“HINDI ko gustong nakikitang kang umiiyak, Ayla. But I guess, there's nothing I can do to take away the pain.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at lalo lang akong napaiyak at niyakap siya nang mahigpit. Sinuklian niya rin ako ng yakap. Hindi ko talaga mapigilan ang mapahagulgol sa iyak. Sa ngayon si Res na lang ang nananatiling nakakaintindi sa akin. Pakiramdam ko siya lang ang hindi galit sa akin. Silang lahat, hindi na nagre-reach out sa akin. Iniiwasan ko sila pero ineexpect ko pa rin namang mag-reach out sila. Magkaibigan kami, ‘di ba? Hindi lang basta magkaibigan, matatalik na magkaibigan pero hindi ko alam bakit ganoon. Siguro nagsawa na rin silang maging kaibigan ako. Lalo na si Zyl. “Shh...tahan na. Stop crying,” alo ni Res. “Res, hi-hindi ko naman si-sinasad-ya.

