Lavi's POV Pagbalik ko sa London nagpunta ako agad sa kwarto ni Grand Ma, nakaratay na s'ya sa kama at hirap na hirap. Ang lola ko na sobrang makapangyarihan at kinakatakutan ng lahat ay nakaratay na lang sa kama at naghihintay ng mga huling oras n’ya. "Nakipagkita ka na naman sa batang 'yon?" tanong n'ya na nanghihina. Kahit anong mangyari ata kokontrahin n'ya pa rin lahat ng gagawin ko. Wala s’yang pakielam kung malungkot ako o magdusa sa pag-isa basta ang mahalaga lang sa kanya ay ang kumpanya. "'Wag n'yo na pong aksayahin ang oras n'yo kung tungkol yan sa personal kong buhay." Itinuro n'ya ang mesa n'ya kaya napatingin ako. Hindi pa rin s'ya nagbago. Picture ko na naman 'to kasama si Eunjean sa Pilipinas nito lang. "Hindi ba talaga kita mapapakiusapang tigilan ang batang 'yon? I

