NAKARINIG kami ng mahabang sipol. Alam naming dalawa ni Res na galing iyon kina Jim. Ibig sabihin no'n, trouble. "Bor, bumalik na tayo!" "Tara," sagot ni Res at lakad- takbo na kaming bumalik sa bahay nila ngunit ang tanging naabutan lang namin doon ay ang naiwang mga bote ng alak. "Nasaan sila?" takang tanong ni Res. "Hindi ko rin alam. Magkasama tayo, eh." "Tsk! Anak ng tokwa. Baka napa-trouble na ang mga 'yon. Sandali..." saad ni Res at tumahimik na parang may pinapakinggan. Sinundan ko lang siya ng tingin habang parang may hinahanap sa kung saan. "Bor, bakit?" "Parang may naririnig akong boses," sagot ni Res. Sinundan ko siya. "Marione!" bulalas niya kaya napasugod ako sa kinaroroonan niya sa may likod ng bahay ilang metro mula sa bahay nila. Naabutan ko siyang kinakala

