NAKAKAINIS! Kanina pa sunod nang sunod ang mga taong ito sa akin ngunit hindi sila tumitigil. Parang hindi napapagod sa kakasunod! Naghanap ako nang malulusutan sa gubat na pamilyar sa akin ngunit nag-aaalinlangan ako. Dalawang bagay lang ang puwedeng mangyari sa akin, ang maabutan ng mga taong ito na kontrolado ng isang engkanto o papasok ako sa kasukalan at hindi ko alam ang mga bitag na para sa mga ligaw na hayop na naghihintay sa akin doon! Yes, nahalata ko na kinokontrol lang ang mga taong ito dahil hindi usual ang mga kilos nila. Parang mga wala sa sarili nila! Shit! Sa kawalan ng paraan ay nasipa ko ang malaking lata na nakakalat sa gitna ng kalsada. Gumawa iyon ng mahabang ingay dahil nagpagulong-gulong iyon sa semento. Napakunot-noo ako nang biglang napatigil sa paglalak

