5. Just Playmates

6391 Words
Lavi's POV : Walang kasing lamig at nag-uumapaw na kalungkutan ang makikita sa lugar na 'to. Walang kabuhay-buhay ang mansyon. Hindi nga ata kayang tumira ng normal na tao kahit isang araw dito. Para itong impyerno sa lupa. Sa ganda at sa disenyo ay hindi aakalain na walang pagmamahal sa lugar na ito. "Nasaan ang mga gamit ng Mama ko? Bakit bakante na ang kanyang kwarto!" buong lakas kong sigaw pagpasok ko sa library. Umiinom ng tsaa ang taong pinagbibintangan ko. Ang kalmado ng kanyang itsura. Normal ba 'yon para sa namatayan ng kapatid? Hindi ba s'ya nagluluksa o dapat ko bang itanong ay nagluksa ba s'ya kahit isang segundo? "Pinalagay ko na sa bodega. Wala naman nang gagamit ng mga naiwan n'ya, diba?" Kasing lamig ng nyebe ang pagsagot n'ya. Parang hindi nga namatayan. Hindi nga ata nalungkot. Gustong sumabog ng dibdib ko ngayon at magsalita ng masasakit para lang mawala ang galit na sumiSira sa bait ko. NakakaSira silang lahat ng natitira kong katinuan! "Kamamatay lang ni Mama! Parang hindi kayo mga nagluksa sa pagkawala n'ya!" Malakas na ingay ng basag na baso ang nangibabaw sa silid na ito. Inihagis ni Auntie Euchary ang tasa at nanlilisik ang mata na nakatingin sa 'kin. Isang mangkukulam. Lumapit s'ya sa akin at nakatikim ako ng malakas na sampal. Buong lakas, punong-puno ng galit at sabik na sabik na makapanakit. "Kakalabas mo pa lang ng ospital ang lakas na agad ng loob mong magsusumigaw dito! Sino ka ba sa akala mo!" Inulit n'ya pa, hanggang sa nasundan pa, hanggang halos hindi ko na maramdaman ang aking muka sa lahat ng sampal n'ya mula pa kanina. "Sino ka ba sa inaakala mo! Hindi mo kami maloloko! Hindi ka na-ospital dahil sa pakikipagbasag-ulo! Gusto mo rin sumunod sa Mama mo diba? Kaya bakit nandito ka pa! Gusto na rin kitang mawala katulad ng Mama mo!" Isang napakalakas na ingay na halos bumabasag sa tenga ko ang umaalingawngaw na sa sobrang lakas parang sasabog na ang ulo ko. Wala na akong matandaang nakapanaginip ako ng maganda mula nang mawala si Mama. Lahat ata ng masalimuot kong karanasan sa bahay ng mga mangkukulam ang bumubuhay sa bangungot ko. Kailan kaya ako gigising na hindi basa ng luha ang unan ko? "Okay ka lang?" usisa ni Stef nang magkita kami sa mesa para mag-almusal. "Binangungot na naman ako," matamlay kong sagot. "Sleep paralysis ulit?" "Naulit na naman ‘yong malakas na ugong sa tenga ko." "Noong isang gabi naman sumigaw ka, sabi mo may itim na taong tumatawag sa pangalan mo." "Binabangungot din ako noon." "Gusto mo bang mag-set ako appoinment—" "Wala kang gagawin. Okay lang ako." Inihiga ko ang ulo ko sa mesa habang nakatitig sa mug na may drawing na pusa. Bakit ito ang nadampot kong mug? "Stef, lahat ba ng mug natin ikaw ang bumili?" "Nagustuhan mo ba? Next time kapag bumili ako ng mga plato maghahanap ako ng may design na pusa," masaya n'yang pangangarap na hahadlangan ko. Kung hindi ko lang s'ya bestfriend imihagis ko na agad ang mug na 'to sa labas hanggang mabasag. *** Napadaan ako dito sa swimming pool ng school pero wala nga pala akong pakielam sa mga bagay-bagay. Bigla pa akong nabahing, magkakasakit pa ata ako. Nasaan na ba ‘yong panyo ko? Pagdukot ko sa bulsa para kunin ‘yong panyo sumama ‘yong jade rosary ni Mama. Kaasar talaga hindi lang s'ya basta nahulog. Nahulog s'ya sa swimming pool! Tini-test ngayon ang pasensya ko at mukang babagsak ako! Hindi ko pwedeng pabayaan ang rosary ko. Galing pa 'yon kay Mama, wala namang ibang tao na pwede kong utusan. Asar naman wala ako sa mood magpabasa ngayon. Sige, no choice na, maghuhubad na lang ako para hindi mabasa ‘yong damit ko. Asar talaga! Boxer short na lang ang suot ko. Asar naman mukang ang lamig ng tubig. Iiwan ko na lang ‘yong damit sa upuan. Nakita ko rin sa wakas! Buti na lang glow in the dark 'yon kung nagkataon na 'di ko nakuha talaga 'to idi-drain ko 'tong pool. Pag-ahon ko nakita ko na naman ang president. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ko na-realized na nakahubad nga pala ako. Hayaan ko na nga, iniisip naman n'ya na mas matanda s'ya sa akin eh. May bitbit s'yang paper bag. Natulala s'ya nang makita akong umahon. Makakita ba naman s'ya ng pinagpala ang katawan magkakaganyan nga s'ya. Ang lamig, humahangin pa. Pero teka? Nasaan na ‘yong damit ko? Nagtakip ng mata ‘yong president nang lumapit ako sa kanya. "Oh bakit ka nagtatakip ng mata? Mas matanda ka sa 'kin diba?" Tinanggal n'ya ang kamay sa muka n'yang pulang-pula na. "O-Oo nga mas matanda 'ko sa'yo pero labag sa batas ang pag-display ng katawan sa public places at bawal maligo sa pool ng ganitong oras. Hindi 'to resort!" Nakakatawa ‘yong muka n'ya, pinipilit n'yang tingnan ako pero naiilang s'ya. Kung alam n'ya lang. "Itinago mo ba ‘yong damit ko?" baka plano n'ya 'to para makita ang katawan ko. Mahirap na. Teka! Nag-work out ba ako kanina? Maganda ba t'yan ko ngayon? Takte bakit naiisip ko pa yan sa ganitong sitwasyon! "Damit mo? Aba malay ko." Hinablot ko ‘yong paper bag n'ya. Baka nandoon ‘yong damit ko pero P.E. uniform n'ya lang ang laman. Anong isusuot ko pauwi? "Teka ‘yong pang-P.E. ko!" Nilalamig na ako kaya no choice ulit, kailangan ko na s'yang suotin. "Hoy nabasa na tuloy ‘yong uniform ko! Pang-third period namin ang P.E." "Mas malaki ang problema ko kaysa problema mo sa masikip na P.E uniform mo. Ano ba 'to medium? Ang liit." "Small 'yan." Halata sa muka n'ya na pinipigilan n'yang matawa. Pasalamat ka at maganda ang mood ko ngayon. Kahit ako natatawa sa sarili ko kasi masyadong fitted sa katawan ko itong damit. "Ano? Masaya ka na n'yan?" bara ko dahil obviously natatawa s'ya. "Ang sexy mo kasi tingnan," namula ata ako sa sinabi n'ya pero dapat hindi pahalatang naapektuhan ako sa sinabi n'ya. "Hala. Tama ba ang narinig ko? Child a***e yan. Pinagnanasaan mo ba 'ko?" "Adik ka ba? Ibalik mo yan sa'kin mamaya bago kami mag P.E!" Haha nakakatawa ang muka nya, pulang-pula na rin. Ang sarap n'yang pagtripan. Pero ang tanong, nasaan na ang damit ko? *** Elisha's POV : "Minsan kailangan mong hayaan na lumabas ang dugo sa sugat mo. Wag mong pipigilan at piliting ng klase. Masyado ko pa ring dinidibdib ang nauudlot kong love life sa piling ni Stefan Carter. Tahimik ang buong klase, siguro ramdam nila ang lungkot na nararamdaman ko. "Ano ‘yong pigsa? Kailangang palabasin ‘yong mata bago pahilumin." Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Dominie Ryan. Pinapahiya n'ya ako. Ano bang problema nya! Umupo na ako, wala sa image ko ang makipagtalo sa isang tulad n'ya. "Okay ka lang ba?" Concern ba sa akin si Eunjean Vargas? Hindi naman kami close pero inaalala n'ya ang feelings ko. Napansin ko ‘yong kamay nyang may benda. Ano kayang nangyari sa kanya? Baka ‘yong barumbadong si Lavi Cervantes ang may gawa sa kanya n'yan. "Nasaktan ka ba sa mga sinabi ni Dom? Pasensya ka na sa kanya ha. Biro n'ya lang ‘yong. Maganda ‘yong gawa mo, promise." "Hindi ako nasaktan. Napahiya lang." Marahan n'yang hinampas ang balikat ni Dominie Ryan, kung ako ‘yong baka ibato ko sa kanya ang desk ko, pero dahil may maganda akong image hindi ko ‘yong pwedeng gawin. "Ano ba yan Ateng. Ano ba yang inaamoy mo kanina pa?" Si Dash Stracey. Magkasundo talaga silang dalawa, bakit ba sila naging kaibigan ni Eunjean Vargas? "Damit 'to ng pinakamamahal ko. Grabe ang bango nya chuchay. Hindi ko 'to lalabhan." "Paamoy din." "Bawal. Akin lang 'to. Baka maubos ang amoy e." Yuck. What is that? Damit ng lalake? Ang maniac nila parehong tingnan habang inaamoy-amoy ‘yong damit. *** Eunjean's POV: "Yes Ma’am, kayang-kaya ko na pong iligpit 'tong mga files n'yo sa cabinet. Pwede na po kayong mag-break." Kasalukuyan akong nasa registrar's office para tumulong sa pagligpit ng mga files. "Naku maraming salamat sa tulong mo hija. Mag-i-inspection kasi tomorrow si Sir Morris kaya kailangang matapos yan ngayon, oh pa'no may aasikasuhin lang ako sa admin office ah. D'yan ka na muna." Okay. Malayo na si Ma’am. Pwede na 'kong mag-ispiya. Sisilip lang ako sa student database dahil may gusto akong malaman. Cervantes, Lavi ~Record Not Found Oo nga pala, erase, erase. Morris, Lavi Cervantes Napakamot ako sa ulo sa mga nalaman ko, napakunot ng noo sa mga nabasa at napabuntong-hininga nang malalim. Nakakakonsensya naman, bakit ko ba kasi ginawa 'to. Twenty four years old na s'ya! Ang labo. Ang g**o! Ano pang ginawa n'ya dito? Tapos na pala s'ya sa pag-aaral pero bakit inuubos n'ya ang oras n'ya dito? Tapos kaya pala ganun ang accent n'ya kapag nag-i-english kasi galing sila sa London! Watah for water! Fayer for fire! Kaya pala magdudugo ang tenga ko kapag nagsasalita s'ya! WAIT! Kung twenty four na s'ya— ohemgee! Nakita ko s'yang nakasuot lang ng boxer shorts sa pool kanina eh. Ano ba yan! Bakit ko ba nakita ‘yong katawan n'ya, nakakainis! Kaya pala takang-taka ako sa abs n'ya, ay ano ba naman 'tong nai-imagine ko! Umalis ka sa isip ko! 'Wag mong ibalik sa memory ko ‘yong nakita ng mga mata ko kanina! Pakiramdam ko umuusok na ang utak ko. Hindi na n'ya kayang i-process ang information na nalaman ko. *** Nasa state of shock pa rin ako. Ang dami kong nalaman na hindi naman dapat. Gutom ako ngayon. Ang haba ng pila sa canteen pero dahil president ako, pinauna ako ng mga lalake, yan ang gentleman. Hanap na ng upuan. Mahirap mag-isip kapag walang laman ang tiyan, siguro nga ganun. Ginawa ko lang naman ‘yong para malaman kung bakit s'ya nanggugulo dito sa school, pero sobra-sobra ang mga nalaman ko. Bigla na lang may nagbato ng balat ng saging sa ulo ko, loko s'ya ah, hindi nya na ginalang ang president— hmmm? T-Teka si Zeta-Roma pala. "Anong problema mo! Nirentahan mo ba yang table? Ang daming nagsisiksikang estudyante sa ibang mesa samantalang sa'yo solo mo lang 'to." Nakangiti lang s'ya, goodmood ata. May kwek-kwek na naman sa harap n'ya. Favorite n'ya nga siguro. "Pinapakain ko ang alaga ko. Meet Pou, my alien pet." Pinakita n'ya sa'kin ‘yong cellphone n'ya na may kung anong kakaibang kulay brown at may malaking mata. "Tingnan mo ‘yong alaga ko, nag pa-puppy eyes na s'ya sa gutom, sinong cute? Sinong cute?" Huh parang baliw lang, kinakausap n'ya ‘yong cellphone, tinatawag niya ang sarili niyang leader ng Zeta-Roma, pa'no kaya 'pag nakita siya ng mga tauhan niya? Gagalangin pa kaya siya? Hay, makaupo na nga sa tapat n'ya, walang ibang space kundi doon. "Aba malakas talaga loob mo? Bakit ka umupo dyan? Pinayagan ba kita?" Para talaga s'yang timang, mukang galit ‘yong sinabi n'ya pero nakangiti pa rin s'ya sa akin. May masama siguro 'tong balak. "Ano kayang masarap kainin ngayon? Parang gusto ko ng ice cream," nagdidiliryo na siguro s'ya sa gutom kaya bumait na naman. "Ice cream?" "Gusto mo bang ibili kita?" Inalok n'ya 'ko na nakangiti. Yari, may masama talaga s'yang balak. Nasamid pa nga ako sa narinig ko. Muntik ko nang malunok ‘yong stick ng bananaque. Close ba kami? Nakakapanibago. Parang hindi normal para sa katulad n'yang s*****a. "Sigurado 'kong may masama ka na namang balak sa'kin noh? Siguro lalagyan mo ng super duper glue, super sticky edition ang ice cream na ibibigay mo sa'kin noh?" "ANO? Super duper glue, super sticky edition? Sa'ng dictionary mo nabasa ‘yong? Tongue twister ba 'yon? Mas utak-kriminal ka pala kesa sa'kin eh, i-hire kaya kitang consultant ko?" "Sino kaya sa'tin ang utak-kriminal, abnormal," bara ko. "Ikaw ang abnormal. Sino ba sa'tin ang naniniwala kay santa." "TOTOO SI SANTA, OKAY!" "♪Hindi totoo si santa, hindi sya totoo♪" nakakapikon ‘yong ginagawa n'yang pagkanta. Tumayo ako at kinuha ko ‘yong tray ko, nakakaSira sya ng appetite, "Oh san ka pupunta? Magsusumbong kay santa? Hahahaha." NAKAKAPIKON. *** Elisha's POV : Malabo na ata talaga kami ni Stefan Carter. Nandito ako sa waiting shed at naghihintay ng jeep. Wala na ata akong gana pumasok sa school araw-araw, hindi ko na rin naman makikita si Stefan dahil pinili ng tadhana na paghiwalayin kami. We are just star-crossed lover. Lover? Wake up girl! He don't even know I exist.. "Hi miss, ang ganda mo naman, gusto mo bang sumama sa'min?" Nakakainis bakit wala pa ring mga jeep na dumadaan. May lumalapit na sa'kin na mga pangit na maniac. Nakakatakot na. Ano bang gagawin ko ngayon? Walang ibang tao. Kanino ako hihingi ng tulong? Hinawakan ng isang pangit ang braso ko at hinihila ako. Anong amoy ‘yong? Mga lasing ba sila. Natatakot na 'ko! "Stay away from me!" Naiiyak na ko sa takot. Bakit sa'kin nangyayari 'to? Hindi ba nila alam na broken hearted ako ngayon? Huh? May tumulak sa maniac na pangit at tinanggal ang kamay sa braso ko. "Kung ako sa ititigil ko na yan." Pamilyar ang boses na ‘yong. Paglingon ko, nakita ko s'ya. Hindi ko na matandaan kung kailan ko hiniling na mangyari 'to. Tinulungan nya 'ko. Tinulungan ako ni Stefan Carter. Tumakbo palayo ang mga pangit. "Are you okay?" tanong nya. Hindi agad ako nakapagreact kasi hindi ko makita ‘yong muka n'ya. Bakit? Dahil tinatakpan ng ulo nya ang araw kaya ‘yong sinag nakakasilaw. "You look scared." Totoo ba 'to o illusyon ko lang ulit? Alam ko na ‘yong susunod na mangyayari eh. Ngingiti sya tapos bigla na lang aalis at iiwan akong tulala. Ayan ngumiti na sya, cue ‘yong ng pag-alis nya pero— "Long time no see, tagal kitang di nakikita sa library." "Naaalala mo 'ko?" hindi ako makapaniwala na naaalala nya 'ko dahil kung tutuusin dalawang beses pa lang kaming nagkakakitaan sa library diba? "Yap. Last time sa tabi mo nga sana ako uupo kaso naunahan ako ng iba." "Bakit ka naman tatabi sa'kin?" "‘yong kasi ‘yong favorite kong spot sa library. Malakas ang wi-fi dun, by the way, can I offer you a ride?" OMG! Niyaya n'ya ba kong sumama sa kanya? Umangkas sa motorbike nya? Kailangan kong magpakipot para hindi ako magmukang easy to get, diba? "Okay, no problem. Malapit lang naman ang bahay namin. Wala ka bang ibang kasabay?" "Meron sana, kaso siguradong may hihintayin din si Lavi. Ito ang helmet." Pagsuot ko ng helmet, umangkas ako sa likod nya at yumakap. Minsan hindi mo talaga masasabi, papahabol ka ba o ikaw ang hahabol, salamat na lang at nang pinili kong habulin sya, tumatakbo s'ya papunta sa'kin. Akala ko hanggang pantasya lang 'to. He just offer me a ride but for me it matters a lot. Akala ko isang malaking ilusyon lang lahat pero ang mas madalas, may mga pantasya na pwedeng matupad. *** Eunjean's POV : Bakit nasa gate na naman si Zeta-Roma? Mang-aasar na naman s'ya, kunwari hindi ko s'ya nakita. Nagdahan-dahan pa ako maglakad at nakisabay sa iba para hindi n'ya ako mapansin. "Ang tagal mo naman!" maktol n'ya habang ngumunguya. Katatapos lang sugurong kumain ng kwek-kwek. Kainis, nakita nya 'ko! Ayokong makipag-away ngayon, gutom na naman ako eh, wala akong lakas makipagtalo at makipaghabulan sa kanya. Ano n'ya ba 'ko? Playmate? Hindi ko na lang s'ya pinansin at tuloy-tuloy na naglakad. "Wow. Ano yan? May ipinagmamalaki ka na?" sabay singhal pa. "Bakit ba?" "Wala lang." Ngumiti lang s'ya at lumapit sa'kin, lumuhod s'ya. Lumuhod s'ya para hatakin ang suot kong black shoes, ‘yong para sa kaliwa kong paa. Tapos tumakbo s'ya at nagpapahabol ata. Parang bata naman, bored ba s'ya at ako ang gusto n'yang paglaruan. Oo, gusto n'ya 'kong paglaruan. "Habulin mo 'ko." Inis ‘yong sapatos ko! Hinabol ko s'ya, panalo s'ya dahil nagawa n'ya kong pasunurin sa gusto n'ya pero kailangan ko talagang makuha ang sapatos ko. Nagpapatawa ba s'ya? Gusto n'yang magpahabol e alam naman n'yang mabagal syang tumakbo. Nahabol ko nga s'ya pero hindi ko maabot ‘yong sapatos ko kasi matangkad s'ya, ginagawa n'ya 'kong bata, tumatawa pa s'ya na parang s*****a tapos sa sobrang tuwa n'ya naihagis n'ya ‘yong sapatos ko sa isang bahay, sa bubong ng isang bahay, sa bubungan ng isang haunted house. HAUNTED HOUSE! Nagkatinginan kami. "Kukunin mo 'yon, diba?" Hindi ko ‘yong kayang kunin. Nakakatakot kaya. Hello haunted house ‘yong. "Ayoko nga. Bakit ko naman gagawin ‘yong?" tapos ngumiti s'ya na halatang nangaasar. Nakakaasar kasi naasar na talaga ako. NakakaSira ng bait ang taong 'to. Imbes na nasa bahay na ako at nagpapahinga e heto at magkasama kami ng power tripper na 'tong napakasadista. Immature brat! "Ayoko sa mga pusa. Siguradong dyan ang hide out nila noh." Sa pusa s'ya takot at hindi sa multo? Ibang klase talaga. Gusto ko na s'yang layasan. Okay. Naglakas loob na ako na pumasok sa madilim na bahay na 'to. Maraming sapot, Sira-Sira ang mga gamit at higit sa lahat may background music ng horror movie, ay hindi, imagination ko lang siguro ‘yong. Matapang ka, Eunjean, matapang ka diba? Ang hirap kumbinsihin ang sarili lalo na ngayong nangangatog na ang tuhod ko sa takot. Bakit naman kasi ngayon ko pa naalala ‘yong mga nakakatakot na scene sa mga napanood kong horror movies. Paano kung may biglang sumulpot na white lady na walang ulo! Nandito na 'ko sa 2nd floor, natatanaw ko na ‘yong terrace, siguro aakyat ako dun para makarating sa bubong at makuha ang sapatos ko.Nasa may alulod lang ‘yong sapatos ko pero hindi ko maabot kahit nakatuntong na 'ko. Pero may kung sinong humatak sa'kin pababa at s'ya na ang kumuha ng sapatos ko. "Ano? Akala ko ba kaya mo?" pang-aasar n'ya. Hawak na n'ya ang sapatos ko pero halata sa muka n'ya na nalula s'ya pagtungtong kanina. Bakit ba ang lapit n'ya sa'kin? Bakit naaamoy ko na naman ang mabangong singaw ng katawan n'ya? "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya sabay atras ng isang hakbang. "Meoooowwww." "P-pusa? Sabi ko na nga ba hide out nila 'to!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya. Slow motion ba 'to? Nagpa-palpitate na naman ako. Pakiramdam ko kinakapos na 'ko ng hininga. Mamamatay na ba ako? N-Niyakap n'ya ko? ♪ Why oh why do I feel this way ..♪ ♪ When I'm with you I feel so alive..♪ ♪ Why oh why will I hide away..♪ ♪ I can't help it..♪ ♪ I'm falling in love.. with you..♪ Niyakap ako ni Lavi Cervantes? Bakit? Dahil takot s'ya sa pusa? Ano ba Eunjean! Bakit ka natataranta? Wala lang 'yon! *** Lavi's POV : Anong nangyari sa kanya? Mula nang lumabas kami sa pangit na bahay na ‘yong tulala na s'ya. Naglakad na s'ya pauwi at hindi na 'ko napansin. Matapos ko s'yang tulungan, lalayasan na lang n'ya 'ko bigla. ‘yong babaeng 'yon talaga hindi talaga ugaling humingi ng sorry on the spot o magpasalamat. Napatambay tuloy ako de oras dito sa convenience store. Ina-analyse ang mga nangyari kanina bago s'ya magkaganun. She's usually full of beans. Kumakain ako ng favorite kong twin popsicle ice cream, green apple flavor, papalamig muna nga ako dito. Natatawa ako kapag naaalala ko ‘yong muka ni president. Ano kayang nangyari dun? Hindi eh. Normal pa naman ang kilos n'ya nang pumasok s'ya sa bahay na ‘yon. Napayakap nga pala ako sa kanya kanina, nagulat kasi ako dun sa pusa. Natigilan ako sa pagkain ng popsicle. Baka kung anong iniisip ng babaeng 'yon dahil sa nagawa ko? Baka crush na n'ya ako! Masyado ba akong pa-fall? Naloko na! Baka hindi na s'ya makatulog kakaisip sa 'kin. Eunjean's POV : Bakit kaya ako pinatawag ni Mr. Morris dito sa bago n'yang office. Hindi ko tuloy ma-feel 'tong ganda ng sofa n'ya. Nakita n'ya siguro sa CCTV na ginagalaw ko ‘yong database. Lagot. Kick out na ba 'ko? Magmamaangmaangan ba 'ko o aamin agad? May mga pulis na kaya s'yang kasama o hahayaan lang ako ni Sir na sumuko sa presinto? HINDI! Magpapakalayo-layo na lang ako. Magpapalit ng pangalan, magpapalago ng buhok at magpapatubo ng bigote tapos titira kasama ng mga tribo sa bundok para hindi ako matunton ng mga autoridad. Kailangan ko nang umalis at mag-impake. "Good Morning Ms. Vargas." Huli na ang lahat. Dumating na si Sir, pa'no na ang plano kong tumira kasama ng mga tribo? "G-good morning din po, Sir." "Please have a seat." Nginitian ako ni Sir. Magkaiba sila ng ngiti ng anak n'ya, kasi mas charming ‘yong ngiti ni~ ay ano bang pumapasok sa isip mo, Eunjean? "Thank you po, Sir. Bakit n'yo po pala ako pinatawag?" Biglang naging seryoso ang muka ni Sir. Sweating mode na ako! "Tungkol sana kay Lavi Cervantes." Lagot. Anong alibi ang sasabihin ko na tatanggapin sa korte? "Napansin ko kasi na medyo nagkakausap kayo ng batang ‘yong. Ayoko namang manghimasok sa private life n'yo pero gusto ko sanang humingi sa'yo ng pabor." "Ah eh ‘yong po ba ‘yong pag-uusapan natin Sir?" "Oo." "Wala pong tungkol sa CCTV?" "Wala?" Nakahinga rin ako ng maluwag. Wala pala akong dapat ipag-alala kasi hindi niri-review ni Sir ang cctv nila. "Anong pabor po ‘yong?" nakangiti kong tanong. "Ayoko kasing umabot sa point na ma-kick-out s'ya dito sa school dahil sa kalokohan n'ya. Kung may chance na tumino s'ya dahil sa'yo mas pabor ‘yong sa lahat diba?" Ayoko manghimasok sa problema nilang mag-ama pero ngayon napaisip ako. Bakit itinatago ni Sir na anak n'ya si Zeta-Roma at bakit nagrerebelde ang anak n'ya sa kanya? Lumabas ako sa office ni Sir matapos ang halos isang oras na pag uusap. Teka! Hindi ko pala nasabi kay Sir na hindi kami totoong close ng anak n'ya! *** Lavi's POV : Teka? Sino 'tong kasama ni Stef sa canteen sa pwesto namin? Kung makadikit sa kaibigan ko parang palaka. Umupo ako sa pwesto ng hari. Pinagmasdan ko ‘yong babaeng katabi ni Stef. Mukang maarte. Ayoko sa maarteng babae. "Lavi, si Elisha. Elisha s'ya si Lavi," masyadong formal ang pagpapakilala ni Stef. Ang korni. "Hi," bati sa'kin ng babae. Saan ba 'to napulot ni Stef? Bahala s'ya. I don't talk to strangers. Hindi ko s'ya pinansin. Kinain ko ‘yong dalang pagkain ni Stef. Cookies? Hmmmmm masarap. "Si Elisha ang nag-bake n'yan." Matabang. Kulang sa asukal. Ibinalik ko ‘yong cookies at tinitigan ko ulit ‘yong babae. Kinakausap ko si Stef na kunwari hindi namin kasama ‘yong babae. Pero laging inaagaw ng maarteng babae ang atensyon ni Stef sa'kin. Ano? Invisible ako dito? Ito namang si Stef hindi na ko pinapansin, panay na lang ang titig sa katabi n'ya, nakakairita. Sino ba 'tong babaeng 'to at inaagaw n'ya sa akin ang best friend ko? Umakyat kaya ako sa mesa at umupo sa pagitan nila? Good ide~ "Lavi Class 4B rin si Elisha. Classmate n'ya si Ms.President." Naudlot ang balak ko sa sinabi ni Stef. Classmate ng palakang 'to si President? "Close kayo ng President?" usisa ko sa babaeng lumilinggis sa braso ni Stef. Muka s'yang palakang dikit na kapit na kapit sa kaibigan ko. "Okay lang naman, kinakausap n'ya 'ko pero hindi kami masyadong close~" "~Stef kumusta na nga pala ‘yong alaga mong pou? Sa'kin adult na. Level 26 na 'ko," hindi ko na s'ya pinansin ulit, hindi pala sila close ni president eh. Useless sya. Nakakatawa ‘yong muka nya. Ano? Napahiya ka noh? Nakakawala lang ng gana kumain ang muka n'ya. Makalayas na nga. Pupunta na lang ako sa open field na may malaking talisay at may magandang matutulugan. Presko doon. Teka si President nandoon din. Last time kaming nagkita eh ‘yong sa haunted house. Lapitan ko nga. Para naman sumaya s'ya kasi alam ko namang crush n'ya ako. May dalawa s'yang lalaking kasama. Pinakinggan ko muna silang tatlo ng mga kasama n'ya, mukang gumagawa sila ng assignment. "Baduday, Ano nga ulit ang past tense ng teach?" tanong nung lalakeng may pulang ribbon sa ulo. "Ano ka ba edi teached. Lagyan mo ang ng -ed sa dulo," wow ang galing ni president huh. Confident s'ya sa mali n'yang sagot, tinuruan n'ya pa ng ka-engotan ang mga kasama n'ya. "Eh ang past tense ng bring? Bringed? Uy baduduay malapit na ang concert ni GDragon. pupunta tayo diba?" sabat naman nung isang lalake na may headband na parang crown. "Hindi ko alam kung papayagan ako nina Mama." Siguro gumagawa sila ng comedy show, comedy show ng kabobohan. Pero wala naman silang audience. Ako lang. "Sure kayo? Parang mali baduday eh, tsaka walang word na bringed chuchay. 'Wag kang mag-imbento." Sumasakit na ang tyan ko sa pagpipigil ng tawa. Teka sino si Baduday? Makapasok na nga sa eksena. Pagkakita sa'kin ni president, di mo malaman ang reaksyon n'ya, bakit namumula ang muka nya? Crush n'ya talaga ako. Sigurado na ako ngayon. Itinago n'ya pa ‘yong muka n'ya sa notebook, sige pagkasyahin mo muka mo d'yan.‘Yong may ribbon na red, pamilyar sa'kin eh. Ay oo sya nga ‘yong. Gusto n'ya daw ako makasama habang buhay. ‘Yong may headband na may crown, mukang takot na takot nang makita ako. Hinablot ko ‘yong notebook ni president at binasa. Grade school pa lang tinuturo na 'to eh bakit puro mali ang sagot nya? "Ibalik mo nga ang notebook ko!" Pa'no ba s'ya naging president ng student council? Binunot lang na parang raffle draw tapos kung sino ang manalo magiging bagong president? Inihagis ko pabalik sa kanya ‘yong notebook at pinagtawanan s'ya. Mukang napipikon na, malapit na 'tong umiyak. "Nagbayad ka ba ng malaki kaya ka nanalong president? Wala kang tinamaan sa mga tanong huh. Ang laking engot mo naman." iiyak na yan, iiyak na, t-teka, nag-walk out. Akala n'ya ba susundan ko s'ya? Akala mo hahabol ako? "Hoy teka! Ano ba! Bakit mo ko nilayasan!" Ang bilis n'yang maglakad, parang hindi n'ya 'ko naririnig ah, nahawakan ko rin ‘yong braso n'ya at iniharap ko sa'kin. Namumula ‘yong mata n'ya. "TIGILAN MO NGA 'KO!" Hindi n'ya 'ko tinitingan. Namumula na talaga ‘yong mata n'ya. "Ano ba talaga tingin mo sa'kin huh playmate mo? Kapag bored ka pwede mo kong puntahan at paglaruan." Bigla akong nainis sa sinabi n'ya, gusto kong pitikin ang noo n'ya sa inis pero ang nagawa ko lang ay tingnan s'ya. Umiiyak na s'ya ngayon. Bakit ako nagpapaiyak ng babae? Bigla ko na lang naalala si mama. Hindi ko namalayan na nagiging halimaw na rin pala ako. Ayokong maging katulad ng tatay ko. Hinigpitan ko ‘yong pagkakahawak ko sa braso n'ya, kailangan kong linawin na hindi ‘yong ang intensyon ko at hindi ako ganung tao—teka? Para saan? Bakit ko gagawin ‘yong para sa kanya? "Aray." Hindi ko namalayan na nasasaktan ko s'ya sa ginagawa kong paghawak nang mahigpit, kaya tinanggal ko ‘yong kamay ko at tuluyan s'yang nakalayo sa'kin. Wala akong paki-elam kung anong iisipin n'ya. Sino ba s'ya? Badtrip. Makauwi na na lang. Magaling. Nakikita ko ang kotse ng pangit na ‘yong papasok ng Oxbridge, asar, hindi na ko makakaliko dahil obvious na iniiwasan ko s'ya. Kahit ayokong makita ang pagmumuka n'ya ayokong umatras. "Lavi," pagkababang-pagkababa n'ya tinawag n'ya ako agad na parang may importante s'yang sasabihin. "Pwede ba tayong mag-usap?" "Ayoko makipag-usap sa 'yo," umiral na naman ang pagiging bastos ko kaya kahit nagsasalita pa s'ya umalis na ako. Ayokong naririnig ang boses n'ya. *** One week ko nang hindi kinakausap si president. Miss na kaya nya 'ko? Baliw ba 'ko? Bakit ko iniisip ‘yong, oo, alam kong miss n'ya 'ko pero suplado type ako kaya I don't care. Nasa bench s’ya at tulala sa langit, nag-aabang na naman ng wishing star? Tanghali pa lang kaya. Excited naman. Lalapitan ko na nga. Lilinawin ko lang. Wala akong balak mag-sorry sa ginawa ko dahil in the first place hindi ko s'ya lalaitin kung tama ang mga sagot n'ya sa assignment. Gusto ko lang s'yang asarin ngayon. ‘yong lang at ‘yong lang. Period. Tsaka, alam kong miss na n'ya ko. Ayoko na s'yang mahirapan. Malapitan na nga— Kaso, bago pa ko makalabas dito sa tinataguan ko may biglang dumating at lumapit kay president. Bakit kinakausap ni Stef si pres? Kailan pa sila naging close? Habang pinapanood ko sila mula rito sa tinataguan ko medyo naririnig ko ang pinag-uusapan nila kahit mahina lang. "Hi Ms. President?" Kung makabati naman si Stef, close ata talaga sila, "Uy kumusta naman, wala kang klase?" "Araw-araw naman akong walang klase eh." "Next time kakaladkarin na kita sa office. Nakalimutan mo bang ako ang president ng student council?" Aba, close nga sila. Teka? Hinaplos n'ya ‘yong ulo ng president. Ganun s'ya maghaplos sa ulo ng mga pusa. Siguro pusa ang tingin n'ya kay president? Nadidiri na kong panoorin sila. Ang isang matalinong leader ng Zeta-Roma, makakaisip ng magandang plano sa mga ganitong sitwasyon tulad nito. *** Eunjean's POV : Bigla ko tuloy naalala si Zeta-Roma, isang linggo ko na s'yang hindi nakikita. Mabuti ‘yong para wala na kong sakit ng ulo. One week na ring payapa ang buhay ko. Umiyak ako sa harap n'ya noon. Bakit ba kasi ako affected nung nilait n'ya 'ko, erase, erase. Ayoko nang alalahanin ‘yong. Napahiya ako. Wala ako sa sarili habang kinakausap ni Stefan. "Meooooow, meiowww." "Uy pusa, wait lang Ms. President huh, baka ‘yong na ‘yong pusang hinahanap ko." Iniwan ako ni Stefan para hanapin ang pusa. Back to my tulala mode. Sarap ng hangin dito. Nakakawala ng pagod at problema. "Yan ba ngayon ang assignment mo? Tumulala?" Pamilyar ‘yong boses. Pamilyar ‘yong panglalait. Paglingon ko, si Zeta-Roma nga. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko, pinaiyak n'ya 'ko last time at bago pa ‘yong niyakap n'ya 'ko sa haunted house dahil sa takot sa pusa. Kung tutuusin, ang dami n'yang atraso sa'kin. Umupo s'ya sa tabi ko at tiningnan ako na parang wala s'yang ginawa sa'kin, bored na naman siguro sya. Sabagay mahaba na ‘yong one week. Kailangan na naman n'ya ng kalaro. Kailangan na naman n'ya 'ko. "Minsan may silbi rin pala ang pusa," may binubulong-bulong s'ya habang nakangiti, "Hindi pa rin magaling ang kamay mo? Tara may pupuntahan tayo." Dinala nya 'ko sa convenience store na malapit sa school. Bakit ako sumama sa kanya? Hindi naman ako sumagot ng OO pero naisama n'ya ko dito dahil sa isang ngiti lang? Napaka-hina mo Eunjean, pagkakatuwaan ka na naman n'ya mamaya at uuwi ka na namang umiiyak. Nakaupo ako dito habang s'ya nagbabayad sa counter ng kung ano. "Stress ball, gamitin mo sa kamay mo. Tanggalin mo na ng yang benda, magaling na yan eh. Takot ka lang igalaw." "Anong gagawin ko dito?" "Subukan mong kausapin, engot. Syempre i-squeeze mo sa kamay mong nabalian." May engot pa kong narinig. Hindi pa rin ako sanay sa kanya. Bakit ba 'ko naaapektuhaan masyado sa mga sinasabi n'ya. Umalis ulit sya at may binayaran sa counter at pagbalik nga— "Kainin mo." May iniabot s'yang ice pop na green apple flavor. Binibigyan n'ya ba 'ko? Tumabi s'ya sa akin na kumakain nang tulad ng ibinigay n'ya. "Hindi ibig sabihin nito, close na tayo. I have to clear something kaya kita kinakausap ngayon. First, it's an accident nang mayakap kita sa haunted house. I admit, takot ako sa pusa at ‘yong ang dahilan nun. Second, hindi ako bored kaya kita pinagti-tripan if ‘yong ang term mo para dun. May ibang term ako para dun eh, ENJOY." Enjoy? Paanong enjoy? Enjoy akong paglarun? Enjoy akong asarin at pagkatuwaan? o Enjoy akong kasama? Hay Eunjean bakit ka ba kasi pinanganak na slow? "Enjoy? Enjoy kang paglaruan ako?" gusto ko malinaw para hindi ako maguluhan sa sagot n'ya. Nabilaukan ata s'ya sa sinabi ko. "What? Who do you think you are? My personal toy? Makaalis ma nga bago pa 'ko mahawa ng ka-slow-an ng utak mo. Back to normal, okay? Manggugulo ako, huhulihin mo 'ko. I miss that routine kaya 'wag nating itigil ‘yong." Umalis agad s'ya. Isa lang ang malinaw. Playmate pa rin n'ya 'ko. *** Lavi's POV : Pagbalik ko sa school matapos naming mag-usap ni president, nasalubong ko si, si, sino nga 'tong maarteng'to? Hindi kami close para batiin sya pero — "Nakita mo si Stefan?" Feeling close s'ya agad, tinanong n'ya pa 'ko? Si Stef nga hindi ko mino-monitor kung saan nagpupunta tapos s'ya na kakakilala lang 'kala mo pagmamay-ari n'ya ang kaibigan ko. "Ilang taon ka na?" tanong ko. "Bakit mo naitanong? 16 years old na ako." "At sa eded mo na yan nakikipagharutan ka na sa mas matanda sa'yo nang 8 years? Ang bata mo pa para kay Stef." "What? Do you mean 24 years old na sya? Pa'no nangyari ‘yong?" Ay anak ng— bakit ang daldal ko? Well at least alam na n'ya ngayon at titigilan na n'ya si Stef. "Uy Eunjean, saan ka galing? Hinahanap ka ni Dominie," tawag ng maarteng babaeng ‘yong sa likuran ko. Di ko alam kung bakit napalunok ako nang malaman ko na nasa likod lang pala namin ang president. Hindi nga ko makalingon eh. Teka? Ano bang iniisip ko? Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si president. Tinitingnan n'ya 'ko, hindi ko alam kung pa'no ii-explain ang muka n'ya. Tapos bigla s'yang umiwas ng tingin. Nagseselos ata s'ya sa tingin ko. Sabihin ko kayang wala kaming something ng palakang 'yon? Para hindi s'ya mag-isip ng kung ano? *** Sa loob ng kotse, "Totoo ba ‘yong Stef? 24 ka na?" "Totoo what's the big issue? That I'm dating a minor?" "So we're really dating? Stefan talaga, you make me blush." "So tell me, anong movie ba ang gusto mong panoorin?" "Ang drama n’yong dalawa. Hello? Naririnig ko kaya. May kasama kaya kayo sa kotse? Nasa backseat ako kung hindi n'yo napapansin," badtrip! Pwede na mag-usap na lang kayo ng personal pagbaba ko, nakakarimarim pakinggan. Hindi ako nanghihimasok sa dalawang ‘yong. Hindi ako ganung tao noh. Ang gusto ko lang naman, maghiwalay sila. Ayoko sa babaeng ‘yong para sa kaibigan ko. Walang mahabang explanation. "Pakibaba na lang ako dyan sa may Glorietta 1, Stef." "Bili mo naman ako ng libro sa bookstore. The Timekeeper by Mitch Albom. Babayaran na lang kita mamaya," bilin ni Stef. "Ano ka ba, malayo ang bookstore," reklamo ko agad, dadaan pa 'ko dun? "Hindi ah, malapit lang. Katabi lang ng cache-cache, pagpasok mo lang dyan sa entrance." Gumatong pa ‘yong maarte, lalo tuloy akong hindi nakatanggi kay Stef. "Thank you ah. Madalas ka sigurong makipagkita kung kani-kanino dito," sarkastiko kong sabi sa kanya. *** Hindi talaga ako mahilig pumasok sa bookstore, nahihilo agad ako. Hindi ko kasi makita kung nasaan ‘yong hinahanap ko. Magtatanong na nga lang ako. Lumapit ako sa customer service para magtanong, "Miss saang section ‘yong books ni Mitch Albom?" Okay, hindi n'ya 'ko pinansin. Busy maraming customer ang nagtatanong. Tamad rin siguro maghanap gaya ko. Ayoko sa bookstore kasi nakakasilaw at pangalawa, ayokong pumila. Noong tapos na ang mga nagtatanong at ako naman ang magpapa-assist, may dumating na nakapulang uniform at pumalit sa customer service. "Sige na, Neng, mag-break ka na, wala kang reliever, absent kasi. Ako na lang muna dito," pakikipag-usap n'ya. "Sa inyo po Sir?" ngumiti s'ya sa akin, namukaan n'ya 'ko. "Good Afternoon po," bati ko. Tulad ng dati, ang sweet ng ngiti n'ya sa'kin gaya noong nasa bahay nila ako. "Anong ini-inquire mo?" "Ah eh ‘yong ano po. Timekeeper po by Mitch Albom." Umalis s'ya sa pwesto at kinuha ang libro ko para sakin, pag-abot n'ya, nakangiti pa rin s'ya. "Magkaibigan kayo ni Eunjean diba? Wala ba naman s'yang kalokohang ginagawa sa school? Kagagaling n'ya lang dito, siguro pauwi na ‘yong." Ang totoo talaga, ako ang may ginagawang kalokohan sa anak nila. Assistant Manager pala ang Mama ni president dito sa bookstore. Nasilip ko kasi ‘yong ID n'ya. "H-hindi po s'ya magulo sa school," kasi ako po ang magulo dun. Umakyat ako sa second floor ng bookstore, may third floor pa nga eh pero tamad na kong umakyat. Naagaw ang atensyon ko ng isang yellow star na post-it. Nakipagtitigan ako sa star na ‘yon. Bibilhin ba kita o hindi? Syempre hindi. Ano namang silbi n'yan sa'kin? Ignore. Mukang nagpapacute s'ya na bilhin ko. Asa ka pa. Makalayas na nga. Pumila ako para magbayad na pinaka-ayokong ginagawa, hawak ko na ‘yong libro ni Stef at ‘yong star na post-it. Nagpaalam ako sa Mama ni president. Haaay ang galang ko naman. Naalala ko tuloy ‘yong masarap na luto ng Mama ni president tsaka ‘yong muntik na 'kong magulpi ng Papa n'ya. Natatawa ako kapag naaalala ko ‘yong. Ang swerte ni president, may mama at papa pa s'ya. Nag-aabang ako ng bus dahil hindi ko na ma-contact si Stef. Nagsisimula na siguro ‘yong pinapanood nila sa sine at wala akong balak maghintay sa dalawang ‘yong. Pagsakay ko, nakita ko s'ya. S'ya ulit? Small world talaga oh. Baka totoo ‘yong sinasabi ni Stef na destiny 'to? Ay ano bang pinagsasabi ko! Wala s'yang katabi, maluwag pa ang bus. Ano bang iniisip ko? Tabihan s'ya? No way. Masyado na akong mabait kapag ginawa ko 'yon. Hinahayaan ko na nga s'yang maging crush ako eh. May umakyat na mukang maniac at tumingin kay president. May balak atang tumabi sa kanya. Inunahan ko nga. Magkatabi na tuloy kami ngayon. Tulog na tulog s'ya, wala tuloy s'yang kamalay-malay na katabi n'ya ngayon ang crush n'ya. Kaawa-awa. Bakit ko pinapanood ang pagtulog n'ya? Pambihira, naka-uniform pa s'ya? Mukang pagod na pagod, ‘yong buhok n'yang lagpas balikat nakasabog sa muka n'ya. Naka-make up ba s'ya? Ang pula ng labi n'ya eh, ahh hindi, natural ata. Labi n'ya tinitingnan ko? Tumingi na lang ako sa unahan. Kalma. Kalma. Kalma. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Itutok ko kaya sa'kin ‘yong aircon. Hindi ako sanay na ganito ako. Napatingin ulit ako kay president at parang baliw akong napangiti. *** Eunjean's POV : Hala naka-idlip pala ako. Buti hindi ako lumagpas sa bababaan ko. Teka? Ano ba 'to? MAY STAR SA NOO KO. Kinuha ko ‘yong papel na star na nakadikit sa noo ko. Post-it na star? Wow ang cute naman. May naka-note pa. "Ang pangit mo matulog."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD