6. Beside Me

5388 Words
"Ang pangit ko matulog?" Ang lakas ng trip ng gumawa nito! Maitapon nga! Pinanood n'ya ba kong matulog! Kainis! Bakit hindi ko naramdaman na dinikitan ako nito sa noo. Maihagis na nga to—Ay hindi, sayang ‘yong star, ang cute. Habang maglalakad ako pauwi, may narinig akong bumusina mula sa likuran ko. Si Stefan? "Bakit mag-isa ka lang naglalakad, president? " Naaya n'ya akong pumunta sa playground na malapit lang din naman mula sa bahay. Nakaupo ako sa swing habang s'ya naman abala sa ginagawa n'yang pagduyan. "Bakit madalas kitang makita dito sa lugar namin," usisa ko, hindi lang kasi 'to ang unang pagkakataon na nagkita kami dito. "Malapit lang bahay namin dito. Walking distance lang sa school, ikaw din ba?" Tumango lang ako. Ewan ko kung bakit naalala ko si Zeta-Roma at mga sikreto nya. Masyado akong interested, nakakainis. "Okay lang ba kung magtatanong ako sa'yo tungkol—" "Kay Lavi? Okay lang naman. Basta 'wag lang tungkol sa love life nya ah. Wala akong access dun," parang hindi ko kayang ituloy ang pagtatanong ko, nahiya ako bigla pero opportunity na 'to eh. "Bakit ba n'ya ginagawa 'to? I mean ang daming ibang way para makaganti pero ‘yong ginagawa n'ya parang ang isip-bata," medyo ang straight ko doon at nakalimutan kong magkaibigan sila. Hindi naman siguro ako isusumbong nito. "May sariling paraan si Lavi para makapang-asar." "Sabagay, ako nga—" "See." Ayoko na nga mang-usisa. Ayokong magpahalatang gusto kong makiusisa sa buhay ng taong 'yon. "Nag-divorce kasi ang parents n'ya five years ago at sumama ang papa n'ya sa ibang babae. Then, namatay si Tita Rosary. Do you still remember tsunami incident sa Japan? March 11, 2011? Kasama ang Mama n'ya sa mga namatay doon." Nonstop na ang pagkukwento n'ya pero ako naman nalungkot sa mga nalaman ko. Kung iisipin mo, mag-isa na lang pala sya. Walang mama at may ibang asawa na ang Papa n'ya. "Nagpunta ang mama n'ya sa Miyagi Prefecture for some business then tsunami happened." "Okay lang bang malaman ko lahat nang 'yan?" "His story is not a secret. Gusto ko kahit pa'no may makaintindi sa kaibigan ko kung bakit s'ya ganun. Now, hindi na lang ako ang makakaintindi sa kanya. Dalawa na tayo diba?" Kailangan ko s'yang maintindihan? Wala naman akong kinalaman sa kanya. Trip n'ya lang akong bwisitin. Bukod dun, meron pa ba 'kong silbi sa kanya? Wala naman na. "Oo nga pala Ms. President, maaga tayo bukas. 'Wag kang magpapa-late ah." Tumayo na s'ya at nagpaalam. Ano daw? Ano nga ang meron bukas? HALA! Fieldtrip nga pala namin! ‘Yong jogging pants ko hindi ko pa ata nalalabhan. Mag P.E. uniform daw kasi kami bukas. Pinaghandaan ko pa naman ang fieldtrip pero sa di malamang dahilan, nakalimutan ko ‘yon. Siguradong magiging masaya bukas! Isang bagong masayang alaala. *** Lavi's POV : Magaling. Sobrang galing. Nakakabadtrip. Sobrang init dito sa bus na gagamitin namin papapuntang Subic kahit may aircon. "Kasabay talaga natin ang 4B sa bus? Pwede naman nating gamitin ‘yong kotse, ayan tuloy iritable ka," napansin pala ni Stef na hindi na 'ko mapakali pero mukang handang-handa s'ya sa fieldtrip na 'to. Nakasando at naka-summer shorts kaya patay na patay tuloy ‘yong palaka. "Kanina pa kaya ako naghihintay dito. Nabubugnot na 'ko." Nakakainip! Ang iingay ng mga batang kasama namin. "Ang aga mo kasing umalis ng bahay." "Pinapalabas mo bang excited ako?" "Sabi ko nga, time is gold." Nakapwesto kami dito sa dulo ng bus. Pwesto 'to ng hari. "Hoy chuchay wala pa rin si Eunjean. Nagtext na ba sa'yo?" Naririnig ko ‘yong pag-uusap ng dalawang kaibigan ni President, wala pa rin ang babaeng ‘yong. Nakasuot ng P.E uniform ang buong 4B habang kami ni Stef nakaporma na pang-summer. Nakatalumbaba ako sa bintana ng bus, hindi pa rin dumarating ‘yong dahilan ng pagsama ko sa fieldtrip na 'to. "Wait lang! Ihinto n'yo ang bus! Sasakay ako!" May sumigaw mula sa labas. Hinahabol ni President ang bus namin, inilabas ko ang ulo ko sa bintana ng bus para tingnan sya. "Lavi mag-usap tayo! 'Wag mo 'kong iwan nang ganito!" "Wala na tayong dapat pag-usapan, hindi totoo si santa kaya—" Ay peste! Ano ba 'yon! Bakit ako nag-iimagine ng ganun? Imagination? Bakit ako nag-iisip ng ganun? Hindi ‘yong imagination. HALLUCINATION. Hindi s’ya umabot. Umalis ang bus namin na walang president na dumating. Boring. Walang kalaro. After four hours, nakarating din kami sa Subic. Limang bus ang gamit ng school. Maraming turista ngayon dito na kasabay namin. Hindi naman view at beach ang ipinunta ko dito, ay ewan, matutulog na lang ako sa hotel namin. 'Wag silang umasa na magpaparticipate ako sa mga activity nila, pero dahil sa pagkaladkad sa'kin ni Stef napasama ako dito sa Ocean Discovery Aquarium. Hindi lang pala puro isda ang makikita dito sa loob, may palaka rin pala. A’yong at nakadikit sa braso ng kaibigan ko. Ang sarap hatakin at ilublob sa tubigan. Nakipagtitigan sa'kin ‘yong isang isda. Hindi n'ya ba alam na wala ako sa mood ngayon. "Anong tinitingin-tingin mong isda ka? Gusto mo bang iprito kita ah!" Natapos ang tour na puro hikab lang ako, ang boring talaga. Papunta na ko sa hotel nang makita ko ang kotse ng tatay ko, kararating n'ya lang. Sira na ang araw ko at ayokong dagdagan n'ya ‘yon. Bibilisan ko na lang ang paglalakad para hindi nya ko makita pero, teka. May isang babae ang bumaba mula sa kotse ng tatay ko. Si President? "Sir, thank you po talaga sa pagpapasabay n'yo po sa'kin." "You're welcome. Buti na lang at naabutan mo pa 'ko. Oh sige na hija, mauuna ka na sa hotel at ipa-park ko pa ang kotse." "Sige po Sir, thank you po ulit." Lalapitan ko sana si president pero may tumakbo at yumakap sa kanya kaya hindi na lang ako nagpakita. "Anong nangyari sa'yo baduday? Buti nakarating ka." "Eh kasi ‘yong jogging pants hinintay ko pang matuyo kaso hindi talaga umabot eh. Kaya naka-shorts lang ako, pagdating ko sa school wala na kayo, buti nandoon pa si Sir Morris at isinabay ako." Paminsan-minsan rin pala, may silbi rin ang tatay ko. Hindi ko malapitan si President para asarin, marami kasing asungot. Marami pa namang ibang pagkakataon. Biglang gumanda ang mood ko. Eunjean's POV : Muntik na kong hindi maka-abot dito sa fieldtrip. Sa iisang kwarto lang lahat ng 4B girls, mag-isa na lang ako dito habang lahat ng mga classmate ko nag-i-enjoy na sa beach. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Zeta-Roma na nakasandal sa pader na katapat ng pintuan namin. "Bakit na naman? Pagti-tripan mo na naman ako? Wala ba kong day-off?" Ano bang pinagsasabi ko? Ay grabe tumatawa s'ya. Ang charming n'ya tumawa. Ay! Adik ka Eunjean! Ano ba yang iniisip mo? "Anong pinagsasabi mo, engot? at anong outfit yan? Pupunta ka ba sa palengke? " "Nandito ka ba para bwisitin ako?" Tumingin s'ya sa wristwatch n'ya, "medyo late nga ako sa schedule ko para asarin ka eh." Tapos ngumiti lang s'ya at umalis. Anong problema nun? Nagpapa-charming tapos lalayas. Ano kaya 'yon? *** Ang saya ko ngayon. Naglalaro kami nina Dom at Dash, may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga classmate ko. Basta ang saya ko. Ang dami kong masayang alaalang naiipon. Sa sobrang pagod, napapikit ako habang nakahiga sa buhanginan. Hindi ko na rin namalayanan na nakatulog na pala ako. Wow, ang sarap ng idlip ko at gabi na. GABI NA? Ang haba pala ng naitulog ko. Ang ganda ng langit. Ang sarap panoorin. Hindi ako magsasawang titigan yan. "Kahit isang beses lang naman oh. Bigyan N'yo naman po ako ng wishing star," sabay kunwari inaabot ko ang langit. "Sinong kinakausap mo? Si Santa?" Hala sino ‘yon! Narinig n'ya lahat ng mga sinabi ko! Pagbangon ko nakita ko s’ya. Si Zeta-Roma.. "Kanina ka pa dyan?" Nakakahiya talaga. Sa lahat ba naman ng pwedeng makarinig bakit s'ya pa? Lakas pa naman n'yang manglait. "Humihilik ka pa lang nandito na 'ko—" "—hindi ako humihilik!" "May video ako habang humihilik ka. Gusto mong makita?" Nasa maganda akong lugar para makapag-relax pero kasama ko ngayon ang pinakamalakas mangbwisit na taong kilala ko. Ang salbaje talaga n'ya. Ipakain ko kaya sa kanya lahat ng buhangin dito sa beach. Tumayo si Zeta-Roma tapos bigla s'yang tumingin ulit sa'kin. "Tara may pupuntahan tayo." Niyayaya n'ya ba 'ko o inuutusan? Sa Ocean Discovery Aquarium. Oh my! Oh my! Ang ganda dito! Akala ko hindi na ko makakapunta dito kasi nahuli ako sa tour kanina. Ang sarap dito! Ang daming isda pero ang nakakapagtaka kaming dalawa lang ni Zeta-Roma ang tao dito. Ang weird n'ya pa kasi kinakausap n'ya ‘yong isda? Ano kayang topic nila? "Maswerte ka ngayong isda ka dahil papayagan kitang tingnan ako ng ganyan ngayon." Kunwari hindi ko sya nakitang nakikipag-usap sa isda, ako na naman ang pag-iinitan n'ya eh. "Takot din ang isda sa pusa diba? Pareho pala kayo, subukan mo kayang makipagkaibigan sa kanila?" Nilakihan n'ya lang ako ng mata. Sige na nga, kunwari wala akong sinabi, tinalikuran ko na lang s'ya pero may sinabi pa s'ya sa isda. "Ang galit sa mga kaaway ko, kaibigan ko. Welcome ka sa Zeta-Roma, puntahan mo lang ako sa hide out ko." Sumunod s'ya sa'kin matapos n'yang makipagusap sa isda. "Alam mo ba kung magkano ang bayad kapag pinarentahan mo 'tong buong Ocean Discovery Aquarium?" "Aba malay ko. Wala akong idea." "Wala ka talagang kaalam-alam sa mundo. Kawawa ka talaga," sabay iling na parang awang-awa sa akin. "Tutal hindi mo kayang gamitin yang utak mo, kailangan mo kong bayaran next time as your tour guide, mahal ako maningil." Ano bang pinagsasabi n'ya? Tour guide? ‘yong isda lang naman ang pinagkaabalahan n'yang tingnan. Bakit ba 'ko sumama sa kanya? "Diba ang field trip? Sa mga museum at zoo? Hindi pa kasi ako nakakagala dun. Bakit kaya ngayon sa beach tayo ?" Bigla kong usisa sa kanya kahit hindi kami close. "Wow! Museum? Zoo? Nakakaawa ka talaga." Binara na naman n'ya 'ko, pero nakakatuwa ‘yong muka n'ya kapag inaasar ako. Nasasanay na ba ko sa mga sinasabi n'ya sa'kin? Paglabas namin umambon pala. Masaya naman s'ya kanina pero nang tingnan ko ulit si Zeta-Roma naging malungkot ang muka n'ya. Umupo ako sa hagdanan para magpatila habang s'ya nakatayo lang at tahimik. Ilang minutong katahimikan rin bago s'ya nagsalita ulit. "May Seasonal Affective Disorder ako." Hindi ko maintindihan kung bakit bigla s'yang nag-open up sa'kin at nagkwento ng tungkol sa kanya. "Seasonal affective ano? Nakakahawa ba ‘yong?" "Nagbabago ang mood ng isang taong meron nito depende sa klima o sitwasyon ng paligid n'ya. Sa kaso ko, naiirita ako kapag mataas ang araw, goodmood ako kapag gabi pero kapag umuulan—" "—nalulungkot ka? " "Hindi literal na nalulungkot. Basta ayoko sa ulan." Ngayon alam ko na ,ayaw n'ya sa ulan. Naalala ko ‘yong nakita ko s'ya noon sa hide out nila at pinapanood ang pagbuhos ng ulan. "Pero minsan maganda ang ulan." "Hindi mo mababago ang isip ko." Bakit ko nga ba ipinipilit? Ako lang naman ang masaya na umuulan ngayon. Hindi n'ya kasi maiintindihan, na ang kinaiinisan n'yang ulan ang isa sa pinakamasayang oras sa buhay ko. *** Paggising ko, may nakita akong ticket sa tabi ko na may note. TEKA? VIP 1 ticket 'to sa concert ni GDragon? Binasa ko ‘yong note: Baduday, kulang ang tropa ng mga dyosa kung wala ka. This is your official initiation para matanggap ka sa grupo namin ni Chuchay. Naiiyak ako kasi makakarating ako sa concert ng asawa ko at VIP pa. Mabilis na-sold out ang ticket kahapon, as in ilang minutes lang ubos na. Sina Dom talaga, bibigyan ko sila ng malaking hug. Kailangan kong mag-thank you ng bongga sa kanilang dalawa. Itatago ko muna sa bulsa 'tong ticket para hindi maalikabukan. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Dom na palihim na pumasok sa isang kwarto. Sumunod ako sa kanya. "Ano ka ba baduday, bakit ka sumunod dito?" nag-panic s'ya nang malamang sinundan ko s'ya. "Magpapasalamat kasi ako sa inyo ni Dash para sa ticket," with matching sobrang lapad na ngiti. "You're welcome baduday kaso wala na kong time mag-explain, basta quiet ka lang huh?" "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Kaninong kwarto ba 'to?" Hinila n'ya 'ko at nagtago kami sa isang malaking closet. "Ano ngang ginagawa natin dito?" pangungulit ko sa kanya. "Lower your voice baduday. Baka mahuli tayo." "Nininerbyos na 'ko sa pinagagagawa natin. Alis na tayo kaya?" May pumasok na sa kwarto kaya hindi na kami makakalabas. Ano ba 'to, bakit ba kasi sumunod ako sa kanya eh. Magpapasalamat lang naman ako kung bakit ako napadpad dito. Hindi ko makita kung sino ‘yong mga pumasok pero naririnig ko sila. Namboboso ata si Dom kasi boses ng lalake ‘yong naririnig ko sa labas ng closet. "Paki-todo nga ‘yong aircon, Stef, please." Para akong nagha-hyperventilate ngayon. Kapag nahuli kami hindi ko na alam kung anong gagawin sa 'kin ng lalakeng mapagtanim ng galit sa puso. Baka balatan ako ng buhay nun! "Saan ka nga pala nagpunta kagabi?" T-Teka. Kagabi? Kami ‘yong magkasama ah. "D’yan lang, nagpahangin." "Sino namang kasama mo?" Bakit parang nanghuhuli ang tono ng pagtatanong ni Stefan na parang may dapat s'yang hulihin. Haist, Stefan, ako lang 'yon. Walang ka-big deal-big deal pero hinihintay ko kung anong isasagot n'ya. Itatangi n'ya ba o aaminin s'ya? "May hula ako kung sino. Gusto mo bang marinig kung sino ang hula ko?" Follow-up question ni Stef pero hindi pa nga n'ya sinasagot ‘yong unang tanong eh. "Babae," dagdag ulit ni Stef. Ayaw n'yang sumagot. Gusto ko nang umalis dito. Hindi ko malaman kung bakit nadidismaya ako sa kanya. May inaasahan ba kong dapat n'yang isagot na hindi ko narinig? "Hoy! Wala ba 'kong kausap dito?" reklamo ni Stefan. "Bahala ka kung sinong iniisip mong kasama ko kagabi," natatawang sagot ng bwisit na 'yon. Malay ko ba kung after namin manggaling doon sa malaking aquarium eh may kinatagpo pa s'yang iba. Wala nga pala akong pakielam. Napakamot na lang ako sa ulo. Pwede ko bang Sirain ang pintuan ng closet at paliparin sa muka n'ya? Naiinis na 'ko! "Wala akong ka-date kagabi—" Bigla akong nalungkot sa sinabi n'ya. Expected ko naman na ‘yong ang sagot n'ya kasi nga hindi naman talaga date 'yon. "—pero may kasama akong babae." "Baduday, bakit nakangiti ka?" Hindi ako nakangiti ah, excited lang ako sa ginagawa naming pag-iispiya. Bakit naman ako ngingiti? "Lower your voice. Baka marinig tayo," saway ko kay Dom. "Talaga? Kilala ko ba yan? S'ya kaya 'yon nasa isip ko?" usisa ulit ni Stefan na parang kinikilig. Hala. Walang nakakakilig dun Stefan oy! "Ang daming tanong." "Hindi ka naman kasi magk-kwento. Napakadaya mo!" "Oo na. Si Darna ang kasama ko kagabi. Masaya ka na?" narinig namin ang pagbato ni Stefan ng unan sa kasama n'ya sabay tawa naman nun isa. "Sino kaya ang kasama ng baby boy ko kagabi? Sasakalin ko ‘yong hanggang malagutan sya ng hininga!" bulong ni Dom. Baby boy? Narinig kong nagpaalam si Stef para kumuha ng pagkain at pumasok naman sa shower room ang isa. Pagkakataon na para pumuslit kami ni Dom. Unang nakalabas ng closet si Dom pero naramdaman naming palabas na si Zeta-Roma mula sa shower room kaya nataranta na kami. Sumabit pa ang damit ko sa hanger kaya pinauna ko na si Dom at naiwan ako sa loob ng closet. Ano ba 'tong kamalasang 'to! Habang nasa loob pa ko tatanggalin ko na lang muna ang damit ko sa hanger. Sumilip ako sa butas at abala si Zeta-Roma na maglaro ng cellphone nya. Hala! Naglaglagan ang mga hanger! Napalakas ata ‘yong paghila ko! Nagpapanic na ako! "A-Ano ‘yong? M-May tao ba dyan o halimaw?" Halimaw? Ibang klase ang imagination n'ya, pang-elementary. Ano na ang gagawin ko? Kapag nahuli n'ya ako siguradong madumi ang iisipin n'ya at wala akong mukang ihaharap! Pumasok s'ya sa shower room at may bitbit paglabas. Lumapit sya sa pintuan ng closet. Anong gagawin n'ya at ano nang gagawin ko! Isip. Isip. Isip! "Meowww..meowwww.." Tama ba ‘yong ginawa ko? Takot s'ya sa pusa diba? Siguro tatakbo na s'ya palabas at pagkakataon ko na ‘yong makakatakas. ‘Yon ang akala ko. Hanggang bumukas ang pintuan ng closet at nabasa ang buong katawan ko ng malamig na tubig. Nagkatinginan pa nga kami. Nagtataka siguro sya kung bakit ako nandoon sa loob. "Blimey! What are you doing there!" Ayan na naman ang accent n'yang di ma-absorb ng tenga ko. "Nasaan ‘yong pusa? Wait. Don't tell me, ikaw ‘yong? Anong balak mo? Takutin ako? Mag-spy sa'kin o bosohan ako?" Takutin? Sa pusa lang naman sya takot tska sa footbridge. Mag-spy? Ano 'ko secret agent? Bosohan sya? BOSOHAN SYA? Hindi ako makapaniwala, pa'no nya naisip ang mga ganung bagay.. Teka, anong amoy ‘yong? Bakit mabaho? "Nataranta ako kanina, wala nang time para kumuha ng tubig sa gripo kaya—" "Kaya ano?" "Kaya—ahh di bale na. Maligo ka na lang paglayas mo. Saka na ako mag-usap! Labas na." Itinataboy na n'ya ko palabas pero may biglang kumatok. "Lavi, pakibuksan. Nakalimutan ko ‘yong susi natin." Sa di malamang dahilan, hinatak n'ya ko papasok sa shower room? "'Wag kang lalabas dyan," banta n'ya saka isinara ang pintuan ng banyo. Nakinig ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. "Bakit ang tagal mong buksan?" reklamo ni Stefan. "G-Galing ako sa banyo. Ang dami mo namang bitbit. May fiesta ba?" "Pupunta mamaya dito si Elisha. Okay lang naman ‘yong sa'yo diba?" "Bahala ka kung anong gusto mo. Malaki ka na 'tol." Naririnig ko na kumakain na ang dalawa ng almusal habang kumakalam na ang mga dinosaur ko sa t'yan. "O sa'n ka pupunta?" paranoid na tanong n'ya kaya pati ako nagpa-panic na. "Sa banyo, maliligo na bago pa dumating si Elisha." Patay! Makikita n'ya na 'ko. Anong ipapaliwanag ko? Maniniwala ba s'ya kapag sinabi kong nag-sideline ako ditong tagalinis ng banyo? "Ako m-muna ang gagamit ng banyo. Mamaya ka na." Mukang nakagawa s'ya ng paraan para mas lalo akong magtagal dito sa loob ng banyo nila na basang-basa. Pagpasok n'ya, nilakihan n'ya agad ako ng mata bago n'ya padabog na isinara ang pintuan. Galit na naman. "Alam kong ayaw mo kay Elisha pero Lavi—" "Bahala ka!" Mukang may tampuhan ang dalawang 'to. Ano ba kayong dalawa? Magjowa? "I don't care kung anong gagawin n'yo ng babaeng ‘yong. Just enjoy. Isipin n’yong wala ako dito." Oo nga pala. Nakita ko sila noon ni Elisha na magkausap. Siguro, si Elisha ang gusto ni Zeta-Roma kaya may tampuhan sila ni Stefan. Ay kumplikado 'to. Haist. "Pwede na ba 'kong lumabas?" tanong ko pero nilakihan na naman n'ya ako ng mata. "Maghintay ka lang dito. Lalabas din yang si Stef maya-maya. Baka kung anong isipin ni Stef kapag nakita ka n'ya." "Wala ‘yong iisipin. Alam n'yang badtrip na badtrip ka sa 'kin kaya hindi 'yon mag-iisip ng kung ano." Pinigilan n'ya akong makalabas pero nagpupumilit ako. "Lalabas na 'ko! Ang baho ko na kaya! Sa'n ba kasi galing ‘yong tubig na itinapon mo sa'kin kanina?" nauubusan na ako ng pasensya at naglalaban na ang small at large intestine ko sa mga oras na 'to dahil sa matinding gutom. "Y-’yong tubig pala na inihagis ko sa'yo kanina? Dun galing oh," sabay turo sa toilet bowl. Parang gusto kong masuka. Kahit sabihin mong malinis ang bowl na ‘yong tingnan, ang toilet bowl ay toilet bowl. Nagbuhos ako ng tubig para kahit pa'no mawala naman ang bakas ng tubig galing toilet bowl sa katawan ko. Ayokong matuyan ng damit na basang-basa at take note galing pa sa toilet bowl. May isa pa kong problema. Walang twalya. Nilalamig na ko! Buong katawan ko na ang basa ngayon. "Naligo ka pa talaga sa harap ko. Shampoo pa baka gusto mo?" "Akala mo na gusto ko ‘yong? Kasalanan mo kaya ‘yong! Bakit ba kasi ang s*****a mo!" "Sige lakasan mo pa ang boses mo nang ipainom ko naman sa'yo ang tubig sa bowl." Ang sama talaga ng ugali n'ya. Wala ba s'yang kukuning twalya para sa'kin? Narinig na rin namin na dumaring si Elisha. Nakita 'ko ang reaksyon n'ya, muka syang galit. Hindi n'ya siguro masabi kay Stefan na may gusto rin s'ya kay Elisha. Ang swerte mo naman Elisha. "Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya?" usisa ko. Baka kailangan n'ya ng mapagsasabihan ng sama ng loob. "Anong sasabihin ko?" Nakakunot ang noo n'ya, akala n'ya siguro hindi ko ‘yong mahahalata. "‘Yong tungkol sa'yo at kay..kay..Elisha." "Ako at sya? Ilublob ko kaya yang muka mo sa bowl!" "Nakita ko kayo na magkausap diba? Pero promise wala akong pinagsabihan." Nanlaki ang mata ni Zeta-Roma. "Ha! Iniisip mo ba na may gusto ako sa palakang ‘yong?" "Sorry kung masyado akong observant. Nahalata ko lang." "Pwes mali yang observation mo, engot. Ang engot mo talaga! Ang laki mong engot!" "Oy kota ka na. Nakailang engot ka na sa'kin." Masyado nang matagal ang pagtatago ko dito. Hindi pa rin ba pwedeng lumabas? "Lavi, bakit ang tagal mo d'yan sa banyo?" Hindi sumagot 'tong kasama ko, siguro nag-iisip pa ng palusot. "Nasa banyo pa rin si Lavi?" boses ‘yong ni Elisha. Lumapit sya sa'kin na sa sobrang lapit halos maamoy ko ang mabango n'yang hininga. Malapit na sa pisngi ko ang labi n'ya. "May plano ako," bulong n'ya, "Tawagan mo si Stef sa cellphone n'ya at sabihin mo na nasa beach ka at may nahuling pusa. Siguradong tatakbo ‘yong palabas." Maganda sana ang plano nya kaso, "Ano pang hinihintay mo?" "Wala akong load eh," Oo dala ko ang cellphone ko at gumagana pa rin kahit basa na. Matibay 'to at pinatatag ng panahon. "Pambihira, de-antenna na nga yang cellphone mo wala pang load. Bilis, anong number mo? Papasahan na lang kita ng load." "'Wag mo nang laitin 'to.. eto number ko..0946-xxxx-xx8. Thirty pesos ipasa mo huh para unli." "Nag-request pa nga," pangbabara n'ya, e syempre lubos-lubusin na. Matapos kong ma-received ang load, ibinigay n'ya ang cellphone number ni Stefan para matawagan ko na. "H-Hello Stefan. S-Si Eunjean 'to. Pwede ka bang pumunta dito sa beach kasi may nakita akong pusa?" Ang lamya ng plano n'yang 'to. Para namang kakagat 'tong si Stefan sa ginagawa namin. "Saan banda yan—" Mukang hindi s'ya naniniwala. Pa'no ko 'to malulusutan. "—Anong kulay?" Ngek. Naniwala s'ya. Okay na sana kaso inagwa ni Elisha ang cellphone ni Stefan. "Hello..ikaw ba 'to Eunjean?" "Ah ehh oo Elisha sige, sige, next time na lang siguro. Nakawala na kamo ‘yong pusa hehe." Nakasimagot s'ya nang ibaba ko ang tawag at nanginginig na ang katawan ko sa lamig. "Sorry. Sayang tuloy ‘yong load mo." "Pahiram ako sandali ng cellphone mo." Kinuha n'ya ang cellphone ko nang s*******n. Ihuhulog n'ya kaya sa bowl? Nang ibalik nya sa'kin ang cellphone, binura nya pala sa call history ang number ni Stefan. Tapos.. Tapos.. Hinuhubad nya ‘yong damit nya. NAGHUHUBAD SYA? SA HARAPAN KO!? Pero hindi eh. Ibinato n'ya lang sa'kin ‘yong damit n'ya. "Magpalit ka na." Okay. Gusto n'ya 'kong magpalit ng damit. Hindi pa s'ya tumatalikod. May balak ba s'yang manood habang nagpapalit ako? "Ano pang hinihintay mo? Bihis na." "Gusto mo bang ma-rated SPG tayo? Papanoorin mo ba kong magpalit ng damit?" Namula ang pisngi n'ya at paniguradong pati muka ko ay parang kamatis na. "Tsk. Wala akong kabalak-balak na gawin ‘yong, ilusyonada talaga," tapos tumalikod s'ya na pabulong-bulong pa rin. Pagsuot ko ng damit n'ya, grabe ang bango. Hindi amoy ng pabangong panlalake kundi parang amoy ng bagong ligong baby. Hanggang sa may maalala ako bigla ‘yong ticket ko. Basang-basa na. "‘Yong ticket ko!" Nakalimutan ko na nagtatago nga pala kami at bawal gumawa ng ingay. Tinakpan naman nya ang bibig ko. Itinakip n'ya ang kamay n'ya sa bibig ko at ‘yong isa n'yang kamay nakahawak sa bewang ko, napalunok ako. Rated SPG na ba 'to? "Lavi? Ano ‘yong?" Si Stefan '‘yong at kumakatok na sa pintuan ng banyo. Nilakihan n'ya ko na mata. Lagot ka na naman Eunjean. "Nothing. Nahulog ko lang ‘yong sabon sa bowl," palusot n'ya na sana umubra. "May narinig kasi akong boses ng babae eh," nagdududa na si Stefan! "Oo. May kasama akong babae, si Darna, gusto mong makilala?" "Pinipilosopo mo na naman ako." Hindi pa rin n'ya tinatanggal ang kamay n'ya sa bibig ko at bewang. "What is that? Gusto mo talagang mahuli tayo?" Tinanggal ko ‘yong kamay n'ya sa bibig ko. Minsan din pala slow s'ya. Pa'no kaya ako magsasalita kung nakapasak sa bibig ko ang kamay n'ya? "Dahil sa'yo wala na kong chance makanood ng concert ni GDragon." Hawak ko ‘yong basang ticket. Nawasak lahat ng imagination ko! Pa'no na lang ‘yong moment na makikita ko si Jiyong oppa na kakanta ng Crayon at magtatapon s'ya ng towel na sasaluhin ko. Nawasak lahat! Nawasak lahat dahil sa lalakeng 'to! "It's your fault. Pumasok ka sa kwarto ko at nagtago sa closet then you want to blame everything to me?" "Ano na lang ako sasabihin ko kay Dom?" tutulo na sana ang luha ko nang maisip ko si Dom. Tama si Dom nga! Si Dom ang tutulong para maka-alis kami dito! "Hello, Dom, kailangan ko ng tulong mo. Tulungan mo kong makalabas dito parang awa mo na—" TOOOOOOT TOOOOOOT Naubos na ‘yong load! Napaupo na lang ako sa inis. Una, kasama ko ang taong 'to at pangalawa, goodbye ONE OF A KIND CONCERT! Tumabi s'ya sa'kin at nakaupo kami sa tiles. Malinis naman eh. "It's just a ticket. Galit ka pa rin?" Akala mo totoo na concern s'ya na galit ako. Hindi ko nga s'ya pinansin. Talk to the bowl tutal mukang close kayo. "Pwede ka namang lumabas diba? Ako lang naman ang nagtatago at hindi ikaw. Sumali ka na sa kanila," para akong timang sa mga pinagsasabi ko. Mukang lalabas na s'ya. Pwede na kong umiyak sa pagkawala ng ticket ko pero hindi eh tumingin lang sya sa'kin na parang nakakatunaw. "Wala akong gusto sa palaka—sa Elisha na 'yon," napalingon tuloy ako sa kanya. Para saan ang pagpapaliwanag n'ya? "Bakit may pag-explain? Di naman kita isusumbong kahit nahuli na kita. Di ko ikukwento kahit kanino, promise." "Engot ka talaga. Bakit hindi ka na lang matuwa na nagpapaliwanag ako." "Bakit ako matutuwa?" Tinitigan n'ya ako kaya bigla akong na-tense. Kinakabahan ako sa susunod n'yang sasabihin. "Dahil hinahayaan kitang magka-crush sa 'kin." Nagulat kami parehas nang narinig namin ang fire alarm. May sunog! Nadagdagan ang panic ko! Ano ba 'to! Ayoko na dito! Uuwi na ako! "Lavi, lumabas na tayo," pag-aaya ni Stefan. "Susunod ako." Hinawakan n'ya ang kamay ko at nang makita na wala na sina Stefan at Elisha ay tumakbo na kami palabas. Ang higpit ng pagkakahawak n'ya sa kamay ko tulad noong nasa taas kami ng footbridge. Teka? Ano nga ulit ‘yong sinabi n'ya kanina? Sa sobrang pagkagulat ko sa fire alarm nakalimutan ko! "Okay ka lang? Walang masakit sa'yo?" tanong n'ya na parang concern na concern kaso hindi ako kumbinsido. "Okay lang ako. 'Wag kang mag-alala," nakangiti kong sagot. "Hindi ako nag-aalala, asa ka pa." Ang sama n'ya talaga! Sinasabi ko na nga ba! Naghiwalay kami bago lumabas ng hotel. Nakita ko na maraming guest ng hotel ang naka-evacuate na. Pero nasaan ang sunog? "Hey Ms. President." Hala, nakita ako ni Stefan. Lumapit ako para hindi s'ya makahalata. "Are you okay? Wala naman daw nakitang sunog, bakit kaya na-trigger ang alarm?" Wala pala talagang sunog. Buti na lang. "Lavi, andito kami." Palapit na sa amin si Zeta-Roma, kelangan magkunwari akong hindi pa kami nagkikita. "Akala ko nasa beach ka Eunjean?" hala, nahahalata na 'ko ni Elisha. "‘Yong damit mo din looks familiar," puna naman ni Stefan sa suot ko. Hala, patay na ako nito! Mabubuking na ba 'ko? Nagkatinginan kami ni Zeta-Roma, pero nilakihan n'ya lang ako ng mata parang sinasabi n'ya na lusutan ko 'to mag-isa. Sa kabutihang palad may humatak sa'kin. Si Dom. Inilayo nya ko sa tatlong ‘yong. "Are you okay baduday? Hindi ka ba nasaktan? Sorry talaga, nadamay ka pa sa'kin. teka? Bakit basa ka? Tsaka kaninong damit yan? Buti naisip ko ang silbi ng fire alarm—" Niyakap ko si Dom at naiyak ako. "'Wag ka sanang magalit Dom. NaSira kasi ‘yong ticket na ibinigay mo sa'kin." "'Wag ka nang umiyak. Hindi ako galit." Hindi na ako makakapanood ng concert! *** Tanghali. Hinihintay na kami ng bus para umuwi at nandito pa rin ako sa beach. Matatagalan pa siguro bago ako makabalik ulit dito. O Pwede ring ito na ‘yong huli. Kaya pupunuin ko ng hanging-dagat ang lungs ko. Pero may kung sinong tumulak sa'kin kaya napa-abante ako sa tubigan. Nabasa tuloy ang sapatos ko. Babaho na naman 'tong paa ko! "What the hell is the reason you are in my room earlier?" "Ayusan mo nga yan pananalita mo! Ang sakit sa tenga ng accent mo!" Alam kong si Zeta-Roma ‘yon pero nang paglingon ko, ngek, bakit ako natulala sa kanya? Naka-brush up s'ya. Bagay sa kanya, muka na s'yang tao. Naka-shades pa. "Lavi," Si Sir Morris. Lumapit s'ya sa aming dalawa. "Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Sir na nakangiti, hindi sila magkamuka mag-ama, siguro ang mama n'ya ang kamuka n'ya. "Sakto lang. Nag-enjoy ako kanina kaso dumating ka kaya naSira na ang araw ko." Ang bastos talaga ng batang 'to, sinipa ko nga s'ya para magbigay galang man lang. "Aray!" "Joke n'ya lang po ‘yong Sir, nag-enjoy po talaga s'ya. Hanggang bangs nga po n'ya ang ngiti kanina." "Sinong—" Hindi ko na s'ya binigyan ng pagkakataon para magsalita ng mga walang kwentang reklamo n'ya sa buhay. "It's good to hear, then I have to go. I'll check kung okay na ang lahat at pwede nang umalis." Pagkaalis ni Sir, binatukan ako ng malakas ni Zeta-Roma, s*****a mode na naman s'ya. Iniwanan n'ya 'ko. Bilang president, tumulong ako sa mga incharge teachers kaya ako ang huling umakyat sa bus namin. Pag-akyat ko sa bus, karamihan umiidlip na. Saan ba ang pwesto ko? Magkatabi sina Dom at Dash na magkayakap pa. Sina Elisha naman at Stefan, magkatabi rin. Si Stefan? Kasama namin sa bus? Edi kasama rin namin si— Tama nga. A’yong s'ya at tulog. Nakasandal ang ulo sa bintana. Ang masaklap lang ang bakanteng pwesto lang ay ‘yong sa tabi ni Zeta-Roma. Wala sigurong naglakas-loob na tumabi sa sadistang 'yon. Tulog naman s'ya eh. Hindi n'ya mamamalayan na ako ang katabi n'ya. Ayoko s'yang magising dahil pag-iinitan na naman n'ya ako at pagti-tripan. Magtatanong na naman s'ya kung anong ginagawa ko sa kwarto nila kaninang umaga. Sa tabi n'ya, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ako mapakali. Natatakot ba ko sa kanya? Two hours na siguro ang nakakalipas mula nang bumyahe kami, buti na lang hindi pa s'ya nagigising. Hindi naman 'to ‘yong unang pagkakataon na nakita ko s'yang matulog. Tulog ba talaga s'ya o nagkukunwarian lang? Makapal ‘yong shades n'ya eh hindi ko tuloy makita ‘yong mata n'ya, gising s'ya talaga. Wala namang makakakita sa'kin kasi tulog silang lahat kaya okay lang na lapitan ko ang muka nya para silipin kung tulog nga ba sya o pinapanood lang ako.. Closer.. Closer. Ano ba 'tong ginagawa ko. Sige na, tulog na s'ya. Kahit magbelat ako sa kanya hindi yan gaganti. Kitams, tulog sya. Umayos na nga ako ng upo. Ang sarap sumandal, kailangan ko nang magpahinga sa kakaisip. Hanggang sa may maramdaman akong kuryente. Kuryenteng dumaloy mula sa ulo n'ya papunta sa balikat ko. Nakasandal sya sa'kin! Nagsisimula na naman akong magpalpitate. Hinihika na ata ako. Wala ba kong dalang paper bag na pwedeng magpakalma sa akin! Kalma Eunjean! Ang sabi ng doctor ang unang dapat gawin ay kumalma. Pa'no naman ako kakalma sa sitwasyon na 'to? Umuga ang bus at dahil dun natanggal ang ulo n'ya sa balikat ko. Natanggal rin ang palpitation ko. Inaantok na rin ako. Babagsak na rin ang ulo ko pero alam kong hindi sa balikat n'ya. Babagsak na ang talukap ng mata ko sa antok. Sana hindi pa s'ya magising at malaman na ako ang katabi n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD