7. Come or Die

7008 Words
Lavi's POV : "Naglayas ka din ba? Lumayas kasi ako. ‘yong mama at papa ko si ate lang mahal. Eh si ate picture lang. Mas mahal nila ‘yong picture." "Hindi ako naglayas. Hinahanap ko lang ang pusa ko. Regalo sa'kin 'yon ng papa ko eh. A’yong oh. Wishing star. Mag-wish ka doon." "Sa'n banda? Alin d'yan? Umuulan kaya! Wala star kapag umuulan! Niloloko mo 'ko kuya eh!" "A’yong oh. Meron kaya. ‘yong nag-iiba-iba ng kulay. Kapag mas mabilis mag-iba ng kulay mas mabilis matutupad ‘yong wish mo." "Wish ko. Wish ko sana dumating si mama." Para akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi ko maalala ang panaginip ko pero alam kong hindi mga mangkukulam ang bumisita sa 'kin. Hindi ko alintana ang pagtulog na nakaupo. Bakit nga pala ako nakaupong natutulog? Ah oo nga pala, pauwi kami galing Subic at nakasakay na sa bus. Pagmulat ko ng mata nagtaka ako sa nakita. Bakit katabi ko s'ya? Anong masamang hangin ang nag-udyok sa babaeng 'to para tumabi sa'kin? Malakas na ata ang loob. Aba tinititigan n'ya pa 'ko? Kunwari tulog pa rin ako. Ano kayang gagawin n'ya? Palapit nang palapit. Nilalapit n'ya ‘yong muka n'ya. Balak n'ya ba kong nakawan ng halik? Gaya-gaya. Wala originality. Wag! Hindi ako handa! 'Wag dito! 'Wag ngayon! T-Teka? Ano ‘yong ginawa n'ya? Nagbelat lang s'ya! Gusto kong ingudngod ang muka n'ya sa bintana. Masyado na s'yang namimihasa porque mabait sa kanya ang leader ng Zeta-Roma inaabuso n'ya? Pabor na sa akin 'yon pagnanakaw ng halik eh, nahiya lang siguro kaya 'yon na lang ang ginawa. Tsk. Tsk. Magantihan nga 'to. Ano kaya ang magiging reaksyon ni president kapag naranasan n'ya ang mas maging closer sa'kin? Isinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya. Hahahaha naninigas ang katawan n'ya. Hindi s'ya mapakali. Ano president? Suko ka sa'kin noh? Tinanggal ko ‘yong ulo ko sa balikat n'ya nang may lubak kaming nadaanan. Guminhawa ang itsura n'ya, nakakatawa talaga. Simula ng tingnan ko s'ya, nawala ang pagkabagot ko. Sa tabi n'ya nawawala ang inis ko sa buhay. Sa tabi ni president nagagawa kong tumawa. Sa tabi n'ya, masaya ako. Bakit kaya? Alam ko na. Dapat alam ko na 'yon bago ko pa ginawa ang bagay na 'yon sa kanya. Makakatulog na s'ya. Tutumba na s'ya sa gitna at mahuhulog na sa upuan kaya hinatak ko s'ya at isinandal ang ulo n'ya sa balikat ko. Matulog ka muna president. Magiging masaya na lang ako sa ganito. Hindi dapat seryosohin kung ano man 'to dahil malapit na rin akong umalis. Pag-uwi namin sa bahay, antok na antok ako. Humiga agad ako sa sofa, napagod ako sa byahe. Hindi na ako aabot sa kwarto ko. "Pagod ka ata? Hindi ka nakatulog sa byahe?" "Napanaginipan ko kasi si Darna eh, lumipad kami." "Sana isinama mo 'ko," sarkastikong sagot sa'kin ni Stef. Hahaha nakakatawa s'ya maasar. Hindi ako pumasok sa school pero naririnig ko ang boses ni Stef sa sala at nagsasalita na hindi ko maintindihan, maybe because out of service pa rin ang utak ko. "Kumain ka na," alok sa'kin ni Stef pagkapasok sa magulo kong kwarto. "Tinatamad akong tumayo, mamaya na lang," sagot ko habang nagtalukbong ng kumot. "You won't believe what I found out pagpasok ko kanina, look at this video." "Wala akong time manood ng video ng mga pusa and if you don't mind, pwede na ba kong matulog ulit?" isinisiksik ko na ‘yong muka ko sa unan. Ang sarap talaga ng buhay-tambay. "Sure? Ikaw kasi ang bida dito sa video." Napabangon ako. Kailan pa ko nagka-scandal! Inagaw ko ‘yong cellphone n'ya at pinanood ang video. "Sinong may gawa nito?" "Well, nasa terrace s'ya ngayon, nakatali. Want to say hi to him?" Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay kahit naka-boxer shorts lang ako. Tama nga si Stef nakatali at may takip ang bibig ang bisita namin ngayon. "Anong binabalak mo?" bati ko sa bisita namin. Mukang takot na takot ‘yong lalake na naka uniform pa, tinanggal ko ‘yong takip nya sa bibig. "Wala ako sa mood mang gulpi ngayon so let's make it easy for the both of us." "Isusumbong ko kayo sa mga pulis! Wala kayong karapatang kaladkarin ako dito!" Nakita ko sa nametag n'ya na classmate s'ya ni president, kaya pala. Inabot sa akin ni Stef ang paborito kong pamalo. "Parang-awa n'yo na! 'Wag n'yo 'kong saktan! promise, wala akong pinagpasahan ng video! Wala akong balak i-upload ‘yong! Please gusto ko nang umuwi!" mangiyak-ngiyak n'yang pakiusap. Umupo ako sa tapat nya at sapat na ‘yong para mangatog sya sa takot. "Madali akong kausap. Gusto mong umuwi ng buhay? Pwes paghirapan mo." *** Pumasok ako sa room ng engot na babaeng 'yon. Sa sobrang ganda ng araw ko parang lahat ng oras ko ngayon kaya kong ubusin para asarin s'ya. Sumensyas ako para tawagin s'ya pero huling-huli na nagkukunwaring hindi ako nakita kaya lumapit na ako at hinatak s'ya palabas ng room para masinsinan ko s'yang maasar. "Wala akong time makipaglaro sa'yo ngayon." Hinila ko ‘yong damit n'ya tapos inilapit ko ‘yong screen ng cellphone ko sa muka n'ya, pinapanood ko sa kanya ‘yong video naming dalawa sa bus. Oo, video naming dalawa sa bus noong pauwi na kami. Hindi s'ya makapaniwala sa napapanood n'ya. Pinakawalan ko s'ya para malaman kung ano ang reakyon n'ya sa napanood. "Hindi ako yan! Baka kamuka ko lang," para s'yang nanghihinang hindi maintindihan. Nakakatawa talaga ang reaksyon n'ya. Kaya excited akong pumasok eh. "Kamuka? Eh ‘yong katabi ng kamuka mo, kamuka ko din?" Mukang wala na syang maisip na palusot, nakakatawang panoorin ang kilos n'ya habang natataranta at dahil wala na nga s'yang maisip pa, ingaw n'ya ‘yong cellphone ko. "Pa'no ko 'to buburahin? Anong pipindutin ko? Bakit walang pindutan?" Bago n'ya pa maSira ang cellphone kinuha ko na lang agad at nilapitan s'ya para asarin ulit na paborito kong ginagawa. "Nakakahalata na 'ko sa mga ikinikilos mo, parang may dapat akong malaman. Gusto mo na bang aminin ngayon? I have a lot of time to listen." Hindi s'ya nakapagsalita. Nanigas ata s'ya sa kinatatayuan n'ya at 'di na ata humihinga. "Ninakawan mo 'ko ng halik sa bus habang tulog ako," gatong ko pa para lalo s'yang mag-panic. Natataranta na s'ya at hindi malaman ang sasabihin. "H-Hindi kita hinalikan! Maling anggulo lang 'yon! Mali! Mali! Sinisilip ko lang ang mata mo kung tulog ka ba talaga kaya lumapit ako!" Namumula na s'ya sabay walk out. Magaling kumuha ng video ang classmate n'ya dahil nagmukang hinalikan ako ni president sa video na sa totoo naman talaga ay hindi nangyari. Gusto ko lang talaga s'yang asarin hanggang sa kaya 'ko. Hahahahaha. Napaka-effort ko talagang tao. *** Pabalik na sana ako sa hide out nang may sumalubong sa'kin na babae. Kung makatingin sa'kin feeling n'ya ata close kami. "Kumusta? Baka naman nakalimutan mo na 'ko, Lavi? Ni hindi mo 'ko dinalaw sa ospital?" Napahinto ako sa paglalakad nang bangitin n'ya ang pangalan ko. "Do I know you?" "Nakalimutan mo agad ako? Almost six months na rin since ginawa mo sa'kin to," ipinakita n'ya ‘yong kaliwang braso n'yang may semento pa, "Naalala mo na? Ikaw kaya ang may gawa nito. Want a formal intro? I'm Alisson, last year's student council president na binalian mo ng braso." Naaalala ko na. S'ya ‘yong baliw na owl na habol ng habol sa'kin para lang makapagpapansin. *** Malakas ang ulan. Ayoko ng ingay na ginagawa n'ya sa bubong ng bahay. Ayoko ng lamig na pinaparamdam n'ya sa 'kin. Ayoko ng mga alaala at mga lungkot na bumabalik. Marami na masyadong nangyari ngayong araw ayoko na nang isa pang drama hanggang dumating ako sa bahay at maabutan ko ang tatay ko na nakaupo sa sala. "What are you doing here?" matipid kong tanong. Umupo ako sa sofa na nanghihina. Ang sakit na ng tenga ko. Gusto ko nang takpan ngayon ng dalawang kamay ko para hindi ko na marinig ang tunog ng ulan. "Kailangan nating mag-usap tungkol kay Ms. Alisson." "What's with her?" "Kapalit ng damages na ginawa mo sa kanya I offered free tuition for her hanggang maka-graduate s'ya. Magpasalamat na lang tayo na hindi s'ya nagdemanda." Hinawi ko ang buhok ko, napapikit. Ayoko nang pahabain ang pag-uusap na 'to. Gusto ko nang pumasok sa kwarto para matakpan ang tenga ko. "Ginagawa mo ba 'to para magpasalamat ako sa'yo? P'wes wala kang maririnig na thank you mula sa akin kahit pagtakpan mo pa lahat ng kasalanang ginawa ko." "Ayoko lang na mapahamak ka." "Kung ginagawa mo 'to para makabawi, wala akong naa-appreciate. Hindi mo ba naisip na ilang taon mo akong pinabayaan dahil sa pagsama mo sa kabit mo? Ni hindi mo 'ko kinumusta noong namatay si Mama. Pinabayaan mo na lang ako." "I am really sorry, anak. H-Hindi ako hinayaan ng lola mong makalapit—" "Apology not accepted. Maisip ko lang na ikaw ang dahilan ng bawat pag-iyak ng Mama ko, nasusuklam na ko sa'yo. Kinikilabutan ako kapag naiisip kong maiintindihan kita. Dati ka ngang asawa ng Mama ko pero hindi kita ituturing na tatay simula ng pabayaan mo kami. Ano bang naging problema? Mas mayaman si mama sa'yo? Na-insecure ka? Naghanap ka ng low class na babae para magmuka kang mas superior sa mga Cervantes ? Ipaliwanag mo kung bakit kailangan n’yong maghiwalay at mahirapan ang Mama ko! Wala kang kwentang—" Sinampal n'ya ang muka ko para tumigil sa mga sinasabi ko. Masakit. Hindi ‘yong sampal na ibinigay n'ya kung 'di ‘yong mga alaala na hindi na ata mawawala sa isip ko. Tumayo ako para iwan s'ya. Kahit minsan naman gusto kong tumakas sa pangit na mundong ibinigay sa'kin. Nagrereklamo ba ako? Oo. Matagal na. Maraming iba d'yan na hindi mayaman pero kumpleto ang pamilya, samantalang ako I have all the money and the power in the world pero biktima ng isang wasak na pamilya. Sa inyo na lahat ng pera ko, ibalik n'yo lang ang Mama ko at bigyan n'yo ako ng buo at masayang pamilya. *** Eunjean's POV: Nakasilip ako sa bintana at pinagmamasdan ang pagpatak ng malakas na ulan. Wala naman akong Seasonal Affective Disorder pero nalulungkot ako. Dahil kaya alam kong malungkot s'ya ngayong umuulan. Lumapit sa'kin si Lav-Lav at binuhat. "Ikaw Lav-Lav? Malungkot ka rin ba kapag umuulan? Hindi ko tuloy makikita ‘yong mga wishing star kaya siguro malungkot rin ako. Walang wish ngayong gabi." Narinig ko ang puso n'ya, muka s'yang masaya, pinakinggan ko 'yon habang nakaabang sa langit. "Sana hindi na s'ya maging malungkot." Nabitawan ko si Lav-Lav nang may napansin akong tao na naglalakad sa ulanan, wala s'yang payong at ang bigat ng mga lakad n'ya. Kilala ko ang balikat na 'yon at ang maangas n'yang paglalakad. Dali-dali akong bumaba, nagpaalam kina Papa at kumuha ng payong. Tumakbo ako para hanapin s'ya pero hindi ko na makita, namamalik-mata lang ba ako kanina? Hindi ako mapalagay kaya naglakad-lakad pa ako para lang sa katahimikan ng puso ko. Napahinto ako nang makita ko s'yang nakaupo sa swing. Ano kayang nangyari dito at nagpapaulan s'ya? Nag-away kaya ulit sila ng papa n'ya? "Bakit ka nagpapaulan?" tanong ko paglapit ko sa kanya. Pina’yongan ko s'ya pero hindi pa rin n'ya 'ko kinikibo. Malakas ang pagbuhos ng ulan pero alam kong hindi patak ng tubig mula sa langit ang tumulo sa mga mata n'ya. "Please, don't look at me," pakiusap n'ya na may basag na boses. Dala ba ng lamig ng ulan o ng sama ng loob na hindi na n'ya kinakayang dalhin? Tumayo s'ya at niyakap ako. Niyakap n'ya 'ko! Hindi ako nakapagsalita. Wala akong ginawa para pigilan s'ya sa pagyakap sa'kin. "Dito ka lang sa tabi ko kahit sandali lang, please," dugtong pa niya saka s'ya tuluyang umiyak nang malaya. Ayoko mag-isip kung bakit o ano ang totoong dahilan basta ang alam ko lang gusto kong makatulong kahit sa ganitong paraang alam ko. *** Question mark pa rin sa'kin ang mga nangyari kagabi, ano kayang problema n'ya? Tiyak malaki ‘yong dahil napa-iyak s'ya nito. Si Elisha kaya ang dahilan? Ang Papa n'ya? Hindi ko alam. Bakit gusto kong alamin? Bakit interisado ako? Makakasalubong ko s'ya sa hallway pero nang makita n'ya 'ko, umiwas s'ya. Hahabulin ko sana hanggang maisip ko na ayaw n'ya sigurong maalala ang nangyari kagabi. Baka nag-sleep walk lang s'ya? 'Di kaya? "Hi!" "Hi kalabaw!" nagulat kasi ako, nagkanda-mali-mali tuloy ako. May ibang bumati sa'kin. Sino kaya 'to? "Maybe you are Eunjean Vargas?" "Ako nga po. May maitutulong po ba 'ko?" "Ako si Alisson, dating president ng student council." Hindi naman ako ganoon ka-friendly pero naisama n'ya 'ko sa canteen at buong oras n'ya kong kinuwentuhan tungkol sa Zeta-Roma last year. Ang swerte ko pa pala at hindi na ganoon ka bayolente ang leader nila sa'kin. Nakasimento ang braso n'ya. S'ya ata ‘yong kinukwento nina Dash at Dom na binalian ng braso ng leader ng Zeta-Roma last year. Ano bang ginawa nito at nauwi sa balian ng braso ang eksena nila? "—I really like Lavi." Ah kaya pala. Ayoko na mag-isip. Basta binalian s'ya ng braso ng taong 'yon at hindi ako affected. "Para s'yang asong lumaking walang amo. Napaka-wild at masyadong agresibo. In short, ang hirap paamuhin. Nagulat nga ako, you beat my record. Isipin mo tumagal ka ng ilang buwan? Ako? Nag drop out ako pero hindi dahil takot ako sa kanila, napilitan lang ako for some reason?" "Tulad ng ano?" "Teen pregnancy. Yap! Si Lavi ang father ng baby ko—" Ano? Ano daw? Biglang naging pang-outer space ‘yong pandinig ko. Tama ba ang unang sentence na normal kong napakinggan? So, si Zeta-Roma at ang babaeng 'to? "Nakakatawa ka. Paniwalang-paniwala ka naman, syempre joke lang ‘yong but honestly how I wish totoo na lang 'yon." Kung may staple remover ako dito? Pina-free taste ko na sa kanya. Napaniwala n'ya ako. Kalma Eunjean! Wala kang karapatang maapektuhan sa mga sinasabi n'ya. Pagbalik ko sa klase, nandun pa rin sa bag ko ‘yong extrang baon ko. Bakit nga pala ako nagdala ng extra? Umasa ba ko na kukunin n'ya ang isa? Tulala ako habang naglalakad. Nakakainis pero iniisip ko s'ya. Ano ‘yong kagabi? Wala lang sa kanya? Tama na nga, Eunjean, isang yakap lang 'yon. Isipin mo na lang ulit na dahil lang 'yon sa takot sa ulan. Kaso hindi eh! Hindi ako basta-basta pwedeng hilahin at yakapin! "Ms. President." "Ikaw ulit?" Sa isang kariderya kung saan maraming tao ngayon ang kumakain, magkatapatan kami ni Stefan habang nilalantakan ko 'tong masarap na tapsilog. "Alam mo bang may napulot akong pusa? Inalagaan ko s'ya katulad nung idinudtong ko sa kwento mo," kwento ko kay Stefan. Buti kahit pa'no dahil sa kanya nawawala ang iniisip ko. "Isang pusa na naman pala ang maswerteng nahanap ng isang mabait na bata." Para kaming close ni Stefan kasi nakipag-high five pa s'ya na parang bata. "Mas okay ka na ngayon kaysa sa kanina. You look problematic. School problem?" Umiling na lang ako, pa'no ko ba masasabi na ang problema ko ay ‘yong mismong kaibigan n'ya diba? Ay hindi nga pala ako affected. May naalala ako bigla, ‘yong baon ko. Kinuha ko ‘yong baon ko sa bag at iniabot sa kanya. "Stefan, okay lang ba ulit na ibigay mo 'to sa alaga mong pusa? Hindi kasi ulit nagustuhan ng pagbibigyan ko." Nakangiting tinanggap ni Stefan ang baon ko. "Matutuwa 'yon. Sawa na kasi ‘yong alaga ko sa cup noodles, salamat." *** Abala ang masipag na president maglinis ng falling leaves mula sa talisay tree, syempre ako 'yon. Naiinip ako sa ginagawa ko. "Eunjean!" may sumigaw mula sa likod ko at bago pa man ako makalingon ay niyakap n'ya agad ako. Hindi pa s'ya nakuntento, binuhat pa ako sa sobrang saya n'ya. "Maki! Ibaba mo nga ako!" S'ya si Maki, kaibigan ko bago ako nag-stop two years ago. Pagkababa n'ya sa'kin, ginulo-g**o n'ya pa ‘yong buhok ko kahit alam n'yang maiinis ako. "Ang laki mo na ah! Buti hindi ka na lampayatot." "Tinalikuran ko na ang bawal na gamot. Bad kasi ‘yong," biro ko na agad n'yang nasakyan. Tuwang-tuwa ata s'ya nang makita ako kasi panay ang yakap n'ya eh, two years ba naman kaming 'di nagkita at sa text lang kami kung magkamustahan. "Bakit ka napadalaw sa Oxbridge?" Inakbayan ko s'ya. Sobrang close namin noon kaso hindi ko ipinaalam sa kanya ‘yong sakit ko. Parati s'ya noong nangangamusta, sinabi ko lang na umuwi kami ng probinsya. After ng operation s'ya lang ang parati kong kausap sa text kaya hindi ako nalungkot noong panahong 'yon. "May kukunin lang akong documents sa registrar. Samahan mo kaya ako?" "Basta may libreng bananaque mamaya eh," biro ko pero half meant 'yon haha. Nakipag-fist bomb s'ya na sensyales na makakatikim ako ng bananaque mamaya. Hooray! Mahaba pa naman sana ang kwentuhan namin nang bigla na lang may tumalon sa taas ng pader mula sa labas. Tinitigan n'ya ng masama ang kasama ko at lumapit na nakasimangot pero hinatak n'ya ako palayo kay Maki. "Tara, may kailangan akong sasabihin sa 'yo," sabay hatak sa kamay ko. "Pasensya na Maki. Next time na lang ulit tayo mag-usap," paumanhin ko sa kanya kasi wala na akong nagawa, hatak-hatak na ako ng late comer na 'to. Ang bilis n'yang maglakad—hindi pala naglalakad kasi ang tawag sa ginagawa n'ya, nangangaladkad. Marami nang estudyante ang nakakakita sa ginagawa n'ya sa akin at oo awang-awa siguro sila sa sitwasyon ko. Padabog n'yang binitawan ang kamay ko sa tapat ng hide out nila. "Bayaran mo na 'ko ngayon." Ha? Kinaladkad n'ya 'ko para maningil? Kailan ba 'ko nangutang sa kanya? Ay tama, ‘yong pagiging tour guide n'ya sa Subic na hindi ko matandaan kung pa'no naging utang. Nabudol-budol ata ako. "Ang alam ko bawal ang PDA sa school pero may nakita ako kanina. Pwede na ba kitang dalhin sa guidance office?" nakakunot ang noo n'ya habang sinasabi n'ya 'yon. Bakit biglang doon napunta ang usapan? "Si Maki? Kaibigan ko '‘yong at kailan kami nag-PDA?" "Naka-akbay sya sa'yo. Hindi ba PDA ang tawag dun? " Ay adik talaga s'ya! Seryoso ata s'yang kaladkarin ako sa Guidance Office. Tinatanggal ko ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko pero desidido s'yang ireport ako. Ang malupet binuhat n'ya 'ko na parang sako huhuhuhuh wala akong shorts na suot ngayon. Baka makita nila ‘yong undies ko na pang Thursday, eh Friday na ngayon. Mabuti na lang, may dumating para iligtas ako. Ililigtas n'ya ba ako o humahanap lang s'ya ng paraan para magpapansin? Sinugod n'ya si Zeta-Roma kaya nahulog ako. "Tumakbo ka na, Eunjean! Ako na ang bahala sa kanya!" Pwede wait lang? Nahulog kaya ako. Hindi ako butiki na pagkahulog eh makakatakbo agad. Papansin s'ya! Nakakaasar! Sinasakal ng braso n'yang walang semento ‘yong leeg ni Zeta-Roma. "Hey stupid! Get off!" "Ipinagtatanggol ko lang ang bagong president. Alam kong balak mo s'yang i-t*****e para mapa-drop out mo s'ya diba?" "Teka hindi—" aawat sana ako pero bigla akong na-OP sa away nila. Close nga ata sila. Sila kaya ang i-report ko, sila ang PDA eh. Makalayas na nga tutal ‘yong naman lagi ang sinasabi n'ya sa'kin eh. *** Naglalakad na 'ko dito sa footbridge at naiinis ako kapag naaalala ko s'ya. Ano bang problema n'ya at kinaladkad n'ya 'ko kanina tapos sisingilin n'ya lang pala ako. Inistorbo n'ya ang pag-uusap namin ni Maki! "Engot." Ang ba yan! Kahit sa guni-guni naririnig ko pa rin s'ya. Malabong sundan ako ng taong ‘yong, takot kaya s'ya dito. "Hoy bingi, tumigil ka nga!" Ahh teka, s'ya nga! Paglingon ko nakita ko s'yang hingal na hingal na huminto sa tapat ko. "Teka diba—" "Pwede ako muna? Manahimik ka muna at hayaan mo muna akong magsalita—" Natigilan s'ya sa sasabihin n'ya nang makarinig s'ya ng malakas na busina ng bus. Siguro na-realize na naman n'yang nakaakyat na s'ya sa footbridge, namumutla na naman, ang sarap panoorin. "'Yon nga sana ‘yong sasabihin ko sa'yo, akala ko tuloy hindi ka na natatakot umakyat dito," inalok ko ang kamay ko para tumulong. "May makita lang akong kahit konting ngiti sa muka sinisigurado ko sayong makakatikim ka." "Oo na, ngumingiti ba 'ko?" Hinawakan na naman n'ya ng mahigpit ang kamay ko sa takot at nanlalamig na naman tulad noon. Pa'no ko ba itatago na natutuwa ako sa kanya? Natutuwa, hindi natatawa, magkaiba ng meaning. Sana mahaba pa ang footbridge para matagal n'ya pang hawak ang kamay ko. Pagbaba namin hinintay ko muna s'yang kumalma dahil ang pagkakatanda ko may sasabihin sya. Ang cute n'yang panoorin, oo aaminin ko na, ang cute n'ya talaga. "Linggo, 10 am sa tapat ng Manila Cathedral. Hihintayin kita. Come or Die," mabilis n'yang pagsasalita habang ako hindi ko naman ma-absorb ang sinasabi n'ya. Tama ba ang naririnig ko? Niyaya n'ya ba kong makipagdate? Pero come or die daw eh, ibig sabihin wala akong choice. Nasaan na s'ya? Bigla na lang s'yang nawala? Nag-disappear na lang, ay di bale. Manila Cathedral, hintayin mo lang kami! Teka? Manila Cathedral? Pa'no nga pala makakarating doon? Sunday morning, nakasakay na ko sa LRT, hindi ko malaman ang kaba ko. Bakit ganito? Oh my! Oh my! Nangangatog ang tuhod ko! Ay bahala na! Ang mahalaga makarating doon. Simbahan ‘yong kaya wala naman siguro s'yang balak na masama sa'kin. Nasa byahe na nga ko pero may isa akong malaking problema. Naliligaw na ata ako. Saan ba 'ko bababa? Kainis! Andito na ko sa last station eh! Lumabas na ko, nakakainis! Past 10 na eh. Siguradong andun na s'ya at galit na galit. Patay ako bukas sa kanya for sure! Uupo muna ako sa bench para mag-isip ng gagawin. Tumunog ang cellphone ko na agad ko namang sinagot. "Hello?" "Hindi ka dumating!" S'ya 'tong kausap ko sa kabilang linya, high blood na naman. "Sorry naligaw kasi ako," pagpapaliwanag ko para i-save ang sarili ko. "Naligaw? Nasaan ka na ba?" "Andito sa Roosevelt Station—" Hala! Empty battery na ang cellphone ko! Wrong timing naman oh! Sinubukan kong i-on ulit ang 3210 ko pero sa kasamaang palad wala na talaga s'yang kaya pang itulong sa akin ngayon! Uuwi na ba ko? Hindi naman magsasayang ng oras ang taong ‘yong para puntahan ako dito. Ano Eunjean? Maghihintay ka ba sa wala? Hindi ako pupuntahan nun kasi wala sa personality n'ya ‘yong. Ilang beses n'ya kaya akong na-bully, pinahagad n'ya 'ko sa aso, tinapon n'ya ang sapatos ko sa haunted house, inagaw n'ya ang PE uniform ko, kinakaldkad n'ya ko, inaagaw n'ya ang baon ko at marami pa. Tapos heto ako hinihintay s'ya? Maghihintay? Hindi Maghihintay? Aalis? Hindi aalis? Hindi ko alam. Thirty minutes na ang lumipas, hindi naman talaga s'ya darating, umaasa lang ako. Pero ang totoo talaga, naghihintay ako kasi umaasa akong darating s'ya. Hay Eunjean, ano bang iniisip mo? Na magiging mabait na s'ya sa'yo this time? "Bakit mo 'ko pinatayan ng cellphone!" Pag-angat ng ulo ko, nakita ko s'ya, dumating s'ya! Hinihingal pa s'ya at pawisan. "H-hindi! Nalowbat ‘yong cellphone ko." Ipapakita ko pa sana ‘yong cellphone pero hindi na n'ya pinansin. Umupo s'ya sa tabi ko at nagpaypay ng panyo. Pinaypayan ko rin sya ng panyo ko. "Nagmadali ka bang puntahan ako dito?" Ay bakit ko naman tinanong ‘yong sa kanya! Baliw ka, Eunjean! Pinitik n'ya lang ang noo ko, "In your dreams. Exercise 'to, work out, ganun, okay? Itapon mo na yang cellphone mo, wala na n'yang load, madali pang ma-lowbat." Kawawang cellphone, dami na n'yang napalang panghuhusga galing dito sa taong 'to. "Tara na," tumayo s'ya at hinawakan n'ya ang damit ko para tumayo, s*****a talaga. Pagtayo namin sa train platform, may iniabot s'yang stored value ticket. "Sa'yo yan. Ayokong pumila mamaya sa counter pag-uwi natin. Kapag nawala mo yan, maglakad ka pauwi." Habang naghihintay kami ng train, naku-curious ako sa kanya, maglalakas loob akong magtanong, mas okay na ‘yong kaysa manahimik na lang ako. "Pwedeng magtanong?" "Bawal." Edi 'wag! Sungit. Kukumustahin ko lang sana kung anong nangyari kahapon sa kanila ni Alisson. Mukang kasing na-miss nila ang isa't isa. Dali-dali s'yang pumasok pagbukas ng pinto ng train. Hindi na n'ya ko pinansin sa loob, pareho kaming nakatayo pero s'ya nakapwesto malayo sa'kin. May mga katabi akong malilikot. Bakit ako sinisiksik ng mga lalakeng to? Ano bang problema nila? T-teka, nararamdaman ko na bumubukas ang backpack ko sa likod. Magnanakaw ba sila? May balak ba silang nakawin ang telepono ko! Mali sila ng nanakawan! Hindi nila madaling makukuha ang cellphone ko nang ganun-ganun lang! Ako kaya ang president ng student council— May humawak sa braso ko, nilapitan n'ya pala ako at hinila palayo sa mga lalakeng ‘yong. Hinawi n'ya ang mga tao na parang wala s'yang pakielam kung nagsisiksikan ang mga tao at makaabala kami sa ibang pasahero, humingi na lang ako ng paumanhin sa kanila. Sa kabilang side niya ko dinala at isinandal malapit sa pinto at nakatapat s'ya sa'kin. Kulang na lang dumikit ang muka ko sa dibdib n'ya. Tumingin ako sa muka n'ya, seryoso s'ya eh kaya hindi na 'ko nakapagsalita. Nanahimik na lang ako. "May balak ka bang manggulpi? Hindi 'to Oxbridge," pabulong na sabi n'ya sa'kin, "mapapahamak ka nyan." hala! Ang lambing ng pagkakasabi n'ya nun! Hala! Anong nakain nito? "Hindi na po," matipid kong sagot. Sa bagay tama s'ya, baka magkagulo pa dito. "Sa susunod 'wag ka nang lalayo, okay?" Tumungo lang ako. Matagal pa siguro ako sa ganitong sitwasyon. Habang tumatagal napupuno ang LRT at lalo akong dumidikit sa kanya. "Naiilang ka ba? Okay lang yan. Mas matanda ka naman sa'kin, diba?" Sa mga oras na 'to nagagawa n'ya pa 'kong asarin. Sinilip ko ang muka n'ya, salamat naman at nakangiti na s'ya ngayon kaya medyo nakahinga na 'ko ng maluwag. "Sinong niloko mo. Alam kong twenty four ka na." "Interested ka talaga sa'kin noh? Inalam mo pa talaga," pang-aasar n'ya sa akin. Hindi na 'ko nakasagot. Nakadungaw lang s'ya sa labas habang ako abala sa pagtitig sa muka n'ya. Maganda na ulit ang aura n'ya hindi katulad kanina. Sa Manila Cathedral napa-wow ako at napanganga lang nang makapasok kami sa loob. Sobrang ganda! May kung anong supernatural feeling kang mararamdaman kapag pumasok ka. Naupo kaming dalawa sa bandang likuran. Walang misa pero marami rin ang nagdadasal. Ako rin maraming dapat ipagpasalamat, gaya ng second life ko. "Thank you po at sinundo n'ya ako para makarating dito. Maraming salamat po at nakarating po kami ng ligtas," dasal ko. "Kailangan mo bang i-voice out ang dasal mo at marinig ko lahat?" nakakunot na naman ang noo n'ya pero maya-maya ay ngumiti naman. "Ay narinig mo ba? Sige hihinaan ko na lang, uulitin ko ba?" Umiling na lang s'ya na nakangiti, nagpapa-charming ba s'ya? Pinanood ko na lang ang pagdarasal n'ya, hindi mo aakalain na may ganyan s'yang side. Siguro humihingi s'ya ng sorry para sa lahat ng na-bully n'ya noon. Lumabas kami ng simbahan at bigla namang umulan. Patay, ayaw n'ya pa naman sa ulan? Tumakbo kami sa nakita naming shed. "Napapansin mo ba?" seryoso n'yang tanong kaya na-curious tuloy ako sa sasabihin nitong kasama ko. "Napansin ang ano?" "Na sinusundan ako ng malas kapag magkasama tayo. Lagi na lang kasing umuulan kapag kasama kita," sabay tingin sa 'kin na may halong paninisi. Aba hindi ba pwedeng rainy season na? Sinisi pa sa akin ang panahon, grabe naman 'tong taong 'to. "Edi dapat pala si Alisson ang inaya mo dito," naks naman nailusot ko pa 'yon? Kanina pa kasi ako curious eh. "Ay ba't nga ba hindi s'ya noh?" pangbwisit n'ya sagot kaya tumahimik na lang ako. Ano ka ngayon, Eunjean. Narinig mo na ang dapat mong marinig. Nawala lang ako sa concentration sa pagtahimik ko nang exaggerated na nag-ring ang phone nitong kasama ko. Hindi nya pinapansin ang pag-ring ng phone n'ya kaya na-bother na ako sa ingay. "Sagutin mo kaya muna ang phone mo?" "Hayaan mo s'yang maghintay," Pero nakatingin pa rin ako sa kanya para mapilitan s'yang sagutin ‘yong tawag, ang ingay kaya. "Hello Stef? Siguraduhin mong importante yang itinawag mo! Oo may kasama ako…Gusto mong makausap? Kaso busy sa paglipad si Darna baka mabunggo kami—" Tiningnan n'ya 'ko na parang itinatago n'ya ang cellphone sa'kin pero dahil malikot ang mata ko nahagip ko ang wallpaper n'ya. Hindi ko nakita ‘yong muka kasi natakpan ng kamay, pero nakasuot ng uniform ng school namin. Si Elisha siguro. Itinatago n'ya ba sa'kin dahil baka magsumbong ako kay Stefan? Naalala ko na may baon pala akong payong kaya agad ko ‘yong inilabas. "Gusto mong sumilong?" Pagyaya ko sa kanya. "Nagpayong ka pa, transparent naman. Edi nasilaw din ako," sawang-sawa na ang tenga ko sa mga reklamo n'ya. Ano bang ginawa ko sa nakaraan kong buhay para parusahan akong makinig sa lahat ng reklamo n'ya ngayon? "Hindi ka ba napapagod sa kakareklamo, Zeta-Roma?" "Lavi ang pangalan ko, okay? Tawagin mo ko sa pangalan ko.." May sumpa siguro ang pangalan n'ya kasi hindi ko magawang bigkasin. Baka maputol ang dila ko kapag nagpumilit ako, 'wag na nga lang. Sumakay kami ng pedicab at si kuyang driver ang daming trivia na sinabi. Na-amazed naman ako, para kaming nag-fieldtrip nitong kasama ko, grabe ang saya para kaming nasa lumang panahon. Nang tumila ang ulan nagtatakbo ako sa itaas ng wall at nilapitan ang mga sinaunang kanyon. Ang astig dito sa Intramuros! Habang ako masayang-masaya, s'ya naman pakiramdam ko walang paki-elam, pinapanood n'ya lang ako. Hindi naman mukang bored ang itsura n'ya pero hindi s'ya kasing energetic ko. "Picture-an mo naman ako," biro ko dahil wala akong kahit konting pag-asa na papatulan n'ya ang biro ko. Kinuha n'ya ang phone sa bulsa at na-shock akong pinatulan n'ya ang biro ko kanina. Sayang naman kung babawiin ko kaya sinakyan ko na at nag-pose na lang ako. Natatawa ako kasi kahit sa pagkuha ng picture dinibdib n'ya, sinisigurado n'yang maganda ang anggulo at mga pose ko, nakahanap pa ako ng instant photographer. Bumili s'ya ng siopao at binigyan ako, ginutom ata sa pagkuha sa 'kin ng picture. Patola din ako eh kaya nilubos-lubos ko na. "May alam akong kwento tungkol sa mga siopao—" panimula ko sana. "—Utang na loob! Sawang-sawa na ko sa mga urban legend ni Stef kaya please kahit ngayong araw lang wala munang kwento, okay?" Hindi pa nga ako nagsisimula ayaw na agad? Pa'no kaya kapag nalaman nya na bali-balita na pusa ang palaman ng mga siopao, siguradong mawawalan s'ya ng gana. "Mga bata, naaalala n'yo pa ba kami?" May mga lalakeng bigla na lang sumulpot sa harapan namin, teka, sila ‘yong mga katabi ko sa LRT kanina pero hindi sila pinapansin ni Lavi kahit marami nang sinasabi ‘yong mga lalake, tuloy-tuloy pa rin s'ya sa pagkain ng siopao. "Ano bata! Hindi ka makapagsalita? Sige ubusin mo lang yang siopao mo! Masarap ba ang palaman na pusa?" Natigilan si Lavi sa pagkain at tumayo, mukang galit na galit. Kailangan ko s'yang pigilan bago makipag-away dito, nagtatawanan pa ‘yong mga bandido na 'to, lalo tuloy naiinis si Lavi eh pikon pa naman to. "Ikaw bata ka, inistorbo mo kami kanina sa trabaho namin sa LRT wala tuloy kaming kinita kaya sa inyo kami babawi," paninindak ng isang bandido habang si Zeta-Roma naman pinahawak sa akin ang phone at wristwatch n'ya. "Sabi ko sa'yo kanina eh dapat kinarate ko na sila sa LRT eh," pang-aaway ko sa kasama ko. "Anong gusto mo, hayaan kitang maging bida doon habang ako tagapalakpak mo?" bara n'ya sa 'kin sabay abot naman ng wallet n'ya. "So ‘yong pala, kaya ayaw mo 'kong makipagbakbakan kanina kasi gusto mong ikaw ang bida?" "Hoy hoy hoy! Ano 'to out of place kami? Kayo na ang magkaaway? Kami ang bida dito. Amin na mga gamit n'yo kung ayaw nyong masaktan." "Teka kuya, ibibigay ko na lang sa inyo ‘yong cellphone ko tapos umalis na lang kayo agad, pwede ba ‘yong?" Iniabot ko ‘yong 3210 ko pero pinagtawanan lang nila, nakakainsulto ang mga pangit na 'to. Matibay kaya 'to! Ibato ko pa 'to sa mga muka nila eh! Pang-aasar! "Inaasar mo ba kami? Eh kasing tanda na ata ng lugar na 'to yang cellphone mo! Bwahahahaha!" Hindi na sana ako makikielam pero kinutya n'ya ang cellphone ko eh. Sumugod ako at lumundag para daganan s'ya. Sino ka para laitin ang cellphone na bigay ng Papa ko? Kinagat ko ang braso ng pangit na ‘yong hanggang bumaon ang pangil ko para magkarabies sya! "Hoy president! 'Wag kang epal! Ako ang bida dito!" hinihila ako ni Zeta-Roma para awatin pero nahablot ng kalaban ko ‘yong kamay ko at napilipit. Pang-asar pa'no ko sila uupakan ngayon! Fight scene ko 'to. Nasaan na pala ‘yong kasama ko? Lagot. Galit na galit na s'ya. Pa'no ko isisingit ang action scene ko ngayon? Nagwawala na naman, pinagsusuntok n'ya ‘yong limang bandido kahit marami na rin s'yang tama. Napatumba rin n'ya ang mga bandido at meron pa s'yang pinagsusuntok kahit nakahiga na sa semento. Oo na malakas ka na, wala ka ngang tinira para sakin eh. "Sinira mo ang merienda ko! ANG LAKAS NG LOOB MONG SABIHIN NA PUSA ANG KINAKAIN KO!" sigaw n'ya bago nya pakawalan ang huli nyang suntok sa muka. Ngek. Kaya ba s'ya galit na galit? Buti na lang pala hindi ko tinuloy ‘yong kwento ko kanina kundi yan din ang sinapit ko. Buti na lang may lakas pa ‘yong mga bandido na tumakbo palayo kay Zeta-Roma dahil may balak pa ata 'tong kasama ko ng round two. Goodbye malupet na action scene. Nilapitan n'ya ko tiningnan ako. May sugat s'ya sa may labi pero bukod dun wala na kong makitang black eye o pasa sa muka n'ya, baka bukas pa ang labas ng mga pasa. Tiningnan n'ya ang kamay ko saka hinatak, grabe ang sakit! Problema nito! Ang s*****a n'ya talaga pero biglang nawala din agad ‘yong sakit ng braso ko. ‘yong totoo? Albularyo ba s'ya? "Ano? Saan pa masakit?" tanong n'ya pa pero umiling na lang ako, pinunasan ko ‘yong nagdurugo nyang labi tapos hinawakan n'ya ang kamay ko. "Muka tayong nagsho-shooting ng action movie," hiyang-hiya n'yang pag-awat sa 'kin kaya pigil na pigil ako sa pagtawa. Oo nga noh ganito kasi lagi ‘yong mga scene na napapanood ko, pero tinitigan n'ya ulit ako. Patay. Ayokong matunaw ngayon sa harap nya. Muka syang may sasabihin pero hindi pa rin maaalis ang katotohanang inagawan mo ko ng eksena. "Aminin mo nga—" Ano kaya ang sasabihin nito? Anong pinapaamin n'ya sa akin? Hindi ako handa! Hindi! Kumakalampag na naman ang puso ko! Lagi na lang n'yang ginagawa sa'kin 'to! "Sabihin mo, hindi totoo na pusa ang palaman ng siopao diba?" Anak ng pusa! Pusa pala ang concern n'ya! Muntik na akong mag-heart attack kanina! "Ahh ehh, oo tsismis lang 'yon," sagot ko na may halong disappointement. Medyo maging hoping ako kanina ng ilang percent. "Mabuti naman…akala ko— ah basta! O nakita mo na? Ako talaga ang bida dito, masarap ba ‘yong balat ng kaaway mo kanina hahahaha kawawa naman s'ya. Baka maimpeksyon s'ya sa dugo, wala pa naman s'yang pampa-hospital," tuwang-tuwa s'ya sa mga pinagsasabi n'ya samantalang kanina halos ipagkamatayan n'ya ‘yong issue ng pusa at siopao. Nagpatuloy ulit kami sa paglilibot at sumakay ulit ng pedicab. Masipag magbigay ng trivia ang mga driver dito, kakatuwa. Nalaman ko tuloy ang dating school ng pambansang bayani at ang building na nasa one hundred pesos. Nadaanan ulit namin ang Manila Cathedral pero sa kabilang dulo naman daw kami pupunta. Nagpunta kami sa Fort Bonifacio at nasayahan ako sa pa-fountain dito. Kahit pahapon na maraming tao pa rin ang namamasyal, gusto ko sanang mag-wish kaso alam kong babarahin na naman ako ng isa d'yan. Ang bilis ng oras, hapon na agad. Kakarating lang namin dito eh. Hindi ba pwedeng mag-extend ang araw sa duty n'ya? Kahit sandaling over time lang oh. Ang ganda pa naman dito at isa-isa nang nagsisindihan ang mga ilaw, ang romantic tuloy tingnan. Ang sarap tumambay dito habang palubog ang araw. Masarap tumambay dito kasi kasama ko s'ya. Bigla akong napaisip habang nanonod sa papalubog na araw. Bakit nga pala kami magkasama ngayon? Gusto ko s'yang tanungin pero hindi ko ata kayang magtanong. Baka sabihin n'ya pa binibigyan ko ng meaning ang paglabas namin na 'to. "Masaya ka ba sa laro natin?" Ha? L-Laro daw? Bigla naman akong nalungkot sa sinabi n'ya. Laro? Alam kong hindi 'to date, pero laro? May iba ka pa sanang ginamit na mas magandang term para sa ginawa natin ngayon. "M-masaya," nauutal kong sagot na punong-puno ng lungkot. Masaya sana. "Gusto mo na bang umuwi?" muli niyang tanong. "Oo." Ayoko pa sana. Tumayo s'ya. Game over na ata. "Then, let's go." Tapos na nga ang laro, playmate n'ya lang talaga ako. Rush hour kaya maraming rin ang naghihintay sa train platform, naggigitgitan ang mga tao sa pag-asang makakauwi sila ng maaga. Dumating na ‘yong tren at hindi ko na makita si Lavi, napalingon kasi ako tapos pagbalik ng tingin ko nawala na agad ang kasama ko. Nagtutulakan na ang mga tao para makapasok at parang inaanod na 'ko sa kanila. Teka nasaan na ba s'ya? Nakapasok na kaya? Hindi ko na s'ya makita. Hindi rin naman ako nakapasok. Naiwan na ako ng tren, naiwan n'ya 'ko. Sabagay okay na rin ‘yong para hindi n'ya mapansin na malungkot ako. Hahahaha bakit ako malungkot? Dahil sa mga sinabi n'ya? Na laro lang pala 'to para sa kanya? Lagi naman akong naiiwan ng tren. ‘yong mga dati kong kaibigan masaya na sa narating nila, pero ako heto pa rin, naghihintay lang lagi. Naghihintay na ma-expire ang second life, naghihintay na may darating, naghihintay sa wala. "Akala ko nawala ka na, Eunjean," paglingon ko nakita ko s'ya na nakangiti sa'kin. Tama ba ang narinig ko? Tinawag n'ya ba 'ko sa pangalan? Inisip ko na nakasakay na s'ya at nauna na sa'kin. Hindi ko alam kung hinintay n'ya ba 'ko, hinanap o nagkataon lang na hindi rin s'ya nakasakay sa naunang tren. "Akala ko naman iniwan mo na 'ko, kung ginawa mo 'yon yari ka sana sa'kin bukas," banta n'ya pa pero nakangiti naman. "Ikaw ‘yong biglang nawala," hindi naman s'ya nagpapatawa pero napangiti ako na malaman na hindi pa pala s'ya nakakasakay. "Humawak ka kaya sa damit ko para hindi ka na mawala ulit," natatawa ako sa kanya kasi hinatak n'ya ‘yong laylayan ng damit n'ya na gustong ipahawak sa'kin. "Ano 'ko? Bata?" "Malapit na dumating ‘yong susunod na tren. Ayaw mo talaga?" pangungulit n'ya ulit. Hindi ata ako tatantanan ng taong 'to. "Ayoko nga," pagmamatigas ko. "Magsisiksikan na, ayaw mo ba talaga?" "Ayaw nga sabi." "Bubukas na ‘yong pinto. Ayaw mo talaga?" "Ayaw." Bumukas ang pinto. Hindi ako nakahawak sa damit n'ya pero hinawakan n'ya ang kamay ko. ♪Never ending nights when I'm alone with you..♪ ♪A lifetime of dreams coming true..♪ ♪Nothing comes close to what we have right now..♪ ♪You're the only one that matters now. ♪ Hawak n'ya ang kamay ko! Seryoso ba 'to! Hindi! Walang malisya, Eunjean! Wala 'to! Wala 'to. Ginawa n'ya lang 'to para hindi s'ya habulin ng mga tanod in case mawala ako at hanapin ako ng parents ko kapag hindi ako nakauwi sa amin. Kahit nasa loob na kami hindi n'ya pa rin binibitawan ang kamay ko. Hindi naman 'to holding hands kasi hindi naman magka-lock ang mga daliri namin pero the fact na hawak n'ya pa rin ang kamay ko nati-tense na ako. Sana hindi na huminto ang LRT, pakiramdam ko kahit siksikan sa loob ng tren kami lang dalawa ang pasahero. "Laro lang ba talaga para sa'yo 'to?" Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Biglang naging ganito ang tono ng mga tanong n'ya o ako lang 'tong nag-aassume na may kakaiba sa tonohan ng boses n'ya? "Para sa mga bata lang ang paglalaro. Hindi na tayo bata." Hala! Ano 'yon, Eunjean! Anong pinagsasabi mo! "Hindi bata? Eh naniniwala ka pa kay Santa eh." Aalisin ko na sana ang kamay kong hawak n'ya, ayaw lang bitawan. "Sige ka, kapag nawala ka hindi ka na makakauwi sa inyo," nanakot pa nga. Sino kaya ang isip-bata sa aming dalawa. "Y-’yong sakit mo pala dati, okay ka na ba ngayon? I mean healthy ka na ulit?" Nawindang ako sa itinatanong n'ya kaya hindi ako agad nakasagot. Anong sasabihin ko? Magsasabi ba ako ng totoo o dadagdagan ko ang mga kasalanan ko? "Bakit mo naman naitanong?" "Di bale na. Hindi nga pala ako interisado," bigla n'yang pagsusungit. Ngayon lang ako natuwang nagsuplado s'ya at hindi na ako inusisa pa. *** Isang kanto na lang bahay na namin, napahinto ako dahil may nakita akong wishing star. "Sandali! May wishing star oh!" pagturo ko sa langit. "Ang tanda mo na para maniwala sa mga ganyan, kasasabi mo lang kanina na hindi ka na bata." Pagdating sa gate namin pakiramdam ko may kulang sa gabing 'to at bilang pasasalamat kailangan ko ‘yong ibigay sa kanya. Nakatalikod na s'ya pero naglakas-loob na ako, hindi natin masabi ang buhay dahil baka bukas hindi ko na talaga mababanggit ang pangalan n'ya. "Salamat nga pala, Lavi." Humarap s'ya sa'kin na parang ewan ang muka, hindi ko ma-explain ang reaksyon ng muka n'ya, may balak pa atang lumapit sa'kin at ipaulit ang sinabi ko pero nararamdaman ko nang umaakyat sa pisngi ko ang dugo ko kaya kumaripas na ko ng takbo papasok ng bahay. Pagbanggit pa lang pangalan n'ya pulang-pula na ako, paano pa kaya ‘yong kanina sa tren? Pagsara ko ng pinto, nakahinga ako ng maluwag. Sapat na ‘yong kanina para masabi kong ini-enjoy ko ang second life na ibinigay sa'kin kahit pa may expiration date at malapit nang dumating ang oras na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD