ANG BILIS lang dumaan ang mga araw, kasing bilis nang paglaki ng tiyan ko. Parang noong isang araw lang ay hindi ko pa ramdam ang pintig ng puso ng nasa sinapupunan ko pero ngayon, halos lahat ng galaw niya ay ramdam na ramdam ko na. Araw-araw ay nandito rin si Zyl at halos dito na tumira. Hindi siya pumapalya sa pag-aalaga sa akin at ginagawa niya ang lahat ng gusto ko. Buong lakas din niyang pinipigil ang sarili sa atraksyon niya sa batang nasa sinapupunan ko. Alam kong gusto ng mga aswang ang mga batang nasa sinapupunan pero humahanga ako kay Zyl dahil kahit minsan hindi niya nababanggit sa akin ang tungkol do'n. Kahit nahahalata ko minsan ang reaksyon niya kapag napapatingin sa tiyan ko. Minsan nga ay bigla na lang siyang lumalayo sa akin. Naiintindihan ko ang ginagawa niya dahil a

