"ZYL, sabihin mo sa akin. Paanong nangyari na nabuhay ka?" tanong ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko alam kung ano ang kasagutan. Naguguluhan ako at nalilito. Bakit hindi? Kitang-kita ko ang pagkawala ng buhay ni Zyl sa harap ko mismo. Hindi ko alam paanong nangyari 'yon maliban na lang kung... "Ayla, what's important is nandito ako, nandito ka. We're safe." "Pero..." "Hindi mo ba alam na nag-alala ako sa ‘yo nang malaman kung nasa mundo ka ng mga engkanto?" Nabigla ako sa sinabi ni Zyl. "Paano mong nalaman ang tungkol doon?" "Alvadon told me." "Si Alvadon?!" bulalas ko, "paano kayong nagkakilala ni Alvadon?" "Nagpakita siya sa akin no'ng nawala ka sa pangkat nila." Hindi ako makapaniwala. Hinayaan ni Alvadon na may makakita sa kaniya maliban sa akin? "Noong pala

