganun?" habol ni Lavi na parang naghahanap pa ata ng away, kaso wala ako sa mood eh.
"Tinatamad na akong makipagtalo sa inyo, bahala na kayo sa buhay n'yo," sagot ko sabay inat. Parang gusto ko lang matulog sa ilalim ng puno ngayon.
"Saglit! Hindi mo ba man lang pipilitin 'tong magpabago ng kulay ng buhok?" habol ulit n'ya kaso lumayas na 'ko. Nagsasawa na akong makipag-usap sa kanya at makipagtalo.
***
Maaga akong gumising at bumangon sa kama. Niyakap ko si Lav-Lav at nilapitan ang kalendaryo dahil may pulang bilog ang petsa ngayong araw, bakit?
Dahil Birthday ko ngayon!
Happy Birthday Eunjean!
Salamat po, God sa panibagong taon.
Dali-dali akong bumaba sa dining namin kung saan may nakahanda nang cake. Sina Mama talaga laging handa, parang girl scout.
"Happy Birthday, anak," bati sa'kin ng parents ko..
"Thank you po. Pwede na po ba 'kong mag-asawa? Baka yayain na kong magpakasal ni Ji Yong?"
"Siguraduhin mo munang alam n'yang may relasyon kayong dalawa," pinagtawanan lang ako ni papa matapos n'ya akong barahin. Si pudra talaga joker oh.
"Buti na lang at bukas pa ang lakad namin ng papa mo. One week kaming mawawala ah. Mag-ingat ka dito. 'Wag ngatngatin ang sofa," bilin naman ni mudra na parang mag-iiwan sila ng tuta sa bahay.
"Bukas na po ba agad yun?"
May conference sina papa sa El Nido, Palawan. Nag-leave naman si Mama sa trabaho para makasama at makagala na rin sila, maganda na rin na paminsan-minsan kailangan rin mag-enjoy sa buhay.
"Blow your candle anak and make a wish."
Wish? Lahat na ata ng pwedeng hingian ng wish hiningian ko na, siguro ngayon sapat na 'yung magpasalamat na lang muna ako. Lord, salamat po sa second life ko at sa pamilya ko.
Sayang hindi pa kasi ginagawang holiday ang birthday ko kaya eto, pinaghati-hatian na namin ang cake ko para baunin. Bawal kasi ako ng chocolate kaya vanilla flavor ang binili ni papa.
Pagpasok ko sa school natanaw ko si Lavi na nakikipagsagutan na naman kay Mr. Morris. Hindi ko alam kung anong pinagtatalunan nila. Tinalikuran lang ng ligaw kong pusa ang tatay n'ya. Kailan kaya sila magkakasundo?
Bakit kaya absent sina Dom at Dash? Bibigyan ko pa naman sana sila ng cake. Hanggang mag-uwian hindi ko pa rin nakakain 'to, malungkot pala kumain nito mag-isa. Naupo ako sa may bench, gusto ko sanang may kasabay na kainin 'to pero wala naman akong kasama.
"Bakit may cake? Sinong may birthday sa inyo?"
Inagaw sa'kin ni Lavi ang cake ko at tinikman, at least hindi na ko mag-isang kakain nun.
"Ako."
Para syang nagulat, anong tingin n'ya hindi ako nagb-birthday? Tao din naman ako. Tapos ngumiti s'ya at kinain ang cake ko.
"Birthday mo?"
"Hindi. Mamaya pang 4 o'clock," sagot ko na medyo pabalang para makita ko na naman ang aburido n'yang muka.
"Niloloko mo ba ko?" yes! Successful!
"Hindi, birthday ko nga talaga."
Tapos para s'yang nag-isip ng ilang minuto bago may sinabi sa 'kin.
"Kunwari may pakielam ako na birthday mo ngayon, may birthday wish ka ba?"
Isang ngiti lang ang isinagot ko.
***
Nakakunot ang noo n'ya nang makarating kami sa sinasabi ko. Kung bakit naman kasi nagtanong pa s'ya kung anong gusto ko ayan tuloy napasubo s'ya.
"Gusto mong turuan kitang mag-bike? Sa tanda mong yan hindi ka marunong magbike? Pathetic ka talaga!"
Hindi talaga pwedeng matapos ang araw ko na wala akong panlalait na naririnig sa kanya. Hayaan ko na nga, baka kasi magkasakit 'tong taong 'yo kapag wala s'yang outlet.
"Umuwi na nga lang tayo," pag-back out ko pero hinatak n'ya ako pabalik.
"Sayang ang ipinunta natin dito kung aalis pa tayo."
Okay. Madali naman akong kausap. Nagpaawa na ko sa kanya para turuan n'ya ko. Nag renta kami ng ecobike dito sa Intramuros para sa biking 101 kasama si Lavi.
"Mahigpit akong trainor kaya humanda ka! Bilis sakay na!"
Inaalalayan ako ni Lavi habang pagewang-gewang ang pagbi-bike ko. Hindi talaga ako marunong eh, kung yung iba hindi marunong sumipol ako nagkataon na ito yung hindi ko kaya. Ilang beses ko namang sinubukan noon na matuto pero lagi lang akong nahuhulog. Pero dapat pala akong magpasalamat na hindi ako natuto dahil kung hindi, baka hindi ko sya kasama ngayon kahit aburido na s'ya at kanina pa ko nilalait. Mukang nawalan na s'ya ng pag-asa dahil pinababa na n'ya ko.
"Bagsak ka na sa'kin," ang dali naman nito sumuko eh wala pa kami thirty minutes mula nang mag-start kami dito.
"Yung Mona Lisa nga na painting, three years ginawa tapos ako thirty minutes gusto mo matuto na 'ko?" pagsagot ko para asarin din s'ya, ano ako lang mapipikon dito?
Nilapitan n'ya ako nang sobrang lapit na akala ko magkakalapit na ang mga muka namin yun nga lang inagaw lang pala n'ya sa 'kin ang manibela. Akala ko naman kung ano, paasa din 'to eh.
"Umagkas ka likod," utos n'ya.
Pinapaangkas n'ya 'ko? Hindi ko to inaasahan ah. Hindi ko na pala kailangang mag-wish dahil ito pala ang regalo sa'kin ni Lord, sobrang saya ko naman! Nakakayakap ako sa likuran nya habang sya naman ay nagbibike, grabe ang bango n'ya na parang baby.
"Ito ang professional biking," pagyayabang n'ya pa pero wala na akong pakielam kung matututo pa ako mag-bike, basta nasa ankas n'ya ako at nakayakap ako sa kanya.
"Tagalan mo pa ah."
"Ano?"
"Sabi ko mag-ingat ka at baka mabunggo tayo."
Naupo kami sa may lawn para magpahinga after ng magbibisikleta, pero bigla syang napasigaw.
"Nawawala ang sing-sing ko!" hysterical n'yang sigaw sabay hagilap sa lawn.
"Hala! Anong nawawala? Wedding ring? Engagement ring ba?"
"Anong palagay mo sa'kin may asawa na? Kapag nakita ko yun ipapalunok ko yun sa'yo. Dali hanapin natin. Doon ka sa bandang dulo, ako dito," utos n'ya at napangiti ako pagkatalikod n'ya sa 'kin para hanapin ang sing-sing n'ya. At least ngayon alam ko na.
Naghanap kami nang naghanap pero wala akong nakita. Baka naman naiwan n'ya ss bahay nila 'yon o kaya sa ibang lugar nahulog.
"Ano bang itsura?" tanong ko.
"Bilog. Bilog s'ya malamang," nabara na naman ako. Hay layasan ko kaya 'to nang umiyak s'ya pauwi.
"Yung mga dati kong classmate may mga asawa na. 19 pa lang sila may mga anak na. Ikaw 24 ka na diba?"
Tumingin s'ya sa 'kin na parang naghihinala na sa mga itinatanong ko, napaghahalataan na ata ako ah.
"Nakakahalata na 'ko sa'yo. Diretsuhin mo na lang ako kung may balak kang magbackground check—"
"Nakita ko na!"
"Nasaan?"
"Ay hindi pala."
Nilapitan n'ya ko para pitikin ang noo ko, masakit ah! Buti na lang hindi na n'ya naalala na nag-iimbestga ako sa buhay nya at masaya ako sa mga nalaman ko.
"Ayoko na! Pagod na 'kong maghanap. Tara nga dito. Dali lumapit ka, alam mo naman siguro na kasalanan mo kung bakit nawala ang sing-sing ko."
"Kasalanan ko?"
"Kung hindi ako sumama sa'yo, hindi sana yun mawawala, dahil dun hihingi ako ng kapalit. Kumanta ka ng Happy Birthday Song sa harap ko."
"Pero ako ang may birthday diba! At bakit parang kasalanan kong nawala 'yon! Ako ba ang may suot nun!" bakit ako? Bakit ako? Ako na walang malay!
"Gagawin mo ba o gusto mong i-cash na lang?"
Pambihira talaga 'tong taong 'to! Anong naging papel ko sa pagkawala ng sing-sing n'ya eh tiga-enjoy lang naman ako sa pagyakap sa kanya kanina sa pagba-bike namin.
"Ito na nga oh," hayaan ko na nga, kakanta lang naman eh. Para naman s'yang timang. Bakit ako ang kakanta ng happy birthday e ako kaya ang may birthday. Ano to show? Nakaupo s'ya sa lawn habang ako kumakanta? Saan ba kasi nahulog ang sing-sing n'ya? Ang weird talagang kantahan ang sarili ng happy birthday song.
***
Niyaya n'ya muna akong dumaan sa mall at may pinabibili daw kasi sa Stefan sa bookstore pero dumaan muna s'ya sa ibang store. Sasama sana ako sa loob pero pinitik lang n'ya ang noo ko. Maghintay lang daw ako sa labas.
Paglabas n'ya, may bitbit na syang itim na paper bag tapos nagyaya na s'yang pumunta sa bookstore.
"Sige mauna ka na sa loob, hanapin mo yung The Fault in our Stars by John Green, iiwan ko lang to sa package counter."
Akala n'ya siguro hindi ko makikita yun, Taga-bookstore kaya ang Mama ko kaya alam ko kung pa'no sila mag display ng mga books. Under yun ng Teen Fiction eh, ayun yung rack, tapos alphabetical yun by author. Green..Green..Green..ayun! Nakita rin kita..Kitams.
"Nakita mo na? Galing ah. Tara bayaran ko na at dahil very good ka ito yung number ko sa package counter, kunin mo."
Akala ko naman totoo na pinuri n'ya ko, may kasama palang utos. Bakit ba ako nagsusunod-sunuran sa kanya? Ano ba s'ya master ko? Pagbigay ko ng number sa package counter, iniabot n'ya yung paper bag.
"Salamat po."
"Ito pa miss, iabot ko daw sa'yo."
May iniabot na star-shaped post-it sa'kin si kuya, pamilyar 'tong sticky note na 'to ah. Binasa ko ang nakasulat,
That's for you, no more questions just accept it. Bawal magtanong, okay?
Ano kaya ang laman nito? Bago ko pa man masilip ang loob ay dumating na s'ya at niyaya na kong umuwi. Muka namang walang reaksyon sa muka n'ya nang makita n'yang bitbit ko 'tong paper bag eh.
Sumakay kami ng bus. Magkatabi kami.
"Naalala ko yung scandal natin," pagkasabi n'ya nun bigla ko tuloy natakpan ang bibig n'ya. Sana walang nakarinig! Ano bang pinagsasabi n'ya! Nakakahiya!
Siguro ilang segundo rin bago ko na-realized na tinakpan ko ang bibig n'ya at halos ang lapit-lapit ko sa kanya, nakatingin pa s'ya sa 'kin! Ang mga mata n'ya! No! Hindi ko kayang tingnan!
"Ay sorry," sabay alis ng kamay ko sa bibig n'ya. Akala ko magiging awkward kami kaso nasa mood ata s'ya ngayon para asarin ako.
"Unforgetable talaga sa'kin ang bus. Unang nakaw na halik ko yun."
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko ginawa yun."
Siguradong namumula na ang muka ko dahil sa mga sinasabi n'ya dahil nararamdaman kong mainit ang pisngi ko. Bakit ba biglang naungkat yun?
"Naputol yung video noong hinalikan mo ko."
Tama na! Tama na! Pulang pula na 'ko kahit hindi ko ginawa yun. Promise. Pinagti-tripan na naman n'ya ko! Dyan s'ya masaya eh! Yung makitang ganito ako.
Naglakad kami papasok sa subdivision namin. Tahimik lang s'ya, napagod ata na asarin ako. Huminto kami sa tapat ng gate namin.
"Salamat sa paghatid—" pasasalamat ko sana.
"—Hatid ka dyan? Nagkasabay lang tayo noh. Malapit kaya bahay ko dito."
Napahiya ako ng konte dun ah. Makapasok na nga lang. Edi fine, nagkasabay lang kami, madali naman akong kausap.
"Happy Birthday."
Muli akong lumingon, tama ba ang rinig ko na binati n'ya 'ko?
Pagpasok ko sa bahay sinalubong ako ni Lav-Lav na nagpagulong-gulong, oo cute ka na kahit hindi mo gawin yan. Naalala ko yung bigay ni Lavi, ano kaya ang laman nun? Pagbukas ko box ng cellphone! Binigyan n'ya ko ng ganito ka cool na cellphone? May note ulit.
Ako ang speed dial 1 mo. May simcard na yan kaya no need to transfer your old number dito. I know importante sa'yo ang cellphone na bigay ng papa mo.
Isasauli ko ba to sa kanya? Magagalit pa 'yon kung isasauli ko kahit nahihiya akong tanggapin 'to. Isang malaking thank you lang matutuwa na yun for sure.May malaking tanong sa isip ko ngayon bukod sa kung pa'no i-operate 'to eh.Bakit nya ko bibigyan ng ganito?
***
Lavi's POV :
Hindi n'ya siguro naintindihan kanina. Hindi naman kasi 'yong video namin ang tinutukoy ko na first stolen kiss ko. Bahala s'yang maging clueless tutal engot naman s'ya.
Malayo pa lang natatanaw ko na ang bahay namin, may balloons sa gate. Tsk. Tsk. Si Stefan ang may gawa ng lahat nang 'yon. Pagpasok ko, okay na sana ang surprise n'ya kung hindi lang tumama sa muka ko ang party popper n'ya.
"Happy Birthday, baby boy!"
"Takte ka, Stef."
Natatawa ako imbes na magalit dahil naka-apron sya, headband na bunny at may wand pang hawak, sarap sakalin ng ka-live in ko hahaha nahahawa na ko sa kanya.
"Kung gusto mo talaga akong i-surprise hindi ka dapat naglagay ng balloon sa gate tsaka mas attractive kung naka-bikini ka."
"Hayaan mo next year gagawin ko ‘yon."
"Dali picture-an kita tapos papakita ko sa girlfriend mo."
Dali-dali nyang hinubad ang custome n'ya, takot ata hahaha. Ayos ‘yon para magbreak agad sila.
"Ito pala yung pinabili mong libro."
"Ireregalo ko yan kay Elisha."
"Ginawa mo pa kong tigabili ng regalo mo ngayong birthday ko pa."
Maraming regalo sa mesa. Ipinatapon siguro ni Grand Ma dito lahat ng gifts ko na pinadala sa bahay namin sa London. Ano-ano bang pinadala nila. Susi ng yacht, susi ng kotse, susi ng condo, susi ng puso...SUSI NG PUSO???sino kayang nagpadala nito. No wonder na si Annita ang nagpadala. Si Stef naman binigyan ako ng malaking stuff toy na pusa. Tutal s'ya naman ang naghanda nito hindi ko na s'ya babarahin.
May malaking cake pa na may drowing na pusa, halatang-halata na si Stef ang bumili nito pero dahil in good mood ako hahayaan ko na lang.l. ulit.
"Kakantahan kita—"
"Alam kong wala ka lagi sa tono kaya naghire ako ng personal greeter ko."
I play what I recorded kanina sa cellphone ko. Natatawa ako kapag naririnig ko ang boses nya.
"Sinong kumakanta n’yan? Parang boses ni Eunjean."
"Guni-guni mo lang ‘yan."
"Boses nga n'ya, magkasama kayo kanina kaya bigla ka na lang nawala?"
Busy ako makinig sa kanta nya kaya wala na kong time magexplain tsaka tamad ako sa explanation. Pa'no kaya kung malaman n'yang birthday ko rin ngayon. May dinukot ako sa bulsa at natatawa ako kapag naaalala kong magaling pala akong artista.
Ang laking tulong mo kanina, salamat sa sing-sing ni Mama.